Chapter 21 - Interrogation

The 12 Zodiacs
Chapter 21
SUHO
        Pagtawag namin sa dalawang kaibigan ni Ellaine napagpasyahan naming dumeretso sa garden para dun mag usap. Wala naman masyadong tao dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na rin ang mga klase nila.
        Dito lang din kasi ang napansin ko kaninang madalang tambayan ng mga estudyante kahit na maganda ang lugar. Hindi ko alam sa mga tao rito at kung bakit mas gusto pa ata nila sa canteen dahil may pagkain doon.
        “So… Mr..??” Bungad ni Tricia? I think. Kanina pa tahimik yung Makino at sa tingin ko medyo mahihirapan kami sa isang ito.
        “Call me Suho, and you’re?” Tanong ko. Napakunot na lang ang noo niya. Ako nga naman ang nag-excuse sa kanya tapos hindi ko siya kilala.
        “Tricia and this is Makino,” pakilala niya. Tumango naman ako. Naalala kong nasa tabi ko pala si Kris kaya napatingin ako sa kanya.
        “Ow, this is Kris at my side,” sabi ko, umupo na lang kami sa isang bench. Katabi ko si Kris at kaharap naman namin silang dalawa. Mukhang hindi mapakali si Tricia, sino nga ba naman kasi sasama sa mga taong hindi niyo naman kilala?
        “So ano bang kailangan niyo at nakuha niyo pa kaming i-excuse sa klase namin?” Harsh na tanong ni Tricia. Mukhang magiging interesado ako sa maitatanong ko sa kanya mamaya.
        “May itatanong lang kami sa inyo tungkol sa kaibigan niyong si Ellaine,” sabi ko sabay tingin ng deretso sa kanila. Isa sa mga kakayahang napag aralan ko ay ang kontrolin ang isip ng ibang tao, ilang taon kong sinubukan at inensayo ang bagay na ito.
        Isa ito sa pinagkakaabalahan ko maliban sa spa na pinapatakbo ko. Kailangan ko rin naman magsaya kahit sandali lang at ito ang naisip kong gawin. Ang mas lalo pang paghusayin ang kakayahan ko.
        “May alam ka ba tungkol sa mga magulang niya?” Tanong ko. Walang emosyon ang makikita sa mga mata niya.
        “Ang mama niya ay dating gangster, ang red Butterfly and papa naman niya matagal nang patay,” iyon lang ang sinabi niya.
        “Red Butterfly?” Tanong ko. Parang hindi ko alam kung ano yun ah? Ngayon ko lang kasi narinig yun.
        “Oo, isa silang sikretong grupo. Ang mama niya ang pinakamagaling at namumuno sa kanila,” sabi naman ni Makino. Mukhang mas maraming nalalaman si Makino ah?
        “Tungkol sa kakayahan ng mama niya, anong kaya niyang gawin?” Tanong ni Kris, may tao pa pala sa tabi ko noh? Pero okay lang yan, isa naman yan sa dapat itanong eh.
        “Ang mama niya, kaya niyang tapusin ang isang batalyon ng mga gangster noon, siya ang tinaguriang the Legendary red Butterfly,” sabi niya. Malamang, ang mga gangsters ay kilala sa pakikipagbasag ulo.
        “Ang papa niya, anong ikinamatay?” Tanong ko. Parang wala naman kaming dapat malaman na iba tungkol sa pamilya niya. Hindi ba simpleng tao lang naman si Ellaine?
        “Hindi ko alam,” sabi na lang, napahilamos na lang ako sa mukha ko. Ewan ko pero na curious ako tungkol sa tatay ni Ellaine. Bakit kaya hindi nila alam? O baka naman alam ni Ellaine ang tungkol sa papa niya pero hindi naike-kwento sa mga kaibigan niya.
        'Dapat si Ellaine na lang tinanong namin, kaya lang baka mahalata naman nung iba kong mga pinsan,'
        “Si Ellaine, anu ano ang mga kakayahang kaya niyang gawin?” Tanong ko, nagiging mainitin na ang ulo ko dahil ang tagal niyang sumagot. Parang gusto kong hilahin yung dila niya palabas para malaman ang mga sasabihin niya.
        “Hoi Suho, huminahon ka nga. Baka masaktan mo yang kaibigan ni Ellaine,” sabi ni Kris habang pinapaupo ako. Hindi ko namalayan ang lapit na ng mukha ko kay Tricia, ang dami pa namang nakatingin saming mga estudyante kaya naman nginitian ko na lang sila.
        Nauubusan na rin kasi ako ng pasensya dahil bakit sakin pa pinagawa ito? Dapat pala pinaubaya ko na lang kay Kris ito. Kaya lang natatakot naman ako sa pwedeng gawin sakin ni kuya Lay.
        “Okay okay, chill na nga,” sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko. Napaharap na lang ako ulit kay Tricia nung magsalita siya ulit...
        “Marunong siyang mag swimming at fencing, ayaw niya ng volleyball pero gusto niya ng tennis,” sabi niya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong malaman! Pero teka nga...ano nga bang kailangan kong alamin? Bukod sa pamilya niya, ano pa bang gusto kong malaman?
        “Iba pa, yung mga kakaiba,” naiirita na sabi ko. Pinapaupo na naman ako ni Kris dahil lumalapit na naman ako sa kanya. Sorry! Hindi ko kasi namamalayan eh. Masyado akong nae-excite sa pwede kong malaman.
        “Sabi ng mama niya sakin, 1 year old palang siya nakakapagsalita at nakakabilang na siya,” sabi niya, hay naku! Walang pag-asa, si Makino naman ang hinarap ko. Kahit anong sabihin niya...kapag hindi ako natuwa aalis na lang ako!
        “Ikaw Makino? May alam ka bang mga bagay na kayang gawin ni Ellaine, yung kakaiba?” Tanong ko, gusto ko na ding matapos ‘to.
        Nauuhaw na ako kaya uminom ako sa may fountain na malapit, buti walang tao. Nauubusan na ako ng tubig sa katawan dahil sa init ng panahon at init na rin ng ulo ko.
        “Sabi ng mama niya dati nung bata pa si Ellaine may mali daw sa kanya,” sagot ni Makino. “, may kakaiba siyang kapangyarihan.” Napatingin naman ako ng deretso kay Makino. Teka? Seryoso ba siya ngayon?
        “Tulad ng?” Tanong ko.
        “Kaya niyang gumawa ng kidlat,” pagkasabi niya niyan...si Kris na kanina pang nakikinig sa Ipod niya ay napatingin kay makino. Nagulat naman ako sa sinabi niya pero baka naman namisinterpret lang namin.
        “Sinabi sakin ng mama niya na itago ang kakayahan niyang iyun, nung bata si Ellaine takot siya sa butiki,” hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya magpatuloy. “,isang beses na lapitan siya ng butiki, biglang umiyak si Ellaine at ginamitan ito ng kidlat," walang kaemosyong emosyong sabi niya.
        Nagkatinginan kami ni Kris. “May iba pa ba siyang kayang gawin?” Tanong ko pa, baka may ibang imposmasyon pa kaming malaman kay Makino. Kailangan ko maipaalam kay kuya Lay ang bagay na ito.
        “Nung bata pa siya muntik na siyang malaglag sa puno…nung una nagtataka ang mama niya kung paano siya nakapunta dun hanggang sa bumaba si Ellaine ng puno. Sa madaling salita...kaya niyang lumipad,” napasandal na lang ako sa narinig ko kay Makino, hindi! Isa lang ang bagay na pumasok sa isip ko, hindi naman siya pwedeng maging isang Zodiac.
        Hindi naman din siya pwedeng maging isang witch dahil hindi nakakalipad ang witch kung walang walis. Hindi siya pwedeng maging Zodiac dahil dose lang talaga ang mga ito at hindi na maaaring madagdagan.
        Isa lang ang pwedeng maging option. “A-Ano nang pag uusapan natin?” Tanong ni Tricia, hala kang bata ka! Anong palusot ang sasabihin ko?
        “Ahm...ano kasi..." napapakamot batok na sagot ko. Masyadong akong nadala sa mga nalaman ko kaya nakalimutan ko na ang dapat kong sabihin.
        “Naisip kasi namin na magkaroon ng ball sa huling araw ng klase, parang farewell party lang naman siya,” sabi ni Kris. Nakahinga naman ako ng malalim kahit parang ewan ang excuse niya.
        “Ah ganun ba, bakit kailangang kami ang kausapin niyo tungkol diyan?” Tanong niya. Sa tingin ko kailangan ko na magsalita.
        “Ahm, hindi ba ikaw ang president ng SSG?” Tanong ko. Maraming salamat kanina sa mga babae at ang dami kong nalaman tungkol sa kanilang dalawa.
        “Oo ako nga, nakausap niyo na ba si Kai?” Tanong niya. Sa pagkakaalam ko naman ay katulong niya si Kai sa pagiging council. Kumbaga siya ang vice president.
        “Oo naman, pinsan namin siya,” sabi ko. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya pero agad naman iyong napalitan ng isang napakagandang ngiti.
        “Ah, ang dami niyang pinsan ah?” Sabi niya, napapaisip parin ako sa nalaman ko kanina lang. Ang weird din ng tingin ni Makino samin na parang nahulaan ang ginawa namin sa kanila ni Tricia. Well at least may nalaman kami...
        “Okay, 'yun lang ba?” Tanong nila. Natatawa na lang ako dahil parang ang walang kwenta ng naisip naming palusot. But, at least we did our best.
        “Ah oo, sige aalis na kami may pupuntahan pa kasi kami tiyaka aayusin na rin namin ang balak namin sa ball,” sagot ko. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga party kaya hahayaan ko na lang si Kris na mag-ayos sa mga kailangan.
        “Ah sige,” sabi nila, lumabas na kami ni Kris ng school at nagmadaling bumalik sa bahay namin. Kailangang malaman ni Kuya Lay ‘to.
        “Teka Suho…” Pigil ni Kris. Napatingin naman ako nang nagtatanong sa kanya.
        “Bakit?” Tanong ko, hinila naman niya ako palayo sa bahay at napunta sa gubat. Ganun kami kabilis gumalaw! Tinignan ko naman siya na parang hindi mapakali.
        “Ano kasi, sa tingin mo ba makakabuti na malaman ni Kuya Lay? You know, hindi natin alam kung anong kaya niyang gawin,” sabi niya.
        “Well, tama ka pero anong gagawin natin. Magtatago tayo ng sikreto kay Kuya?” Tanong ko sa kanya, kung nagkataon kasi natatakot akong magalit samin si kuya. Kung hindi man siya magalit ay tiyak na sa susunod ay maaaring pagdudahan na niya kami.
        “Pero isipin mo na lang ang mangyayare kung may gawing masama si kuya kay Ellaine? Pwedeng magalit si Luhan sa kanya,” sabi niya, nagulo ko na lang ang buhok ko. Bakit ba ganito ka komplikado ang mga bagay dito, kung hindi naman kasi namin nalaman na naging tunay na wolf na si Luhan hindi kami babalik eh.
        Ang sabi naman ni kuya Lay ang misyon lang namin ay sanayin si Luhan eh hindi namin inaasahang mag papaka stalker kami at kikilalanin si Ellaine. Nagkataon pang naging mas komplikado ang mga bagay nung nalaman namin yung kakayahan ni Ellaine na makalikha ng kidlat gaya ni Chen at makalipad gaya ni Kris.
        Bakit ba kasi ako pa? Sa dinami rami naming magpipinsan bakit kaming dalawa pa ni Kris ang nalagay sa ganitong alanganin?
        “Sige, 'wag na muna natin sabihin,” sabi ko at bumalik na kami sa bahay. Bahala na sa kung anong pwedeng mangyare. Pagpasok namin nakita ko ang magaling kong gapatid. Tignan mo ‘tong si Sehun hindi naman kami sinamahan! Hay naku!
        Pumunta na kami sa kwarto ni kuya Lay at kumatok. Pagbukas namin nakita namin siyang nakatayo sa veranda. Parang malalim na naman ang iniisip niya. Nagiging ganyan na siya lately. Nakatulala at laging malalim ang iniisip.
        “Ahm kuya lay,” tawag pansin namin sa kanya. Umupo na kami sa harap niya at nagsimulang magsalita. 'Bahala na...bahala na talaga!'
        “Ang nalaman lang namin ay tungkol sa mga magulang niya,” sabi ni Kris.
        “What about her parents?” Tanong niya. Seryoso itong nakaupo at animo'y nakatingin saming dalawa at sinusubukan kung nagsisinungaling kami.
        “Ang mama niya ay isang gangster, ang legendary red butterfly habang ang papa naman niya at matagal nang namatay,” sabi ko.
        “And? Anong pangalan?” Nagkatinginan kami ni Kris, dahil masyado akong naging curious sa kakayahan niya hindi ko na natanong.
        “I see,” sabi niya. Kinikilabutan ako sa tuwing sasabihin niya yan. Para kaming nahuli sa akto. Ang bilis na ng tibok ng puso ko.
        “What about her ability?” Tanong niya. Bakit may pakiramdam ako sa kung saan pupunta ang usapan na 'to?
        “Ahm, she is good in swimming and fencing at nag tetennis din siya,” sagot ko.
        “And?” Bakit feeling ko rin bumababa na ang IQ ko? Hindi ko namalayan na hindi ko masyadong natanong sina Tricia. “.may sasabihin ba kayo?” Tanong niyang muli. Sa tingin ko wala namang masama kung sasabihin ko. Hayaan ko na lang si Kris kung magalit man siya o ikapahamak ko yun.
        Siniko naman ako ni Kris, alam ko. “I think, Ellaine is the Orion Zodiac...”
 
        [A/N] Wait guys! Alam niyo ba kung ano yung Orion Zodiac? Syempre hindi pa...kasi malalaman niyo pa kung sino talaga ito sa susunod na chapters xD Salamat guys! <3
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet