Nam Taehyun

Kang and Nam

Nam Taehyun

 

Yung pag-ibig ko sayo ay parang mundo, maraming teorya kung paano, bakit, kelan, at saan ka nagmula . Marami akong tanong tungkol sayo. Marami akong gustong malaman tungkol sayo. Isa kang misteryo sakin. Sino ka ba talaga?

 

Third year highschool ako nun nung lumipat ako sa school na pinapasukan mo. Sino ba namang makakapagsabi na dahil lang sa ngiti mo kaya kita nagustuhan? Ikaw kasi yung pinakaunang estudyante ng school na to na ngumiti sakin. Hindi naman kasi ako friendly tulad ng iba. Ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng kaibigan na pangmatagalan.

 

Wala, as in wala. Lumipas ang highschool na walang nangyayari sa paghanga ko sayo. Wala kasong lakas ng loob para kausapin ka ulit. Wala rin akong lakas ng loob para itanong sa mga kaklase ko kung anong pangalan mo. Nakakainis, bakit ba hindi tayo magkakaklse nung highschool? Siguro kung magkaklase tayo malalaman ko man lang yung pangalan mo kaso wala eh. Lagi akong inuunahan ng hiya.

 

Dumating ang kolehiyo at ganun parin ako. Walang kaibigan. Lalo akong nakaramdam ng lungkot ng umorder ako ng pagkain ko dito sa canteen at wala akong maupuan na mesa. Bawat lingon ko nakikita ko kung gaano kasaya ang bawat grupo sa bawat table. Ganyan ba talaga kapag may kaibigan? Masaya ba talaga? imbes na malungkot ako, nag-ikot ikot pa ko at nakita ko, may bakanteng upuan sa mesa niyo ng kaibigan mo. Nagdiwang ang kalooban ko. Siguro gusto na talaga ni Lord na magkakilala tayo this time. Tadhana. Eto ba yun? Lumapit ako nun at sabi ng kaibigan mo, okay lang daw. Tahimik akong kumakain nun nung tawagin ka ng kaibigan mo. Ang pangalan mo pala ay Seungyoon. Grabe, finally! After 2 years of waiting nalaman ko rin yung pangalan mo.

 

Alam mo ba nung bakasyon inintay kitang mag-enroll bago ako nag-enroll. Sinadya ko talaga na parehas tayo ng course at university na papasukan. Pero hindi tayo magkablock eh. Pero ang saya ko kasi after ng klase namin eh klase niyo na. Tadhana. Araw-araw kitang nasisilayan. Nagulat ako nung ngitian mo ko, kaya nginitian din kita. Lagi ka na lang kasing nasa likod ng kaibigan mo.

 

Isang araw, humiram ka ng gloves sakin. Pakiramdam ko tuloy, kasama na ko sa sistema mo. Na, hindi mo kayang mabuhay kapag wala ako pero naisip ko, ilusyon ko lang yun. Parang gloves lang naman haha. Nagmamadali akong umalis nun at basta ko na lang binigay yung susi sa inyo. Nagmadali akong umalis nun nagkunwari ako na busy ako kasi kinakabahan talaga ako kapag nanjan ka. Hindi ko alam kung paano ako aakto ng tama, kung ano bang sasabihin ko at kung ano bang gagawin ko. Hindi talaga ako marunong makipagkapwa tao. Pero ang saya ko kasi sa dinami-dami ng tao sa university na to, sakin mo pa naisip na manghiram ng gloves. Tadhana eh?

 

Nagulat ako, habang naglalakad ako sa quadrangle nakita ko yung mukha ko. Nasa isang malaking tarpaulin at may nakasulat na I love you, Taehyun. Hindi ko alam kung magdidiwang ako dahil imposible naman na ikaw yung naglagay nun. At mas lalong imposible na mahalin mo ko. Paano ba naman kasi, ngitian mo lang ako isang beses nung high school. Tapos once lang kitang nakasabay kumain ng lunch. Hindi pa tayo madalas mag-usap hanggang ngitian lang tayo. Paano ka magkakagusto sa isang taong hindi mo kilala? Ugh,irony pero kahit hindi kita masyadong kilala gusto kita. Nakakainis tong kupido na to. Isa lang pinapana hays.

 

Kaya isang araw napagdesisyonan ko na lumapit at humingi ng tulong sa kaibigan mo. Kaya kahit nahihiya ako to the point na namumula pa ko. Sabi ko, "Mino, tulungan mo naman akong gumawa ng love letter para kay Seungyoon. Gusto ko kasi talaga siya. Alam kong matutulungan mo ko kasi kaibigan mo siya hindi ba?" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
MsTurtle #1
huu can you please make an eng version of this ;_;
I really want to read it .. especially since it has both kangnam and namsong tag .. please authornim , with chocolate triple moist cake on top >,<