“BEING STRONG… IS LOVABLE”

Minsan, naiisip ko, kung bakit maraming nahuhumaling sa mga love stories sa panahon ngayon? At marami ring naniniwala na posible ang mga malafairy-tale nitong mga kwento sa totoong pamumuhay nila. There is no happy ending. There is no forever. There is no “Romeo and Juliet” love stories in the real world. Okay, masyado na kong nagiging malalim dito. Naisipan ko lang tong gawin kasi, marami dating humihingi sa’kin ng mga advice pagdating sa mga buhay pag-ibig nila, e ako nga ang walang kaalam-alam sa mga ganyang bagay. Minsan naman, ako ang idinadahilan para makasama ang mga kasintahan ng mas matagal. Ako naman, pinapanindigan ang pagiging dakilang kaibigan. Sabihin na nating, hindi naman talaga ako inosente diyan. Nandyan ang mga romance novels, at pocketbooks na koleksyon ng lola ko, at pati wattpad isama na natin. Kasalanan ko bang mas nahumaling ako sa horror at suspense thriller at mas naaatract ako sa gawa ni Stephen King kaysa sa gawa ni Nicholas Sparks? Sa kabilang banda, naisipan ko tong gawin dahil sa, wala na naman akong magawa sa mga oras kaya nagtype na lang ako. Kasi naman, usong-uso na ang pbb teens kahit saan, kaya eto, baka naman interesado lang kayong marinig, I mean, mabasa, ang side ng isang walang anumang experience sa katagang romantic love, at hindi nagmamadaling pumasok sa buhay pag-ibig. Unang-una, para sa mga taong may sikretong nararamdaman sa kapwa niya. Tatahimik lang, tapos laging ligaw-tingin. Akala mo puputok na sa lakas ng kabog ng dibdib, at kung mamula sobra pa sa bagong pitas na kamatis. Parang may asthma na nauubusan ng hininga. Kung aasarin mo naman, either maiinis, o lalo lang kikiligin. Ang gulo nga nila minsan e. May mga kaibigan akong ganyan. Hindi ko lang talaga maintindihan minsan kasi, di naman ako ganun makareact kapag nakikita ko ang crush ko. Bakit di niyo i-try minsan, lakasan niyo ang loob niyo at kapalan niyo ang mukha niyo, at sabihin sa taong yun na crush, o gusto, o like mo siya, o kahit anong terms na gusto mong gamitin, para sa kanya. Nakakahiya? Pagkatapos pag naunahan, parang bata kang inagawan ng candy? Hindi pa naman kayo magpapakasal e. Sinabi mo lang na gusto mo siya. At least nabawasan ng kahit konti lang ang bigat na nararamdaman mo. Pangalawa, para sa mga nasa relationship, steady man o on the rocks. Happy na kayo sa sitwasyon niyo? E di swerte ka kung nakita mo na ang tamang tao para sa’yo, pero paalala lang, kung nag-aaral pa lang kayo, tandaang unahin ang paggawa ng assignment kaysa sa pagtetext sa boy/girlfriend niyo. Gusto ko lang sabihin na hindi minamadali ang relasyon, o ang pagiging committed. Kung hindi ka pa talaga ready, e di wag mong pasukin ang di mo kayang bigyan ng oras o panindigan. Sabi nga ng iba, you cannot serve two masters at the same time. mas magandang isa lang muna ang tutukan mo ng atensyon, para maibigay mo ang lahat ng makakaya mo. Kung komportable ka naman at alam mong kaya mo talaga ang pagkakaroon ng kasintahan sa panahong ito, pero biglang magkaproblema, alalahanin na hindi lang sa taong yan umiikot ang mundo mo. Unahin muna ang pagrereview para sa exam, kung ayaw mapagalitan ng magulang. Next, para naman sa mga nasaktan o naloko na. Any person deserves to be happy, kaya bakit mo sasayangin ang buhay mo sa taong di ka naman kayang pahalagahan? Oo, dapat marunong tayong magpatawad, pero aminin natin, tao lang tayo. Hindi ka naman siguro ganun katanga para patawarin ng paulit-ulit ang isang taong halata namang di ka sineseryoso. Try niyo namang unahin at bigyang pansin ang sarili mo. Stand up and prove that it is not your loss. Be brave. Sayang ang luha, at ang oras na ginugugol mo sa pag-iisip sa kanya. Eyebag at muta lang ang makukuha niyo riyan. Do I sound bitter? Pero aminin niyo, may point din ako. Kung hindi ka pa nakakaget-over sa pagiging manhid o tanga, gising-gising din minsan. Uso ang alarm clock, pero kung hindi mo talaga makaya, pagtuunan mo muna ng pansin ang ibang bagay, tulad ng pagluluto, o pagkanta, o pag-aaral. Gain from your loss, not get lost due to your loss. At para sa mga katulad kong wala pa sa ganitong sitwasyon, kung hindi man handa, e sadyang hindi pa talaga biniyayaan ng taong magmamahal sa kanila, eto lang ang masasabi ko. Remember, true love waits. Do not rush. Keep calm and do not worry much. Ako, naniniwala na may nakalaan ng buhay sa bawat tao, at bawat isa sa atin, may nakahanda nang makasama at magmamahal. Sa dinami-dami ng tao, di tayo mauubusan sa lawak ba naman ng mundong ito. Kung hindi ka naman agree sa mga nilahad kong opinion ditto, inuulit ko po, I am not here to impose anything, but just to express something. It is still your own decision you’ll follow at the end of the day. Hindi po ako expert at hindi rin po magaling pagdating sa ganitong topic. I just want to show how I see this kind of topic. This is my own, personal side. Hanggang dito na lang. Just don’t be ashamed if you know that you’re doing the right thing. Yan ang importante. Ciao! Goodbye! Paalam! Bahala na kayo kung paano kayo magsasabi ng paalam sa’kin. Di ko na rin naman malalaman kung binasa mo talaga to o hindi, hanggang sa huli. XOXO.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet