fake

paghinga/winrina
Please Subscribe to read the full chapter

Naniniwala ba kayo sa cliche's?

 

Kung ako kasi ang tatanungin syempre hindi sobrang cringey kaya nun. Kaya pag may napapanood or nakikita akong ganun skip agad or di ako manunuod mas prefer ko ang horror or mysteries mas gumagana ang aking brains.

 

Sige imagine biglang may nagsabi sayo huminto ang takbo ng oras niya nung nakita niya ang kaniyang love of their life. Cringe diba? nakakaloka hindi ko kakayanin pag may nagsabi niyan sakin baka itakwil ko sila.

 

Tsaka anong hihinto ang oras..? hindi iyon totoo hindi hihinto ang oras dahil lang gusto mong lumandi, time is the only constant thing that is continously changing kaya hindi siya hihinto dahil lang nakita mong naglakad yung gusto mo sobrang cliche nun.

 

Meron pa nga yung butterflies daw sa tummy nila pag kinikilig. Bulate lang yan teh,,, hindi ka ata kasi napurga noong bata ka kaya ka parang may kabag. Huwag kayong malalandi!

 

 At syempre yung walang kamatayang your hands fits in mine like it's made just for me ng one direction. Idol ko kayo mga tsong pero sobrang cliche ng lyrics walang ganun!,, 

 

Hindi yan totoo! gawa gawa lamang iyon ng mga illuminati, patunay ako dyan dahil noong highschool ako nakapartner ko sa cariñosa yung crush ko at may hawakan kamay portion kami, tapos naalala ko lang yung lyrics na yan at kikiligin na sana ako kaso ang gaspang ng palad niya teh najirits ako kaya after non hindi ko na siya crush at hindi na rin ako naniwala sa ganyan.

 

Kaya kung ako hindi talaga ako fan ng cliche love stories or any romance at all kaya nung naisipan ni Karina na magpretend daw kaming maging magjowa nung isang araw wala lang talaga siya sakin. Chill kumbaga not a big deal.

 

Pero alam ko naman yung mga ganyan yung tipong fake date daw pero magkakatuluyan naman pala sa ending alam ko yon nagbabasa ako ng wattpad dati no. Pero yung samin parang di kasi seryoso nagjojoke time lang ata kami. 

 

As in para lang kasi siyang joke I mean wala naman kasing bago para parin kaming magkaibigan lang which is mas okay na rin naman, inannouce niya lang naman na magjowa na nga kami.

 

Syempre madaming nagreact ng negative. Sabi pa nila "magbestfriend pa magjojowaan naman pala", karamihan dun sa mga nagsabi is yung mga admirers niya na sobrang mga bitter. Pake ko sa kanila diba... bitter now iyak later charot!

 

Pero syempre mas madami yung positive yung reaction. 

 

Kasi daw cute namin magjowa,, nagulat nga ako nun kasi nasa pilipinas parin naman tayo diba?.. madami padin namang homophobic dito. Pero siguro nga kasi nasa 21st century na tayo mas marami ng open sa topic. Na nagpaganda rin ng mood ko pagkarinig ng support samin ni Karina dahil nga isa akong tagong biual. 


Yes opo tagong biual po... Nasa cabinet pa hindi pa lumalabas. Hindi pa kasi ako ready mag come out hindi parin alam ng mga friends ko to. Gaya ng sabi ko wala rin kasi talaga ako balak magjowa kaya hindi rin pa nailalabas preference ko.

 

Si Karina naman ay isang dakilang straight, sa kanya mismo nang galing yan. Kaya marami din talagang nagulat sa revelation namin kahapon, may naging jowa na kasi siyang guy nung shs kaya kilala siyang straight kahit pa madami siyang girls na admirers. Kahit ako nung una nagulat bakit ako yung inaya niyang maging jowa jowaan pero hindi ko nalang pinansin hindi rin kasi ako interested charot. Tyaka fake jowa jowaan lang naman wala namang kaso.

 

And mas interested ako sa makukuha kong benifit dito sa ginagawa namin, first of all makakatipid nanaman ako at makakaipon ako ng pangbili ng battle pass every season sa CODM. Hindi na rin masama maglalampungan lang naman kami sa harap ng mga tao at pag private na kaswal na kami. Hindi ko rin alam kung paanong lampungan gagawin namin actually kaya bahala na.

 

Naalala ko tuloy yung usapan namin bago magsimula lahat ng to.. 

 

 

 

 

 

 

"let's fake date"  bigla biglang sabi nitong katabi ko.

 

Don't get me wrong okay? hindi naman na kasi nakakagulat mga pinagsasabi nitong babaeng to may pagkarandom din kasi talaga siya, naalala ko nga last week lang nag-aya siyang mag tagaytay kami kasi nagcrave daw siya ng kape ang taray diba, tagaytay para sa kape sana nag 3 in 1 ka nalang teh. Hindi ako sumama kasi hello sobrang biglaan yun ayoko pa naman ng hindi planado ang lakad hindi ako sanay.

 

Tapos last month ata yon nag-aya siyang umattend ng anime convention pero hindi naman siya fan ng anime, pero atleast naenjoy ko naman kaya gora lang.

 

"Sana ok ka pa.." walang energy kong sagot medyo sanay na kasi talaga ako sa kung ano-anong pumapasok sa utak niya kaya nasasabayan ko na minsan. Minsan lang dahil hindi ko parin kasi siya keri kadalasan.

 

"No, seriously Win let's fake date.."  napatingin na ako sa kaniya sabay ayos ng worksheet na  binabasa ko.

 

Andito kasi kami ngayon sa library nagaaral ako para dun sa quiz namin later sa PE2 hindi naman talaga kailangan magreview dito dahil sobrang easy lang magpaquiz ni Ms. Bernardo. Pero gusto ko lang talaga magbasa basa, para sure nadin dahil may pagkanerd din kasi talaga ako, aminado naman.

 

Hinihintay din namin yung mga friends namin na dumaan nanaman ng starbucks para magkape, di ako sumama kasi mauubos nanaman allowance ko ngayong week.

 

Ewan ko ba din dun sa starbs napakamahal ng kape hindi worth it yung 180 pesos ko mag 3 in 1 nalang ako masarap din naman, ibagsak ang kapitalismo! Charot. Eto namang katapat ko ayaw niya daw magkape kaya nandito siya nakaupo lang habang nagpophone hindi naman rin nagrereview nanonood lang ata sa phone niya.

 

"Kung ano ano talaga pumapasok dyan sa utak mo Rina." sabi ko naman habang natatawa, tinignan ko naman siya at nakatitig lang siya sakin habang sobrang seryoso ng mukha kaya napatigil ako. 

 

"I'm serious Winter please help me." sabi niya habang nakapout na seryoso kaya di ko napigilan matawa sa kanya, sumitsit naman yung librarian samin kaya napatakip ako ng bibig sobrang sensitive naman po ni ate natawa lang naman ako.

 

Medyo malapit kasi kami dun sa librarian, dito ako pumwesto kanina dahil mas malakas yung hangin ng aircon dito. At ayoko dun sa lovers area daming naglalandian. Ganda sana yung pwesto dun tago pero tambayan ng mga shs na naglalampungan kaya wag na.

 

"Bakit ba?" tanong ko naman kaya nagseryoso na din ako dahil seryoso na din siya.

 

"I-I just want to get rid of everyone around me, sobrang  annoying na nila it's getting on my nerves already" sagot niya.

 

"And it'll help you if we fake date?..." tanong ko ulit dahil hindi pumapasok sa utak ko kung pano yun makakatulong sa sitwasyon niya.

 

Simula kasi talaga nung freshman kami habulin na siya ng mga manliligaw mapababae o lalaki.

 

I mean oo naiintindihan ko sila, sobrang ganda kasi talaga niya kahit nung unang nakita ko siya sobrang nagandahan ako sa kanya tapos famous pa kasi nasa dance troupe din siya na everytime may event every department sa campus kinukuha sila para sumayaw.

 

Kaya ramdam ko naman yung mga admirers niya tapos matalino din siya, yung kahit hindi nagaaral laging highest score sobrang unfair nga kasi sobrang lublob ako sa reviewer pag quizzes and exams samantalang siya di manlang nagrereview pero halos parehas kami lagi ng scores.

 

Hindi talaga fair si lord kahit kelan, so hindi talaga nakakagulat na ang dami niyang admirers.

 

"Yes" sagot niya na sobrang sure habang titig na titig sakin.

 

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko parin talaga siya sineseryoso kasi naman sobrang sudden okay? kahit sino naman talaga di siya seseryosohin.

 

"Paano?" suko na ako gusto ko malaman kung pano ako makakatulong sa dilema niya sa buhay.

 

"Everyone's afraid of you" she blurted.

 

"Hoy!.. foul yon ang bait bait ko.." I mean yeah I lied but hindi ko kasalanan na takot silang makipag-usap sakin. I-aaccomodate ko naman sila pag kinausap nila ako.

 

May pagkamasungit ako ng slight aminado naman ako pero may reason naman kung bakit.

 

People annoys me okay? lalo na yung mga taong kulang sa pansin and medyo awkward din kasi ako kaya hindi ko alam paano humandle ng conversation pag hindi ko kilala kaya nauuwi sa pagsusungit ko.

 

Hindi ko talaga sadya yon, hindi ko lang talaga alam pano siya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
A4_chae
Sorry for madalang na update this week medyo sabaw lang po bawi ako this week tadtarin ko kayo ng updates labyu ol <3

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: yieeee, mag-uusap na silaaa 😭
iamriou_
1185 streak #2
Upvoted and subscribed. <3
yukimin
#3
Chapter 5: usap for real na ha may nag imissyou na eh nako bff g pabulong naman
yooji_____ #4
Chapter 5: mag first move is the key everyone hahahaha
dork_seulgi_k
886 streak #5
Chapter 5: yiieee gagi baka alam ni giselle na may gusto talaga si jimin kay winter hehe char
kwonjess13 #6
Chapter 5: ayan na mga bakla mag uusap na ung magbff in person!!! ang sus na ni g tas ang sus pa ni ning. ung totoo anumeron bakit ang sus ng mga tao. fishing ba si gi ng info about sa feelings ni winter kay karina? bakit biglang bait sya ha. at sino namang kalandian ni ning at blooming sya lately.....kilig malala sa dulo hmpf miss nyo na pala isat isa e di magpansinan na kayo!
yurielle
#7
ito na, babasahin ko na tlga...🥲 nakalimutan ko basahin noong nakaraang araw huhu
yukimin
#8
Chapter 4: ay hmm binakudan na pala dati?baka naman may effect ang kiss kaya umiwas👀
oofiee 1069 streak #9
Chapter 4: hala winter dapat matutunan mo ring magtext first-
renebae_joohyun #10
Chapter 4: jelly ace