Ang Shunga Lang

Way To Your Heart ♥

CHAPTER 7: ANG SHUNGA LANG

 

Halos buong klase ako—I mean, KAMI pala ni Justin na naparusahan, kaya nung break time, pumasok muna kami ng room at nagpahinga. Nagstretch-stretch kami ng braso pati ng  mga tuhod namin. Bukod sa nakakangawit na ang pag-squat, dumagdag pa kasi ang bigat ng timbang puno ng tubig. Nabawas-bawasan lang ang hirap dahil dinaan na lang namin sa kwentuhan ang parusa namin. Mabuti na lang talaga at kasama ko si Justin dahil kung hindi, siguradong ramdam na ramdam ko dun ang pagod. Bumabanat ri siya ng mga corny jokes pero natatawa pa rin ako. Siya lang yata ang may kaya nag awing nakakatawa ang isang di nakakatawa na joke. XDD

 

“Haay naku, salamat talaga Justin dahil sinamahan mo ako. Pero sa susunod, wag ka na dumamay sa parusa ko kasi ikaw din ang kawawa,” Sabi ko sa kanya ng naglalakad na kami papuntang canteen.

Tumawa siya at tumingin sa akin, “Haha, ano ka ba, okay lang yun. At wala na dapat na susunod. Siguradong kapag nahuli ka na naman ni Mr. Lee na hindi nakikinig sa lesson, patakbuhin ka niya sa buong school o kaya naman, ang mas matindi ay ibagsak ka niya,” Sabi niya at umakbay sa akin.

“Haha, tama, oo nga. Dapat lang na wala ng maging kasunod. Ayoko na kayang maparusahan. Nakakatakot pang galitin ni Mr. Lee,” Sabi ko naman sabay tawa. Nakitawa rin siya sa akin.

“Hahaha, tama ka diyan, Jeri. Parang monster si Mr. Lee kung magalit. Kaya mahirap na kapag ginalit mo ulit siya,” Biro niya at mas lalong lumakas ang tawanan naming dalawa.

 

Papasok na kami sa loob ng canteen ng makita naming si Harry na nakaupo na sa isa sa mga table dun, siya lang mag-isa.

 

“Oh, yun pala si Harry eh,” Sabi ni Justin pagkakita kay Harry at sabay turo dito, “Tara, Jeri, dun na tayo umupo sa pwesto ni Harry,” Yaya niya sa akin.

 

Pero teka, ngayon na ba ang oras para lapitan ko siya ulit pagkatapos kong mapahiya sa kanya kanina? Pero hindi eh, kailangan kong mas kilalanin siya at ito na ang oras para simulant na yun. Pero hindi eh! Paano kung maalala niya na naman ang nangyari kanina at matawa siya? Nakakahiya! >___<

Ang hirap naman ng sitwasyon ko, idagdag pa na magkasama pala kami sa iisang kwarto. Kapag iniwasan ko na naman siya ngayon, eh di maiilang kami sa isa’t isa mamaya.

 

“Jeri? Tara na,” Sabi ni Justin sa akin.

Ay! Oo nga pala, niyayaya na niya ako dun kay Harry pumwesto. So kailangan ko na talagang magdesisyon. Okay! So… So… So… My decision is…

 

 

“Okay, sige. Tara na!” Sabi ko kaya Justin na nakatingin sa pwesto ni Harry.

Eh di nakapagdesisyon din akong di na lang siya iwasan. Ako din naman ang mahihirapan. >____<

 

“Okay!” Sabi ni Justin at pinuntahan na naming si Justin.

 

Tinapik ni Justin ang balikat ni Harry at napalingon naman si Harry sa kanya.

“Harry, dito na kami ni Jeri pupwesto ha’” Sabi ni Justin kay Harry.

 

Napatingin naman sa akin si Harry, “Ah, siya yung kanina na naparusahan ni Mr. Lee, at yung transferee.”

 

Ouch! Yun pa ang nagging first impression niya sa akin. Ayo slang sana ang transferee kaso yung naparusahan ni Mr. Lee, aray lang! Eh siya naman ang dahilan kaya ako naparusahan, kung alam niya lang! >)O(<

 

“Harry naman, wag ka naman ganyan sa kanya. Bago pa lang naman siya dito,” Pagtatanggol ni Justin sa akin.

 

“Ah, oo nga pala. Diba galing kang America? Ganyan ka ba dun? Palaging napaparusahan? Siguro bulakbol ka at mahilig sa basag-ulo noh? Jeri Song?” Sabi ni Harry sa akin na nang-aasar.

 

Teka, bakit siya ganyan? May nagawa ba akong masama at parang galit siya sa akin? Nung unang beses ko naman siyang nakilala, mabait naman siya.

Hindi ko na to kaya! Hindi porket may gusto ako sa kanya pwede na niya ako ganituhin! Ako yata si Jerica Song!

 

“Ano bang pinagsasabi mo? Isang beses pa lang naman ang napaparusahan at naparusahan ako ng dahil sayo! At nung unang beses na nagkita tayo, hindi ka naman ganyan ha! Mabait ka nga nun sa akin at dahil dun nagus--“ Napatigil ako sa pagsasalita. Uh oh! Ang shunga ko lang! Ano nga ba yung pinagsasabi ko kanina?

 

Rewind <<

 

 

….

 

….

 

…..

 

>_________<

 

“Ano bang pinagsasabi mo? Isang beses pa lang naman ang napaparusahan at naparusahan ako ng dahil sayo! At nung unang beses na nagkita tayo, hindi ka naman ganyan ha! Mabait ka nga nun sa akin at dahil dun nagus--“

 

>_________<

 

Lagot! Bisto na kaya ako? No! Hindi pa pwede! Ang tanga ko lang talaga! I’m so stupid!

 

 

“T-teka, ano? Anong naparusahan ka ng dahil sa akin at ano yung una tayong nagkita?” Nagtatakang tanong ni Harry sa akin.

 

Napatingin din ako kay Justin at base sa expression ng mukha niya, mukha din siyang naguguluhan sa sinabi ko kanina lang.

 

“A-ah… E-eh… A-ah… U-uhmm… A-ano… Nagugutom na ako!” At tanga lang talaga! Ano bang klaseng sagot yun! Siguro nga gutom lang ito.

 

Pagkasabi ko nun, tumakbo ako palabas ng canteen. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Wala na! Lalo na kay Harry. Naiwan tuloy silang naguguluhan at taking-taka sa loob ng canteen.

 

“Ang stupid mo talaga Jeri Song!” Nasabi ko sa sarili ko habang nasa may pinto ng canteen.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Fennysia_lee
#1
I looking forward your story... :)