fake

paghinga/winrina
Please Subscribe to read the full chapter

Nagising ako noong narinig kong nag-ring yung phone na nasa bedside table ko, hindi ko na sana papansinin dahil sa sobrang antok pa talaga ako nalate kasi ako ng tulog kanina at saturday naman ngayon wala kaming pasok. Gusto ko lang din naman sana matulog ng buong araw ngayon.

 

Nang hindi ko na narinig yung pag-ring ng telepono ko, matutulog na ulit sana ako. Pero maya-maya isang sunod-sunod na pag-vibrate naman ang narinig ko. Rinig na rinig kasi ang tunog nito dahil kahoy ang bed side table ko, naiinis na tumayo nalang ako at dumiretso sa banyo, hindi na rin naman ako makakatulog ulit dahil nagising na yung diwa ko mabilis kasi akong magising talaga konting kaluskos or sound lang mulat na agad ako medyo gutom na rin naman ako kaya pagkatapos kong maghilamos ng mukha at gumamit ng banyo binunot ko na sa pagkakacharge yung phone ko at dumiretso na sa ibaba, titignan ko na rin kung anong niluto ni ate Taeyeon.

 

Si ate Taeyeon naman ay pinsan ko, anak siya ng isang kapatid ni mama na nakatira sa leyte. Pero dahil parang inampon na rin naman kasi siya ni mama noong labing-dalawang gulang palang siya tinuring ko na rin siyang parang kapatid ko, nag-iisang anak lang rin kasi ako tapos lumaki ako sa piling ni ate Taeyeon at ng lola at lolo ko tapos parang siya na din yung nagpalaki sakin. Maaga rin kasing kinuha yung grandparents ko. I think grade 5 ata ako nun. Tapos si ate Taeyeon na yung nag-alaga sa akin eversince, mas matanda rin kasi siya ng 11 years sakin.

Buong buhay ko rin kasi nasa ibang bansa na nagtatrabaho si mama. Actually bago pa talaga ako naipanganak sa Spain na nakatira si mama doon niya rin nakilala yung tatay ko. Tapos umuwi lang daw siya dito noong nabuntis siya sakin at dahil naghiwalay din daw sila ng tatay ko. Pagkatapos pina-alaga niya na ako sa grandparents ko tapos bumalik na ulit siyang Spain.

 

Naalala ko nung grade 1 ako akala ko talaga si ate Taeyeon yung mama ko. Tapos nung umuwi si mama nung namatay si lolo grade 2 ako nun tinanong ko yung lola ko kung sino siya at kung bakit kailangan ko siyang yakapin, sabi kasi ni lola yakapin ko daw. Sabi lang naman ni lola siya yung mama ko pero sa sobrang takot ko sa kanya hindi ko siya pinansin hanggang paghatid namin sa airport sa kanya. Tapos pag-tatawag siya hindi ko siya kinakausap kahit pinipilit nila ako.

 

Pero umuuwi naman siya dito sa pinas pero madalang pa sa minsan kaya hindi talaga kami close ng nanay ko mas close ako kay ate Taeyeon. Pero siya naman gumagastos ng mga pangangailangan ko ngayon kaya wala nalang akong masabi.

 

Pagka-baba ko naman sa kusina nakita kong nagluto si ate ng egg, tocino at fried rice, medyo natakam naman ako dahil favorite ko ang tocino kaya't dali-dali akong kumuha ng plato at nagsandok ng fried rice. Hindi ko na rin naabutan si ate Taeyeon kadalasan kasi naabutan ko pa bago siya pumasok sa trabaho niya. Office worker si ate sa taguig, kaya maaga palang talaga umaalis na siya dito sa bahay dahil sobrang traffic sa C-5. May sarili naman siyang sasakyan kaya hindi na sya hassle sa byahe, kaya hindi  na rin sya nagrerent ng apartment malapit sa work niya bukod sa sabi niya daw wala akong kasama sa bahay. Sabi ko nga sa kanya okay lang ako dito mag-isa, pero sabi niya naman mas gusto niya rin daw talaga na dito ang uwi niya mas sanay daw siya.

 

Etong bahay naman na tinutuluyan namin ay grandparents ko ang may-ari, nung nawala din kasi yung grandparents namin hindi namin kinaya ni ate na mag-stay pa sa bahay na to after ng lola ko ma-ilibing. Kaya nag-apartment kami ni ate sa marikina until matapos ko yung highschool. Tapos pinilit kami ni mama na bumalik ulit dito sa bahay kasi sayang naman daw kung walang tao.

 

Si mama lang din kasi yung may gusto sa bahay na to sa kanilang magkakapatid, kaya ako at si ate Taeyeon nalang din yung pinatira nya dito after niyang pina-renovate ito.

 

Dito rin naman sya tumutuloy pag naiisipan nyang umuwi ng pilipinas at dahil nga hiwalay sila ng tatay ko ayon yung nanay ko feeling dalaga sa Spain. May business rin kasi siya doon. 

 

Habang kinakain ko naman yung pagkain ko naisipan kong buksan yung mga messages ko, dahil puro message ni karina ang nakita ko at may limang missed call pa meron din namang mga messages sila Ning at Giselle sa GC. Mas inuna kong i-open yung kay karina dahil mukhang importante.

 

KarinaYu: Win sumama ka!

KarinaYu: Dapat hindi ka absent ngayon!!.

KarinaYu: Hoy! magreply ka naman aba.

KarinaYu: Nag-aaya kasi yung teammate ko mag-inom ngayon. G and the others will go too!

KarinaYu: It's Chaeyeon's party. 

KarinaYu: They're asking if you're going.

KarinaYu: I'll pay for everything!

KarinaYu: If you don't go with me I'll make bulabog your house today.

 

Hindi kasi talaga ako sumasama sa bar hopping nila ni Giselle simula noong naging magkaka-kilala kami. Two times a month nila ginagawa yan pampa-tanggal daw nila ng stress. Pero ayoko lang talaga dahil unang una hindi ako nag-iinom, pangalawa ayoko ng amoy ng bar nasusuka ako, and lastly ayoko lang talaga dahil anong oras na sila umuuwi gusto ko kumpleto yung 8hrs kong tulog everyday. Suma-sama naman ako pag kakain sa labas or chill tambay na inom nila or manuod ng movie, yung sa bar hopping lang talaga hindi.

 

Nagreply ako sa kanya na ayaw ko, Hindi pa ako nakakapag-type ng i-rarason ko nag-reply naman agad siya.

 

WinterKim: Ayoko nga pahinga day ko ngayon. 

KarinaYu: Win please, my teammates are getting suspicious about us. They all said if you dont show up later they're going to assume we're really not dating.

WinterKim: Ano naman pake natin sa kanila? just ignore them Rina may ganyan talagang mga tao.

KarinaYu: I already told them you're coming tho?

KarinaYu: Please Win I'll do everything you want just please? 

KarinaYu: Ngayon lang Win please?

 

In the end pumayag nalang din ako dahil ngayon lang naman tsaka may favor kasi ako sa kanya for next week para mapagbigyan din ako. Hindi ko na rin inopen yung GC namin dahil alam ko naman kung anong mga pinagsasabe nila dun.

 

WinterKim: sige na nga basta hindi ako iinom ah tsaka sunduin mo ko mamaya.

 

 

 

 

 

Tatlong araw na rin pala kaming nag-papanggap na magjowa ni Karina pero sa tatlong araw na yun wala naman nagbago saamin dahil wala rin naman kaming ginagawa na gawain ng magjowa, kaya rin siguro maraming naghihinala na hindi totoo na magjowa kami dahil dun. Hindi rin kasi namin alam paano ang gagawin bukod sa NBSB ako siya naman noong SHS pa last na nagkajowa.

 

Tapos nung sinabi nga namin sa friends namin yung idea niya na magjojowaan kami tinawanan lang rin nila kami. Si Giselle lang talaga yung against sa idea, sabi kasi niya yung idea daw namin na iyon, wala daw magandang mai-dudulot saamin. At baka daw ito pa yung makasira sa friendship namin at the end.

 

Tinawanan lang siya ni Ning at Ryujin nun, para daw kasi siyang magulang namin kung magalit. Sobrang seryoso niya din kasi nun, natakot nga ako ng slight sa kanya. Pero natawa nalang din kami sa kanya, pero after that sabi niya lang mag-ingat kami.

 

Hindi ko naman rin siya naintindihan sa sinabi niya, mag-ingat naman saan. May mangyayari bang masama dahil dito...

 

Buong araw ko din inisip yung sinabi ni G samin kaya sa huli parang hindi ko pa nga pinansin si karina nun buong araw. Binulungan pa ako ni Ryujin nung uwian kung yun na daw ba first LQ namin sinimangutan ko lang siya. Hindi kasi siya nakakatulong.

 

Si Ryujin isa rin siya sa group of friend namin with Yeji pero sa ibang course sila Yeji at Ren kaya hindi sila kasama sa nasabihan namin. Kaya after din nun inispam  kami ni Yeji sa GC kung ano daw nangyayari kasi nakita niya nga rin yung post namin ni karina sa socmeds, kaya inexplain na rin naman namin sa kanila thru chat. Sabi niya lang goodluck tapos si Ren nagsend lang ng like emoji.

 

Walo kaming magkakaibigan.. Actually kaming tatlo lang talaga ni Ning at Ryujin ang sabit sa friendship nila, Kasi ngayong college lang kami nasama sa samahan nila.

 

Sila G, Karina, Ren, Mark and Yeji kasi highschool palang magkakaibigan na. Si G at Yeji naman Childhood friends. 

 

Mas close naman ako kay Ning at Ryujin noong una dahil nga kami yung sabit talaga tapos si Mark last sem ko lang nakaclose, casual naman kami nila Giselle Yeji at Ren. Hindi ko lang talaga sila sobrang nakaclose magkakaiba kasi kami ng atittude tsaka si Yeji at Ren kasi ay ibang course din talaga. Nakakasama ko lang sila pag lunchout minsan tsaka pag may gala kami, madalang pa nga dahil hindi sumasama si Ren minsan tapos si Yeji ay laging may basketball practice. Varsity kasi si Yeji ng woman basketball team. Si G naman hindi ko lang talaga kinakaya ang yung attitude niya para kasing laging ayaw niya sakin.

Tapos si Karina kasi feeling close lang talaga nung first day nung freshman namin kaya naging sobrang close kami. Gaya nga ng sabi ko hindi talaga ako kumakausap ng tao sa una, dapat ikaw ang lalapit sakin kaya nung kinaibigan niya ako nung una wala nalang din talaga ako nagawa. Naging close nga rin ako sa kanya dahil rin naman sa kanya. Tapos ewan ko biglang naging turing niya nalang sakin bestfriend na, medyo curious nga ako bakit ako ang ginawang beshie niya. Dapat si G dahil sila yung sobrang close, kaya siguro laging ayaw sakin ni G may hinanakit ata sakin char.

 

After din nun inaya niya akong sumama sa kanila sa lunchout nila at dun ko rin nakilala si Ryu at Ning nun, kasi ang ate Karina nyo pala ay si miss congeniality habang walang prof nakikipagfriends na sa buong klase hindi lang pala ako ang nirecruit sa samahan nila.

   

 

 

 

 

 

 

Pagka-tapos ko naman kumain hinugasan ko na yung mga ginamit ko, habang naghuhugas ako narinig kong nag-ring yung phone ko kaya pinunasan ko muna yung kamay ko at tinignan kung sino ang tumatawag at nakita kong si Karina ito napabuntong hininga akong sinagot yung tawag niya.

 

"Oh?" Walang gana kong bungad.

"Sungit naman nyan." tumatawa niyang sagot.

"Bakit ba? naghuhugas ako ng plato dito istorbo ka." Pabiro kong sagot.

"Papunta na ako diyan sa inyo" sabi naman niya

"Hoy! bakit ang aga naman mamaya pa namang 5pm yung usapan?." panic kong tanong, hindi pa kasi ako nakakaligo.

"Tambay nalang muna ako dyan, wala akong kasama sa bahay umalis si tita." kalmado nya namang sabi.

"Anong gagawin mo naman dito?" tanong ko ulit

"I don't know, let's just watch a movie or something we still have 5hrs before we go" suggest nya naman. 

Sige hindi na rin naman masama, yun rin naman kasi talaga ang gagawin ko sana ngayong araw habang nag-aantay ng oras.

"Okay.. chat ka nalang pag nandito kana." 

"Okay." after niya sumagot binaba nya rin yung tawag,  ako naman bumalik na sa paghuhugas ng plato.

Pag-tapos ko naman maghugas ng plato naisipan ko na maligo na para naman kahit papaano mukha akong tao pagdating ni Karina. Kinuha ko na rin yung phone kong gagamitin pangplay ng music habang nagshoshower. hindi ko alam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
A4_chae
Sorry for madalang na update this week medyo sabaw lang po bawi ako this week tadtarin ko kayo ng updates labyu ol <3

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: yieeee, mag-uusap na silaaa 😭
iamriou_
1188 streak #2
Upvoted and subscribed. <3
yukimin
#3
Chapter 5: usap for real na ha may nag imissyou na eh nako bff g pabulong naman
yooji_____ #4
Chapter 5: mag first move is the key everyone hahahaha
dork_seulgi_k
890 streak #5
Chapter 5: yiieee gagi baka alam ni giselle na may gusto talaga si jimin kay winter hehe char
kwonjess13 #6
Chapter 5: ayan na mga bakla mag uusap na ung magbff in person!!! ang sus na ni g tas ang sus pa ni ning. ung totoo anumeron bakit ang sus ng mga tao. fishing ba si gi ng info about sa feelings ni winter kay karina? bakit biglang bait sya ha. at sino namang kalandian ni ning at blooming sya lately.....kilig malala sa dulo hmpf miss nyo na pala isat isa e di magpansinan na kayo!
yurielle
#7
ito na, babasahin ko na tlga...🥲 nakalimutan ko basahin noong nakaraang araw huhu
yukimin
#8
Chapter 4: ay hmm binakudan na pala dati?baka naman may effect ang kiss kaya umiwas👀
oofiee 1073 streak #9
Chapter 4: hala winter dapat matutunan mo ring magtext first-
renebae_joohyun #10
Chapter 4: jelly ace