Chapter 1: Rest Day or Stress Day?

Replay 2008

Incheon International Airport

February 13, 2015

                       

 

Elaida’s POV

 

 “Ladies and Gentlemen, welcome to Incheon International Airport. Local time is 8 in the evening and the temperature is 4°C. On behalf of Meerkat Airways, Thank you for flying with us and we hope to see you on our next flights.” Last greeting naming sa mga passenger naming ng araw na iyon.

 

“Miss Elaida, I’ve heard about your taking a vacation. Is it for real?” Dudang tanong ni Captain Henry Lau sa akin after magdisembark ng mga pasahero ng Flight MK143.

 

“Yes, Captain. This time it’s for real.” With assuring smile na sagot ko sa kanya.

 

“Oh! That’s great then.” Excited na sagot niya na pinagtatakhan ko naman.

 

“Why Captain?” while lots of question marks in my head.

 

“Coz there’ll be no Ice Princess in my crew.” Toinks happy to the nth power talaga ang mokong na ito.

 

“Heh. What if I cancel my vacation?” Panghahamon ko. Nakakapikon kasi kasiyahan niya.

“Oh! Please don’t. You need a rest Elaida. You deserve it.” Biglang lumaki ang tawa ng mokong na ito. “I need to go now. Please keep in touch.” Don’t forget to post some pictures and what-so-ever in your SNS, so that we’ll know that you’re still alive.” Pagbibiro pa nito. Kung wala lang kami sa Airport eh kinutusan ko na ang lokong ito.

 

Captain Henry Lau is one of my closest friend. Bago pa man siya maging Pilot ay magkaibigan na kami. Walang ibang ginawa yun kundi kulitin ako na magbakasyon para naman daw di lagging tense yung ibang crew na nakakasama namin sa mga flights.

 

 Habang inaayos ko ang gamit ko sa locker room, pinag-iisipan ko na kung saan pwedeng magrelax ng maayos. ‘Teka macheck nga sa net’ hinanap ko agad sa dora bag ko ang phone ko. Medyo natagalan ako sa paghahanap sa dami nap ala ng laman ng handbag ko.

 

“Saan kaya ako pwedeng gumala bukas?” tanong ko sa sarili ko. After browsing for half an hour nakita ko na din ang best place for me. Ang NAMI ISLAND. Makakita kaya ako ng Idols doon? Sana nga…

 

 

 

∞.∞.∞                                       

 

 

Nami Island

February 14, 2015

Kamoteng Kahoy naman ito oh. Kung anong galling ng sense of direction ko, ganoon din ako kasemplang sa sense of time ko. Nakalimutan kong February 14 pala ngayon. Couples, Family and Friends are everywhere. Paano ako makakapagrelax kung madaming tao ang nandito? Kamote naman talaga oh.Pero infairness super ganda dito at super lamig nga lang. Feel ko tuloy ako si Jung Yoo Jin ng Endless Love: Winter Sonata, minus Kang Jun Sang nga lang.

 

Naglakad-lakad ako para makahanap ng spot na medyo secluded sa mga tao kahit.5% lang. habang naglalakad ay napapakanta ako ng ‘Let It Go’ with matching hand gestures pa. Then nakita ko yung bench sa ilalim ng pine tree malapit sa isang restaurant. Nang makaupo na ako ay inilabas ko na ang mahiwagang iPod ko para makinig ng music habang nagbabasa ng libro na sinulat ng favoi jrite author kong si Sydney Sheldon ang ‘Tell Me Your Dream’. Buti may headphone ako para di ko gaanong marinig ang ingay ng mga tao sa paligid ko. Peaeful moment.

 

            Grrrrrrrrr…. Grrrrrrrrr….. Grrrrrrrrrrrr…

 

            Ano yung nagvavibrate? Sabay tanggal ng headphone ko.

 

            Toinks! Cellphone ko nga pala yun.

 

            “Yeoboseyo” [Hello] mapagtripan nga itong nakakaistorbo sa Peaceful Moment ko. Tingnan ko lang maintindihan mo ako.

 

            “Eonnie, na~ya.” Sagot ng kausap ko. Bigla naman akong napatingin sa caller ID para Makita ko kung tama ba ang hinala ko sa kung sino kausap ko ngayon.

 

           “YAH! Odiseo?” napalakas ata boses ko dahil biglang tumigil ang mga tao sa paligid ko at sa akin nakatingin. “Mianhamnida” [Sorry] lang ang tanging nasambit ko with 90° bow. Oh my Gdragon nakakahiya.

 

            “What? Ate alam mo naming I’m not as good as you sa Korean language kaya di ko na alam yan.” Tatawa-tawa pang reklamo ng kausap ko na walang iba kundi si Estefania aka Tiffany.

 

            Tiffany is my step-sister. My mom died from giving birth to me. After 17 years my dad decided to get married again. The lucky woman is tita Bernadette, na may isang anak na babae from his late husband, yun ay si Tiffany. 2 years ang gap naming ni Tiffany at pareho kaming sabik sa kapatid kaya nagging super close kaming dalawa. Para kaming isang tunay na pamilya. Mula noon kasi Mommy na din tawag ko kay tita Bernadette at Daddy Aiden

 

            “Estefania nasaan ka? 3 years kang di nagpaparamdam kahit sa SNS man lang. Simpleng Hi ni Ho wala. Akala ko tuloy kasama ka ng nilamon ng kumunoy o kinuha ka na ni Do Min Jun at dinala sa Which Star man siya galling.” Non-stop ang bunganga ko sa panenermon. Syempre nagwoworry ako sa kanya.

 

            “Calm down ate” with matching giggle. “I’m here in New York now” Very proud pa ang loka.

 

            “Kamote! Kapunta ka na pala ng New York di mo man lang sinabi. Alam na ba nila daddy yan?” sermon part 2 lang.

 

            “Yes. Alam na nila and their so happy. They even congratulated me for making it to New York.” Happy mode ang sissy ko ngayon ah.

 

            “Anyway, napatawag ka?’

 

            “Ate, We’ll be home na.”

 

            “Edi mabuti” teka

 

we’ll be home

 

we’ll be

 

we’ll talaga yung sinabi niya ah. Sino kasama niya? “With whom naman aber?”

 

            “With my soon-to-be-boyfriend”

 

            “WHHHHAAAAATTT” nawindang ako sa soon-to-be-boyfriend na yun ah.

 

            “O.A ah. Well, I need to go na. Done na break naming. See you soonest na lang ate. Love Lots”

 

            Toot.. toot.. toot

 

            “Yah! Estefania Guevarra Smith”

 

            At wala nap ala akong kausap sa phone,Windang ang beauty ko sa bilis ng mga pangyayari. Kamusta naman ang pagtawag ng long lost sister ko na nasa New York pala. Uuwi na dawn a kasama pa ang soon-to-be-boyfriend niya. Goodluck na lang sa amin.

           

            Si Tiffany na talaga ang magaling manira ng bakasyon. Erase Erase muna bad vibes at nagrerelax pa ako dito. After vacation na muna ako mag-iisip ng negative. Isinuot ko uli ang headphone ko and pressed the play button ng iPod ko. Yesssssss! All For You nina Eunji at Seo In Guk nap ala ang kasunod. Nakakawala talaga ng stress itong music na ito. Hay! Sa huling byahe na lang ng ferry ako sasakay. Save the best for last. Anong connect? hehehhe

 

Andrews’s POV

 

            Dead meat na ako nito. Sobrang late na ako sa appointment ko new client ng company namin. Medyo natagalan kasi ako sa immigration sa Incheon International Airport. Dami-daming tanong eh di naman ako gagawa ng masama dito. Isa pa, pagdock palang ng ferry boat ditto sa Nami Island ay namangha na ako sa sceneries. Almost perfect n asana ang lugar kaso minus lang ang date ko at work ang pinunta ko dito. Di bale kapag may time mamaya ay lilibutin ko itong island bago man lang bumalik sa Seoul.

 

            I called the number my my subordinate para malaman kung saang restaurant sila. Malaki kasi itong lugar at baguhan ako kaya di ko alam kung paano ang pasikot-sikot dito.

 

            “Hello Mr. Cruz.”

 

            “Hello. I just arrived here in the island could you tell me where to go? I’m still near the port.”

 

            “Just walk straight sir may makikita jayong malaking restaurant on your way. Dito na po yun.” Pagbibigay direction ni Kevin.

 

            “Oh yah, nakikita ko na nga eh. I’ll hang up na.” Paalam ko.

 

            Habang naglalakad papunta sa restaurant ay bigla akong nagulat sa isang napakalas nasigaw ng isang babae.

 

YAH! Odiseo?”  May kaaway ata itong koreanang ito. Halos lahat ng tao napahinto sa paghiyaw niya.

 

“Mr.Cruz nasa loob na po sila. Mr. Lee” Salubong sa akin ni Kevin.

 

“I’m so sorry for being late”

 

Nag-umpisa agad ang meeting naming about sa pageexpand ng restaurant business nila sa New York. They want the best façade for their restaurant. Marami pa kaming napag-usapan bago umuwi.

 

            Paglabas ko sa restaurant ay nakita  kong tahimik na nagbabasa na ng libro yung babaeng may kaaway ata kanina. Napatawa na lang ako ng may maalalang tao na ganoon din kawagas kapag makareact. Nasaan na kaya siya ngayon? It’s been 6 years since the the last time I saw her.

 

“OO nga naman Drew 6 years na pero di ka pa rin okey.” Teka teka para naman na akong sira nito. Kinakausap ko na sarili ko.

 

Makabalik na nga sa Seoul. Last trip ng ferry ang nasakyan ko. Buti nga umabot.

 

 

 

 

 

A/N

 

            Hope naenjoy ninyo ang pagbabasa..

 

            Please don’t hesitate to leave your Comments and Suggestions..

 

 

 

©Jhovzrock

(03/26/2015)

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Pink_Star_Lights
#1
Chapter 1: Update soon!