3rd Escape

ESCAPE

3rd ESCAPE

MAKALIPAS ang isang linggo ay nagdesisyon si Seungcheol na papuntahin sa bahay niya ang kanyang mga kaibigan na sina Jeonghan, Wonwoo at Mingyu. Hindi na din sila ganoong nagkikita dahil lahat sila busy pero dahil Sabado sa araw na 'yon ay pinapunta niya sila sa bahay niya.

As usual laging una dumating si Jeonghan sa bahay niya. Kumuha nga agad ito ng isang chichirya sa kitchen niya at kinain na agad ito.

"Oh, bakit ko kami pinapapunta dito?" tanong ni Jeonghan sakanya habang nakaupo ito sa sofa niya at binuksan ang tv para manuod habang wala pa si Mingu at Wonwoo.

Hindi niya muna sinagot ang tanong nito at nilabas niya muna ang beer na nakastore sa cabinet ng kitchen niya at kumuha ng yelo. Nilagay nito agad ito sa may lamesa ng living room niya at saka umupo sa tabi ni Jeonghan.

"Di ba pwedeng namiss ko lang mga kalokohan niyong tatlo kaya ko kayo pinapunta dito?" sabi niya kay Jeonghan na kasalukuyang busy sa kanunuod ng isang volleyball game sa tv niya.

"Namiss? Ewan ko sayo, Cheol. Baka naman gusto mo lang ulit---" hindi natuloy ni Jeonghan ang sasabihin nito dahil bigla nalang silang ginulat ni Mingyu at Wonwoo. Sabay pala itong pumunta sa bahay ni Seungcheol.

"Damn! Di niyo naman kami kailangan gulatin." inis na sabi ni Jeonghan habang si Seungcheol ay natatawa lang sa reaksyon nito.

"Ikaw lang naman nagulat eh. Chill nga lang 'tong si Cheol eh." wika naman ni Mingyu at saka tuluyan nang umupo sa bakanteng sofa at ganon din ang ginawa ni Wonwoo.

"May pinagdadaanan ata si Seungcheol eh." natatawang sabi ni Wonwoo at kumuha na agad ng beer na nakalagay sa lamesa

"Wala. Namiss ko lang kayo." natatawang sabi niya. Alam niyang hindi siya paniniwalaan ng kanyang mga kaibigan pero sinabi niya lang iyon dahil gusto niya lang makita ang reaksyon ng mga ito

"Langya, ang bakla naman Cheol. Uminom ka na nga lang diyan." pailing-iling na sabi sakanya ni Mingyu. Abala na ito sa pag-inom ng beer at si Jeonghan naman ay abala pa rin sa panunuod ng tv.

Matagal silang nanahimik bago naisipan ni Seungcheol na sabihin na talaga sakanila ang gusto niyang sabihin kung bakit niya sila pinapunta sa bahay niya.

"Remember the girl I'm talking about last week? Yung nakita ko sa park." tanong niya sakanila at sabay-sabay naman sila tumingin sakanya nasmirk.

"Sabi na eh, lalabas rin ang dahilan kung bakit mo kami pinapunta dito." wika ni Jeonghan bago niya inimon ang beer na hawak niya "Oh ano? Liligawan mo na ba?" direktang tanong ni Jeonghan.

Natawa naman si Wonwoo sa sinabi ni Jeonghan "In love ka na? Langya, Cheol. Tinamaan ka na ba talaga?" pailing-iling pa ito.

"Shut up, Jeonghan. Di ko siya liligawan at Wonwoo, di ako in love. Ang bakla pakinggan." natatawang sabi niya "But we're friends." dagdag pa niya

Lumaki ang mata ni Mingyu na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi niya "Seryoso ka? Ngayon ka lang nagkaroon ng babaeng kaibigan simula noong maging magkakaibigan tayong apat." base sa itchura ni Mingyu ay hindi talaga ito makapaniwala sa sinasabi niya.

"Liligawan mo naman yung babaeng yun for sure eh, so bakit ba kailangan niyo pa maging magkaibigan?" dagdag pa ni Wonwoo.

"Saka akala ko ba gusto mo lang malaman yung pangalan nung babaeng yon at yon lang? Tapos kaibigan mo na ngayon?" nagtatakang tanong sakanya ni Jeonghan.

Napailing nalang siya sa mga naging reaksyon ng mga ito.

"Chill, okay? Yes, she's my friend. And no, I'll not court her. And yes, I just want to know her name, nothing more, nothing less but unfortunately I don't know her name." nakangiting sabi niya bago niya nilagok ang beer na hawak niya.

"She's your friend, but you don't know her name? That's impossible." nagtatakang tanong ni Jeonghan

"I call her 'Aemie' and she agree with that." nakangiti pa rin si Seungcheol habang sinasabi niya iyon.

"Very clever, Seungcheol." bigla namang sabi ni Wonwoo "You told Jeonghan that you just want to know her name, nothing more, nothing less and now you call her Aemie because you said after knowing her name, that's just it but in your case, you still don't know her real name. Very clever." pailing-iling pa si Wonwoo.

"I think you're really into her. Is that what you call, love at first sight?" nagsmirk pa si Mingyu.

Hindi nalang niya sinagot ang sinabi ni Mingyu at uminom nalang ng beer.

Minsan talaga kahit walang katuturang kausap ang mga kaibigan niya tinitiis nalang niya ang mga ito dahil wala naman siyang magagawa eh, kaibigan niya sila eh.

Nakailang inom pa sila ng beer, sa dami ng nainom nila hindi na mabiling ni Seungcheol kung ilan na ba talaga ang eksaktong bilang na nainom niya.

Nakaramdam na siya ng antok kaya humiga siya sa may sofa bago niya pinikit ang kanyang mata ngunit kahit nakapikit na ang kanyang maga ay alam niya pa rin ang nangyayari sa paligid niya.

Narinig niyang nagring ang phone niya.

"Cheol, may tumatawag sayo." narinig niyang tawag sakanya ni Mingyu pero hindi niya iyon sinagot "Alam kong gising pa diwa mo kaya sagutin mo na yung tumatawag sayo."

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya pero inabot niya iyon kay Jeonghan dahil ito ang pinakamalapit sakanya "Ikaw na sumagot"

Naramdaman niyang may kumuha ng phone niya mula sakanyang kamay pero hindi siya sigurado kung si Jeonghan ba ang kumuha nito.

Makalipas ang ilang minuto tumigil na ang pag-ring ng kanyang phone ar narinig niyang magsalita si Mingyu.

"Hello?" tanong nito

[Seungcheol? Si Seungcheol ba 'tong kausap ko?" tanong nung nasa kabilang linya ng tawag, alam niya ang boses na 'yon, si Aemie iyon. Nakaloudspeaker pala ang phone niya, siguro ginawa iyon ni Mingyu para marinig niya ang usapan nila.

"No, this is Mingyu, Seungcheol's friend."

[Halata nga, Englishero ka rin eh!] sabi ni Aemie [Pwede bang pakibigay naman kay Seungcheol yung phone niya? Kailangan ko siya makausap.]

"Unfortunately, he's half asleep right now."

[Lasing nanaman siya? Damn, pwede pakigising? Importante lang talaga.]

"Sabihin mo nalang samin yung sasabihin mo kay Seungcheol. Kami na bahala magsabi sakanya." sabi naman ni Wonwoo

[Oh, sino naman 'tong kausap ko ngayon?] nagtatakang tanong ni Aemie [Aish, bahala na. Paki sabi nalang sakanya na kailangan niya pumunta ngayon dito sa condo unit ko as in now na, nandito yung tatay niya. Kinakabahan na ako baka kung anong gawin sakin ng tatay niya. Please...]

"Alright, text mo nalang dito sa number ni Seungcheol kung saan yung condo unit mo. Ihahatid namin siya diyan." sabi naman ni Jeonghan

[Okay. Please, bilisan niyo. Thank you] iyon ang huling sinabi ni Aemie at narinig niya iyon

"I'm sure you heard that, Cheol. Ihahatid ka namin sa condo unit ni Aemie kaya tumayo ka na diyan." sabi ni Wonwoo at sinubukan pa siya nitong patayuin sa pagkakahiga niya sa sofa.

"Inaantok ako, hayaan niyo na siya doon, I'm sure wala namang gagawi---" ngunit hindi pa tapos ang kanyang sinasabi ay naramdaman niyang parang may bumubuhat sakanya.

The next thing he knew nasa loob na siya ng kanyang kotse. Sa dami ng kanyang nainom sobrang nahihilo na talaga siya kaya halos wala na siyang pakialam sa paligid niya.

NAGISING ang diwa ni Seungcheol nang maramdaman niyang parang may bumuhos ng tubig sakanyang mukha. Pagdilat niya ng kanyang mata ay nakita niya si Mingyu, Wonwoo at Jeonghan na nasa harapan niya.

"Nagising ka rin. Pumasok ka na sa loob. Alam mo naman siguro condo unit ni Aemie diba?" sabi agad sakanya ni Wonwoo

"Bakit ako pupunta doon?"

"Heck bro, nandoon si Tito, bakit ba siya pinuntahan ni Tito doon?"

He sighed. Sinabi nga pala niya sa daddy niya last week na girlfriend niya si Aemie. "I told him that Aemie's my girlfriend." yun lang ang huling sinabi niya ay dumiretsyo na agad siya sa loob ng condo at pinuntahan ang condo unit ni Aemie.

Agad naman niyang nahanap ang condo unit ni Aemie dahil nakapunta na siya doon last week noong hinatid niya si Aemie pauwi ng condo unit nito.

Inayos muna niya ng kaunti ang kanyang sarili bago siya nagdoorbell. Bumukas naman agad ang pinto at nakita niya si Aemie na halata sa mukha nitong alalang-alala na.

"Seungcheol, yung tatay mo..."

"I know. May I come in?" walang gana niyang sabi at tumango lang si Aemie.

Unang beses nagsabi ni Seungcheol sa tatay niya na may girlfriend na siya kaya siguro ginagawa ng lahat ng kanyang tatay para malaman kung talaga bang girlfriend niya si Aemie o niloloko niya lang ito.

At ayaw niyang mabuko siya.

Alam niyang sinabi niya lang iyon dahil gusto niyang tigilan na siya sa kakaset-up ng tatay niya sa iba't ibang babae pero parang iba naman ang nangyari ngayon, mukhang inaalam talaga ng kanyang tatay kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi at talagang pumunta pa ito sa condo unit ni Aemie.

"Dad, what's this? Bakit ka nandito?"

"I just want to visit your girlfriend." sabi nito sakanya at nagsmirk pa.

"Dad, please. Leave Aemie alone."

"What's wrong with visiting your girlfriend?" nakakunot-noong tanong sakanya ng tatay niya "May tinatago ba kayo?" dagdag pa nito "Or should I say, is she really your girlfriend?"

"Of course dad. She's my girlfriend so please leave now. This is not my house, this is Aemie's condo unit. Kung gusto mo po kaming kausapin, bukas sa bahay ko, doon nalang wag lang dito."

Seryoso lang siyang tinignan ng kanyang tatay.

"Dad, please."

Tumayo na ang tatay ni Seungcheol nang sinabi niya iyon.

"Fine. I'll talk to the both of you. Tomorrow." iyon ang huling sinabi ng tatay niya at umalis na ito sa condo unit ni Aemie.

Nakahinga na ng maluwag si Seungcheol nang umalis na ang kanyang daddy sa condo unit ni Aemie at nakita naman niya na mas kumalma na si Aemie.

"Thanks, Seungcheol." sabi sakanya ni Aemie na nakatingin sakanya ngayon at nakangiti.

NAGULAT si Niomi nang bigla nalang sumuka si Seungcheol sa harap niya pagkatapos niyang magpasalamat dito.

"What the! Seungcheol naman." inis na sabi niya dahil kakalinis niya lang ng condo unit niya tapos sinukahan naman ni Seungcheol. Walang ibang reaksyon si Seungcheol at dali-dali anman itong humiga sa may sofa.

"Seungcheol, oy wag ka munang humiga diyan." pinipigilan niya si Seungcheol na pumunta doon. Medyo tipsy na rin si Seungcheol at dahil malapit siya kay Seungcheol ay amoy niya na nakainom nga ito ng beer.

"Patulog muna dito ah?" yun ang huling sinabi sakanya ni Seungcheol at tila ngumiti pa iyon sakanya bago humiga sa sofa.

She sighed.

Wala na siyang magagawa, nakahiga na ito eh.

Kumuha nalang siya ng basahan at mop para linisin ang parte ng kanyang condo unit kung saan sumuka si Seungcheol pagkatapos niya linisin iyon ay kumuha siya ng planggana at ng bimpo at nilagyan iyon ng warm water.

Lumapit agad siya kay Seungcheol at pinunasan muna ang ulo nito.

"Hindi ko alam pero bakit parang.. Ay ewan." pinunasan nalang niya ang buhok nito at mukha nito.

Pumasok nalang siya sa kwarto niya pagkatapos niyang pumasan si Seungcheol.

Bakit parang familiar siya sa akin? Nakita ko na ba siya dati? Tanong niya sakanyang sarili. Ewan ba niya, naguguluhan siya. Siguro may kamukha lang si Seungcheol na kakilala niya kaya magaan na rin ang loob niya dito kahit halos isang linggo pa lang niya ito kilala.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet