Kang Seungyoon

Kang and Nam

Kang Seungyoon

 

Yung paghanga ko sayo parang itlog at manok. Hindi ko alam kung paano nagisimula, kung saan at kung paano. Basta nag-eexist na lang tong nararamdaman ko para sayo.

 

Sobrang saya ko nung malaman kong pareho tayo ng university na pinasukan at kung papalarin nga naman ako, parehas pa tayong course. Tadhana. Tadhana nga ba? Ang korni pero sana tadhana nga. This time, nangako ako sa sarili ko na kakausapin na kita. Nanghihinayang kasi ako sa dalwang taon nung highschool pero hindi ako gumawa ng move. Nakakatorpe kasi. Tsaka alam mo namang sa mata ng iba, hindi pwede ang pag-iibigan ng dalawang lalaki.

 

Kasama ko nun ang kaibigan kong si Mino nung araw na wala ng bakanteng upuan sa canteen. Nagulat ako nung nagtama ang tingin natin. Napaiwas ako ng tingin. Hindi dahil sa ayaw kong umupo ka sa table kundi dahil parakiramdam ko matutunaw ako sa tingin mo. Hindi nga ako nagkamali, sa table ka nga namin umupo. Sabi mo, "Pwede bang makishare ng table? Wala na kasing ibang upuan na bakante." Umoo ako at pinaupo kita sa tabi ko. Inisip ko na, magfirst move na kaya ako? Kasi tignan mo o, ikaw na yung lumapit sakin. Tadhana nga.

 

Nagsisisi ako kung bakit sobrang aga kong nag-enroll. Hindi tuloy kita kablock. Kung kablock lang sana kita siguro ako na magto-top sa klase sa sobrang inspired. Inspired naman ako pero iba parin kapag nakikita kita. Nagulat ako nung lumabas ka sa isang classroom, yun din ang room namin after ng klase niyo. Lagi mo kong nginingitian kapag nakikita mo ko. Tadhana ba ito? Lagi na lang tayong pinagtatagpo. Lagi akong binibigyan ng pagkakataon pero sinasayang ko.

 

Naalala ko yung araw na sobrang sungit ng prof namin sa Chemistry kaya natataranta kami kung kanino manghihiram ng gloves. Kasi kapag walang gloves nag isa sa grupo, laglag lahat. Paglabas namin locker mo agad yung nakita ko kaya sinuggest ko na hiramin na lang yung gloves mo. Sakto, nakita ka naming naglalakad sa di kalayuan. Pagkatapos ng konting pakiusap ay binigay mo na lang yung susi tapos umalis ka na. Sabi mo kasi busy ka at kailangan mo na talagang umalis. Pumunta kami sa locker mo at nagulat ako sa isang sobreng nakita ko. Nakita ko na love letter pala yun. HA! "Grabe ang sweet nung nagkakagusto kay Taehyun no? Talagang may tarpaulin pa sa quadrangle." Sabi ng isang estudyante na dumaan. Ugh. Nainis ako nung nakita ko yung pangalan mo at ang mukha mo sa stage ng quadrangle. Mas lalo akong nainis dahil hindi ko alam kung sino may pakana niyan. Kung gusto ka niya dapat diba sinusuyo ka niya? O di kaya lagi kang dinikitan? HA! Who am I to say this to someone kung ako nga eh hindi ko magawa. Isa akong failure. MALAKING FAIL.

 

Isang araw lumapit ka sakin habang namumula at sinabi mong, "Mino, tulungan mo naman akong gumawa ng love letter para kay Seungyoon. Gusto ko kasi talaga siya. Alam kong matutulungan mo ko kasi kaibigan mo siya hindi ba?" Nanuyo lahat ng pwedeng manuyo sa katawan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko para bang inakyat ko yung pinakamataas na building sa buong mundo. Hindi ko na naalis yung tigtig ko sayo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Mino!" Yan ang tawag sakin ng kaibigan kong si Mino. Ganyan talaga kami. Tinatawag niya ko sa pangalan niya at tinatawag ko siya sa pangalan ko. Kung hindi lang sana kami nagpalit ng pangalan ngayong college, hindi siguro ako mag-aassume na ako ang gusto ni Taehyun. Akala ko kasi ako yung dahilan kung bakit sa table namin siya umupo. Akala ko ako yung dahilan kung bakit same course at university kami. Akala ko ako yung nginingitan niya pagtapos ng klase nila. Akala ko kaya pinahiram mo agad samin yung gloves mo eh dahil sakin. Akala ko, ako yung gusto mo. Akala ko lang pala yun dahil nag totoo, si Mino ang gusto mo. Siya at hindi ako.

 

Napagtanto ko rin na hindi ako yung nginingitian mo pagkatapos ng klase niyo kundi si Mino. Nasa likod ko pala kaya akala ko, ako yung nginingitian mo. Ito nga ata yung tadhana ko. Nalaman ko rin na si Mino yung nagset-up nung tarpaulin na yun. Kaya pala nakalimutan niyang bumili ng gloves para samin dahil yun yung task niya sa grupo.Sobrang busy niyang inaasikaso yung surpresa para sayo to the point na naglihim na siya sakin. Nalaman ko na kaya hindi niya nasasabi na gusto ka niya kasi alam niyang may gusto ako sayo. Masakit oo, dahil kaibigan ko mismo karibal ko sayo. Pero siya naman talaga ang gusto mo diba? Ano bang laban ko?

 

Hinayaan ko yung sarili ko na mahalin mula dito.. mula sa likod... mula sa malayo. Ang korni pero iniisip ko kung sa kanya ka masaya bakit hindi diba? Kung sasaya kay Mino, sino ba naman ako para humadlang? Ako lang naman si Seungyoon.

 

=====

END

 

A/N: Sana nag-enjoy kayo na basahin to HAHA like srsly I'm sorry but I love angst y'know. -xoxo G.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
MsTurtle #1
huu can you please make an eng version of this ;_;
I really want to read it .. especially since it has both kangnam and namsong tag .. please authornim , with chocolate triple moist cake on top >,<