Kabanata 3 — Takas Malas

Balisong

"Saan ka galing?"

 

Sinalubong si Tiffany ng kuya niya, seryoso ang mukha nito nang nagtanong siya.

 

"Sa DS Art Gallery." Yumuko siya pagkatapos sumagot.

 

"Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka? Alam mo naman na bawal ka sa matataong lugar 'diba?"

 

"Sorry.."

 

"Anong sorry? Alam mo malaking gulo kapag naging baliw ka nanaman sa harap ng maraming tao. Kalat na kalat ang media, Tiffany! Gusto mo agad ilagay yung magiging posisyon ko sa panganib eh! Hindi ka natututo."

 

"Wala namang masyadong media ang nandoon kuya, pasensya na. Kasama ko naman si Yuri."

 

"Ah yung kaibigan mo rin na kunsintidora? Yung naggagaling galingan tungkol sa pagiging baliw mo?"

 

Nahihiya siya sa sarili niya, kay Yuri, sa lahat. Walang ginawa si Yuri na ikakapahamak niya, tapos ngayon, nadudungisan ang pagkatao ni Yuri dahil sa kanya, sa kondisyon niya.

 

"Kuya... tungkol lang 'to sa akin. Hayaan mo na si Yuri"

 

Bigla namang lumabas sa kwarto niya ang Ate ni Tiffany na si Michelle.

 

"Leo, hayaan mo na siya. Tapos na 'yon, wala na tayong magagawa. Wala namang masamang nangyari don, 'diba Tiffany?"

 

"W-wala po ate."

 

"Good. Yung problema mo, iyo nalang iyon. 'Wag ka nang mag-risk ng ibang tao dahil sa mga kahibangan mo."

 

Gusto ni Tiffany na tumakas, maging malaya kahit isang araw lang, o kahit isang buwan, isang taon, isang dekada, habang buhay.

 

Noong gabing 'yon, hindi nanaman siya kumain, at kahit hindi naman siya kumain wala rin namang may pakialam. 

 

Kasama nanaman niya sa pagtulog ang mga luha niya, sanay narin siya sa ganito. 

 

"Hello? Yuri.."

 

"Hello.. Wait.. umiiyak ka ba?"

 

"Hindi sinisipon lang ako"

 

"Kunwari naniniwala ako. Anong nangyari?"

 

"Pwede mo ba akong samahan muna? Sa pagtulog, hindi ako makatulog."

 

"Sure, ikaw pa ba? Tungkol nanaman ba 'to sa nakakasuka mong pamilya?"

 

"Huwag na natin sila pag-usapan."

 

"Oh sige, anong kanta naman ngayong gabi ang kakantahin ko?"

 

"Hmm..... ikaw ang bahala.."

 

"Sige..."

 

Nung gabing 'yon, kinalimutan niya ang sinabi sa kaniya ng mga taong 'yon. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob, hindi niya gawain ang ganon, pero gawain niyang mag-ipon ng sakit na kanyang nararamdaman.

 

'Tumingin sa aking mata
magtapat ng nadarama
'di gusto ika'y mawala
dahil handa akong ibigin ka...

Kung maging tayo...
Sayo lang ang puso ko'

 

Nung gabing 'yon, buo ang desisyon niyang umalis muna sa kulungang ginawa ng mga taong nakapalibot sa kanya. 

 

"Ihatid mo ako sa terminal ng KTX Trains"

 

"Anong... gagawin mo 'don?"

 

"Malamang, pupunta akong Busan"

 

Napatigil si Tiffany sa pag-iimpake nang hindi sumagot si Yuri sa kabilang linya.

 

"Yuri? Nandyan ka pa?"

 

"...Ah..Oo, nandito pa"

 

"Okay ka lang?"

 

"Oo, okay lang. Sunduin kita 'dyan, magbibihis lang ako saglit"

 

"Sure ka wala kang gagawin ngayong oras?"

 

"Wala po kamahalan, lagi akong free basta ikaw"

 

"Sus, bilisan mo na."

 

"Sure Madam."

 

"Ito pa ilagay mo 'dyan sa basket. Tsaka ito, ito rin... pati ito"

 

Tumingin si Tiffany sa basket na punong-puno ng prutas, oatmeal, gatas, at tinapay. Bago sila dumiretso sa terminal, niyaya muna siya ni Yuri na pumunta sa isang grocery store at bilhin ang mga kakailanganin niya.

 

"Teka lang... dala mo ba yung mga vitamins mo? Jacket mo? tapos yung makapal mong kumot na pink? Headphones mo nadala mo ba? baka kasi mamaya biglang kumulog at kumidlat 'don, para di ka magulat"

 

"Check lahat Doctor Kwon."

 

"Hmmm... yung breathing exercise natin tanda mo pa? yung 4 7 8 technique, inhale gamit ang mouth, isarado ang mouth tapos exhale sa nose ng 4 seconds, tapos pigilan ang paghinga ng 7 secon—"

 

"Then, mag-exhale naman gamit ang mouth ng 8 seconds. Gagawin ko yun pag nag-papanic, or stress, or ninenerbyos ako. Alam ko na yun lahat Doctor Kwon."

 

"Good. May isa pa akong itatanong..."

 

"Ano nanaman?"

 

"Dala mo ba yung picture ko? Baka kasi mamaya mamiss mo ako doon, wala pa naman ako sa tabi mo"

 

"Pinagsasabi mo?"

 

Binayaran ni Yuri ang mga pinamili niya para kay Tiffany, at tuluyan niyang inihatid si Tiffany sa terminal papuntang Busan.

 

Hindi maitanggi ni Yuri na nag-aalala siya para kay Tiffany. Pangalawang beses palang siyang mahihiwalay ng matagal kay Tiffany, una noong pinadala ang kaibigan niya sa America para mag-aral, at pangalawa naman itong pabigla-bigla niyang pagpunta sa Busan.

 

Pero siyempre bilang kaibigan, hindi niya kayang pigilan si Tiffany sa mga gusto niya. Lalo pa't ngayong nagkaroon na siya ulit ng lakas ng loob na umalis ng mansyon nila, mag-isa.

 

"Ganda, nandito na tayo."

 

Nginitian ni Tiffany si Yuri.

 

"So ilang weeks ka 'don, Ganda?"

 

"Baka 2-3 weeks? hindi ko alam, kung di ako komportable doon, malamang uuwi agad ako."

 

"Wait... may matutuluyan ka ba doon? Kanina ko pa iniisip na tanungin 'to kaso nakalimutan ko."

 

"Meron. Reserved na sa akin yung kwarto sa isang Guesthouse doon."

 

"Guesthouse? sure ka na komportable doon? ayaw mo sa hotel? may isang hotel doon na kakilala ko yung owner, gusto mo?"

 

"Hindi na, Doctor. Okay na ako doon."

 

"Ang laging kakainin ay gulay at prutas ha? Tapos pag may nangyaring masama doon, tawagan mo lang ako, pupunta ako doon agad."

 

"Sige, gagawin ko yun lahat."

 

"Bye na? Baka iwanan ka na ng train."

 

Malas. Yun ang isang salitang maglalarawan sa araw ni The Great Kim Taeyeon ngayon. Malas talaga.

 

"So, ang ibig sabihin walang laman 'yang card ko? maxed out na ba or ano?"

 

"Mam, ang sabi po sa computer ay matagal na pong hindi nalalagyan 'to ng laman, tsaka last 2016 niyo pa po ito nagamit."

 

Ay Bobo.

 

"Ah sige miss, pwedeng pahiram muna nung card ko?"

 

"Eto po oh." Inabot ng staff ang card niyang walang kwenta.

 

Sa sobrang pagkalasing niya siguro kagabi, dahil nagkaroon ng congratulatory party para sa success ng artworks niya, hindi niya napansing ibang credit card pala ang nadala niya.

 

At dahil sa sobrang confident niya sa card na dala niya, hindi siya kumain ng breakfast at lunch. great. Nakita niya ang mga taong nag-eenjoy ng pagkain na gawa ng 5-star hotel. Kumulo bigla ang tyan niya.

 

Nakita niya rin ang malawak na Swimming Pool, ang sarap sigurong magtampisaw doon. Bigla niyang naalala na di pa siya naliligo.

 

Napilitan siyang umalis sa Hotel na dapat sana tutuluyan niya, at pumunta sa kaniyang kotse. Kinuha niyang muli ang putanginang credit card na 'yon.

 

"Gago!" at tinapon niya ang card.

 

Buti nalang may dala siyang pera, kung hindi, baka kung saan saan na siya pupulutin.

 

"Hello po! itatanong ko lang po sana kung may available pa pong kwarto dito?"

 

"Hello din po! magandang araw!"

 

Ulol, anong magandang araw?

 

"Sorry po pero lahat po ng kwarto ay occupied na."

 

"Ah ganon po ba?"

 

Malas talaga. Siguro sa kotse nalang muna siya matutulong ngayon, pagod na siyang maghanap ng matutuluyan.

 

"Pero may isa po kaming kwarto na may dalawang kama, pwede naman pong maki-stay kayo doon kasama ng talagang umupa, maghati nalang po kayo sa bayad. May isa po kasing paalis narin, pag po available na yung kwarto na 'yon, pwede na kayong lumipat."

 

"T-talaga? Hindi po kayo nagbibiro?"

 

"Yun ay kung papayag ang may-ari ng kwarto."

 

Pumayag ka na please, gutom na ako, wala pa akong ligo, gusto ko na magpahinga.

 

"Ang alam ko po nasa kwarto din yung umupa eh, sumunod kayo sa akin."

 

"Sige po."

 

Gutom na ako. Gutom na ako. Gusto ko na maligo. Gusto ko na maligo. Pumayag ka.

 

Umakyat sila sa second floor ng guesthouse. Naging madali lang ang pagdating nila sa kwartong sinasabi ng babae kasi hindi naman ganong kalakihan ang guesthouse.

 

Room 203.

 

"Mam? Hello po? Mam"

 

Kumatok ang babae, at habang kumakatok siya ay nagdadasal si Kim Taeyeon sa tabi.

 

Pumayag ka please.

 

Bumukas ang pinto.

 

"Ano pong... problema?"

 

Nanlaki ang mata ni Kim Taeyeon.

 

Siya yung babae sa.... event... 

 

Yung magandang matangos ang ilong, at mangha mangha sa painting niya. Siya yun!

 

Hindi pwedeng magkamali si Taeyeon, siya yung babaeng lumapit sa kanya.

 

"Mam Taeyeon, siya po yung umuupa ng kwartong 'to.

 

 

...Si Miss Tiffany Hwang po."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
locksmith_ishasha
hello filo sones/locksmiths hehe la lanb bumati lang................

Comments

You must be logged in to comment
soltaeng #1
Chapter 2: lodicakes gandaaa