[4] ✓

THE BRAT’S FIRST LOVE [TAGALOG-ENGLISH]

 

[4] ✓

 

‘Cecil!’ tawag niya sa personal maid niya, kanina pa niya ito tinatawag pero walang lumilitaw na Cecil sa kwarto niya.

 

‘Yes young lady?’ hingal na tanong nito sakanya, halatang kalalabas lang ng banyo dahil sa basa pa ang buhok nito.

 

‘Kanina ko pa hinahanap ang gamit ko sa paglalaro ng tennis, pero wala. Saan mo ba nilagay!’

 

‘Matagal niyo na po ipinatapon sakin ang mga gamit niyo young lady’ pag-papaliwanag nito, doon lang niya naisip na matagal ng wala ang gamit niya.

 

Grr! Hindi mo agad sinabi, sige lumabas kana at mag-suklay ka mukha kang mangkukulam’ utos niya dito.

 

Isang taon na mula ng tumigil sa pag-lalaro ng tennis si Stephanie, mula ng matalo siya nawalan na siya ng gana pa mag-laro. Hindi niya matanggap na na-disqualified siya dahil lang sa hindi pag-sulpot ng ka-partner niya sa double.

 

Kinuha niya ang cellphone niya at agad na tinawagan ang daddy niya, naka-ilang tawag niya bago sumagot ito.

 

‘Finally dad’, you picked your phone’

(What’s the matter young lady?)

‘Can I borrow your secretary for a while?’

(Why?)

‘Mag-papasama ako bumili ng gagamitin ko tennis’

(Really? Babalik kana sa pag-lalaro?)

‘Isn’t obvious dad?’

(Just asking, papupuntahin ko na siya dyan)

‘Thanks dad, I love you’

(I love you too princess)

 

Isinulat niya lahat sa papel ang bibilin niya mamaya sa mall,

  • A tennis bag
  • Tennis apparel
  • Sunscreen
  • Tennis balls
  • Overgrips
  • Extra tennis string
  • tennis racquet
  • Socks
  • Vibration Dampeners
  • Sweat bands

 

Naligo muna siya habang inaantay si Sharlyn, nag-suot siya ng mickey mouse printed loose top at denim short saka flats. Bumaba siya ng dumating na ang sekretarya ng dad niya, ipinagbukas niya nito ng pinto ng kotse at nang makasakay siya ay isinara na nito.

 

‘Ma’am Stephanie saang mall tayo?’ sinabi niya kung saan, kahit babae si Sharlyn brusko ito gumalaw. Hindi naman siya tomboy, sa madaling salita ay boyish ito. Kapag hindi pwede mag-maneho si Manong Ted, si Sharlyn ang hinihiram niya sa dad nito.

 

Pag-karating nila sa mall, sa isang Sports boutique sila dumiretso. May malaking check ang bawat produkto do’n na kahit mamahalin sigurado naman na ang magandang kalidad ang binabayaran. Tiningnan niya muli ang listahan kung ano ba ang bibilhin niya, una muna niya binili ang damit.

 

‘do you have a medium size of this?’ tanong niya sa store assistant na kasunod niya,

‘Yes ma’am, what color?’

‘any color’

 

Habang nag-aantay, tumingin-tingin pa siya. Ayaw na niya mag-shopping ulit kasi susulitin na niya ngayon, base sa sinabi ni Mr. Rey kailangan niya mag-praktis sa loob ng isang linggo. Kaya kakailanganin niya ng madaming pares.

 

‘ma’am heto po medium size, sukat niyo po’

‘okay!’ pumasok siya sa loob ng fitting room, tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin na nasa tapat niya. Tama lang ang pagka-hapit ng damit sakanya, nagpalit ulit siya ng damit at lumabas ng fitting room.

‘ma’am kukuhanin niyo na po?’

‘Oo, bigyan mo din ako ng medium size ng mga ‘yon’ at itinuro niya ang mga nakasabit ng tennis sports wear. ‘Sharlyn bayaran mo lahat yan, saka mo ako sundan sa shoe section’ inabot niya credit card.

‘Ikaw i-assit mo ako’ utos niya, sumunod naman ito sakanya. Nag-sukat muna siya ng sapatos, sa huli tatlong pares ang napili niya. Dahil wala pa si Sharlyn na mag-dadala ng napili niya, inabot niya sa assistant ng store ang mga kahon ng sapatos. Wala naman itong nagawa, dahil customer si Stephanie.

 

‘may available na Tennis Bag dito?’

‘yes ma’am, this way po’ sinundan niya ang lalaking store assistant, ipinakita nito lahat ng tennis bag na meron sila. May bag pack, 3 to 12 racquet bags, Club Tennis Bags pero hindi pwede lagyan ng raketa. Iba’t ibang kulay din, sa huli napili niya ang kulay pula na may halong itim na 6 racquet bags. Maari din ilagay ang ibang tennis accessories at personal things.

 

Mahigit isang oras din siya umikot sa loob ng store, nang makumpleto na niya ang kailangan. Pinabayaran niya lahat kay Sharlyn ‘yon. Lumabas na siya para lumipat sa kabilang store, wala kasing raketa na available sa brand na’yon.

 

Agad niya hinanap ang brand ng raketa na ginagamit niya noon, mayroon itong ‘doble line’ sa logo nito. Isa na ito sa pinaka-magandang brand ng raketa na kahit international player ay gumagamit.

 

**

‘ma’am Stephanie nandito na po tayo’

‘Okay, wait!’

 

Katatapos lang niya mag-sintas ng sapatos, sa backseat siya naupo para maka-pagbihis. Ipinag-bukas siya ni Sharlyn ng pinto, pinasan niya ang bag niya at bumaba ng kotse.

 

‘Dalhin mo lahat sa mansion ang pinamili ko, then humingi ka kay dad ng malaking bonus. Kapag hindi ka binigyan, isumbong mo sakin ha’

‘Yes ma’am’

‘Thank you’

‘ma’am susunduin ko po ba kayo mamaya?’

‘hindi na, umuwi kana’ Tumalikod siya at pumasok sa loob ng private tennis court na inarkila ng school nila Stephanie. As usual, late na naman siya. Sinalubong siya agd ni Mr. Rey na siyang coach ng tennis club.

 

‘Stephanie late kana naman’

‘hindi ka pa ba na sanay, tsk!’ saka niya ito inirapan.

‘ipakikila kita sa partner mo’ sinundan niya si Mr. Rey, lumapit ito sa isang lalaking nag-lalaro na. ‘Yago, nandito na ang bago mong partner sa double’

 

‘Nerdy boy? Ikaw na naman, seryoso?’

‘Oo, siya ang partner mo sa mixed double Stephanie kaya parang awa muna huwag mo awayin, isang linggo lang ang preparation mo’ Mr. Rey,

‘Whatever sir, masyado kang madaldal’ reklamo niya, ‘sana lang hindi niya gawin sakin ang ginawa ng dati kong partner’

 

‘Hindi na mauulit ‘yon Stephanie, alam ko naman na nagalit ka sa nangyari kaya sigurado ako na hindi na mangyari ‘yon. Ayusin mo lang ang paglalaro’ Mr. Rey, ‘Saka Yago ikaw na bahala mag-adjust, masyadong mabait si Ms. Cheng’

 

‘Okay sir, ako na po bahala’ nakangiting sagot ni Santiago, ‘Matagal na din mula ng huli ka mag-laro diba?’

‘Ha? Paano mo naman nasabi, ngayon ko lang nalaman na nag-lalaro ka din pala’

‘mula freshman parte na ako ng tennis club kaso ngayon taon lang ako nabigyan ng pag-kakataon lumaban’ tumango lang si Stephanie bilang sagot, nag-simula na siya mag-warm up dahil mapapalaban na agad siya.

 

‘May problema ba?’ tanong ni Santiago sakanya, kanina pa kasi nito napapansin na nahihirapan si Stephanie na ibalik ang bola sa kalaban. Kung hindi out ang bola, kulang naman.

‘Hindi, nanibago lang ako. Isang taon din ako hindi nakapag-laro’ seryosong sagot niya, ‘Makakapag-adjust din ako’ pumuwesto na muli siya sa kabilang parte ng court, salungat sa pwesto ni Santiago.

‘Huwag ka mag-alala, nandito ako para tulungan ka’ sabi nito sakanya, ngayon ay kalaban na nila ang dalawa pa sa panlaban ng school nila sa mixed doubles. Tumagal ng isang oras ang laban nila bago mag-water break. Lamang ang kalaban nila, hindi natutuwa si Stephanie sa resulta ng laro niya.

 

Dmn!’ bulong niya, ipinadyak niya ang paa sa sahig para maalis ang inis niya. Hindi siya makapag-focus sa pag-lalaro.

Nilapitan siya ni Santiago at naupo sa tabi nito ‘Kalma, hindi makakatulong sayo ang init ng ulo. Kung gusto mo, uminom muna tayo ng kape? O kumain, baka gutom lang ‘yan’

‘Bakit mo ba ako kinakausap? Close ba tayo?’ singhal niya dito, napaatras naman si Santiago.

‘Hindi pa, pero malay mo baka maging mag-kaibigan din tayo’ saka niya nginitian ng matamis si Stephanie. Ngiti na nakakahawa, hindi na namalayan ni Stephanie na nahawa na siya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
aoikunieda #1
Chapter 3: nice character you made,intelligent and sporty!!!!!!
love it
aoikunieda #2
Chapter 2: Bratt, my tablet hahahaha always wrong spelling
aoikunieda #3
Chapter 2: " Brett" I mean
aoikunieda #4
Chapter 2: Now I know the reason behind that y Brett,
I feel sorry for her......
Nice story,keep updating please,tnx
babypou #5
Chapter 1: I dont understand T.T
justhumanbeing
#6
Chapter 1: I wish I could understand Tagalog
putrilovefishy #7
Chapter 1: Omo...i think this is english fanfic...but i'm totally wrong
really can't understand at all
aoikunieda #8
Chapter 1: maganda siya,ang sungit ni Stephanie!!!!!!!!!
miss_curang #9
Chapter 1: english please
ashilafn #10
Sound interisting, update soon plese :)