Chapter 1

Close To Me
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

* * * * *

 

Bumungad sakin ang magandang mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin kaya nakatitig lang ako. Pero saglit lang iyon dahil napansin ko ang kamay niyang kumakaway sa akin.

"Are you okay?" She said, still waving her hand.

Tumango lang ako sa kanya.

"Good, akala ko kung napano kana. I have to go." Iyon lang at nakatingin lang ako sa papalayo niyang imahe.

Hindi ko alam kung bakit, pero ang ganda niya. Para siyang si Mama Mary, hindi ko aakalain na nag-eexist siya. Saglit lang ng maalala ko na late na pala ako. Kaya dali-dali akong tumayo at lakad-takbong umakyat sa hagdan ng building.

Nang makapasok sa loob ay bagsak ang balikat ko dahil tapos na ang presentation. Bumuntong hininga ako habang tinutungo ang aking upuan.

"Late kana naman." Iyon lang ang sinabi ng katabi ko.

Napasandal ako sa aking upuan, tumingala at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko lubos maisip na ikatlong beses ko nang ginawa ito. Ano na lang ang grado ko sa subject na iyon. Napapaisip na lang ako kung ganun ba ako na late or mabilis lang talaga ang teacher na iyon.

Napatigil ako sa pag-iisip at napatingin sa mga kaklaseng maingay. Narinig ko kasi na paparating na raw iyong bagong teacher. Nakita kong sumilip ang isa sa pintuan at agad na sumigaw na paparating na. 

Lahat kami ay nagsi-ayos ng upo bago pa siya makapasok. Ako naman ay inaayos ang gamit. Saglit lang iyon ng marinig ko ang boses niya.

"Good Morning class. Ako nga pala ang bago niyong substitute sa subject na ito." Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mga mata. Dahil siya iyong Mama Mary na nakita ko kanina.

"I'm Miss Sancho... Ellie Mariz Sancho." Narinig ko ang galak ng mga kaklase ko.

Ilang oras ang nakalipas ay natapos na rin ang klase namin sa kanya. Pumunta ako ng Food Court para mag-agahan. 

Nang makalapit ako sa pintuan ay napansin ko agad si Miss Sancho. Nasa harap siya ng Coffee Vendo, mukhang naghahanap ng masarap na kape.

Nilapitan ko siya at napalingon naman siya sa akin.

"Late kana naman kanina?" May halong inis ang boses niya. Tumingin siya ulit sa Vendo Machine.

"Sorry. Binangga mo kasi ako kanina kaya na late ako." I heard her sigh. I know kasalanan ko rin naman.

"Maui... you really need to focus. Isang sem na lang ggraduate kana." Sabi pa niya habang ako naman ay napapatango na lang.

"I'm trying, bab-" She shush me instantly.

"Not here you know the rules. Gusto mo bang patalsikin ako sa unang araw ko kapag may nakarinig sa atin." Nakita kong napatingin siya sa relo niya bago bumaling sakin.

"Ilag minuto na lang at next subject mo na. Mag-agahan kana at need ko pang bumalik sa faculty room." Tumango ako at siya naman ay kinuha na ang kape sa Vendo Machine.

"See

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ohhjever
Hope you like it. :3

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet