They Got Married [TGM]

Description

 

 

Isa akong fangirl. Fan ako ni Lee Jae Jin na member ng sikat na bandang FT Island. Hindi pala ako fan. Dahil girlfriend ako :D Girlfriend niya ko pero pag nalaman niyang kami? Break na kami.

 

 

Hindi ko na sasabihin ang pangalan ko, hindi naman importante yun eh dahil hindi niya rin naman ako makikilala. 18 years old palang ako.

 

 

Hindi ko na tanda kung kelan pa ako nabighani sa kambing na yun eh~ basta ang alam ko, mahal ko siya ♥ Minsan naiisip ko kung mahal ko ba siya as bias or mahal ko na talaga siya.

 

 

Sa tuwing masaya siya, masaya ako. Sa tuwing umiiyak siya, umiiyak ako. Sa tuwing malungkot siya, malungkot ako. Sa tuwing nasasaktan siya, nasasaktan ako. Dinadamayan ko siya lagi kahit hindi niya alam. Kahit hindi niya alam kung nag-eexist ba ako sa mundo. Wala akong pakialam, basta ito ang nararamdaman ko eh.

 

 

Kayo din naman siguro diba? Ganyan din yung nafi-feel niyo towards your bias? Dinadamayan niyo sila. Kahit sabihin pa ng iba na ang OA nating mag-react, hindi natin mapigilan yung emotion natin.

 

 

Ang buhay ng isang fangirl, mahirap. Nandiyan ang sandamakmak na merch na nakakapang-akit ng mata mo. Mga concerts na ang titindi ng presyo ng ticket.

 

 

Nandiyan yung mga feeling na TEAMBAHAY nalang tayo kasi wala talaga eh. Bukod sa walang pera, hindi pinayagan ng mga magulang. Mga TEAMAIRPORT na kahit makita lang silang dumating, solve na.

 

 

Yung umaasa nalang tayong mga hindi nag-punta ng concert sa live streaming. Minsan, nawawala wala pa. Minsan, hindi makikisama ang net na bigla biglang magtu-turtle net ang peg. Booths only na ticket sa KCon dahil yun lang ang afford tapos bibili ka pa siyempre ng merch.

 

 

Nandiyan din yung nakaka-inis na part kung saan ibabash ang bias mo. Yung masasaktan ka dahil sa mga sinasabi nilang hindi maganda. Yung mas pipiliin mong ikaw nalang ang laitin nila wag lang si bias.

 

 

Pero nandiyan din yung masayang feeling na marami kang makikilalang friends na kahit hindi kayo nagkikita ng personal, close na agad kayo. Nakakahanap ka ng mga taong nakaka-intindi sa mga rants mo kapag nasa We Got Married ang bias mo dahil hindi mo maiiwasang mag-selos sa umpisa. Pero bandang huli, kikiligin ka at magkakaroon ka na ng bagong OTP.

 

 

Pero bakit ba nag-kwento na ako? MMK na ata 'to, hindi na pang-wattpad :D

 

 

Laking pasasalamat ko nga dahil hindi pa napapasalang si Jaejin sa We Got Married eh. Hindi ko ata kakayanin? Hindi bali ba kung ako yung ipapartner sa kanya eh.

 

 

Minsan naiisip ko, sa paglipas ng panahon, ano na kayang ichura nila after 20years? Magreretire ba sila?

 

 

Pero ang masakit sa mga naisip ko, sino kaya ang swerteng mapapangasawa nila balang araw? Paano kung isang fan? Nakaka-inggit siguro yun?

 

 

Nagne-net lang ako ngayon. As usual, FT Island na naman 'to. Especially Jaejin my loves ♥

 

 

May isang article na nakapukaw ng mata ko. Parang hindi ko 'to gusto. Parang ayokong basahin pero naku-curious talaga ako.

 

 

Binasa ko siya. Pero sa huli, hiniling ko na sana hindi ko nalang 'to nakita. Ang sakit kasi eh.

 

 

Totoo ba 'to? Obaka naman biro lang niya? Palabiro naman kasi si Lee Jae Jin diba? Baka nanggu-goodtime lang siya?

 

 

Jaejin naman eh! May girlfriend ka?

 

 

Ang sakit lang. Pakiramdam ko anytime tutulo na ang luha ko. Umiinit na yung mga mata ko. Nanlalabo na yung paningin ko. May kung anong tumutusok sa puso ko eh.

 

 

Hindi ako pwedeng umiyak! Bukod sa nandito sila mama, dapat maging masaya ako para sa kanya. Kasi masaya siya.... sa piling ng girlfriend niya.

 

 

Hindi ako kumain ng dinner at nagkulong lang sa kwarto ko. Wala ako sa mood kumain ngayon. Hindi ko alam pero parang ang bigat bigat ng dibdib ko.

 

 

Bigla na namang pumasok sa isip ko yung article niya. Article kung saan nakalagay na inamin niya na may dinedate siya ngayon. Ok. GIRLFRIEND.

 

 

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Hindi ko na napigil yung luhang kanina pa gustong bumagsak. At yung nararamdaman ko, sumabog na siya.

 

 

Nasasaktan ako.

 

 

Tama bang masaktan ako? Fan lang naman ako diba? Dapat nga suportahan ko pa siya eh. Pero bakit ko nararamdam 'to? Bakit parang ang hirap tanggapin yung katotohanan? Bakit parang ayokong ma-in love siya sa iba? Hindi naman tama na maging selfish ako diba? Pero mali ba yung masaktan ako kasi mahal ko ang bias ko?

 

 

Lumipas yung ilang araw na hindi ko iniintindi yung tungkol dun. Kahit na gabi-gabi, umiiyak padin ako. Kinukumbinsi ko ang sarili kong tanggapin yun dahil wala akong karapatan sa kung ano man yung desisyon na gagawin niya.

 

 

Lee Jae Jin. Sana masaya kasana mahalin mo yan ng bonggang bongga ha? Kahit na hindi mo siya ipinapakilala in public, alam kong mutual ang nararamdam niyo. Maging masaya ka. Pero sana hayaan mo muna akong umiyak dito. Tatanggapin ko din naman eh. Matatagalan nga lang bago ko pa totally maaccept yung katotohanan. Don't worry, fan mo padin naman ako eh. Ikaw padin ang bias ko. Wala namang magbabago eh. Nasasaktan lang talaga ako ngayon.

 

 

Lumipas yung ilang taon. Mahirap man pero nagawa kong tanggapin.Nagawa kong mag-move on at ngayon nga, todo support parin ako sa kanya.

 

 

Ang alam ko, sila padin hanggang ngayon. Alam naming mga Primadonna yan. Nakakatuwa dahil going strong talaga sila. Minsan nga nagpopost si Jaejin sa Instagram niya na may caption na "Date with her ♥" Odiba? Lumalandi ang kambing niyo. Hahaha. But until now, hindi padin namin siya kilala.

 

 

May concert sila dito. After so many years~ makikita ko ulit sila. Makikita ko ulit siya.

 

 

Siyempre nag-punta ako. Papalampasin ko pa ba? Sobrang saya ko nga eh. Kasi still, ang baby face padin nilang lahat. Si Hongki, ganun padin, baboy padin :3 Si Jonghoon, hot padin. Si Seunghyun, ang cute padin ng ngiti. Si Minhwan, ang cute padin. At si Jaejin, kambing padin :D

 

 

After that concert, hinintay ko yung friend ko sa parking lot. 10 years mag-CR yun kaya tumambay muna ko at umupo sa nguso ng kotse niya.

 

 

"Hi."

 

 

O.O

 

 

"J-jae Jin???"

 

 

Baka naman nag-aassume na naman ako?

 

 

"Yes. I saw you earlier. You're a Primadonna too and I'm so happy because you're my fan."

 

 

Paano niya nalamang siya ang bias ko?

 

 

"How..."

 

 

"Your shirt. You're wearing a shirt with my name on it."

 

 

So~ slow pala ako :D

 

 

"A-ahhh... N-nice to meet you. I'm so happy because you're talking to me."

 

 

"No problem. By the way, I will be married next month."

 

 

Ikakasal na siya? Next week? Nagbibiro ka ba Jaejin? Wag naman ganyang biro, nasasaktan ako eh.

 

 

"R-really??"

 

 

"Yes."

 

 

"B-but why?"

 

 

"Eh?"

 

 

"Oppa~ I love you. I don't know if I can accept that news. It hurts. It hurts."

 

 

Hindi ko napigil ang umiyak. Nakakahiya man pero umamin na ako. Oo. Umiyak pa ako.

 

 

"I know that. I also love you. I love you but just a fan. I know that there area lot of people loves me."

 

 

"Just a fan? You love me just a fan? But I love you, not because you're my bias."

 

 

"Sorry Pri. I can't love you back like the way you love me. My heart beats for only one. Sorry if I can't give the love you want from me. I'm just a human. Like you. I know you can accept this in time. I'm sorry if I hurt you but I didn't mean it. Really. I'm so sorry. I really can't love you back. I hope you can understand me. I love my girl."

 

 

Bakit ba mahirap ang maging isang fan lang? Bakit ang hirap abutin ng bias mo? Bakit hanggang tanaw at hanggang pangarap ka nalang? Bakit kailangan pang masaktan?

 

 

"Though I will be married next month, I hope you will still support me and the band. I hope you'll be still our fan. Our Primadonna."

 

 

"I don't know. I really don't know. I will try not to be hurt. I will try to accept that. I will try to forget my feelings for you."

 

 

"Thank you so much."

 

 

Tapos niyakap niya ako. Mas lalo akong napaiyak. Mas lalo akong nasaktan. Ito ang una't huling pag-uusap namin. Ito ang una't huling beses na yayakapin niya ako dahil next month, ikakasal na siya. Ikakasal siya sa babaeng mahal niya. Sa babaeng mahal siya. Sa babaeng nakalaan para sa kanya.

 

 

Para sa mapapangasawa ni Jaejin. Alagaan mo siya ha? Wag mo siyang lolokohin dahil alam kong mahal na mahal ka niya. Kita mo naman, kahit inamin kong mahal ko siya, ikaw parin ang bukambibig niya. Hindi man kita kilala, sana wag mo siyang pababayaan. Ipagluto mo siya lagi ng agahan. Pabaunan mo sa tuwing may practice sila. Wag mo hayaang magkasakit siya dahil bawal yun. Dapat lagi siyang malakas. Kung sino ka man, alam kong masaya siya sa piling mo. Alam kong magiging masaya kayong dalawa at ng magiging pamilya niyo. Suportahan mo siya. Lagi mo siyang dadamayan sa tuwing may namba-bash sa kanila haAt higit sa lahat, mahalin mo siya kagaya ng pagmamahal niya sayoGagawin ko ang lahat para maging masaya para sa inyong dalawa. Basta ipangako mo lang na hindi mo siya iiwan lalong lalo na sa tuwing kailangan ka niya.

 

 

Hanggang dito lang talaga. Hanggang fan nalang siguro talaga ako. Hindi rin naman kasi tama na mahalin ko siya ng higit pa. Pag-aassume nga lang siguro 'to. Sana balang araw, matanggap ko 'to. Kung noong mag-girlfriend boyfriend palang sila, natanggap ko, etong ikakasal pa kaya.

 

 

Oo masakit pero dapat tanggapin. Natupad nga yung hiniling ko na sana hindi mapasalang sa We Got Married si Jaejin pero eto naman yung kapalit. They Will Be Married. Hindi TV Series, hindi movie, hindi reality show kundi True Story. Masakit na katotohan. Katotohanang hindi mo mapipigilan.

 

 

-THE END-

 

 

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

 

 

Author's note:

 

Thank you sa mga nag-bigay ng time para basahin ang story na 'to. Uhhm~ one shot. Balak ko sanang paiyakin kayo pero hindi kaya ng powers ko. Hindi ata talaga ako marunong gumawa ng magandang story :D Anyways~ pwede ko po bang mahingi ang inyong mga komento? :3 Gusto ko lang malaman yung reaction niyo. Negative or Positive, ayos lang. Thank you ulit :D Kaway-kaway sa mga kapwa ko Primadonna diyan!

 

© All Rights Reserve
chayleeeee

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet