Package 19

A Tour Package With EXO

Isang typical na lunch hour sa restaurant ng magkakaibigan at nasa cashier muna si Bridges ngayon, katulong si Alva at ate Star.

 

Si ate Dara naman, nasa kitchen, tinutulungan sila Vanessa at Reyv tutal wala munang work sila para sa resto. Si Via yung taga taste ng mga nagiging finished product nila huehue.

 

May pumasok na mga customer at binati ito nila Rafaella.

 

At tulad ng dati, napansin ni Rafaella na may certain place sila sa resto na inuupuan.

 

Pumunta ito kung nasaan sila Bridges.

 

"Unnie! Unnie!"

 

Lumingon si Bridges kay Rafaella

 

"O, bakit?"

 

"Ano kasi, napapansin mo ba yung mga yun…" sabay turo sa naturang mga customers "Alam mo bang parang tuwing lunch sila pumupunta dito tapos yang certain place na yan lagi nilang inuupuan."

 

Napataas ng kilay si Bridges habang inaayos ang mga pera sa cash register

 

"Ano namang meron sa kanila? At least nga may mga suki tayo."

 

"Hindi kasi ganun unnie. Erica!" tawag ni Rafaella sa nasabing malandi.

 

"Yes, babe?"

 

"May napapansin ka ba dun sa mga lalaking yun?" turo ni Rafaella sa dating pwesto na pinagturuan niya kay Bridges

 

"Uhmm. Pogi sila?" obserba ni Erica habang nakayakap ito sa tray at kinikilig.

 

"Punyets. Malandi ka babe!" mahinang sabi ni Rafaella. "Ganito kasi yun unnie, napansin ko lang ha, tuwing lunch time sila, tapos dun sila lagi umuupo sa pwesto na yun. Tapos tuwing Monday, Wednesday at Friday sila kumakain dito."

 

"Asan ba?" tanong ni Alva.

 

"Ayun." turo ulit ni Rafaella.

 

Natulala si Alva at nagpitik-pitik si Bridges sa harap ng mukha nito.

 

"Anong meron te?"

 

"W-wala! Sige CR lang muna ako."

 

"Anyare dun?" tanong ni Bridges sa sarili.

 

"OMG!! o-order na ata sila!!! babe omaygad!!" pagpapanic ni Erica.

 

"Edi kunin mo order nila! Bat hindi mo pakinabangan yang landi mo ngayong oras na to!?" bwelta ni Rafaella

 

"Eeehh~ nahihiya ako!"

 

"Hala siya! Lagot ka kay ate Star pag nalaman niyang gaganyan-ganyan ka! Wag mo ibasura yung tinuro sayong mga lessons ni ate Star mahiya ka nga!"

 

"Eh, sila Zhaira na lang! Ay-- kasama nga pala niya si opnie kasi may pinabiling ingredients sa kanila sila Reyv unnie~"

 

"Kukunin niyo yung mga order nila at magkakapera tayo or wala kayong sweldo saken? Malapit na pay day ohhhh" sabay turo ni Bridges sa kalendaryo sa isang parte ng dingding ng resto.

 

"Sabi ko nga Erica kailangan ko ng pera ngayon eh! Tara na!"

 

"Hala! Isasama mo ko?! Bahala ka jan!"

 

"Naman eeh~ Never ko pang nakuhanan ng order yang mga yan! Si Kemer lagi na-kuha ng mga order nila eeh~" T^T

 

"Panahon na para harapin mo ang hamon mo sa buhay, babe" marahang pinalo ni Erica ang balikat ni Raf.

 

"Ugh! Para sa sweldo! I hate you Erica!"

 

"I love you, too!" sabay bigay ng flying kiss ni Erica at pumunta ito sa ibang table kung saan may ibang customer na magbibigay na ng order.

 

Lumapit si Rafaella sa grupong iyon at sinubukang pakalmahin ang sarili.

 

"Oorder na po ba sila?"

 

Humarap ang grupong iyon sa kanya at ……..

 

*INSERTBLINDINGLIGHTSHERETULADNGPAGNAGCHECHECKKANGPHONEMOSAGABI*

 

Nahulog bigla ni Rafaella ang tray ngunit agad naman itong nasalo ng isang lalaki na kasama sa grupong iyon.

"Sorry!" namumula ang mga pisngi ni Rafaella at tila sasabog na ito.

Nakita nila Bridges at nangyaring iyon at sumugod kung saan nakatayo si Rafaella.

"Saeng! Ok ka lang?" tanong ni ate Star.

"Magpahinga ka na lang muna kung hindi mo kaya. Kami na lang muna magte-take charge dito habang wala sila Kemer." --Alva

Dinala muna ni Bridges si Raf sa kwarto ng mga staffs at doon muna pinagpahinga.

"Sorry ulit." bow ni Alva

"Uhm, oorder na po ba kayo?" tanong ni ate Star. "Alva, pakikuha na lang muna yung spare na stencil dun sa counter. Thanks!"

Pumunta si Alva sa counter nang may nakita siyang lalaking nakatayo doon at nakatingin sa menu na nakapaskil sa bandang itaas ng resto.

Saglit na namang napatulala si Alva at tila nakalimutan na ang pinapakuha ni ate Star.

"Lay!"

"Alva!"

Parehong napatingin ang dalawa sa kani-kanilang kaibigan.

Nag-gesture si ate star na parang nagsusulat at doon naalala ni Alva na pinapakuha pala ni ate Star yung stencil na nasa counter.

Bumalik naman sa mga kaibigan niya ang tinawag nilang Lay at umupo.

"Oorder na tayo. Ano ba gusto mo?" tanong ng isang mejo y na lalaki.

"Kayo na bahala, Kris. Hindi naman ako choosy." sabi nung Lay

"Uhmm, I suggest i-try niyo ngayon yung Specialty namin for Monday." singit ni Alva

"Ayun na lang Kris! Yun na lang pala sakin!" biglang sabi ni Lay

"Ano ba yung specialty niyo ngayong araw na to?" tanong ni Kris

"Baba ghanoush." simpleng pagkakasabi ni Alva.

 

Pagkarinig nila ng sinabi ni Alva, biglang nagtawanan ang mga magkakaibigan maliban dun sa Kris. Nagtaka din ang dalawang babae dahil sa naging reaction ng mga ito.

"Anong nakakatawa?! Kayo kaya magbayad lahat mamaya no?"

"Sorry na bro. Ako gusto ko ng strawberry cake!"

"Ang gay mo talaga Tao! Cake na naman!"

"Pake mo ba Jongdae!"

Nilista ni ate Star ang unang order at naghintay pa sa mga susunod

"Ako mango shake tska Mango cake."

"Akin naman yung specialty niyo din for today tapos banana shake." --Xiumin

"Luh Luhan! Inaasar mo talaga si Kris ngayon eh no." --Jongdae

"Huh? Ano bang sinabi ko?"

"Wala to. Loading!" sabi ni Jongdae. Siya naman ang sumunod na tumingin sa menu.

"Ikaw magbabayad ng sarili mong pagkaen Chen ha!" irap ni Kris

"Luh! Di na nga ako nang-aasar eh! Si Luhan kaya yun! Mangga lahat kakainin!"

"Dalian mo na umorder Chen! Naghihintay yung mga pretty ladies dito o!" sabi ni Tao habang nakatingin kay ate Star

"Nga naman! Gusto ko na matikman yung sinabi niya na Baba ghanoush!" sabi ni Lay

"Wala na lang ako oorderin! Ako magbabayad na panigurado nung akin eh!"

"Luh pabebe pa to! Hampasin kita nitong menu eh!" --Luhan

"Hoy umayos nga kayo! Malapit na matapos breaktime natin dalian niyo na!" saway ni Xiumin.

"Oo na! Banana shake na lang din sakin tapos clubhouse sandwich."

"Ako cheesecake tsaka Iced Tea." --Kris

Sinulat na ni ate Star ang pinakahuling order at inulit ito ulit sa kanila. After nun, nagproceed na sila sa counter at ibinigay na ni Alva kila Vam ang mga dapat nilang ihanda.

"Ate Star, grabe makatitig sayo yung umorder nung cake no?"

"Ha? Hindi ko napansin. Busy siguro ako sa pagsusulat ng mga order nila."

 

Lumabas na si Bridges sa staff room

"Ano na?"

"Naka-order na sila. Mejo magulo nga lang sila at madaldal." sabi ni Alva habang pinupunasan ang counter.

Dumating na din ang mga inorder ng grupo at masaya nilang kinain ito.

Dumating na din sila Kemer at Zhaira galing sa pamimili ng mga ingredients at pumasok sila sa backdoor.

May isang pumasok na tao sa resto na nagpabitaw kay Jongdae sa clubhouse na kinakain niya.

"Ate Leah!" sigaw ni Bridges

Ngumiti ang nasabing babae at dumerecho sa counter sabay pumasok kung nasaan sila Bridges.

"Heto na yung bago kong plan para sa gusto niyong design ng harap ng resto." nilapag ni ate star ang isang mahabang canister at tinapik-tapik ito.

"Wow! Ang bilis naman!"

"Para sa resto eh! Anyways, wala akong masyadong gagawin ngayon. Natapos ko na lahat ng mga pinapadesign sakin ng mga clients ko eh. Hinihintay ko na lang approval nila." sabi ni ate Leah habang nagtitingin sa mga nakadisplay na cakes.

"Mejo maraming tao ngayon ha." sabi ni ate Leah habang inoobserbahan ang buong atmosphere ng resto.

"Lunch break eh. Mamaya lalo pang dadami tao kasi tapos na sila sa mga trabaho nila." sabi Alva

"Unnie, ano nangyari kay Raf?" tanong ni Zhaira habang inaayos yung apron niya.

"Uh, mejo nag-collapse lang kanina." --Bridges

"Ohh. O sige! Back to work na kami nila Kemer. Kawawa naman si Erica eh!"

"Ate Chesca, tapos na ata yung nasa table na yun. Saglit lang may nakalimutan kasi ako sa staff room." sabi ni Kemer habang inaayos ang buhok nito.          

"Al--"

"Ayoko na. Ang gulo ng mga yan." biglang sabi ni Alva at nagpunta sa kusina bigla.

"Ate St--"

"Wait lang, Bridges. Magc-CR lang ako. Retouch." excuse ni ate Star at tumungo na ito sa CR.

"Ako na lang. Minsan na nga lang ako dito eh. Gusto ko naman matry magserve sa mga customers dito."

"Sige ate Leah." pumunta si Bridges sa cash register at kinuha ang dapat bayaran ng grupong yun.  "Eto pala yung lalagyanan ng bill nila. Thank you."

 

Kinuha ni ate Leah iyon at tumungo sa table ng mga matsing.

"Eto na po yung bill niyo."

Inabot ito ni ate Leah kay Kris.

Chineck ni Kris ang bill at kinuha ang wallet nito. "Chen, ikaw magbabayad ng sarili mong order ha."

"Ha?! Seryoso ka talaga dun!?"

"Mukha bang nagbibiro tong mukhang to?" turo ni Kris sa poker face nitong mukha.

Napa-roll lang ng eyes si ate Leah at matyagang naghintay na ibalik sa kanya muli ang lalagyan ng bill na may kasama ng bayad.

 

"Luh~ wala akong dalang pera pre! Pautang na lang!"

 

"Ayoko nga! Hindi ka marunong magbayad!"

 

Tumawa ang iba nitong mga kasamahan.

 

Hindi na matagalan ni ate Leah ang mga matsing at nagsalita na.

 

"Sige, libre na lang yung kinain mo basta alam mo kung anong irereply mo sa sasabihin ko sayo. Deal?"

 

Napatingin ang mga matsing sa kanya at nagulat sa sinabi ni ate Leah

 

"May ganun pala dito?" tanong ni Xiumin kay Luhan.

 

"Sige! Game!" sabi ni Chen.

 

"Osige…" tinignan ni ate Leah ang bawat isa sa kanila at nagsimula na itong magsalita.

 

"Chiri wong tong choi, toro kong tong loy. Chidang bo bochichang chiri kong nong nang. Chiring cho ro yak kang kong o-ohup butse kik. Pong chuwala Chi chi ri kong koila butse kik. Bo bochichang Chi chiri kong tong nang butse kik . Chiri wong tong choi, toro kong tong loy. Chidang bo bochichang chiri kong nong nang. Chiring cho ro yak kang kong o-ohup butse kik."

 

 

"Ano daw? Butiki?" bulong ni Luhan


 

"May narinig akong kangkong." sabi ni Lay

 

 

"Butsekik? Butsi lang alam ko, yung pumuputok pa." sabi ni Xiumin

 

 

"So ano, magbabayad ka or alam mo yung sagot sa sinabi ko?" taas-kilay ni ate Leah

 

"Chen, magbayad ka na. Alam kong hindi mo alam sagot dun!" sabi ni Tao

 

"Bakit ikaw? Alam mo ba?" bwelta ni Chen kay Tao

 

"Hindi."

 

"Edi ako din! Hindi ko alam!" T^T

 

"There, there.." --Lay

"Ako na nga lang magbabayad! Gusto lang talaga kita mapahiya." sabi ni Kris sabay dinagdagan ang nilagay na pera sa bill.

 

"WTF Kris." gulat ni Chen

 

"Mang-aasar ka pa? Babawiin ko na ba yung dinagdag ko?" pananakot ni Kris.

 

"Hindi na nga eh!" sabi ni Chen

 

"Eto. Keep the change."

 

Kinuha ni ate Leah yun at nagbow na sa grupo.

 

"Uy bago tayo umalis, picture muna tayo dun o." turo ni Tao

 

"Gay mo talaga!" inis na sabi ni Chen

 

"Uy, oo nga no? Sige bet ko yun!" sabi ni Luhan na may malapad na ngiti.

 

Tumungo ang grupo sa photo booth ng resto at nagtake ng picture.

 

Pagkalabas sa polaroid nung picture nila, dinikit na nila yun sa dingding kung saan pa mayroong mga pictures ng ibang customers na pumunta sa resto na yon.

 

After ng grupo na magtake ng pictures, lumabas din sila ng resto at pumunta na sa dapat nilang puntahan.

 

 

Nang masiguro ni Bridges na nakalayo na ang magkakaibigang iyon, sumugod ito kaagad sa dingding kung saan nakadikit ang 3 pictures ng mga matsing.

 

Dahan-dahang tumingin si Bridges sa kaliwa at kanan niya.

 

Sumunod din pala sa kanya ang mga kaibigan niya at kanya-kanya ito ng tingin sa mga bagong dikit na litrato.

 

"Ay! Wala naman akong bet jan!" sabi ni Erica at bumalik na sa trabaho

 

"Ako din." sabi ni Zhaira

 

"Me three." sabi ni Kemer

 

Tinignan ni Bridges kung sino ang mga natira.

"Eto yung sinasabi ko sayo kanina na matindi makatitig sayo. Yung umorder ng strawberry cake." turo ni Alva sa picture nung Tao

 

"Ay siya ba? Naaasar kasi ako dun sa btich face na mukha eh." sabi ni ate Star

 

"Ako, eto bet ko. " sabay turo ni Alva sa picture ni Lay

 

"Kaya ka ba natutulala kanina?" taas-kilay ni Bridges at mejo nakangisi ito.

 

"Para akong na hypnotize kasi, sa kanya lang ako nakatingin. Oo na! Kasi nakakatuwa syang tignan. I don't know . Di ko matukoy eh." sabi ni Alva.

 

"Heyy guuuyyyss~ Tikman niyo yung bagong recipe na pinagawa ni ate Keyzha kila Reyv! It's really good!" biglang sulpot ni Via.

 

"Ikaw ate Leah, may bet ka din ba sa grupo nila? Sabi ni Raf, madalas daw yung mga yun tuwing lunch eh." --Bridges

 

"Hmm. Wala naman. Pero natuwa lang ako nung napagtripan ko to." sabay turo sa picture ni Chen.

 

"Sige, makikitikim na ako dun Via!" nakangiti si ate Leah na umalis at tumungo na sa counter. Lumabas na si Rafaella at nakita niya sila Alva at ate Star na nakatingin pa din sa mga polaroids.

 

"Ok unnie." naki-join na din si Via sa mga natirang tumitingin pa rin sa polaroids. "Ang tangkad naman nito! Tsaka ang taray ng aura ha~ pero pogi! I like him!"

 

"Unnie, may bagong nagpicture?" tanong ni Rafaella

 

"Ah, OO. Tignan mo." --Via

 

Tinuro nila Alva at ate Star ang mga bagong kuhang picture at napirmi lang ang atensyon ni rafaella sa gitnang polaroid.

 

"Saeng?" tanong ni Alva

 

"May bet ka din ba sa kanila?" segunda naman ni ate Star

 

"Eto……" mabagal na turo ni Rafaella sa picture ni Luhan

 

"Mukha nga siyang angel no?" sabi ni ate Star. "Pero mas bet ko pa din tong umorder ng cake! Sayang hindi ko siya napansin!"

 

Umalis na sila ate Star, Via at Alva at naiwan na dun si Rafaella.

 

"Sa Wednesday ba ulit kita makikita?" sabi nito sa sarili habang nakatitig pa din sa polaroid na yon.

 

"Raf! Pa-assist naman dito!" sigaw ni Zhai

 

"Uh. Ok coming!"

 

Pumunta si Raf kung saan nagseserve si Zhai ng mga shakes at tinulungan ito.

 

 

 

 

~~~~~~~

"That sweet taste, ice cream cake, with a flavor that fits this special day. The ice cream that’s on my mouth makes your heart pound and you’ll come to me. It’s so tasty come and chase me, I can’t hold it in I Scream, You Scream, Gimme that, Gimme That Ice Cream"

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet