[Filipino] Tears in the Rain

Description

Rain? I love it but I also hate it...

Foreword

TEARS IN THE RAIN

 

**ELISH POINT OF VIEW**

 

Malakas ang buhos ng ulan nang gabing iyon.Pero nakapagtataka dahil kaninang umaga lang ay napakatindi ng sikat ng araw.

 

Pero ang nakakainit ng ulo wala akong dalang payong...Hindi kasi ako sanay magdala ng payong dahil kadalasan naman ay laging matindi ang sikat ng araw..

 

Nilakihan at binilisan ko ang paghakbang ko palabas sa pinagtatrabahuhan kong building..Mabilis akong nabasa ng ulan dahil malalaki at mabibilis ang patak nito at nang makarating ako sa waiting shed agad kong pinunasan ang sarili..DAHIL MAHIRAP NANG MAGKASAKIT!

 

Sa lakas ng ulan..sigurado akong madaling araw na ako makakauwi nito...At dumagdag pa na walang nadaan na sasakyan..

 

"Mukang may bagyo yata" napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko ang lalaking mga nasa na ang edad, matangkad, maputi at mahabang ang pilik mata..In short.. NAKAKAINLOVE!

 

"Ah..Ehh.. siguro nga" sagot ko naman na parang nahihiya dahil ngumiti sya nang mapansin na titig na titig ako sa sakanya..AWKWARD!!

 

"Di ba ikaw yung accountant sa building na yan" tanong nya at itinuro.ang pinagtatrabahuhan ko..

 

Tumango naman ako sa kanya..at natahimik kami pareho

 

"Rain nga pala" nagulat naman ako sa kanya nang bigla syang humarap sakin at inilahad ang kamay nya..

 

"A-ako naman si Elish" sabi ko at iniabot ang kamay ko para makipagkamay sa kanya

 

Nagkwentuhan lang kami at naikwento nya naman sakin na galing sa broken family..at sinabi nya din sakin na dyan lang pala sya tabing building nagta-trabaho..

 

Nag-offer naman sya na ihatid ako kaya pumayag na lang ako kasi malalim na din ang gabi at muka naman syang mabait.

 

 

_________________________

 

 

Dumaan ang mga araw na lagi kaming magka-sabay umuwi..maging sa pagmemeryenda ay magkasabay din kami, sobrang bait nya sakin

 

 

At dahil dun hindi ko na namalayan na nahulog na pala ang puso ko sakanya, at natatakot ako na baka hindi nya ako saluhin..

 

"Oy Elish! sabay na tayong kumain" yaya ni Iann at napatitig naman ako sa kanya habang papalapit sya sakin at nung makalapit na sya sakin ay hinatak nya na ako papunta sa jollibee "Tara!" sabi nya

 

"Ba't mo ba to ginagawa Iann?" hindi ko mapigilang tanong at humarap naman sya sakin

 

 

"Bakit masama bang gawin ito ng Magkaibigan?" sabi nya na parang natatawa-tawa at tumango naman ako, Tama! kaibigan lang naman ako eh, Kaya please Elish, Dont Expect Too Much..

 

___________________________

 

Kinabukasan, mukang tirik na tirik ang araw...

 

Nag-ayos na ako nang sarili ko nang makapasok na ako sa trabaho...

 

Natapos naman ang araw na ito na SOBRANG STRESS ako, madami din kasi ipinagawa yung 'feeling boss' namin..hindi naman kasi ang boss namin pero kung makapag-utos akala mo sya ang owner nitong company na ito..at eto pa pati yung mga projects nya samin ipinagagawa, AISH! BAKULAW TALAGA SYA!!

 

 

Palabas na ako nang company nung napagtanto ko na umuulan ng BONGGANG-BONGGA sa labas at samahan pa na wala akong dalang payong!

 

At napagdesisyunan ko na lang na suungin ang ulan at pumunta sa waiting shed..at naabutan ko doon si Rain

 

"Wala ka ring dalang payong" OBVIOUS ba..*Note the Sarcasm*

 

"Wala eh" sagot ko naman na parang natatawa..at natahimik naman kaming dalawa na mga 1 minuto

 

"Elish may sasabihin ako sayo.." napapitlag naman ako sa sinabi at humarap sa kanya

 

"Ano yun?" tanong ko..OH MY G! MAGTATAPAT NA BA SYA!! *hysterical in mind and with matching hampas hampas sa mga neurons in mind* "Ah..ehh..I-m g-getting m-married, and I want you to be there" Halos gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang mga katagang sinabi nya..

 

"Ahh oo naman, sige maaasahan mo ko" sabi ko at tumalikod ako sa kanya dahil tuluyan nang tumulo ang mga luha ko tinakpan ko ang bibig ko upang mapigilan ko ang mga hikbi ko..

 

Nagulat naman ako nang hawakan nya ang balikat ko " Elish, umiiyak ka ba?" nagaalala nyang tanong sakin..

 

"Hindi *sobs* sipon lang to *sobs*" sabi ko at pinunasan ko naman ang mga luha ko at humarap ako sa kanya habang nakangiti ng pilit..

 

"Elish sorry.." sabi nya sakin at niyakap ako "alam kong mahal mo ko pero hindi tayo parehas ng nararamdan, sorry talaga Elish" lintanya nya at bumuhos na naman ang mga luha ko, itinulak ko sya ng mahina para humiwalay sya sakin sa pagkakayakap

 

"No, wag kang magsorry hindi mo naman to kasalanan eh, kasalanan ko to dahil hinayaan ko ang sarili na mahulog sa isang tulad mo na alam kong hindi naman ako kayang saluhin, Sorry Rain" sabi ko at tumalikod na ako sakanya at naglakad palayo..

 

 

Wala akong pakialam kung mabasa ako ng ulan dahil ang tanging nasa isip ko lang gusto ko syang layuan at isipin na hindi nangyari ang lahat nang ito sakin..Goodbye Iann

 

_______________________

 

Nakakatawang isipin na nagkakilala tayo dahil sa ulan at mas nakakatawang isipin na sa ilalim din ng ulan nadurog ang puso ko at dahil yun sayo, Pero hindi ko isinusumpa at sinisisi ang ulan dahil alam kong nagkataon lang yun na sa ilalim ng ulan parehas nangyari ang masaya at masakit na yugto ng buhay ko..

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet