A Tour Package With EXO

Description

CAST:

~~~~~~~

1.Bridges - Ang may pakana ng lahat. Ang atrimitida. Ang dahilan bakit nagawa tong FF na to. Pinakapapansin sa buong grupo. Hater ni Sehun. Leader (daw) ng grupo.

2.Alva - Ang madalas na tulalang member sa grupo. Bet niya si Lay dahil pareho silang shushunga-shunga minsan. Kikay siya, kung gusto mo ng latest trends about make-ups or anything, sa kanya ka magtanong.

3.Ate Cris - Ang eomma ng grupo. Magaling sa IT. Nababaklaan na napopogian kay Baekhyun. Baliw kay garu na kaloveteam ni pucca. Minion daw siya pero mas minion si Taeyeon. Kineclaim na anak niya si Agnes (yung bata dun sa despicable me)

4.Ate Dara - Ang pinakamaingay sa grupo. Siya ang modd setter. Kahit sino nakakaget-along niya at sobrang jolly talaga. Si Xiumin nagustuhan niya eh. Kung hindi ka makaamin sa crush mo, gawin mo siyang tulay. Kung may makita ka mang pogi, ipatawag mo sa kanya, at least napansin ka din nung nakita mong papabols diba?

5.Ate Keyzha - Ang mahinhin sa grupo. Napakamahinhiinnnn talaga! Pang-anime ang boses, mabait, cute, pretty, tapos pakihanap na lahat ng synonyms ng MAGANDA tapos ilagay mo sa tabi ng name niya. Ganern. Pero wag niyo siya itatabi kay Baekhyun. Sawa na siya sa Boarcay pero wala eh, martir si Boarcay lagi pa din nanjan pag magbabakasyon na siya.

6.Ate Leah - Kabaliktaran ni Chen. Katulad ni ate Keyzha, lahat na ng synonyms ng maganda PLUS makulit itabi mo na sa pangalan niya yun siya. Ang arki ng bayan! Kung gusto mo ng advice about sa buhay, sa kanya ka pumunta.

7.Ate Star - Ang baliw sa violet at pusa. Mukha daw pusa si Tao kaya siya nagustuhan niya tsaka mahilig sa eyebags tong babaeng to eh. Mukha din siyang pusa kaya bagay talaga sila ni Tao. y, pang-model talaga katawan. Kung gusto mo magfancam pag nasa concert ka, tanong mo magkano talent fee niya, sulit yun dahil hindi gumegewang or dumadagundong yung video na marerecord niya para sayo habang ikaw baliw na baliw ka at tumitili sa abot ng makakaya mo habang nagpeperform na idol mo. YUN.

8.Erica - Malandi. Kasinglandi ni Kai. Pareho silang nigga, parehong PG, pero sobrang kwela kasama at masaya. Mangangalay ka lang talaga kakanguya at mabubundat ka pag eto kinasama mo sa isang araw. Pinsan ni Bridges at nahawaan lang nung baliw na author na yun sa EXO.

9.Jin Ae - Halos lahat ata ng hairstyle ni Chanyeol nagaya nito. Buti hindi nasira buhok. ASTIG. Otaku, mejo may pagkakikay din. Maraming alam na related sa Japan. Mahilig mag-blog at matinik pagdating sa pagd-DL. Madaling maiyak.

10.Kemer - ETO. ETO talaga eh. ETO pinakahassler sa buong grupo. Flexible, Lahat kinakaya. Masaya kasama at tulad din ni Erica, mangangalay ang panga mo at bubundat ka kakakain. Pero on the bright side, I like his motto: "Ok lang maggasta basta sa pagkain naman." Ewan ko bakit si Kyungsoo bumihag ng pusong bato nito.

11.Joona Mae - Ang BFF nung pasaway na author. Pag tumawa parang daga. Tulad ni ate Star, adik din sa bayolet. Masarap kainin ang kwarto niya dahil kulay ube yung walls. Wag mo siya aawayin kasi ipapakagat ka niya sa aso niyang si Bruce. Kung ano kinabait ni Suho, ganun din siya. Hindi mo to mapapamura ng live, sad to say. Brutal to sa mga cute na aso so pag may tuta kayo, siya ang wag na wag niyong pupuntahan.

12.Rafaella - Ang batang pangmatanda na ang utak pagdating sa mga librong nabasa niya. Daig pa ako nito dahil alam na niya ang 50 shades of grey sa murang edad. Cute, may accent pag magsasalita, yung tipong yung pinakahuling word sa isang sentence niya pahahabain pa niya. Ganern. Gusto daw niya yung angel shoes ni Luhan eh kaso walang mabili dito maski sa divi. So sad ulit.

13.Reyvilyn - Pinakasiraulo sa grupo. Pokpok daw kase. Ang nag-impluwensya ng KPOP kay Bridges. Siya din ang nag-introduce ng samin. Mas matanda pa sa karamihan sa grupo pero parang 10 years old pa rin kumilos. Wag niyo pagsasamahin siya at si Baek kung hindi magbabato ng kahit na ano ang author ng kwentong ito.

14.Vanessa - Makire. Chubby pero cute. Kung lalaki lang daw si Bridges, liligawan niya talaga to at shoshotain kaso hindi. Binigyan ng matres si Bridges eh. Marmaing lalaki. Si Minho, si Donghae, si Jungkook, tapos si Suho. Mahilig mang-asar. Ang cute ng lahat ng ginagawa niya. AS IN KAHIT ANO.

15.Via - Walking call center ng grupo. Mataray mag-english. Kung gusto mo mapractice yung grammar skills mo, sa kanya ka makipag-usap tapos magbaon ka maraming tissue. SNSD fan at kampon siya ni Sunny. Kalmado kahit ano mangyari. Poised at well-mannered.  HAIYSXZT.

16.Zhaira - Ang tagapagmana ng korona ni Reyvilyn. Ang tutuloy ng sumpa ni Reyvilyn. Mahinhin, Maganda, tapos kabaliktaran ni Baek. BASTA KABALIKTARAN. Kala mo laging hinihika pag kausap mo. Kala mo maiiyak pag kakausapin mo. Kala mo may kasalanan ka pag kakausapin mo. Ganun. Banggitin mo na lang SJ or si Krystal para hindi ka naman mailang pag kinausap mo siya.

Foreword

Tagalog || English || Korean

~~~~~~~

PURE IMAGINATION

Eto po talaga ang nagagawa ng mga kagaya kong nadedeport sa Bundok ng Tralalala at hindi nakakapag-internet ng ilang araw~ Paumanhin~ wag niyo ko madaliin na mag-update ha. di naman din madali mag-imagine :3

 

 

Paano kung may dumating na isang napakalaking blessing sa inyong magkakabarkada?(OO. PACKAGE DEAL ANG PEG!) Yung tipong kahit ata tumalon kayo sa main bldg. ng USTe, itapon ang dangal niyo at mag-oblation run kayo sa UP, magrally at maglaglag ka ng sandamukal na armchairs mula 4th floor hanggang ground floor ng PUP eh hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hindi mangyayari sa INYO ang inaasam niyong blessing na yon? Syempre naman fre! Eto reality! Pangsariling himala nga lang idaing mo, maghihintay ka pa ng ilang araw, linggo, buwan o taon or 5ever baka sakaling may patunguhan din paghihirap mo, pagdaing mo? Diba?

 

Pero yung parang sulit pack? Budget deal? Higantipid? Buy 1 take all? May ganun ba na madaling makuha? Wala diba?

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet