Chapter Five

The Playful Heart

Baek Hyun's POV

 

Bakit parang umiinit ulo ko pati na mga kalamnan ko pag naaalala ko yung ginawa ni Minwoo kay Aneko...

 

It was on our day of high school graduation. Tapos na yung actual graduation. Nasa commencement party na kami nun.

 

Puro tawanan at iyakan ang mga makikita mo dun. Ito rin yung time na nagkakaroon ng lakas ng loob yung mga lalake na sabihin ang kanilang totoong nararamdaman sa babaeng hinahangaan nila.

 

 

Anyways, maganda talaga itong si Aneko kaya ayun maraming manliligaw. Pero hindi niya ito ine-entertain kasi kung si Aneko pa "They don't like or love me for who I really am inside but for my outside looks only." Tama rin naman siya. Nabibighani lang sila sa ganda nitong bestfriend ko.

 

Since maraming manliligaw si Aneko ayun ON DEMAND talaga siya. Daming nagco-confess sa kanya pero dun naman nila pinapapunta si Aneko sa backyard ng school.

 

As her bestfriend, of course bantay sarado ako kay Aneko baka kung ano pa ang gawin nila sa kanya.

 

Naka limang punta na si Aneko sa likuran ng school. Akala ko tapos na may ika-anim pa pala. Nagulat ako sa kasama ni Aneko nun. Si Minwoo.

 

Itong si Minwoo sobrang mahiyain. Halos hindi siya nagsasalita. Akala ko tuloy noon na pepe siya. Kaya ayun, nagulat ako at naglakas loob siyang magconfess kay Aneko.

 

Ibinaling ko ang atensyon ko sa cellphone ko para pumunta sa may camera section. Pi-picturan ko silang dalawa ni Aneko. Kasi kung titingnan mo silang dalawa parang pinapagalitan ni Aneko si Minwoo. Si Aneko nakapa-maywang habang si Minwoo nakayuko lang. Nakakatawa silang tingnan.

 

Itinaas ko na yung cellphone ko nun then *click* Nagulat ako sa ginawa ni Minwoo. Hinalikan niya si Aneko. Kuhang-kuha sa camera ng cellphone ko ang nangyari nung mga araw na yun.

 

 

Nung nakabalik na kami sa party hindi ko nalang pinahalata kay Aneko na alam ko ang nangyari. Tsaka hindi naman niya sasabihin kasi alam niyang magagalit talaga ako. Pero wala na siyang magagawa at nasaksihan ko ang nangyari. 

 

Kung titingnan mo si Aneko parang di siya affected sa ginawa ni Minwoo. Or baka hindi lang niya pinapahalata.

 

Nung kinabukasan ng graduation. Alam na...as her bestfriend ^.^ di ko na sasabihin

 

 

 

 

------------------------------------------
Saturday Morning

 

Aneko's POV

 

Maaga akong nagising. Nope, scratch that. Hindi pala ako nakatulog kagabi. Hindi rin kasi natuloy yung movie marathon namin ni Baek. Biglang naging awkward kagabi kaya ayun dun na ako sa kwarto nina Mommy at Dad. Si Baek naman natulog dun sa kwarto ko.

 

Nandito lang ako nakaupo sa may verandah nagpapahangin. Ang sarap matulog dito. Very fresh ang feeling.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 

Huh? Bat malambot na 'tong hinihigaan ko? Nabigla ako kasi nakahiga na ako sa kama ko. Ang pagkakaalam ko dun ako sa verandah nila Mommy at Dad. So binuhat ba ako ni Baek all the way here? 

 

Tsaka madilim na. Nakatulog ako. Tumingin ako sa paligid, wala naman si Baek.

 

Bumaba na ako sa hagdanan. Nilibot ko ang buong bahay. Di ko pa rin makita si Baek. Napag-isipan ko na rin na tawagan siya.

 

"Hello, Baek, nasaan ka?" tanong ko sa kanya 

 

"Nasa bahay" sabi niya sa kabilang linya

 

"Bahay?"

"namin" dugtong niya

 

"So umuwi ka sa inyo ng hindi nagpaalam?" sabi ko naman

 

"Uh---yeah may inasikaso lang. Ah sige na. Bye Neko-chan" siya na ang unang pumutol sa tawag

 

Sa tono ng boses niya alam kung nagsisinungaling yang baklang yan. -.-"

 

Kainis naman oh. Wala akong kasama dito sa bahay kundi si manang at manong lang. Pati na rin si Scott. Yung aso kong german shepherd ang breed. Scott is 6 months old. So its still a puppy.

 

"Scott!!!!" tinatawag ko yung aso ko

 

"Come here!!"

 

Nagmamadaling tumakbo naman si Scott papunta sa kin.

 

"Come here, comfort your ate. She's lonely. Iniwan siya ng bestfriend niya." sabi ko kay Scott na as if naman na kakausapin ako nitong aso ko.

 

 

 

 

 

 

Its Sunday afternoon na, tinutulungan kong maghanda ng pagkain si manang kasi ngayon darating sina Mommy at Dad galing Amerika.

 

"Nandito na mga magulang mo Aneko" sabi ni manang

 

Pumunta na ako sa may living room para salubungin sina Mommy at Daddy.

 

"Mom! Dad!" niyakap ko silang dalawa at nagmano na rin ako.

 

"Uie Tita Kit! Tito Vick!" pagbati ko sa parents ni Baek nang makita ko silang  pumasok sa bahay.

 

"Hi Aneko! Kumusta ka na?" bati naman ni Tita Kit sa akin

 

"Oh asan na si Baek?" dagdag na tanong ni Tita Kit

 

"Ah umuwi na po siya kahapon. May inasikaso raw po siya." sabi ko

 

"Huh? That kid, really. He's been acting weird lately" sabi naman ni Tita Kit na ipinagtataka ko rin

 

"Hhmm Aneko baka may nagawa ka" sabi ni Mommy

 

"Uie wala ah!" mabilis kong pag de-depensa sa sarili ko.

 

Uminit bigla yung mukha ko kaya iniyuko ko ang ulo ko baka makita nilang namumula ang mga pisngi ko. Bigla ko kasing naalala yung paghalik sa akin ni Baek nung biyernes ng gabi.

 

 

 

 

 

 

Weird...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Im having a weird feeling....

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

First kiss ko yun.......

 

 

 

 

 

 

 

 

Si Baek nagnakaw ng first kiss ko...

 

 

 

 

 

^~^" ahahahah comment lang kayo :D subscribe na rin

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
TinapaySichuweyshon #1
Chapter 8: cliffhanger ulit. hahahahaha kaloka XD
themightarmy #2
Chapter 3: Waaaaaaaahhh~~ Cliffhanger *^*Charaught ccx Epdeyt sooon~ huehue
TinapaySichuweyshon #3
Chapter 3: cliffhanger naman hahahahaha chauce