[2] ✓

THE BRAT’S FIRST LOVE [TAGALOG-ENGLISH]

 [2] ✓

 

 

‘Tiffany wait’ tawag ni Charlotte sakanya, hindi ito makadala sa dami ng libro.

 

 

‘May balak kabang maging librarian in the future?’ inis na tnong niya dito, kanina pa niya gusto umuwi pero natatagalan sila dahil sa kapatid niya.

 

 

‘Kasi diba malapit na ang finals, kaya mag-rereview ako’ sagot nito sakanya, tinaasan niya ako ng kilay at nag-lakad muli. ‘Ikaw hindi kaba mag-rereview?’

 

 

‘Hindi ko na kailangan, matalino ako’ totoo naman ang sinabi ni Stephanie, matalino siya pero dahil sa ugali niyang hindi kagandahan madalas siyang mapag-initan.

 

 

Hindi pa sila nakaka-labas ng gate ng tawagin siya ng class president nila, pinapatawag si Stephanie sa office.

 

 

‘Mauna kana, susunod ako’ utos niya kay Charlotte. Dumaan muna siya sa office, naabutan niya ang teacher niya sa Filipino na naka-upo at kausap ang principal nila.

 

 

‘Good afternoon’ bati niya sa mga ito,

 

‘Have a seat Ms. Cheng’  utos nito sakanya, naupo naman siya sa bakanteng upuan na nasa harap ng principal’s desk.

 

‘May problema po ba?’ tanong niya,

 

 

 

Meron, napapadalas daw ang pag-pasok mo ng late sa klase ni Mrs. Cruz. Madalas ka din daw mag-cutting class sa iba mong subject’ paninimula ng principal nila,

 

 

 

‘Totoo po lahat ‘yan, may insomia ako kaya madalas ako mapuyat. Minsan lumiliban din po ako sa klase namin lalo na kung boring ang subject pero sana nasabi din po ng mga guro ko na matalino akong estudyante na kahit madalas akong late at absent ay hindi naman ako tatanga-tanga sa klase nila’ humarap niya sa guro niya, ngumiti siya ng mapakla.

 

 

 

‘Nakita ko nga ang mga grado mo at hindi naman mababa, pero sana maging responsableng estudyante ka din dahil bilang isang mag-aaral kailangan mo pasukan lahat ng klase mo. Paano nalang kung naaksidente ka sa oras ng pasok mo? Maaring masisi ang eskwelahan pati na din ang mga guro mo’ saad ng prinsipal, seryoso itong tumingin sa mga mata niya.

 

 

 

‘Huwag po kayo mag-alala, masagasaan man ako sa labas ng school hinding-hindi kayo idedemanda ng daddy ko. Besides, alam po niya na madalas ako malate at mag-cutting class. Maraming salamat sa concern pero hindi ko po kailangan ‘yon. Sana din po bago makita ang kamalian ko bilang estudyante, makita din nila ang kamalian nila bilang guro dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging tama ang nakakatanda’ seryosong sagot niya, halata naman ang pagka-gulat sa mukha ng prinsipal nila.

 

 

 

‘Naiintindihan ko Ms. Cheng pero sana maging aware ka din sa mga salita mo dahil baka minsan ay nakakasama na’

 

 

 

‘Salamat sa pag-intindi, pasensya na din po dahil hindi ko magagawa ang nais niyo. Maraming salamat po, Maari na po ba ako umalis? Madalim na po kasi saka baka hinahanap na ako ng daddy ko’ tumayo siya at nag-paalam.

 

 

 

‘Anong karapatan niyo sabihan ako sa gusto ko! Kapal ng mukha!’ inis na saad niya sa sarili, kanina gusto niya sigawan ang mga ito pero wala siya sa mood mambastos. Kumatok siya sa bintana ng kotse para ilisin ang pagkaka-locked ng pinto. Padabog siyang sumakay sa likod, ayaw niya sa lahat ang sinasabihan siya lalo na kung hindi naman karapat-dapat ang galit.

 

 

 

Buong biyahe tahimik lang si Stephanie, pag-karating nila sa bahay sinalubong agad sila ng mga kasambahay. Humilera ito at binati sila.

 

 

 

‘Good evening young ladies’ kahit si Charlotte ay sinasabihan din.

 

‘There’s nothing good in the evening’  pamimilosopo niya, kinuha naman ng personal maid niya ang dala niyang bag.

 

 

‘Cecil ipag-handa mo ako ng pampaligo, ngayon na’ mabilis pa sa alas-kwarto na umakyat sa taas ang personal maid niya para sundin ang utos niya.

 

 

 

‘Arf! Arf! Arf!’

 

‘Arf! Arf! Arf!’

 

 

Tumalungko siya para mabuhat niya ang mga alaga niyang sina Chris at Tian. French bulldog puppies na kulay abuhin at asul ang mga mata. Mahalaga sakanya ang kambal na tuta dahil regalo ito ni Conrad sakanya na ama niya. Hindi matatapos ang araw niya na hindi sila nag-lalaro. Minsan ay katabi din niya ang mga ito matulog.

 

 

 

**

 

 

 

‘inaway mo na naman daw ang mga kasambahay natin’

 

 

‘of course not dad, Tsked! Mag-susumbong lang sila mali pa’

 

‘ano ba ginawa mo?’

 

‘sinungitan ko, wala naman talagang good sa evening lalo na kung sila makikita ko’

 

‘Stephanie, malapit na maubos ang mga kasambahay natin’

 

‘E di humanap ulit ng iba, that’s not a problem’ napa-iling nalang si Conrad sa inasal ng anak, araw-araw nalang niya ito pinag-sasabihan pero wala din nang-yayari. Pagod na siya sa ugali nito pero kasalanan din naman niya dahil hinayaan niya itong lumaki na spoiled.

 

 

 

‘Dad pinatawag ako sa office kanina, kasi isinumbong ako nung paki-lamera kong teacher. Lagi daw ako late pumasok, nakakainis kasi paulit-ulit nalang’ reklamo niya, tama nga ang sinabi niya sa principal kanina. Alam ng daddy niya ang lahat.

 

 

‘Bakit hindi ka magpa-check up muli para magamot ang insomia mo?’

 

 

‘No way dad, puro nalang sleeping pills ang binibigay sakin. Nakakasira ng ulo, mas madalas sumasakit ang ulo ko’ ilang beses na siya nag-pabalik-balik sa ospital pero wala naman nangyayari, madalas pa din siyang mag-puyat. Kung iinom naman siya ng pills, nagiging bugnutin siya.

 

 

‘okay, mag-bakasyon ka nalang ulit sa Spain’

 

 

‘Saan? Sa ubasan ni Oliver? Ayoko do’n dad, pinipilit niya ako mag-harvest tapos ang kati pa sa balat’ tinutukoy niya ay ang kina-kapatid niya na nakatira sa Spain, hindi naman sa ayaw niya do’n kaso kung umasta ito ay parang nakakatandang kapatid at ‘yon ang ayaw niya. Ayaw na ayaw niya na inuutusan siya lalo na kung labag sa loob niya.

 

 

‘sige, sabihin mo sakin kung saan ka mag-babakasyon para maayos ko na ang schedule ko’

 

 

‘Are you sure dad? Sasama ka sakin?’

 

‘oo naman, gusto ko din makasama ang anak ko. Ikaw din Charlotte, sumama ka samin’

 

‘Dad naman!’

 

‘Kapatid mo siya Stephanie, maging fair ka sakanya’

 

‘Ayos lang po Sir Conrad, siguro po sa probinsya nalang ako mag-bakasyon’

 

 

‘Hindi ihja, sasama ka samin. Ako bahala sa gastos mo’ hindi na siya muli kumibo, hindi naman siya mananalo sa dad niya. Ayaw niya mag-tampo ito sakanya dahil kagaya niya matagal din ito mapaamo. Mabait si Conrad pero mas masama pa kay Stephanie kapag nagalit.

 

 

 

Matapos nila kumain ng hapunan, umakyat na sila ni Charlotte sa kani-kanilang kwarto. Kinuha niya sa loob ng bag ang libro at notebook niya para gumawa ng assignment, isang oras din siya nag-stay sa harap ng study table niya.

 

 

 

Naabutan pa niyang naka-bukas ang ilaw sa kwarto ni Charlotte, dahil naka-awang ang pinto nakita din niya na abala ito sa pag-rereview. Umakyat siya ng hagdan hanggang sa makarating siya sa ika-apat na palapag ng mansion. Pawis na pawis niya ngunit napawi naman agad ng malamig na ihip ng hangin ang pagod niya.

 

 

 

Gustong-gusto niya dito dahil malayo at hindi masyado napupuntahan ng mga kasambahay. Siya mismo ang nag-lilinis dito, isa itong lihim na kwarto kung nasaan ang mga painting na siya ang gumawa. Sa umaga ay makikita ang malawak at magandang tanawin, sa gabi naman ay makikinang na bituin sa malawak na kalangitan.

 

 

 

Dito siya nag-papalipas ng gabi lalo na kung hindi siya maka-tulog, naka-suot siya ng plain white shirt na above the knee ang haba. Kung madudumihan man ay itatapon nalang niya sa basurahan, inihanda niya ang mga gagamitin niya. Pangkaraniwan na ginagawa niya ay ang tema ng ‘mother and child abstract’ na tanging eksperto lang ang makakahalata na puro lungkot ang nasa puso ng may gawa.

 

 

 

Hating-gabi na siya natapos, kagaya ng lagi niya ginagawa. Itinatabi niya muna lahat ng ginamit niya, tinatapon sa basurahan ang damit na ginamit at nag-lilinis ng katawan. Sinigurado niyang maayos ang lahat at sarado ang pinto bago siya bumaba.

 

 

 

‘Can’t sleep?’

 

‘OMG dad! Bakit kayo nang-gugulat?’

 

‘Is there anything wrong princess?’

 

 

 

Huminga siya ng malalim bago sumagot, ‘Dad can I tell you a secret? Promise me na hindi mo sasabihin sa iba?’ para siyang bata na humihingi ng assurance.

 

‘Sure, I will princess’

 

 

‘What’s wrong with me dad? Bakit sarili kong ina hindi ako nagawang mahalin? Bakit niya ako iniwan the day after niya ako ilabas? Do you think tiningnan niya man lang ako? halos lahat nalang ayaw sakin’ niyakap siya ni Conrad para maibsan ang sakit na nararamdaman ng anak. Hinagod niya ang likod nito.

 

 

 

‘Kasalanan ko lahat ‘to pero hindi ako nag-sisisi dahil kung hindi ko ginawa ‘yon wala akong anak. Wala ka sakin, hindi ko mararanasan maging ama. Hindi sa ayaw nila sayo, mabait kang bata pero hindi nila ‘yan nakikita. Pinili mo maging masama sa paningin nila dahil ayaw mo na maging malapit sila sayo. Natatakot ka na maiwan, pero iyan ang hindi ko gagawin. Ayawan ka man ng lahat pero ako hindi’ sagot nito sakanya, naramdaman niya ang assurance sa ama na hindi siya nito iiwan. Tama lahat ng sinabi nito, ginagawa niyang masama ang sarili para maiwasan niya ang mga taong maging malapit sakanya at iiwan lang din siya sa huli. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Aurevoir_Amica

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
aoikunieda #1
Chapter 3: nice character you made,intelligent and sporty!!!!!!
love it
aoikunieda #2
Chapter 2: Bratt, my tablet hahahaha always wrong spelling
aoikunieda #3
Chapter 2: " Brett" I mean
aoikunieda #4
Chapter 2: Now I know the reason behind that y Brett,
I feel sorry for her......
Nice story,keep updating please,tnx
babypou #5
Chapter 1: I dont understand T.T
justhumanbeing
#6
Chapter 1: I wish I could understand Tagalog
putrilovefishy #7
Chapter 1: Omo...i think this is english fanfic...but i'm totally wrong
really can't understand at all
aoikunieda #8
Chapter 1: maganda siya,ang sungit ni Stephanie!!!!!!!!!
miss_curang #9
Chapter 1: english please
ashilafn #10
Sound interisting, update soon plese :)