Chapter I

Gumamela ( The Maid)
Please Subscribe to read the full chapter

  

    ahapdi na ang balat ni Mela dahil sa nakakapasong sikat ng araw ngunit patuloy pa rin siya sa pag-aararo ng bukid. Kailangang sa lalong madaling panahon ay masimulan na ang pagtatanim ng mais. Malapit nang matapos ang dalawang linggong bakasyon niya. Sinulyapan niya ang kalabaw na iginigiya niya. "Malapit na, Pao," sabi niya rito. "Malapit na tayong matapos. Makakapagpahinga at makakain na tayo. Kaunting tiis na lang. Nakakapagod itong gingawa natin pero kailangan nating mabuhay. Kung saan  ay nandito pa sina Umma  at Appa. Parang wala silang kapaguran sa pagpapayaman sa bukid na ito. "Pero hindi bale, darating ang araw na magbabago ang lahat ng ito. Pagbalik ng Prince Charming ko. Siya ang mag-aahon sa akin sa kahirapang ito." Tumigil siya pag-aararo at nangagarap na tumingala sa langit. Ang guwapu-guwapo na kanyang Prince Charming. Hawak nito ang kanyang kamay habang inaalalayan siyang makasakay sa isang magarang kotse. Mahal na mahal siya nito. "Noona!" Naputol ang pangangarap niya. "O, bakit Zelo? Hindi ka ba pumasok?" tanong niya sa humhahangos na kapatid. "Noona, dumating ang apo ni Don Kim!" hinhingal na imporma nito sa kanya. "Talaga?" Tumango ito. Napangiti siya. "Ang Prince Charming ko, dumating na. Saan mo siya nakita?" "Sa bahay," sagot niya. "Sa bahay?" Nabitawan niya ang hawak na tali ng kalabaw. "Nasa bahay si (?) ?" Nakangiting tumango ito. "Bakit hindi mo agad sinabi?" Mabilis na itinali niya sa isang puno si Pao, sak
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Bookworm01
#1
Hello po! Nakita ko po yung title ng fanfic niyo at inisip ko na baka Tagalog o Taglish ito. I feel this would be an exciting fanfic to read. Thanks! I'll wait patiently. :-)

P.S.
Sorry medyo nag-switch na ako ng languages. Medyo hindi ko pa kaya ang tuloy-tuloy na Tagalog kahit hindi pa ako umaalis ng Pilipinas since bata pa ako... Hehe... (^_^)v