Chapter 2

If You Were Mine

Last subject na namin ang boring nga eh nakaka antok tuloy, 2nd year college na kami at pare parehas kaming business and finance ang kursong kinukuha, scholar ako dito at consistent dean’s lister din. Nakakapagtaka bakit atat na atat umalis ang ibang kaklase ko, ano bang meron?

“Class dismiss.” Sabi ng prof. Hay salamat natapos din.

“uy Shayne tara na, bilisan mo.” Aya ni Thea sakin.

“bakit ano bang meron? Teka, nasan na sina Hanna at Therese?” tanong ko sa kanya.

“hay nako nauna na, may game ngayon ang blue assassin at green phantom ng St. Claire!” sabi nito.

Shoot! Bigla naman akong napatayo. Oo nga pala, kaya pala maagang umalis si Drei kanina para mag practice pero sabi naman niya sabay kaming uuwi.

“oo nga pala, tara bilisan mo!” sabi ko kay Thea, kinuha ko agad ang bag ko at hinila siya palabas ng classroom. Hindi man lang kami hinintay ng dalawang babaeng yon.

“hoy Shayne teka lang! makahila naman to oh..” reklamo niya.

“sorry girl ang bagal mo kasi eh.”

Hindi na to nag reklamo, sa mag kakaibigan si Athea ang pinaka mahinhin siguro kaya nagustuhan ‘to ni Drei iniisip siguro nitong madali itong bolahin. Tumakbo kami hanggang sa makarating kami sa gymnasium ng school.

Grabe ang daming tao sa loob kahit nung papunta pa lang kami, nandito rin kasi yung mga estudyante ng kalabang school at may dala dala ng kani kanilang banner.

“grabe Shayne napagod ako sayo.” Sabi nito habang hinihingal.

“bakit kaba kasi nagmamadali? Tingan mo yan, di pa naman pala nagsisimula.” Dagdag pa niya.

“syempre, i chi cheer ko ang Blue Assassin.”  hinahanap namin sina Therese at Hanna.

“weh? Baka si Drei.” Sabi nito.

“eh alam mo naman pal—“

“ayun nandun yung dalawa!” palusot ko, buti na lang nakita ko yung dalawa at pinuntahan na namin ‘to agad.

 “oy Hanna,Tere, bakit hindi niyo kami hinintay huh?!” tanong ko sa dalawa at lumingon naman ang mga ‘to

“hi girls! Buti naman at nandito na kayo.” Bati ni Hanna samin.

“wag ka ng magalit Shayne baka kasi mawalan tayo ng upuan, upo na dali! Ni reserve naming yan para sa inyo.” Sabi ni Tere samin hindi na kami nagsalita at umupo na lang kami.

Maganda ang puwesto na nakuha nila, malapit kasi sa harap at sa bench ng team. Hindi pa man nag sisimula ang game eh ang dami ng nagsisigawang mga babae ang iingay, at yung iba ay may mga dala pang banner, sila lang naman ang mga fans club ni Drei akalain niyo yun?

Pero nagulat ako sa nakasulat sa isang banner na hawak ng mga babae “Marry me Drei.” Whuut? Ano to proposal? kapal huh, uunahan pa ko.. err, ano daw?

Hindi na ko magtataka si Drei kasi ang captain ball at star player ng team, back to back championship kaya ang nakuha nila, at sa dalawang magkasunod na taon na yan si Drei ang laging hinihirang na MVP.

Lahat na nga yata nasa kanya kagwapuhan, katawan, katalinuhan, at kaperahan mayaman kasi siya. Pamilya kasi nila ang nag mamay- ari ng mga sikat na five star hotels, resorts at restaurants here and abroad walang iba kundi ang Villarama Group of Companies.

Meron pa pala talented din pala ‘to bukod sa pagiging athletic niya dancer rin ang mokong, ka grupo niya ang mga kaibigan nitong sina Shaun, Arries, Tom at Joshua sila ang Gimme 5 este Chicser de joke, na ka team mates niya rin sa basketball, Kaya nga ang daming patay na patay sa kanya.

Ang swerte nga ni Thea may gusto sa kanya si Drei pero di niya pa alam kaya wala akong balak na ipaalam sa kanya hehe. Bakit kami close ni Drei? Kasi magkakilala ang pamilya niya at ang pamilya ko ang mga magulang kasi namin ay mag ka kaklase din nung college at si Drei ay kababata ko, speaking of him..

DUMAGUNDONG ang buong gymnasium sa sigawan at tilian ng mga babae, nagsilabasan na kasi ang players ng mag kabilang team ang Blue Assassin ng St. Mathew school namin, at Green Phantom ng St. Claire our rivalry school, parang Ateneo at La salle lang ano?.

Nakaka bingi ang mga sigawan at hindi ko na kailangan pang lumayo dahil mismong mga katabi ko ay nagwawala narin, Nakita ko na siya wearing his blue jersey, Villarama no. 21.

“WAAAH! DREI I LOVE YOU!”

“GO DREI! KAYA MO YAN!”

“MARRY ME VILLARAMA!”

sigaw ng mga Drei’s Fanatics eww! -.-

“GO SHAUN! GO JOSHUA! GO TOM! GO ARRIES! GO DREI! KYAAAH!!” hala na loka na. Pati sila may fans club din, di mo rin kasi maitatanggi na ang ga gwapo rin ng mga kaibigan ni Drei sobrang sikat sila sa school lalo’t nakaka dagdag pa ng pogi points ang pagiging dancer nila.

Marami ring fans ang Green Phantom at di rin sila pahuhuli sa pag chi cheer, sa pagkaka alam ko si Xander Lee ang star player at captain ball nila, at oo ang gwapo rin nitong isang to mag kasing tangkad nga sila ni Drei parehas silang 5’11.

Ngsimula na ang game, mainit ang naging laro nila simula pa lang ay dikit na ang laban. Hanggang sa matapos ang first quarter lamang ang Blue Assassin ng apat na puntos 36- 32.

Hindi ko mapigilang humanga sa Villarama na ‘to, kaya di na rin ako nag papigil at nakikisigaw na rin ako hanggang mag second quarter. Pinag pahinga muna siya ng coach pero may nag sub naman sa kanya at nakita ko siyang umupo sa may bench nila.

“Hoy Drei! Umayos ka ipanalo mo yan!” sigaw ko sa kanya, at lumingon naman ito at nakita niya ko. Ngumiti ako at ngumiti rin siya at nag ok sign pa, yung katulad ng ginagawa sa ilalim ng tubig. Bigla naman akong nakaramdam ng kakaiba sa pag ngiti niyang yon.

*dug. dug. dug. dug*

Pero nakita ko siyang kumaway.

“Hi Thea!” sigaw nito sa katabi ko at ngumiti, yun lang. Agad ko namang tiningnan si Thea at nakita ko kung paano ito nagulat at namula. Binalik ko ang tingin ko kay Drei pero nakatalikod na ito.

Tumahimik na lang ako at pinagpatuloy ko ang panunuod, nakita kong humahabol ang kalaban hanggang sa 3rd quarter nagkaroon din ng pagkakataon para lumamang ang Green Phantom sa pamamagitan ni Lee, nanatili ang lamang hanggang sa huling minuto ng 3rd quarter 65- 68 pabor sa kalaban.

Mas lalo akong kinabahan pagdating ng last quarter mas naging intense ang laro, na kay Drei ang bola at nakikita ko kung paano nag susukatan ng tingin sina Xander at Drei.

Humabol ang Blue Assassin sa mga puntos na ginagawa ni Drei, nag paulan ito ng mga 3 points shot dahilan para magwala ang puso ko este ang mga tao sa loob. Hanggang sa huling dalawang minuto ng laro lamang na ang school namin. 85- 79 final score panalo kami.

Pagkatapos ng game nakita kong marami ng nagsisi uwian at meron din namang mga nag papa picture sa mga players lalo na sa Villarama na ‘to.

“Shayne mamaya na tayo umuwi ah.. papicture muna tayo dun.” Sabi ni Hanna sakin. Pero hinahanap ng mata ko si Drei at nakita kong naka upo ito sa may bench at umiinom ng tubig, pupuntahan ko sana siya ng biglang hilain ako ng mga to.

“Shayne! diba siya yung Xander Lee? Papicture tayo dali!” sabi ni Tere habang hinihila ako.

“grabe ang gwapo niya!” sabi naman ni Hanna habang hila hila naman nito si Thea.

“Hi pwedeng mag pa picture?” tanong ni Hanna kay Xander ng makalapit kami.

“yeah sure.” Sagot nito. At talaga nga naman ang gwapo nito sa malapitan, Nag papicture kami isa- isa pero pag dating sakin ay bigla ako nitong inakbayan geez, ang bango parin niya kahit medyo pawis.

“Congrats pala sa team niyo.” Sabi ni Xander pagkatapos naming mag pa picture.

“Sobrang galing niyo din.” Sabi ko.

“thanks, btw I’m Xander Lee.” Pakilala niya sabay lahad ng kamay sakin, bakit sakin lang?

“Can I know your name?” tanong pa nito.

“I’m Shay—“

“Shayne!” kukunin ko na sana ang kamay nito ng may pamilyar na boses ang tumawag sakin, lumingon ako at nakita ko si Drei, bigla naman ako nitong inakbayan.

“nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap.” Aniya. habang naka akbay sakin, bigla ko na naman naramdaman ang isang pamilyar na pakiramdam.

“Drei ano ba, yung pawis mo mag punas ka nga don!” saway ko dito, pero aaminin ko amoy na amoy ko ang natural male scent nito at kahit na pawisan siya ay mabango pa rin, at oo mas mabango siya kesa kay Xander. >//<

“ang arte ang bango bango ko nga eh.”  at mas lalong idinikit nito ang mukha ko sa kili kili niya. O//o pero bakit ganoon mabango parin, kelan ba to babahong mongols na to. Nakita ko namang nagtatawanan ang mga kaibigan ko.

“Drei ano b—“

“Congrats pare.” Bigla namang nag salita si Xander at nakipag kamay kay Drei agad niya naman itong tinangap.

“salamat, it was a nice game btw.” Sabi ni Drei sa kanya.

“Lee! Tara na!” tawag ng mga ka team mates niya.

“mauna na ko, nice to meet you Shayne.” Paalam nito at kinindatan ako, bigla namang uminit ang mukha ko.

“tss.” Bulong ni Drei, problema nito?

“Shayne, Thea una na rin kami.” Paalam ni Hanna ganun din si Tere. Tumango lang ako sa kanila at sabay silang umalis.

“ako rin Shayne.” Paalam naman ni Thea, naramdaman kong biglang nawala ang pagkaka akbay sakin ni Drei.

“H—Hi Thea, uuwi ka na?” tanong ni Drei sa kanya.

“Hi din sayo Drei,oo eh.. pero congrats nga pala ah.. ang galing mo.” Sabi nito at nginitian niya.

“ah.. hehe.. salamat.” Sagot niya at napa kamot pa ng ulo. Tss. -.-

“Drei tara na di ka pa ba uuwi?” tanong ni Shaun sa kanya ng biglang dumating ang mga ‘to.

“mauna na kayo brad.” Sabi nito sa mga kaibigan niya, tiningnan niya lang ang mg ‘to na wari bang nag uusap sila sa pamamagitan ng mata, nakita kong tumango ang mga ‘to na para bang nagkakaintindihan. Ano na naman bang balak nitong mokong na to?

“alam na namin brad, mga galawang Villarama talaga eh no.” singit naman ni Tom.

“lul pare, umuwi na nga kayo.” Sabi nito sa kanila at nag tawanan lang ang mga kaibigan niya.

“oo na sige, Shayne una na kami.” Paalam naman ni Shaun, nginitian ko lang siya.

“ay sandali brad, isabay niyo na rin si Shayne.” Sabi nito na ikinagulat ko naman.

“ano?! Di ba sabay tayong uuwi?”

“babawi na lang ako sayo next time, sige na brad isabay niyo na to.” Sabi nito kay Shaun, habang hawak nito ang balikat ko at pinagtutulakan sa mga kaibigan niya, bwisit ka talaga.

“ayok—“

“oy ingatan niyo yan ah.. yari kayo sakin pag may nangyari diyan.” Bilin nito sa mga kaibigan niya, concern pa kunwari. Pero nilingon ko ulit sila.

“Thea, umuwi ka na wag kang sasama dyan sa mokong na ya—”

“tara na Shayne, hayaan mo na sila..” sabi ni Shaun sakin at pinatalikod ulit ako, hindi ako matapos tapos sa sasabihin ko aish! bwisit humanda ka sakin Drei, teka bakit ba ko naiinis? ano bang pakielam ko sa kanila.

Nauna na ang ibang kaibigan ni Drei, sa kotse ako ni Shaun sumakay sa kanya kasi ako binilin ng mongoloid na yun.

“Shaun salamat sa paghatid.”  Gabi narin ng makauwi ako.

“wala yun, basta ikaw.” Sabi nito, nginitian ko lang siya at bumaba na ko ng kotse niya ng makarating ako sa unit ko. I sigh.

Ako na naman kasi mag- isa, nasa Batangas kasi ang pamilya ko originally dun kami nakatira binigyan nila ko ng sarili kong unit dito dahil mas malapit ‘to sa school na pinapasukan ko, at dahil don natuto akong maging independent.

Wala kong ganang kumain dahil feeling ko busog pa ko kaya dumiretso na lang ako sa kwarto at agad akong nahiga sa kama. Bad mood ako ngayon dahil sa Villarama na yan, kaya biglang may pumasok sa utak ko para mawala ang stress ko.

Kinuha ko ang photo album ko sa drawer at naghanap ako ng picture ni mongols, kukulamin ko siya *evil laugh* di biro lang. Nang makahanap ako ay kumuha ako ng tape at idinikit ko ang mukha niya sa isa kong unan na mahaba.

“bwisit ka Drei hindi ka marunong tumupad sa usapan! Itong bagay sayo!” nag ala Jackie Chan ako at pinagsusuntok at pinag dadaganan ko ang picture nito na nilagay ko sa unan ko.

“sasakalin kita! May pa sabay sabay ka pang nalalaman!”

“wala kang kwenta!”

“nakakainis ka!”

 Pinag hahampas, sinipa, sinakal at pinag susuntok ko ang unan hanggang sa mapagod ako. Teka lang bakit ko ba ginagawa to? Hindi ko alam basta naiinis ako naiinis ako sa kanya sa sobrang pagod hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

 

***

Don't forget to Comment :)

Share me your thoughts.. ^^

Follow me on Twitter: @FictiousGlamour

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet