Ako na lang

Nakakahibang

 

 

 

“Dani baybeh, bat di mo ba ako gusto? Bat si Bang pa? Alam mo naman deep down in my maeum na mahal na mahal kita.” Madramang ibinulong ni Himchan ang mga salitang ibinaon niya deep down in his maeum. Naibaon niya ata ito ng mas malalim pa sa balon kaya medyo malabo na maintindihan and kanyang nararamdaman.

 

 

“Himchan, kumalma ka! Inom ka muna ng tubig at parang nasobrahan ka ng onti sa kape.” Dali-daling kinuwa ni Dani ang bote ng Wilkins sa kanyang pridgider, para narin magpalamig dahil medyo nakakapagbagbag damdamin ang trucker voice ni Himchan. Nakakalimutan niya tuloy na gusto niya si Bang. Bang? Sino nga daw yun, tanong niya sa sarili niya ng biglang lumapit uli si Himchan sa kanya para kuwanin ang tubig.

 

 

“Wilkins? Good choice.” Kumindat si Himchan kay Dani baybeh. Binuksan nito ang bote ng Wilkins (Yung 2 Liters) at dahan-dahan niya ‘tong ininom. May sound effects pa siyang ginagawa habang ang kanyang mga mata ay hindi nilubayan and nanlalaking mata ni Dani. Akala ni Himchan ay nas-yhan and kanyang object of affection sa ginagawa niya kaya naman pinatulo niya ng paunti-unti ang tubig from his lips, down to his neck, then tuloy agad sa chest. Nagawa niya pang kumindat ulit pero ngumingiwi na ang kanyang beybeh at hindi niya maintindihan kung bakit. Ipagpapatuloy niya pa sana ito kaso naubos na ang kanyang tubig, in one shot (parang yung kanta nila). 

 

 

“Himchan, nahihibang ka na ata at pati yung tubig di na sumasalo sa bunganga mo.” Inabutan siya ng tissue ni Dani at medyo nalungkot siya kasi hindi pala kaakitakit ang ginawa niya. Sayang sa effort, sayang din sa tubig, sayang sa baon niyang tocino lunch kasi busog na busog na siya. Inisip niya kung ano pa ang kanyang pwedeng gawin para siya’y seryosohin ni Dani. Isa lang ang pumasok sa kokote niya, eto ay ang gamitin ang “oppa style”.

 

 

“Hindi talaga ako nahihibang, bakit si Bang?!” (diba rhyming) Pinin down niya sa wall si Dani at naglilisik ang kanyang mga mata sa galit. Jealousy, turning saints into the sea, swimming through sick lullabies, choking on your alibis ang drama ni Himchan ngayon. “Break na kayo! Gising na, because it’s over now! Go on and take a bow!”

 

 

“Hoy, walang taong nalalasing sa Wilkins!” Sinampal ni Dani ng bigla si Himchan “Baka kasi nage-emo ka na naman sa karaoke, next time kung magk-karaoke ka piliin mo yung mga karaoke na may mga bagong kanta. Grade 7 pa ata ako nung lumabas yang Take a Bow.” Mariin na sinabi ni Dani habang pinisil ang ilong ni Himchan.

 

 

“Wag! Ang rhino ko mahal yan!!!” Mabilis na hinawakan ni Himchan ang kanyang ilong at ang kanyang mga mata ay may mga nangingilid na luha. “Don’t you know how much this caused me?! Babayaran ko pa to ng last 2 gives! Inutang ko kay Belo yan!”

 

 

“ANG LABO MO HIMCHAN! ARE YOU DRUGS” Sigaw ni Dani sa sabog niyang kaibigan. Mukha namang nahimasmasan etong si Channie at nagpumigil ito sa kanyang paghihisteryo.

 

 

“Oo nga pala, besides the point.” Umubo si Himchan para klaruhin ang boses niya. Tumalikod siyang sandali para i-compose ang kanyang sarili bago humarap ulit kay Dani. Eto na naman, ang pagbabalik ang kanyang velvet voice at kilabot-ng-Seoul stare.

 

 

“Forget about him, he can never make you happy.” Nagplay ang background music na hindi malaman laman ni Dani kung saan nanggaling. Hahanapin niya sana eto para i-off pero nang biglang hinaplos ni Himchan ang mukha niya, nawala siya sa kanyang tamang pagiisip. Sabi niya mahal niya pa si Bang? Bang? Bangag? Ano? Himchan? Nababaliw na ata siya.

 

 

“Dani, I dare you to let me be your one and only. Kasi and I will always love you. Kunin na niya’ng lahat sa akin, wag lang ang aking mahal, pakiusap ko lamang sa'yo na wag ka na mag mahal ng iba.” Naiinlove na ang kanyang bebeh at alam niya na wala talagang tatakas sa kamandag ng powers niya. Naaral niya ito sa Star Magic workshop at alam niya na suwak na suwak sa pagpapainlove ng mga chikabeybz ang acting niya. Kabatch niya kaya ang KatNiel, so alam niyo na. Madami talaga siyang natutunan.

 

 

“Himchan... pwede naman-” Pwede- pero hindi siya sure nang biglang nagdabog ang kanyang dibdib. Parang umangal. Nako girl naman, hindi pala gusto ng puso. Isip lamang.  “Kaso not now, I’m still hurt... You n’am sayin?” Kinagat ni Dani ang labi niya at gusto niya hampasin ang sarili niya dahil nagawa niya pang gamitin ang favorite line ng ex niya. Wala na, guilty. Mas guilty pa kay Napoles.

 

 

“Ouch talaga. Pati ba sa pagbusted sa akin... line niya pa din? Sa dinami-dami ng kanta. Hindi mo talaga ako mahal. Friend lang talaga turing mo sa akin. Sinaktan mo ang puso ko... pinukpok mo ng martilyo-” Alam na ni Dani ang susunod kaya inunahan niya ng pigilan ito. 

 

 

“Oo na oo na oo na, pati ba Michael V papatulan mo? Pero sorry Himchan... hurt pa din talaga ako. Alam mo naman din na kahit ang aking kokoro ay gusto kang mahalin, hindi ko kaya ito pilitin at mas masasaktan ka. Di lang sa puso.”

 

 

Marahang cinomb back ni Himchan ang kanyang buhok at paslow mo na tumalikod. Bago siya tuluyang lumabas ng pinto, muling nanumbalik tingin ang lalaki sa kanyang irog at muling bumulong with his sultry trucker voice. “Sana bebe, madaling gawing KAIBIGan and kaibigan... pero alamin mo ito, balang araw Dani baybeh...It’s gonna be ME.”

 

 

*Dance Break*

 

 

 

--------------------------

 

 

OK GUYS I'M SO DONE. DONE DONE DONE.

 

Honestly I was typing my other fic but when I was almost done I side tracked to this.

=)) Pansin niyo yung product placement? Sponsored tayo ni Mayor. Unlimited supply ng Wilkins.

Nagpapasalamat din si Himchan sa Star Magic para sa workshop niya.

 

Pwede na ako bigyan ng katol. 

Ate nakakailang fic ka na sa akin ah. =))

 

Alabyu.

 

Dani. <3

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Bapsloli
#1
Chapter 1: 'walang malalasing sa wilkins' I DIED AT THAT ONE XD HAHAHA
iamout #2
Chapter 1: pagbigyan sana ako ng mga kapatid ko na kanina pa galit sakin sa katatawa dito =))))))))))))
Himchan naman eh 2 litre nainom agad, di naman sobrang uhaw? Uhaw sa [sanang] pag-ibig [sa kanya] ni DANI BEYBEHHHH
Yung mga adlib niya doe. DA BEST. OKS.
FIC IS JJANG.
musicbeat
#3
Chapter 1: wait... first few sentences pa lang nabaliw na ko!!! galing~
junginanoona
#4
Chapter 1: Hindi obvious na mahilig kang magkaraoke, beybeh. ^___^

this is so... you
jk. labyu! :)))