Kabanata 6 — Limot

Balisong

"So, ang gusto mo bigyan agad kita ng prescription kahit hindi pa kita na-ttest?"

 

"Oo."

 

"Sorry miss, pero hindi basta basta ito. Kailangan nating magkaroon ng tests at pag nakuha natin ang results noon, pwede na kitang bigyan ng prescription."

 

"Bakit ba ang big deal sayo noon? 'Diba nabanggit ko naman sayo na nagkaroon na ako ng mga sessions sa America? Sleeping pills lang ang gusto ko."

 

"Pero ang sabi mo that was 2 years ago, hindi natin alam kung anong nagkaroon ng progress at kung anong lumala sa sitwasyon mo. Sana maintindihan mo, ako ang doctor dito at pasyente kita."

 

Nakita niyang natahimik ang pasyente niya, halatang nagpipigil ng galit. Maya maya pa ay nakita ni Yuri na unti-unting tumulo ang mga luha nito.

 

"Gusto ko ng Sleeping Pills kasi sa totoo lang, hindi ako pinapatulog ng mga alaala na gusto kong kalimutan."

 

"Hindi mo kailangan ng Sleeping Pills, kailangan mo ng doktor na gagabay sayo. Sabihin mo sa akin lahat."

 

Kumuha si Yuri ng tissue at inabot ito sa kaniyang pasyente. Agad naman itong kinuha ng pasyente, at pinunasan ang mga luha niya.

 

"Salamat, Doctor Kwon. Susubukan kong bumalik dito."

 

"Sana makita ulit kita para mapag-usapan natin ang lahat. Kapag hindi ka makatulog sa gabi, may mga sleeping meditation sa youtube, ang gawin mo lang ay mag-relax at unti-unting i-drain ang mga memories."

 

"Salamat ulit."

 

"Walang anuman, Patient Jessica Jung."

 

Nasa Ice Cream Parlor ang dalawa, naka upo sa may bintana at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. 

 

"Kung hindi ka mahilig sa Mint Chocolate baka ako lang ang nag-eenjoy ngayon."

 

Ngumiti si Tiffany.

 

At nung nakita ito ni Taeyeon, napangiti rin siya.

 

"Nung una ko siyang matikman, lasa siyang toothpaste. Nasanay nalang din ako kasi ito lagi yung flavor na inuuwi ng mga kapatid ko sa bahay tapos ayon, naging favorite ko na rin."

 

"Masaya siguro sa bahay niyo ano? May mga kapatid ka kasi eh"

 

Napatigil si Tiffany sa pag kain ng Ice Cream. Bigla siyang nawawalan ng gana kapag ang pinag-uusapan ay ang pamilya niya. Yun ang madalas nilang tanungin, masaya ba sa pamilya niyo?

 

Hindi na niya pinapansin ang mga ganoong tanong, kasi sa totoo lang hindi niya rin iyon kayang sagutin. Ngayon, wala siyang magawa kundi sagutin ang tanong ng Pintor.

 

"Oo naman, masaya"

 

Sila

 

Hindi naman ako kailanman naging parte ng pamilya nila, apelyido lang ang bitbit ko, pero hindi ko bitbit ang saya na pinaghahati-hatian nila.

 

"Hindi kasi lahat ng tao lumaki sa masayang pamilya."

 

Tama, at isa ako doon.

 

"Ikaw... masaya ba sa inyo?"

 

"Ah.... siguro?"

 

Tumahimik sila pareho, hindi nila alam ang gagawin. Hindi nila alam kung anong sunod nilang sasabihin.

 

Biglang may lumapit sa kanilang batang babae, may dala itong ballpen at papel.

 

"Hello po~"

 

Tumingin si Taeyeon sa bata at ngumiti, nagiging maganda ang mga mata niya kapag naaabot ito kaniyang mga ngiti

 

"Hello din! anong magagawa ko for you?"

 

"Diba po kayo yung Painter? ako po si Seo Jin, gustong gusto ko po yung mga artworks niyo!"

 

"Talaga? Wow naman"

 

"Pwede pong hingiin ang autograph niyo?"

 

"Oo naman."

 

Hindi naniniwala si Tiffany sa mga sinasabi ng libro na kapag nakita mo na daw ang The one, magiging slow motion daw ang lahat.

 

Hindi siya naniniwala kasi habang nakatingin siya kay Taeyeon, lahat nagiging slow motion. Namamalikmata lang ba siya? Imagination? Kasi dahan dahan ang pagbuka ng bibig ni Taeyeon habang kinakausap ang bata, ngayon niya lang napatunayang magaganda talaga ang ngiti ni Taeyeon, dito sa Ice Cream Parlor, malapitan, habang pinipisil niya ang pisnge ng bata.

 

Umiiling siya. Siguro kasi hindi ako naka-inom ng vitamins.

 

"Tiffany?"

 

Tumingin siya kay Taeyeon.

 

"Bakit?"

 

"Umuulan... wala akong dalang payong"

 

Umuulan nga, lahat ng mga tao na nasa labas ay humahanap ng mapag-sisilungan. Lahat sila ay kumakaripas ng takbo, ang iba may payong, ang iba naman wala.

 

"Hindi ba, diyan lang naman naka-park yung kotse sa likod ng store?"

 

"Oo kaso—"

 

"Takbuhin natin."

 

"Sure ka? Mababasa tayo.."

 

"Okay lang."

 

Tumayo sila sa kanilang kinauupuan at lumabas sa lugar na 'yon.

 

"Uh... kapit ka kaya sa akin? Para sabay tayong makatakbo papunta 'don." Sabi ni Taeyeon

 

"Sige."

 

Sa braso niya kumapit si Tiffany at sabay silang tumakbo papuntang parking lot.

 

Naramdaman ni Taeyeon na mahigpit ang pagkakahawak ni Tiffany sa kanya, Dahil doon, ngumuti siya.

 

Nakarating sila sa kanilang destinsyon at pumasok sa kotse.

 

"Wooohh grabe, medyo nakakahingal 'yon. Naalala ko, hindi na pala ako nakakapag-exercise masyado, kaya siguro kahit simpleng pagtakbo hinihingal ako."

 

Nakita niyang nakayuko si Tiffany sa passenger seat, hindi mapakali at hinahawak hawakan ang seat belt.

 

"Uh.. Tiffany? Okay ka lang?"

 

"Sorry."

 

"Ha? Bakit naman?"

 

"Yung tungkol sa kanina, pakiramdam ko nangingialam ako sa buhay mo. Nung tinanong ko kung masaya ba sa inyo, sa pamilya niyo..."

 

"Yun ba? 'wag mo na 'yon alalahanin. Okay lang ako."

 

"Pero sorry parin.."

 

"Sssh.. Wala kang dapat ipag-sorry."

 

Natahimik sila saglit, yung isa, may pakiramdam na sobra siyang nagkasala sa taong katabi niya, at yung isa naman hindi alam kung paano sasabihin at ipaparamdam sa babae na ayos lang talaga siya.

 

"Nga pala, wala kasi akong extra na jacket dito, tapos wala din akong extra na damit, pero eto may panyo ako. For the meantime yan muna ang ipang-punas mo sa nabasa mong katawan. Kung alam ko lang na uulan, nagdala sana ako ng payo para hindi ka nabasa."

 

"Thank you." 

 

Tinanggap ni Tiffany ang panyo at dahan dahang ipinang-punas sa katawan niya, Weird sabihin para sa kanya, pero ang bango ng panyo, nung ipinunas niya ito sa kanya pakiramdam niya'y kasing amoy na rin niya si Taeyeon.

 

"Tiffany, kaya mo bang magtago ng sikreto?"

 

"Wala akong ibang nakakausap masyado bukod sa kaibigan ko at sayo. Hindi din ako nagkakalat ng kwento. Bakit?"

 

"May sasabihin ako sayo"

 

"Ano yun?"

 

"Wala akong pamilya kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng sumaya kasama sila."

 

"Oh...."

 

"Diba lahat tayo may gustong kalimutan? Yun yung gusto kong kalimutan, yung pagkawala ng pamilya ko."

 

"Salamat."

 

"Ha?"

 

"Marami rin akong gustong kalimutan, marami akong hindi ko na gustong balikan, pero eto? ayaw ko 'tong kalimutan, kung ano man ang mga nangyari ngayon, ayokong kalimutan."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
locksmith_ishasha
hello filo sones/locksmiths hehe la lanb bumati lang................

Comments

You must be logged in to comment
soltaeng #1
Chapter 2: lodicakes gandaaa