4th Escape

ESCAPE

4th ESCAPE

5AM NA NG UMAGA at gising pa rin si Niomi. Nakahiga lang siya sakanyang kama pero hindi pa rin siya makatulog. She sighed. Naisipan niyang gumawa ng gatas, baka makatulong iyon upang mapadali ang kanyang pagtulog kaya lumabas siya ng kanyang kwarto papuntang kusina.

Muntikan na siyang himatayin nang makita niyang nakatayo sa sala si Seungcheol.

"Damn. Seungcheol. Ginulat mo ako." sabi niya habang nakahawak pa rin siya sakanyang dibdib at kinakabahan dahil akala niya iba na ang kanyang nakita.

"Sorry. Anong oras pa ba ako nandito?"

"Kaninang 11pm pa, sabi mo dito ka muna kaya ayan diyan kita pinatulog saka lasing ka kagabi. Ewan ko ba sayo parang every week nalang ata umiinom ka.  Ganon ba kayo ng mga kaibigan mo? Happy happy lang?" curious niyang tanong.

Hindi pa niya gaano kilala si Seungcheol kaya madami siyang tanong dito. Hindi naman siguro masama magtanong. Mas mabuti na nga na mas kilalanin niya si Seungcheol dahil ayaw naman niya magkaroon ng kaibigan na hindi niya alam ang personality nito o attitude o di kaya hobby nito. Lumapit naman sakanya si Seungcheol at hinila siya paupo sa sofa.

"We're not the kind of guy. Yung 'happy happy lang'. It'a not that every day na nagkikita kami kaya kami uminom kahapon just to have fun once awhile since naging busy kaming lahat these past few weeks." explain sakanya ni Seungcheol.

Tumango naman siya biglang sagot niya.

"Pero ikaw, busy? Parang hindi naman."

"Gusto mo malaman yung pinagkakaabalahan ko?" Seungcheol suddenly asked her.

"Sure, why not?" sagot agad niya.

Agad namang hinawakan ni Seungcheol ang kanyang kamay kaya nagulat siya pero hindi na niya ito pinahalata. Lumabas sila ng condo unit niya. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Seungcheol pero kung saan man siya dalhin nito, naniniwala siyang walang mangyayari ng masama.

Nang nasa loob na sila ng elevator ay tahimik lang sila. Walang nagsasalita sakanilang dalawa

Kaya nagulat siya nang bigla nalang tumigil ang elevator na kung na saan sila at namatay ang ilaw nito.

"Seungcheol!" she screamed. Alam niya sa sarili niya na takot siya sa madilim na lugar kaya sa pagkakataong iyon ay kinakabahan na siya.

Hindi niya alam ang gagawin niya. Takot siya sa ganoong sitwasyon. Ayaw niya talaga sa madilim at masikip na lugar. Kaya sa mga oras na 'yon ay kabadong-kabado na siya.

"I'm here, Aemie." narinig niyang wika ni Seungcheol at naramdaman niyang may humawak sakanyang kamay at nilapit siya ni Seungcheol sa tabi nito.

Hindi siya makahinga ng maayos. Pakiramdam niya hihimatayin na siya nang wala sa oras. Nanginginig na rin siya at pinagpapawisan na ng malamig.

"Nanginginig ka..."

"Natatakot ako." yun lang ang kanyang sinabi.

Naramdaman niyang hinigpitan ni Seungcheol ang paghawak sakanyang kamay at saka sinabihan siya nito na umupo sila kaya umupo silang dalawa sa lapag ng elevator at may kinuha si Seungcheol mula sakanyang bulsa.

"Flashlight?" nagtatakang tanong ni Niomi kay Seungcheol nang nilabas na ni Seungcheol at bagay na kinuha nito mula sa bulsa niya.

"Yeah. Emergency flashlight. Para kung mang mangyaring accident or something like this." sabi nito sakanya kaya napangiti si Niomi "Natatakot ka pa rin?"

"Medyo."

"Aish. You don't have to. Mamaya may pupunta nang staff dito for sure." he said to her and then nakita niyang may tinawagan si Seungcheol mula sa cellphone nito.

Narinig niya ang kanilang usapan. Tinawagan ni Seungcheol ang emergency number ng condo at narinig niyang sinabi kay Seungcheol na gagawin daw nila ang lahat ng makakaya nila para mapadali at makaalis agad sila sa elevator.

"So, we'll be staying here for how many minutes? Hour?" she asked Seungcheol before she sighed.

Ngayon lang siya natrap sa elevator at mabuti nalang hindi siya nahimatay agad at mabuti nalang pinakalma siya ni Seungcheol kundi baka kung ano na ang nangyari sakanya doon at dagdag pa sa problema iyon.

"I have no idea but they told me that they'll do their best to fix the elevator para maalis na rin tayo dito."

Tumango-tango si Niomi bilang sagot niya kay Seungcheol "Nga pala, buti nagtatagalog ka na. Bagay naman sayo, fluent na fluent ka nga eh." she said to him and then she heard him chuckle

"Jinja? Gumawo." he said and then he smiled even though he knew she wouldn't noticed it.

"Anong 'jinja' saka 'gumawo'? Wag mo nga akong kausapin ng Korean kasi di kita maintindihan." sabi ni Niomi sabay hinampas sa braso ni Seungcheol. Hindi naman malakas ang paghampas niya pero nag-react ng OA ai Seungcheol.

"Kapag ako nagkapasa nito ah... Gamutin mo." Seungcheol said jokily. "By the way, jinja means really and gumawo means thanks."

"Ah. Ayun pala yon. Thanks to you may alam na akong Korean words."

Pagkatapos niyon ay naging tahimik nalang sila. Walang nagsasalita ni isa sakanilang dalawa. Nagpapakiramdaman lang sila kung sino ang unang magsasalita at magkukwento o di kaya magtatanong.

They both sighed.

"You're bored, aren't you?" Seungcheol asked Niomi at tumango lang si Niomi bilang sagot sa tanong nito sakanya

"Yeah." walang gana niyang sabi.

"Para hindi ka mabored, ask me anything you want to know about me and I'll do the same thing." suggestion ni Seungcheol at tumango naman si Niomi.

Nag-iisip si Niomi ng pwede niyang tanungin kay Seungcheol. Mabuti na nga lang at ito ang nagsabi sakanya na pwede niyang tanungin ang lahat ng gusto niyang malaman tungkol kay Seungcheol.

Hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon na 'yon at nagtanong na siya agad.

"Bakit ka naman sineset-up ng daddy mo sa iba't ibang babae?"

He sighed. "My dad, lahat ng gusto niya dapat nasusunod," panimula ni Seungcheol "simula nung sinabi ko sakanila ni mom na I want to marry the girl I love, doon niya na sinimulan ang pagset-up sakin. I really don't know why." he sighed again "I don't think it's business related, siguro meron talaga siyang dahilan kung bakit niya gustong iset-up ako. But right now? Hindi ko alam kung ano yung dahilan niya."

Niomi felt bad about Seungcheol. Pero she's amused sa sinabi ni nito dahil bihira nalang sa panahon ngayon na ang gusto ng lalaki ay pakasalan ang isang babae dahil mahal nito yung babae. Karamihan kasi sa panahon ngayon ay mukha lang ang tinitignan ng mga lalaki at kung may kaya ang mga babae.

From that moment, hindi niya na alam ang irereact niya.

Natameme siya. Ang dami niyang gustong tanungin kay Seungcheol pero pagkatapos niya iyon narinig, nawala na siya sa wisyo. Ewan ba niya.

"What about you?" narinig niyang tanong ni Seungcheol.

"A-ah? Me?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit siya nauutal. Ano na ba ang nangyayari sakanya?

"Why did Joshua broke up with you?" pagpatuloy ni Seungcheol sa tanong nito sakanya.

Huminga siya ng malalim.

"Anniversary namin noong araw na 'yon. Ang saya saya ko dahil three years na kami pero nawala lahat ng saya na nararamdaman ko nang sinabi niyang makikipagbreak na siya sa akin." naalala niya ulit lahat ng mga sinabi sakanya ni Joshua. Naiiyak nanaman siya.

"I want to break up with you, Niomi." direktang sabi sakanya ni Joshua

Lahat ng tuwang nararamdaman niya mula nang makita niya si Joshua noong araw na 'yon ay nawala dahil sa sinabi nito sakanya.

Bakit ngayon pa? She asked herself.

Bakit kung kailan third anniversary namin saka niya ito sasabihin sa akin?

Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili pero wala na siyang magawa, tumulo na ang kanyang luha. Hindi na niya kaya ang lungkot na nararamdaman niya sa oras na 'yon.

"J-Joshua, ano ka ba? Third Anniversary natin ngayon... Wag kang magbiro ng ganyan." she tried to smile pero halatang pilit lang ito. She tried to hold back again her tears pero taksil ang kanyang mga luha dahil mas lalo lang siyang naiyak.

"I'm not kidding, Niomi. I really do want to break up with you." ulit pa ni Joshua

Titig na titig ito sakanya. Dati rati kapag umiiyak siya ay agad pinupunasan ni Joshua ang kanyang mga luha pro iba ang nangyari sa araw na 'yon, hinayaan lanh siya ni Joshua na umiiyak siya sa harap nito.

"J-Josh..."

"I'm serious, Niomi. Nagsasawa na ako. Sawang-sawa na ako. Ayoko sayo. Hindi kita mahal. Hindi naman kita minahal e. Pinaglaruan lang kita. You're not even my type. Masyado kang low para sa akin. I don't wa---"

Sobra siyang nasaktan sa mga masasakit na salita na binitawan sakanya ni Joshua "Oo na! Naiintindihan ko na ayaw mo sa akin! Pero di mo naman kailangan pagdiinan yon! Fine! You want to break up with me? Sige. Kung diyan ka masaya." hindi niya alam kung paano niya iyon dirediretsyong nasabi kay Joshua.

Halo-halo na ang kanyang nararamdaman sa oras na 'yon at wala na siyang pakialam kung kumalat na ang eyeliner niya sa mukha niya dahil sa pag-iyak niya. Hindi na rin naman siya maappreciate ni Joshua eh.

"Sige. Fine. Yan ang gusto ko sayp, masunurin ka." sabi pa ni Joshua sakanya habang nakasmirk. "Alright, diyan ka na. May pupuntahan pa ako eh." dagdag pa ni Joshua

Pagkatapos niyon ay iniwanan na siya nito ng tuluyan.

It'a really over.

Tapos na ang relasyon nila.

"He's a gentleman before. Kaya ang laking gulat ko noong nakipagbreak siya sa akin. Ang sakit eh. First boyfriend ko pa naman siya."

"Pero hindi naman totoo yung sinabi niya sayo. Don't let others define who you are. Ikaw lang ang mas nakakakilala sa sarili mo. A girl like you is a princess. And a guy like Joshua doesn't deserve a princess like you." nakangiting sabi ni Seungcheol kay Niomi.

She sighed. Alam niyang mabait si Seungcheol at marahil sincere ito sa mga sinasabi nito sakanya pero mahirap na talaga paniwalaan ang mga lalaki ngayon e.

"Sus, sinasabi mo lang yan. Pero later on..."

"Iba ako, Aemie. Wag mo akong itulad kay Joshua. Magka-iba kami." pinagdiinan ni Seungcheol.

"Oo na, eto naman di mabiro." natatawang sabi niya "Nga pala, bakit nakahiwalay ka ng bahay sa mommy at daddy mo?" iyon ang isa pang pinagtataka niya. Bakit siya nakahiwalay sa magulang niya? Ang bata niya pa para bumukod sa magulang niya.

Niomi's already 20 years old at nasa poder pa rin siya ng kanyang mga magulang. Kahit na may condo unit na siya, lagi pa rin siyang nasa bahay ng magulang niya. Every weekends lang siya nasa condo unit niya at every weekdays nasa bahay siya ng magulang niya.

Hindi niya maiwasang mamangha kay Seungcheol na mag-isa lang sa bahay nito. Independent na talaga.

"Nice question." sabi nito sakanya kaya hinampas niya si Seungcheol dahil tila nang-aasar pa ito sakanya "I told you while ago na gusto ni dad na lagi siyang nasusunod. At ayokong panghabang-buhay ay sumusunod lang ako sa kagustuhan ng dad ko," he sighed "The moment I turned twenty-one years old, I bought myself a simple house, and a car. Pinag-ipunan ko 'yon. Nagtrabaho ako ng maigi sa kompanya nila dad para doon dahil habang nasa bahay ako nila dad, kokontrolin lang niya ako...."

"So you mean, lahat ng expenses mo ay ikaw ang nagbabayad non? Pero nagtatrabaho ka pa rin sa company ng dad mo? So it means kontrolado ka pa rin niya?"

"Yes, ako lahat nagbabayad sa expenses ko. Pero no, I don't work for my dad anymore. When I turned twenty-one years old, I also started my own business. I still visit my dad's business dahil kailangan eh pero I'm not under his control anymore."

Tumango naman siya bilang sagot.

"I have one last question for you. Curious lang talaga ako eh." sabi pa ni Niomi

Tinignan lang siya ni Seungcheol na para bang sinasabi nito na 'go ahead'

"Bakit ayaw mong alamin ang pangalan ko?"

Seungcheol smiled.

He was about to answer Niomi's question pero bigla namang bumukas ang pinto ng elevator.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet