[3] ✓

THE BRAT’S FIRST LOVE [TAGALOG-ENGLISH]

[3] ✓

 

Hindi halos nakatulog si Stephanie, kahit naka-pikit siya ang diwa naman niya ang gising. Minsan lang niya ipakita ang kahinaan niya sa ibang tao at masaya siya dahil sa ama niya ‘yon nailabas. Nilingon niya ang orasan na naka-patong sa side table, alas-singko palang ng umaga. Tumayo siya at nag-handa na para sa pag-pasok, kinuha niya sa loob ng closet ang plantsadong uniporme.

 

Pumasok siya sa loob ng banyo para gawin ang morning rituals niya. Saktong ala-sais siya natapos, naka-upo siya sa harap ng salamin at kasalukuyang nag-papatuyo ng buhok. Narinig niya ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto niya.

 

‘Young lady pinapagising po kayo sakin ng daddy mo’ aniya ni Cecil sa labas ng pinto, araw-araw na gawain na nito ang gisingin siya para hindi mahuli sa klase. Hindi siya sumagot, pinag-patuloy lang ang ginagawa. Hindi pa din ito tumitigil sa pag-katok.

 

Makalipas ang bente minutos, tumayo siya at binuksan ang pinto. Hinarap niya ang personal maid na halatang nagulat, ‘Ang ingay mo Cecil, gising na ako.Naka-handa na ba ang almusal?’

 

Yes young lady, inaantay na po kayo ni Sir Conrad sa dining room’ tinalikuran niya ang nakayukong si Cecil at bumaba. Naabutan niya si Conrad na naka-upo na sa pwesto nito at nag-babasa ng dyaryo.

 

‘Good morning dad’ bati niya saka niya ito hinalikan sa mag-kabilang pisngi.

 

‘Hindi ka natulog ‘no?’

 

‘Yes dad, pero I’m fine’ kumuha siya ng french bread at butter, ‘Where’s Charlotte?’

 

‘naliligo pa daw, tinanghali ng gising’ tumango lang siya at ipinag-patuloy ang pag-kain, minsan lang siya ganahan sa pag-kain minsan ay timil siya.

 

‘Kamusta na ang prinsesa ko? Maayos na ba?’

 

‘Okay naman ako dad, huling tingin ko sa salamin ay maganda pa din ako’ bahagyang napatawa si Conrad, maayos na nga ang anak niya hindi na mababakas ang kalungkutan sa mga mata nito.

 

‘Minsan ako naman ang i-paint mo, nakakatampo dahil ang gwapo mong ama hindi mo ginagawan’ nanlaki ang mata ni Stephanie sa narinig niya,

 

‘Dad! Don’t tell me tiningnan mo ang mga painting ko?’ singhal niya dito, ‘Kainis ka, wala nga ako pinag-sasabihan kasi secret room ko ‘yon’ parang batang nag-maktol si Stephanie, ngumuso pa ito.

 

‘Secret room? Sa pagkakatanda ko akin ang mansion, kaya akin ang secret room mo saka hindi na ‘yon lihim dahil bawat sulok ay may cctv’ inirapan niya ang ama saka uminom ng gatas,

 

‘Whatever dad, basta keep my secret or else hindi na kita kakausapin’

 

‘Pangako, basta gusto ko lagi kang naka-ngiti. Isa lang ang gusto ng magulang para sa anak, ang maging masaya ito sa lahat ng oras’ tumago siya saka ngumiti sa ama.

 

‘Tsk! Ang drama mo dad’ Malapit na siya matapos kumain ng bumaba si Charlotte, namamaga ang mata at hindi pa naayos ang necktie.

 

‘good morning’ bati niya, naupo siya sa tapat ni Stephanie kung saan siya ipinuwesto ni Conrad. Nag-lagay siya ng sinangag at itlog sa plato at madalian kumain.

 

‘duh! Construction worker?’ puna niya sa kapatid, ‘hindi kaba natatakot tumaba? O wait – hindi ako concern, mas concern ako sa kotse baka kasi ma-flat ang gulong kapag sumakay kana’ bahagya siyang natawa pero agad naman niya napigilan ng tampalin siya ni Conrad sa braso.

 

‘Fine!’ ngumiti siya saka tinaas ang dalawang kamay na akala mo’y sumusuko, ‘dad I’m done’ tumayo siya at umakyat sa kwarto niya. Nag-toothbrush at nag-suklay na din siya, hinayaan lang niyang nakalugay ang maitim at mahabang buhok niya.

 

**

Kagaya ng inaasahan, labis ang gulat ng guro niya sa unang klase nila. Once in a blue moon lang niya makita si Stephanie sa klase niya.

 

‘Magandang umaga Ms. Cheng’ bati nito sakanya, ‘Himala yata at maaga ka ngayon’

 

‘ma’am huwag niyo po batiin baka mausog’ biro ng kaklase niya, hindi niya sana papansinin ang guro niya pero may kasalanan pa ito sakanya ‘Kung hindi niyo ako nireport sa principal, wala na talaga ako balak pumasok sa klase na’to’ diretsong sagot niya. Napahiya naman ang guro niya sa isinagot niya kaya naisipan nito mag-bigay ng surprise quiz.

 

‘That stupid old maid getting into my nerves’ bulong niya sa sarili habang kukuha ng pag-susulit, ‘halata naman na pinag-iinitan ako, 50 items for quiz? Pauso masyado’ ilang beses lang ba niya pinasukan ang klase niya sa Filipino? Hindi siya maaring ma-drop dahil hindi naman sunod-sunod ang absent niya, minsan may pagitan naman.

 

Matapos ang quiz, sila din ang nag-check no’n kaya nalaman din nila agad ang score nila.

 

‘sino ang nakakuha ng pinakamataas na marka?’ tanong ng guro nila, nag-taas siya ng kamay at dalawa pa sa kaklase niya. ‘Ano ang pinaka-mataas?’

 

‘50’ sagot niya,

 

‘Kaya naman malakas ang loob umabsent, siguro nandaya’ komento ng kaklase niya, ito ang karibal niya at numero unong kaaway sa classroom nila.

‘Talaga? Hindi ko kasalanan na mas matalino ako sayo’ pang-iinis ni Stephanie, inirapan lang siya nito at umayos ng upo.

 

Kinolekta ni Mrs. Cruz ang papel  nila bago lumabas ng classroom. Hindi naman maikaila ni Mrs. Cruz na napahanga siya ni Stephanie, kahit ilan beses niya ito sinubukan ipahiya sa huli ay siya pa din ang talo. Sigurado siyang hindi ito nandaya dahil buong oras nila ay nakatingin lang siya kay Stephanie.

 

Pag-labas ni Mrs. Cruz, tumayo si Stephanie para kausapin si Jillian

 

‘Hoy Bruhilda, kahit kailan talaga epal ka ‘no?! alam ko naman na sipsip ka pero pwede ba sa susunod iba nalang ang inisin mo kasi malapit na talaga kitang patulan’ saka siya ngumiti ng mapakla, pero sa isip niya gusto niya ng sabunutan si Jillian.

 

‘ano ba kinakagalit mo sakin Stephanie? Totoo naman ang sinabi klo, madaya ka dahil mas madalas ka pang absent tapos makakakuha ng perfect score? Imposible, ako nga araw-araw pumapasok pero hindi ako makakuha n’on’ sagot nito sakanya, tumawa si Stephanie sa sinabi ni Jillian sakanya.

 

‘Ows?! Alam mo nakakamatay ang pagiging inggitera, huwag kang bitter kasi lumalabas sa balat mo. Pumapanget ka tuloy, o sorry panget ka pala talaga’ dinampot niya ang pencil case na nasa ibabaw ng desk ni Jillian saka inihagis sa labas ng bintana, ‘Ay nadulas! Hindi ko sinasadya, next time sa mukha muna tatama ‘yon. Go, lumabas ka at kuhanin mo ‘yon’

 

‘STEPHANIE CHENG! Nakakairita kana, ano akala mo sa sarili mo! Napakasama mo!’ sigaw ni Jillian sakanya, pinag-tinginan na ng mga kaklase nila, ‘!’

 

‘Oh! Yes y brat. Masama talaga ugali ko parang mukha mo’ hinawi niya ang buhok saka tumalikod. Sakto naman ang pag-dating ng teacher nila sa next subject, tiningnan lang siya ni Jullian ng masama.

 

Nasa kalagitnaan sila ng discussion sa pang-lima nilang subject ng ipatawag na naman si Stephanie sa principal’s office.

 

‘Friend may kasalanan ka na naman?’ Miel,

 

‘Aba malay ko! Puntahan mo ng malaman mo!’ sighal niya dito, itinago niya sa loob ng bag ang mga gamit niya at lumabas ng room saka dumiretso sa office. Sinalubong agad siya ng principal nila.

 

‘May reklamo na naman po ba sakin?’ iritableng tanong niya,

 

‘naaksidente kasi si Laura’ sagot nito sakanya,

 

‘So? Ano kinalaman ko sa aksidente? Siguro naman hindi niyo sakin isinisisi?’

 

‘Ibig sabihin kung pwede ikaw muna ang pumalit sa pwesto niya?’ sabi ni Mr. Rey, ‘Wala na kaming choice kundi ang palitan siya, malapit na ang competition’

 

‘No choice gano’n? Sorry, ayokong ginagawa akong panakip saka madami naman estudyante dito bakit hindi nalang sila?’

 

‘Kasi may potential ka saka ikaw naman talaga ang first choice e, tinanggihan mo lang kaya kay Laura napunta. Please, isang linggo nalang ang preparation’ Mr. Rey

 

‘Fine!’

 

‘good to hear that Ms. Cheng, excuse kana sa lahat ng subject hanggang sa matapos ang competition’ Principal, pinauwi na siya para makapag-prepare siya. Siya na ang lalaban para sa National Tennis Competition, madami ang nag-aasam na makapasok sa national dahil sa privileges na matatanggap nila.

 

 

 

 

 

 

Aurevoir_Amica

© THE BRAT’S FIRST LOVE

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
aoikunieda #1
Chapter 3: nice character you made,intelligent and sporty!!!!!!
love it
aoikunieda #2
Chapter 2: Bratt, my tablet hahahaha always wrong spelling
aoikunieda #3
Chapter 2: " Brett" I mean
aoikunieda #4
Chapter 2: Now I know the reason behind that y Brett,
I feel sorry for her......
Nice story,keep updating please,tnx
babypou #5
Chapter 1: I dont understand T.T
justhumanbeing
#6
Chapter 1: I wish I could understand Tagalog
putrilovefishy #7
Chapter 1: Omo...i think this is english fanfic...but i'm totally wrong
really can't understand at all
aoikunieda #8
Chapter 1: maganda siya,ang sungit ni Stephanie!!!!!!!!!
miss_curang #9
Chapter 1: english please
ashilafn #10
Sound interisting, update soon plese :)