fake

paghinga/winrina
Please Subscribe to read the full chapter

And I swear nobody else can make me feel like you do
You got the soul of me, like it’s control of me, like you play the rule do
When you smile, feeling butterfly, so…. on mind
I could see the real you, only full of sky…
You’re running to my mind
I’m being honest, you ain’t another, no other options..

 

Mabilis naman yung naging biyahe namin papunta sa bahay ni Chaeyeon sa vermont lang naman din kasi yung bahay nila medyo nagtaka nga lang ako dahil kadalasan sa gantong oras palaging traffic sa masinag, pero yung naging biyahe naman namin ay mga 20 minutes lang ata ang tinagal bago kami nakarating.

 

Nag-message rin si Chaeyeon kanina kay Karina kung saan siya pwedeng mag-park dahil hindi daw pwedeng mag-park ngayon sa tapat ng bahay nila, marami rin daw kasi siyang bisita. Malapit lang naman yung parking sa bahay isang liko lang makikita mo na yung three-storey house nila. Ngayon palang ako makakapunta dito sa bahay nila kaya medyo nagulat din ako sa laki ng bahay pero alam ko naman na mayaman sila ngayon ko lang talaga naexperience. Hindi kasi ako suma-sama pag minsan inaaya niya kaming magkakaibigan.

 

Pagkapasok naman namin sa gate bumungad samin ang malakas na music na nang-gagaling sa likod ng bahay nila. Bigla rin namang may tumawag kay Karina na babae na sobrang kamukha ni Chaeyeon akala ko nga nung una siya si Chaeyeon pero medyo malumanay kasi ito compare dun. Sobrang likot at ingay kasi nun na sobrang different sa babaeng kaharap namin.

 

"Hi Chaer! Where's Chae?" Nakangiting tanong ni Karina sa babae.

 

Pinasadahan niya lamang kami ng tingin ni Karina bago sumagot.

 

"Nasa likod po sila ate diretso na kayo dun" sagot naman niya at nagpaalam na rin samin.

 

Susunduin niya daw yung friend niya sa guard house hindi raw kasi alam yung way papunta dito sa bahay nila. Kami naman ay dumiretso na sa likod bahay nila na dumaan sa may gilid. Sobrang lawak lang din ng backyard nila halatang gamit talaga nila ito para sa mga occasions gaya nito.

 

Nilibot ko naman ang mga mata ko sa mga tao at naghanap ng mga kakilala may ilan akong namumukhaan pero wala akong kilala sa mga ito.

 

Nakita ko naman si Ning na kumakaway samin kaya tinuro ko ito kay Karina. Dumiretso narin kami sa table ng friends namin

 

Hindi pa kami nakakaupo nagsalita na agad si G kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko nga siyang sobrang nakasimangot.

 

"Why're u guys so tagal" Irap niyang tanong pero kay Karina lang naman ang mata hindi manlang ako nito pinasadahan ng tingin.

 

Yung space nalang na pwedeng upuan ay yung sa tabi ni giselle at katabi ni ryujin. Kaya minabuti ko nalang rin umupo sa tabi ni ryujin at katapat ko naman si renjun na nakangiti lang samin.

 

"Sorry G we overslept" narinig kong sagot ni Karina kay giselle tapos tinabihan niya ito.

 

"Kanina pa yan bad mood, nasungitan niya pa nga si birthday girl." biglang singit naman ni Ryujin na natatawa.

 

Pinasadahan ko naman siya ng tingin ng magsalita ito busy siyang nilalantakan yung nachos na nasa table habang nasa harap niya yung bote ng smirnoff. Nakakailang bote na rin sila marami na rin kasing  bote na walang laman sa gitna ng lamesa may ilan ding mga snacks tulad nung kinakain ni Ryujin na nachos.

 

"Shut up Rj" pagsusungit ni Giselle dito tapos bumaling na kay karina, hindi ko na lang rin pinansin yung pinag-uusapan nila about dun sa isang kaibigan nila sa benilde. Nabusy kasi akong tumingin sa paligid marami nga talagang bisita si Chaeyeon karamihan dito CBA din katulad namin kadepartment rin kasi namin tong si Chaeyeon pero sa ibang block siya. At yung ilang mga ACPA members rin na pakalat-kalat, tapos may nakita rin akong ibang tourism students. Marami kasi talagang sikat na tourism sa campus. Tapos yung ibang mukha hindi ko na talaga kilala 

 

Bigla namang tumayo si Ning tapos tumingin sa amin ni Karina at nagtanong kung ano daw yung gusto naming inumin dahil pupunta daw siyang bar station. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya dahil hindi talaga ugali  ni Ning yung ganito,  yang babaeng yan ay mahadera gusto niya siya ang pinagsisilbihan kahit nga ata lumuha ka ng dugo sa harapan niya hindi ka niya paglilingkuran. Kaya hinuhuli ko ng tingin yung mga mata niya pero ang bruha nakikipagtitigan lang din sakin hindi ko nalang din inusisa.

 

Narinig naman niya sumagot si Karina na beer lang daw muna siya ngayon at ako naman nagrequest lang ng soda or juice, inirapan niya lang ako at umalis na.

 

Malakas padin talaga ang ingay ng mga tao kaya inilibot ko nalang ulit yung mata ko sa paligid. Hinahanap ko rin kasi yung buffet table dahil nagugutom na ako dahil last na kain ko pa ay yung kaninang brunch ko tapos yung fries at peach mango pie, kumakalam na yung sikmura ko. Nakita ko naman yung birthday girl na naglalakad papunta sa table namin kaya inihinto ko na ang paghahanap sa mga pagkain.

"Hey guys!" Malakas niyang bati sa amin maingay kasi talaga to ako yung nauubusan ng energy sa kanya. Nasanay nalang din ako araw-araw ko ba naman siya nakikita sa campus.

Binalik naman namin yung bati sa kanya at bumati na rin ako ng happy birthday nginitian niya naman ako pabalik at nagpasalamat tapos bumaling na siya kay Karina. Hindi ko na rin pinansin yung pag-uusap nila dahil busy ulit ako maghanap ng pagkain hindi ko kasi mahanap ng maayos dahil maraming tao ang nagpakalat kalat tapos medyo kumpulan pa.

 

Nung hindi ko parin talaga ito mahanap nagtanong na ako dito sa katabi ko na busy sa phone niya.

 

"Rj san yung foods?" binulong ko lang naman dahil medyo nahiya akong baka marinig ito ni Chaeyeon na busy makipag-chikahan kay Karina at Giselle.

 

Tinuro naman niya saakin ito. Nasa bandang pinto pala to nung bahay kaya pala hindi ko to makita kanina ang dami kasi ng taong nakatambay dito. Aayain ko na sana si Rj  na samahan ako ng dumating si Ning dala yung mga drinks na nirequest namin kanina. Pagkabigay niya nito samin umalis din siya agad sabi niya kasi may nakita siyang gwapo at aawrahan niya lang sabi lang namin sa kanya sige gora.  Matapos niya rin na magpaalam narinig kong nagsalita si Chaeyeon.

 

"Guys sabi pala ni Eunbi mag-isang buong table nalang daw tayo maya-maya kapag nagsi-uwian na yung iba."

 

Si Eunbi yung leader nila sa ACPA na jowa rin nitong si Chaeyeon sinabi lang din samin yan ni Karina. Ahead samin si Eunbi ng isang taon kaya hindi ko rin alam kung paano sila naging magjowa ni Chaeyeon pero feeling ko habang sumasayaw sila nagliligawan din sila. Nung pinagchichikahan kasi nila Ning yan hindi ako nakikinig busy ata ako nun maglaro kaya hindi ko knows ang happenings. Pero they look good together naman kaya mabuhay sila at ang mga bakla!.

 

After din nun sinabihan nya kami na wag daw kaming mahihiya kumuha ng drinks at food tapos umalis na rin siya. Bumalik naman sa chikahan yung dalawa after umalis ni Chaeyeon.

 

Nacurious naman ako kung bakit hindi ko parin nakikita si Mark sabi nila kasi kanina sa GC sasama  daw ito, pero hanggang ngayon hindi ko parin nakikita kahit ang anino niya kaya naisipan kong tanungin yung mga nauna.

 

"San si Mark?" 

 

Napatingin naman ako sa nanahimik na si Renjun ng siya ang sumagot. Hindi ko siya napansin kanina kaya medyo nagulat ako nung nagsalita siya akala ko kasi umalis na siya ng table nung walang nagsasalita kanina.

 

Tinawanan niya lang naman ako ng biglang lumaki yung mata ko noong napatingin ako sa kanya sabi niya lang rin hindi daw makakasunod si kumag dahil may biglaang lakad sila nung mga pinsan niya. 

 

"Pinsan ba talaga?" Nakataas na kilay kong tanong 

 

Mas lalo naman akong tinawanan nitong si Renjun tapos sabi niya pinsan daw talaga kasi nagsend rin daw ng picture kanina, kaya tumango nalang rin ako.

Napako naman yung tingin ko kay Karina na kanina pa pala kami tinitignan nitong kausap ko medyo nakangisi pa siya sakin ng magtama ang tingin namin. Hindi ko nalang rin napansing wala na sa tabi ko si Rj at wala na din si G sa tabi ni Karina. 

 

Tapos napansin ata ni Renjun yung kanina ko pa pagtingin sa pagkain doon sa buffet table kaya naisipan niyang itanong kung gusto ko na daw bang kumain at sasamahan niya ako. Mabilis ko namang hinanap yung mata ng best friend ko at ang bruha nakangiti lang ng malawak sa akin. 

 

"Ah.. hindi na sabay nalang kami ni Rina mamaya." nahihiya kong sagot kay Renjun .

 

"I'm not hungry yet. go na Ren help her na." malawak na ngiti niyang sabi kay Ren tapos bumaling sakin at kumindat. Abnormal!

 

Nakalimutan ko rin palang sabihan siya dun sa offer niyang tutulungan niya daw ako kay Renjun nakalimutan kong sabihin na hindi ako interasado kaya feeling ko ito ngayon yung tulong na sinasabi niya. Jusko naman masakit na nga siya sa ulo dadagdagan niya pa yung sakit ng ulo ko please lang Karina makaramdam ka.!

 

Wala na lang akong nagawa na sumunod kay Renjun dahil medyo nahiya rin akong pag-antayin siya kasi nakatayo na siya at hinihintay na lang akong sumunod sa kanya..

 

Nang makabalik naman kami sa table namin pagkatapos kumuha ng foods wala na yung mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
A4_chae
Sorry for madalang na update this week medyo sabaw lang po bawi ako this week tadtarin ko kayo ng updates labyu ol <3

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: yieeee, mag-uusap na silaaa 😭
iamriou_
1185 streak #2
Upvoted and subscribed. <3
yukimin
#3
Chapter 5: usap for real na ha may nag imissyou na eh nako bff g pabulong naman
yooji_____ #4
Chapter 5: mag first move is the key everyone hahahaha
dork_seulgi_k
887 streak #5
Chapter 5: yiieee gagi baka alam ni giselle na may gusto talaga si jimin kay winter hehe char
kwonjess13 #6
Chapter 5: ayan na mga bakla mag uusap na ung magbff in person!!! ang sus na ni g tas ang sus pa ni ning. ung totoo anumeron bakit ang sus ng mga tao. fishing ba si gi ng info about sa feelings ni winter kay karina? bakit biglang bait sya ha. at sino namang kalandian ni ning at blooming sya lately.....kilig malala sa dulo hmpf miss nyo na pala isat isa e di magpansinan na kayo!
yurielle
#7
ito na, babasahin ko na tlga...🥲 nakalimutan ko basahin noong nakaraang araw huhu
yukimin
#8
Chapter 4: ay hmm binakudan na pala dati?baka naman may effect ang kiss kaya umiwas👀
oofiee 1070 streak #9
Chapter 4: hala winter dapat matutunan mo ring magtext first-
renebae_joohyun #10
Chapter 4: jelly ace