Chapter 1: Wish

No More Team Bahay

Chapter 1: Wish

 

Karlyn's POV

 

:(

"Hoy!" napapitlag ako nang may kumalabit sa balikat ko at sigawan ako sa tainga. Aish, si Lizel pala.

"Anuba, Lizel! Magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sa'yo eh!" sigaw ko sa bestfriend ko. Baka kasi hindi niya ako marinig sa lakas ng tugtog na Gangnam Style christmas remix. Hindi ba sila nagsasawa diyan? Anong taon na.

She sat at the chair infront of me na nandito rin sa isang pabilog na lamesa.

Sinandal niya 'yung siko niya sa lamesa and rested her chin in her palm.

"Eh kasi naman ikaw.. Kanina ka pa kaya nakatulala! Tapos 'yung mukha mo nakabusangot! Christmas ang okasyon 'te! Hindi semana santa!" sigaw niya sakin. "Ba't ka ba kasi malungkot?!" tanong niya pa.

Lalo tuloy akong napasimangot nang maalala ko ang dahilan kung bakit malungkot ako.

"Hindi pa rin kasi ako maka-move on eh.." malungkot na sabi ko. Medyo nagulat ako kasi 'yung tugtog napalitan ng 'Sana ngayong pasko'. Kaya hindi na namin kailangan mag-sigawan ni Lizel kasi hindi na maingay 'yung tugtog.

Huh. Ge lang. Makisabay sa pag-eemo ko.

"OMG." napatingin ako kay Lizel when I heard her gasped. Gulat na gulat 'yung mukha niya. "Hindi ka manlang nag-sasabi!" she said and slapped my arm.

"Aray! Bakit?!" takang tanong ko.

"Sino 'yan?! Sino 'yang walangyang lalaking 'yan na nanloko sa'yo at hindi ka maka-move on?! IKAW HA. NAGLILIHIM-- Ouch." hinampas ko 'yung hita niya.

"Gaga! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin!" sabi ko.

"Oh, eh ano?" She furrowed her eyebrows habang hinihimas niya 'yung hita niyang hinampas ko.

"Hindi ako maka-move on.. SA CONCERT NG BTS! WAH! TEAM BAHAY NANAMAN AKO EH! ANG SAKLAP." I hysterically said and pouted.

Team bahay nanaman ako. Tapos, next year. May concert ang tatlo kong bias group at alam ko na ang kahihinatnan ko.

Tumigil siya sa paghihimas ng hita niya at binigyan ako ng poker face. "Walangya ka. Akala ko kung ano na. Koreano nanaman pala."

"Wag mo ngang nilalang ang mga asawa ko!" sigaw ko.

"Ay, ewan ko sayo!" she said then turned to the gifts na nasa lamesa. Tinitingnan-tingnan niya lang. "Eh kung sagutin mo nalang kaya ang isa sa mga nanliligaw sayo dito sa school? Eh di may natulungan ka pang matupad ang wish nila ngayong pasko?" she averted her gaze at me. "Ang hirap sayo, ang daming nagkakagusto sa'yo dito pero 'yung atensyon mo, anduuuun sa mga lalaking isang karagatan ang layo sayo." she said and spread her arms na para bang pinapakita sakin kung gaano kalayo sakin ang mga pinapantasya ko.

Tsk. Kasalanan ko bang naimbento ang pacific ocean?!

I sighed. "Sana nga 'yung mga lalaking 'yun nalang ang mga schoolmate ko eh." I said and tiningnan-tingnan ko na rin 'yung mga nakabalot na gifts. Then, napatingin ako dun sa mga lalaking nakaupo sa bleachers. Sa covered court ginanap ang christmas party ng school namin eh.

Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan si kuyang naka-red na hoodie.

I sighed at binalik nalang ang tingin ko sa mga gifts.

Sa sobrang depressed ko nakikita ko na lang kung saan-saan si Jungkook ah?

'Yung bias ko sa BTS na korean boy band.

Imposible namang andito si Jungkook, diba? Lol.

Aw, shete naman. Bakit Marry Me pa ni Jason Derulo ang pinapatugtog ngayon?? Mas naalala ko lang tuloy si Jungkook at ang pagiging team bahay ko.

Tiningnan ko ulit 'yung bleachers kung saan nakapwesto 'yung mga lalaki kanina at nakita kong wala na sila dun. Nakatalikod na sila at naglalakad na paalis. Pero hindi ko maaninag si kuyang naka-red na hoodie, ah?

Oh, well.

"Hoy, Karlyn!" napapitlag ako ng sundutin ni Lizel 'yung tagiliran ko.

"Anuba!" sigaw ko sa kanya.

"Nakikinig ka ba sakin?!" tanong niya.

"Ha? Bakit may sinasabi ka ba?" I asked.

"Hay nako! Wala! I-enjoy mo nalang kako itong party kesa nakabusangot ka diyan! You should smile! It's christmas!" she said and smiled widely.

Napangiti rin tuloy ako.

"Wow. English."

"Che!" sigaw niya at natawa nalang ako.

~~

~ Bubble

Bubble bubble bubble ~

Pinapatugtog ngayon 'tong 'Bubble ' at ang bestfriend ko, ayun! Nagpapaka-wild kasama ang iba naming kaklase sa dance floor. Uh, hindi naman dance floor talaga. Gitna ng court yun pero nagmukhang dance floor dahil sa dami ng estudyanteng nasisiraan na ng ulo-- ay, este nagsasayawan.

Ugh, gusto ko ring sumayaw-sayaw pero wala lang talaga ako sa mood ngayon.

Gusto ko ring makipag-baliw-baliwan kasama mga kaklase kong nasisiraan na ng ulo kasasayaw. Pero kasi ngayon, sirang-sira na talaga ang ulo ko eh, pati puso ko.

Yak, andrama. Haha.

Nagkalikot na lang ako dito sa cellphone ko at hindi ko namalayang tapos na pala sila magsayawan.

"Alright! Meron tayong bagong pakulo because it's the 10th year na ng ating school! So, this segment is called 'Wish mo lang'!"  rinig kong sabi ng emcee.

Nagtawanan naman ang mga tao. Pano eh parang nang-aasar naman kasi 'yung pangalan ng segment. Mga siraulo. Haha.

"Haha! Kaya ganto ang pangalan niya is because, papasulatin namin kayo sa papel ng mga wishes niyo na over these years, ay hindi pa rin matupad-tupad. Malay niyo, matupad na ito ngayong taon, diba?"

Mga ka-ekekan naman ng school na 'to.

Sinakyan nalang namin 'tong trip na 'to kahit pa medyo corny. Haha.

Lahat kami ay binigyan ng maliliit na piece ng scented paper, sakto lang para pagsulatan ng mga wishes namin.

"Wow, ha? Scented paper talaga? Sosyaaal~" natatawang sabi ni Lizel.

"Minsan lang maging sosyal 'tong school na 'to. Pagbigyan mo na." sabi ko and we burst out laughing.

"Hay nako. Dito yata nila ginastos 'yung pera para sa venue eh. Kaya tamo tuloy nangyari sa venue natin." one of our classmates na ka-table namin, joked at lahat kaming nasa table ay natawa nalang.

Nakangiting iiling-iling akong tumingin sa papel ko.

Hmm? Anong bang wish ko na hindi matupad-tupad hanggang ngayon?

Think..

Think..

Then, it hit me.

Alam ko na.

I started writing my wish at the scented paper.

No more team bahay, please?

~~

I sighed at humalumbaba sa table namin. Nandun nanaman sila sa dance floor-kuno at nagpaparteh-parteh.

Wala talaga ako sa mood!

Napatingin ako sa gilid ko nang umupo sa katabi kong upuan si Lizel.

"Oh my gahd! Ang saya saya!" tuwang-tuwang sabi niya.

"Matagal pa ba 'tong party? Gusto ko nang umuwi." reklamo ko.

"What? Ang KJ mo namaaan! Maki-party ka kaya!" she said.

"Wala nga ako sa mood, diba?" straight face kong sabi.

"Tsk. Matagal pa 'to." she said and looked at her watch. "Oh, 1 and a half hour pa bago matapos." she said.

"Ugh. Inaantok na 'ko." I yawned and rested my head at the table.

"Haay. Karlyn naman kasi eh. Matulog ka nalang diyan kung gusto mo. Dun muna ako, ha?" she said and I just nodded.

Sana makatulog ako sa ingay.

 

To be continued..

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
huggasaur #1
relate much..><