Package 17

A Tour Package With EXO

 

May isang grupo ng magkakaibigan. May girl boy bakla tomboy butiki baboy ganern. Charr~ ende, ganun nga yung pinakadescription ng magkakaibigan na to.

 

Tapos, nagkakilala sila dahil sa iisang pangarap. Solid sila kung tutuusin. Kahit magkakalayo ang mga pagitan ng tirahan nila, nagkikita-kita pa rin sila paminsan-minsan.

 

Ang mga pangalan nila?

 

Si Bridges, ate Cris, ate Star, ate Leah, ate Keyzha, ate Dara, Joona Mae, Reyv, Jin Ae, Kemer, Alva, Via, Zhaira, Erica, at Rafaella.

 

Naisipan nilang pagtibayin pa ang samahan nila sa pamamagitan ng paglalakbay sa isang daan na walang kasiguraduhan kung saan patungo. At syempre, kasama nila ang mga pangarap nila.

 

Sa umpisa, Maaliwalas na hangin, tama lang yung sikat ng araw, at hindi baku-bako yung tinatahak nila.

 

Matagal-tagal na din silang naglalakbay hanggang sa biglang may bumigay na bagahe nila. Nataranta ang magkakaibigan at tumungo sa kasamahan nilang nagkaproblema.

 

"Via! Ano nangyare?"

 

"Nasira na yung bag ko. Saan ko na ngayon pwedeng ilagay tong mga gamit ko?"

 

Pumunta si Bridges sa kanya at kinuha ang isang gamit nito.

 

"Guys, tutal nasira na talaga ng tuluyan yung bag niya, kuha kayo ng tig-isa na gamit niya tapos ilagay niyo na lang sa bag ninyo muna. Malayo pa kasi tayo eh."

 

Sumunod naman ang mga ito sa sinabi niya at kinuha nila ang mga gamit ni Via.

 

"Nasira lang bag ni Via! Game over na ba kaagad? Palitan niyo yang mga mukha niyo!" ngiti ni ate Star.

 

"Tama si ate Star. Parang bag lang naman eh. Wag tayo mag-alala! Importante, sama-sama pa rin tayo." segunda ni ate Leah

 

Nagpatuloy sa paglalakbay ang magkakaibigan at sa kabutihang palad, wala nang naulit na insidente ng katulad ng kay Via.

 

Habang abala sa paglalakbay ang magkakaibigan, ay may biglang may humugot sa isa nilang kaibigan. Tumili ito ng malakas at humingi ng tulong sa iba pa niyang kaibigan.

 

"Zhai!!"

 

"Unnie!! Tulungan niyo ko!! May malaking ahas sa ilalim!!" Mangiyak ngiyak na sigaw nito.

 

"Anong gagawin natin?!" Tanong ni ate Dara

 

"Guys, patibong yan. Wag na wag tayong lalapit kundi, matutulad tayo kay Zhaira."

 

"Eh anong gagawin natin?" sabi ni ate Leah

 

"Wala akong maisip. Pasensya na. Pero, hinding hindi naman natin iiwan si Zhai." Sabi ni Bridges

 

"Unnie!!!!!! Hinihila na ako!!!! Tulungan niyo ko!!!!"

 

"Bridges, wala na tayong time mag-isip! Kailangan na nating iligtas si Zhai!" Natatarantang sagot ni Jin Ae

 

"Guys, may naisip akong paraan, pero dapat makisama kayo." Prisinta ni ate Cris

 

Tumango kaagad ang mga magkakaibigan.

 

"Ang kailangan ko lang eh yung mga mabibilis at matitindi kumapit sa kahit anong bagay."

 

"Ako!" Unang nagboluntaryo si Reyv

 

"Sige ako na din!" Sunod naman ni ate Keyzha

 

"Wala nang iba? O sige, kami na lang tatlo. Pag kaming lahat nakakapit na kay Zhai, pagtulungan niyo kaming hilahin para mapigtal yung tali na nagpipigil kay Zhai."

 

Tumingin si ate Cris kay Reyv, "Una ka. Sa kanang braso ka ni Zhai kumapit ka pagkatalon mo papunta sa kanya. Sunod, si Keyzha na kakapit naman sa kaliwang braso ni Zhai."

 

"GO!!!!"

 

Tumalon si Reyv at sumunod din si ate Keyzha sa kanya. Panghuli si ate Cris at kumapit naman ito sa magkabilang braso nila Reyv at ate Keyzha

 

"HILAHIN NIYO NA KAMI!!!"

 

Nagmadaling tumungo ang magkakaibigan kila ate Cris at buong lakas nilang hinila ito papalayo sa kapahamakan.

 

Sabay sabay na bumagsak ang mga ito nang mapigtal na nila ang tali na humihila kay Zhai.

 

"Salamat at hindi niyo ko iniwan!!" Niyakap ng mahigpit ni Zhai si ate Cris at nagsipagsunuran na rin ang iba at nakiyakap.

 

"Guys.." Panimula ni Bridges

 

Napatingin ang lahat sa kanya Nagpatuloy na ulit sa paglalakbay ang magkakaibigan. Ngunit, habang patagal ng patagal ang paglalakbay nila, napansin nilang pahirap din ng pahirap ang tinatahak nilang daan.

 

"Guys, pahinga muna tayo saglit please. " aya ni Vanessa

 

"Sige. Mag-ipon muna tayo ulit ng lakas para sa byahe natin." Sunod naman ni Kemer

 

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Alva

 

"Malayo pa.. Sobrang layo pa." Sabi ni Bridges

 

"Pero guys, kaya pa?" Tanong ni Kemer

 

"KAKAYANIN PA!!!" Sigaw nilang lahat.

 

"Teka guys, bago tayo ulit magpatuloy sa paglalakbay natin, itali natin yung mga sarili natin sa isa't-isa para wala talagang iwanan o maiwanan."

 

"Good idea! Pero sino ang maghahawak nung pinakatali?" Sabi ni Via

 

"Edi yung nagsuggest nung idea!" Sagot ni Erica

 

"Osige ako na. Kemer, ikaw magtali sa bawat isa sa atin tutal ikaw may pinakamalakas na hatak dito satin eh."

 

"Go lang ate Chesca."

 

Tinali nga nila ang kanilang mga sarili sa bawat isa at pagkatapos naman ay nagpatuloy na sila sa paglalakbay. At this time, mas matibay na sila sa pagharap sa kung ano mang pagsubok ang makasalubong nila sa daan.

 

 

Habang nagpapatuloy sa paglalakad ang magkakaibigan, lumapit si Bridges kay Joona Mae.

"Joona Mae."

"Bakit?"

"Kakayanin pa kaya natin? Ako kasi parang hindi ko na kaya eh."

Nagulat si Joona Mae sa sinabi nito at hinarap siya.

"Ano bang sinasabi mo? Magkakasama na tayo at mas matibay na tayo ngayon tapos ngayon ka panagdududa satin? Sa lalakbayin natin?"

"Eh kasi.."

"Walang 'eh kasi eh kasi' jan! Nung grade 6 pa natin pinag-aralan yang subject na yan! Umayos ka kundi babalian kita ng buto!"

"Eh--"

Biglang hinawakan ni Joona Mae ang braso ni Bridges at akma na sanang tototohanin ang banta nito sa kanya

"Yah! Syempre nagbibiro lang ako diba?! Tara na nga!"

Kumapit ito kay Joona Mae at nginitian niya ito.

"Thank you!"

"Tara na nga! Baliw ka talaga!"

Naglalakad ang magkakaibigan nang biglang huminto si Kemer.

"Wait.. Nakikita niyo ba yun?" sabay turo niya sa itaas.

May parang nagbibitak-bitak mula sa isang mataas na pader.

"OMG." --Alva

"Danger ahead." --ate Dara

"Push pa ba tayo? Pwede namang dito na lang muna tayo." --Erica

"Dito na lang nga muna tayo guys, delikado kung tutuloy tayo. Tignan muna natin kung ano pwede mangyari." -- Bridges

"Let's just keep ourselves away for some time." --Via

Tumigil muna ang magkakaibigan muli sa paglalakbay at nagdesisyong magpalipas na lang ng gabi sa kinalulugaran nila. Dumating ang umaga at napagdesisyunang magpatuloy na lang sa paglalakbay ang magkakaibigan dahil wala namang pinagbago sa nakita nilang bitak sa pader.

"Bilisan na lang natin maglakad." --Bridges

"Guys, walang hihiwalay ah. Kumapit kayo sa mga tali niyo." --ate Cris

*crack*

"Wrong move ata tayo.." --Jin Ae

*crack*

"KAPIT-KAPIT LANG GUYS! Takbo na lang tayo!!" sigaw ni Vanessa

*crack* *crack* *crack* *crack*

"Bakit kagabi hindi pa gumuho yaaaannn!!!" sigaw ni Kemer

 

 

Muntik ng maabutan ng pagkaguho ang magkakaibigan pero buti na lang ay nalampasan na nila ito bago pa man may mangyaring masama sa isa kanila.

"Wait guys, may injury si Raf!" sabi ni Joona Mae

Lumapit lahat kay Rafaella at tinulungan siyang makatayo.

"Ok lang ako guys, hindi naman seryoso to." sabi ni Rafaella habang paika-ika tumayo.

"Guys, seryoso. Pahinga muna tayo ulit." sabi ni Reyv

"Tsaka para magamot din natin yung sugat ni Raf." sabi ni Jin Ae.

Habang abala sa kanya-kanyang gawain ang magkakaibigan, nagpunta sa isang lugar si Bridges kung saan siya pwede mapag-isa.

Tumingin siya sa langit at napabuntong-hininga. Napatingin ito sa mga kaibigan niya at mejo ngumiti.

"Ano na ba tong nangyari? Ang dami na din naming pinagdaanan. Bakit parang gusto ko ng itigil to? Hindi ko na din kasi alam kung ano yung magagawa ko pa pag may pinagdaanan na naman kaming pagsubok…"

"Gusto ko na din itigil to kasi siguro pag nangyari yun, dito na din matatapos ang lahat, dito na din titigil siguro yung kung ano mang pagsubok pa na pwede naming ma-encounter pag pinagpatuloy pa namin yung paglalakbay…"

Huminga ng malalim si Bridges at nagpatuloy sa pag-iisip.

"Pero, kung sila kaya pa nila, at ako lang naman ang magiging sagabal sa kanila sa pupuntahan nila, ako na lang siguro ang magpapaiwan. Tutal, sarili ko namang desisyon to at ako lang naman ang may mahinang loob sa kanila…"

"Pero kasi, hindi naman sa gusto ko silang iwan. Itong paglalakbay lang naman yung gusto kong itigil na. Umaasa kasi akong may mas maayos pa na daan ang pwede naming lakbayin at hindi ito. Siguro kung magagawa ko lang sabihin sa kanila na mag-iba na lang kami ng tatahakin, ay teka kasi-- ang layo na ng narating namin, at karamihan sa kanila hindi papabor sa imumungkahi ko…"

"Ako na lang ang titigil. Kung gusto nila magpatuloy pa, sige lang. Basta ako, ayoko na. Maghahanap na lang ako ng ibang daan..."

 

 

Kinabukasan, handa na sa muling paglalakbay ang magkakagrupo ng mapagdesisyunan na ni Bridges na sabihin sa kanila ang totoo.

"Guys. Ayoko na. Kayo na lang. Magpapaiwan na ako dito."

Tumingin lahat sa kanya at gulat na gulat sa sinabi nito.

"H-hey.." --Via

"Ate Chesca, gising na gising na kami, gisiiing na gisiiing na talaga at ready na maglakbay! Hindi mo na kami kailangan pang gisingin like that. Ok na lahat." --Kemer

"Unnie, Sorry pero hindi ako natatawa sa joke mo eh." --Erica

"Sehuna, nakatulog ka ba ng maayos?" --Joona Mae

Nagbuntong-hininga lang si Bridges at ibinaba nito ang dala niyang bag. Tumungo siya sa kinatatayuan ni Vanessa at inilapag niya sa paanan nito ang dala-dala niya.

"I'm sorry. May mga importante pang bagay jan na baka kakailangannin niyo sa paglalakbay niyo. Sa inyo na yan."

"Bridges wag.." --ate Keyzha

"Bridge, ano nangyayari sayo? Ok ka lang ba? Bukas na lang natin ipagpatuloy to." --ate Dara

"Tama, Bridges. Wag ka magpadalus-dalos ng desisyon mo." --ate Leah

"NO. Alam ko ang desisyon ko na gusto ko tahakin. At gusto ko din mahanap ang sarili ko, malaman kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. I'm sorry. Alam kong binigo ko kayo. Ang dami na nating pinagdaanan at lahat lahat pero.. I think I'm doing the wrong thing all this time."

"Ano bang sinasabi mo?!" --Reyv

"Please understand.. Your life will still go on kahit na wala na ako sa inyo. Please understand.. Alam kong selfish to pero gusto ko lang gawin ang sa tingin ko ay tama para sa sarili ko. " napayuko na lang si Bridges at dahan-dahang kinuha ang isang bagay mula sa bulsa nito.

"You won't even dare do that!" tumakbo bigla si Vanessa kay Bridges at akma na sanang aagawin ang gunting mula sa kamay niya pero inunahan na siya ni Bridges at tuluyan ng ginupit ang tali na nagdudugtong sa kanilang magkakaibigan.

"KAILANGAN KO NGANG GAWIN TO SABI EH!" sigaw ni Bridges. "Go on. Iwan niyo na ako dito. Hindi ko na kaya."

 Pumunta si Joona Mae kay Vanessa at dahan-dahan nitong ibinaba ang mga kamay nito.

"Vam, let her be. Yun ang desisyon niya."

Tumungo si Joona Mae kay Bridges at dahan-dahan niyang kinuha ang gunting mula sa mga kamay nito at tuluyan ng nilayo ito sa kanya.

Tinignan siya nito at nagsalita. "Akala ko ba walang iwanan? Ako alam ko sa sarili ko na maybe someday bibitaw din ako sa paglalakbay na to pero masyado atang napaaga yung pagbitaw mo? Ok lang naman tayo kahapon diba? Bakit biglang ganito? Paano na yung mga plano natin pag narating na natin yung destinasyon natin? Ha? Bakit ka nagkaganyan? Bakit sumuko ka kaagad?"

Hindi na nagawang makasagot ni Bridges at napayuko na lang ito "I'm very sorry.."

Lahat ng mga kaibigan niya ay nadisappoint sa desisyon niyang yun. Dahan-dahan nilang inayos at binuhat ang mga kanya-kanya nilang bagahe kasama na din ang kay Bridges at sila na lang ang nagpatuloy sa paglalakbay.

"Humabol ka na lang." huling sabi ni ate Cris

At tuluyan ng iniwan si Bridges ng mga kaibigan niya.

 

 

Umupo muna siya para magisip-isip.  Napansin niya ang ginupit niyang tali na nagdudugtong sa bawat isa sa kanila. Katabi nito ang isang pulupot ng tali na maaari pang magdugtong muli sa kanya at sa mga kaibigan niya.

Naalala bigla ni Bridges ang sinabi ni ate Cris

"Humabol ka na lang."

Nakita din ni Bridges ang isang tali na nakadugtong sa pulupot ng lubid na yun at alam na niya kung kanino nakadugtong iyon.

"I don't know…" sambit ni Bridges sa sarili niya.

 

 

~~~~~~~

"I try to go back but you’re not there. No matter how much I call you, you’re not there. We have nothing, we really have nothing. Every day, every say, I walk on this street again with you. If only I can walk with you again, If only we can walk together again."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet