Unang Kerengkeng
Ang Pagdadalaga ni Lee Sungmin
Napailing na lang ang driver sa all boys na pasahero niya. Papano ba naman, kalahati ng popolasyon may foundation ang mukha, and the rest dinaig pa ang magnanakaw sa eskinita. Napatingin naman siya sa dulo kung saan nakaupo ang intsik na lalake.
"Kuya, bayad ho.." sabi niya sabay abot ng bayad.
"Ilan to?"
"Dalawa po!"
"Saan galing?" Tanong ni Kuya Kyuhyun- Driver.
"Nagmotel po! Tatlong oras po kami don. At wag po kayong Judgmental please! Gumawa lang kami ng loombands!" sabi niya in a very thick chinese accent, habang uncociously napagapang ang kamay niya sa tuhod ng katabi niyang lalaki na naka-ponytail extension pa.
Napa- Oh-My-God-Scratch-the-Normal-thing-please. Kasi napagtanto niya wala pala talagang normal sa mga pasahero niya. Napailing naman siya ng may ng abot na naman ng bente sa kanya.
"Kanino tong bente at Saan galing?"
"sa bulsa ko po!!!" sagot nong Henry na suki na niya dati pa. Napapikit na lang si Kyuhyun sa pamimilosopo ng bata. "Saan baba?"
"Luuuuhhhh!!! Naglalakad na pala ang bente!!!" pa-rap pa niyang sabi, napakamot na lang si Kyuhyun sa ulo niya. Halatang iritado na ng may tumawag na naman ng pansin niya sabay abot ng perang papel.
"Ilan tong singkwenta?" ang paulit-ulit niyang tanong pag may nag-aabot ng pera (of course depende kung magkano yung binibigay.)
"Dalawa po! Isang manhid at isang nagmamahal ng Palihim." nilingon naman niya ang cute na lalake na nagsasalita na nakatuon ang pansin sa purple haired na katabi niya na kinikilig sa naririnig niya. Napa-tsk tsk tsk naman siya.
Parang ang bata pa kaya nong nagbabayad tapos matandang mukhang anchovy ang kinahuhumalingan niya. Pilit na lang niyang hindi magkomento at inabot ang sukli ng may nagbigay na naman ng bente sa kanya.
"Ilan to?"
"Isa lang.. Wag niyo na din sanang itaning kung bakit.. Sanay na po akong palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin ako na mag-isa. Keep the change.." patango-tango niyang sinabi at hinihimas-himas ang turtle keychain niya.
Ang OA. Bulong ni Kyuhyun sa sarili.
Nasa eskinita na sila ng may pumarang tatlong tao. Sumakay ang dalawa sa frontseat samantalang pinagsiksikan naman ng malaking mama ang sarili sa likod na umani ng reklamo, pero natigil din ng makita ang kanyang nakamamatay na mga titig.
"Kuya Kuya!! Pmasahe ko po. Isa lang yan.. 4th year high school pa po! hindi pa nireregla!-" sasagutin niya sana ang maliit na bakla na lalake siya at iwasan na niya ang pagpapantasya na rereglahin siya ng makita niya sa salamin na bigla nitong niyakap ang lalakeng may turtle keychain at sabi.. "wala rin po akong boyfriend! Pero kung sasagutin ako nitong kuya.. promise hindi na siya mag-iisa." napa-ayyeeeee naman silang lahat sa loob ng sasakyan. Habang ang kawawang driver na si Kyuhyun ay napapailing na lang.
"Ang mga tao talaga napaka-aggressive na noh?" sabay lingon niya sa blonde na lalake sa gilid niya na nakatitig din pala sa kanya. Tumikhim si Kyuhyun para makuha ang pansin niya ngunit wala pa rin. Nalunod na yata eto sa kakatingin sa kanya.
"Uh.. may dumi ba ang mukha ko?"
Ngumiti naman ang lalake sabay Kuha ng pink niyang compact mirror. "Ang gwapo mo kasi.." sabay bukas niya sa salamin at hinarap kay Kyuhyun na drayber. Napalunok na lang ang kawawang drayber at tinuon ang tingin sa daan, kahit na nararamdaman niya pa din ang tingin ng batang katabi niya di na lang niya ito pinansin hanggang sa nag-abot ito ng pamasahe.
"Saan to baba?" tanong niya ng walang lingonan.
"Depende sa'yo.. Pwedeng sa bahay niyo o kaya sa bahay ko.. at pwe-pwede ring deretso sa puso mo.." ngiti-ngiti niyang sagot habang hindi maiwasan ni Kyuhyun na higpitan ang pagkakahawak sa manebela. Ito ba yung kilig na sinasabi nila??
"LEE SUNGMIN!!!!! KUMEKERENGKENG KA NA NAMAN!!!!!!!!!" sigaw ng katabi niya sabay pingot ng kabilang tenga ni Sungmin..
----
A/N:
ANNOUNCEMENT:
Filipino KyuMin Shippers! Can we meet on October? Hohohohoooo! And enjoy my little giveaway? :D
Comments