“BEING OLD-FASHIONED… IS UNFORGETTABLE”

Generation mutation.

That is how I could describe the great difference I see with the generation today. Yun bang, parang maiisip mo minsan, saan nab a napunta ang magagandang qualities ng mga kabataan noong unang panahon?

Epekto ba ‘to ng sobrang radiation, dahil ba sa masyado na tayong nahumaling sa advances sa technology, o sadyang nakatakda na talaga to sa’tin?

Nakakahilo na rin minsan, at nakakamiss.

Yun bang, pakiramdam mo endangered na ang lahi nina Maria Clara at Isagani. Yung miminsan ka na lang talaga makakakita ng mga dalagang tunay na mahihinhin, at mga lalaking totoong maginoo.

Bakit kaya walang nakaisip ng mga genes na katulad nila? Malay natin masave pa ang lahi nila, hahaha. Okay, corny ako.

Anyway, yun nga. Marami akong baon na example. Gusto niyong malaman? Siyempre ilalagay ko kahit di kayo humihingi.

Months ago, nakasakay ako sa isang bus. Komportable naman at walang snatcher na nakasakay, pero hindi to tungkol sa usong nakawan o sira-sirang upuan. Tungkol to sa paubos nang mga gentlemen. May sumakay na magagandang babae. Yung tipong pangmodel. E di agad naman silang nagsitayuan at nag-give way. Mabait ba? Hindi pa tapos. Nung nakababa na yung mga dalaga, e di bumalik na sila. Maya-maya may sumakay na matanda. Mukha talagang may-edad na, nahihirapan pa, at, babae pa. Pero parang walang may nakakita. Nakakatuwa no?

Eto pa, sa bus din. One time kasi, papuntang school, malalate na ko kaya di na ko namili pa kahit puno na at ang ending e tatayo lang din ako, basta makaabot sa first subject. Habang komportable akong nakatayo, yung mga nakaupo lang sa gilid ko e mga lalaking naglalakihan ang katawan at parang matitibay pa ang tuhod. Ang nangyari? Walang nag-offer na paupuin ako ni isa sa kanila.

May isa pa. Pauwi na ko galling sa school, nang may nakita ako habang nakasakay ako sa jeep. Dahil sa traffic, e di tingin-tingin muna sa paligid. Pampalipas-oras kumbaga. Sa gitna ng daan, mayroong matanda, na may dalang bag sa kaliwang kamay, at tungkod sa kanan. Kaso, biglang nabitawan ni lola ang tungkod niya, at kahit anong pilit  niyang e di niya maabot. Hindi muna ako bumaba, kasi maraming estudyante ang dumaraan. Kaso, aabutin yata ako ng kinabukasan sa paghihintay na may tumulong sa kanya. Titingin lang, tapos lalagpasan lang. Feeling nila invisible si lola. Ang ending? Ako rin pala ang tutulong sa kanya. Dobleng pamasahe nga lang, pero ayos na rin. Nakatulong naman e.

Next, tutungo naman tayo sa romantic at family relationships.

Kung dati uso pa ang pagpapadala ng sulat na pinagpuyatang matapos, ngayon uso nang text at e-mail. Oo, helpful ang cellphone pero, ang punto ko, iba pa rin ang personal na sinasabi ang mga importanteng mensahe. Uso na nga yata ngayon ang panliligaw sa text. Tatanungin ka kung may boyfriend ka na ba, sus, style lang yan para makapagsimula.

Natutuwa talaga ako sa mga bata, o kahit teenager na, na nagsasabi ng po at opo, at nagmamano pa o kaya’y kahit halik na lamang sa pisngi. Naaalala niyo pa yung nagmamano kayo sa mga lolo’t lola niyo kapag alasais na ng gabi at tumutunog na ang simbahan? Sabi ng lola ko, angelus ang tawag doon. Sa kung sino mang naisipang magsayang ng oras sa pagbabasa nito, ginagawa niyo pa ba ang mga ito? Kahit isa man lang sa mga nabanggit ko?

Natatawa naman ako, dun sa mga taong lumaki rito sa Pilipinas, tinuruang magsalita ng Filipino, at puro Pilipino ang nakapaligid sa kanila, pero mas pinipili pa ring magsalita ng Ingles. Hindi sa ayaw kong matuto tayo ng English, dahil talaga namang importante ito sa panahon natin ngayon. My point is, sana ilagay lang sa tama. Sa tamang oras at lugar. Hindi yung, sa sobrang slang mo e, hindi mo alam, natatawa na pala ang mga kaibigan mo sa’yo dahil na sa palengke lang naman kayo. Pero dun sa mga taong lumaking sanay sa tinaguriang second language ng mga Pinoy, mas okay kung pag-aralan niyo rin ang native tongue natin. E di mas masaya di ba?

Sa totoo lang, di ko pa rin alam kung bakit sinulat ko ‘to. Sulat lang ako ng sulat ng kung ano-ano e. Este, type pala ng type. A basta, trip ko to e. Sabi nga ng marami , walang basagan ng trip!

Wala akong pinapatamaan, nais saktan, gustong paringgan, o kahit ano pang negatibong feedback sa ginawa kong eto. Kaya nga tayo may freedom of expression di ba? Democratic country naman tayo e, kaya lulubos-lubosin ko lang ang right ko.

Kung may tinamaan man, e di alam niyo na kung anong maaaring makitang kaibahan sa mga sarili natin kung ikukumpara sa panahon ng mga ninuno natin.

At sa mga walang balak magbago, desisyon niyo yan. Hindi naman ako magdedemand dahil may sari-sarili tayong mga buhay, pananaw, at paniniwala.

Hanggang dito na lang.

Just don’t be ashamed if you know that you’re doing the right thing. Yan ang importante.

Ciao! Goodbye! Paalam!

Bahala na kayo kung paano kayo magsasabi ng paalam sa’kin. Di ko na rin naman malalaman kung binasa mo talaga to o hindi, hanggang sa huli.

XOXO.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet