Psst. Sakay ka?

Liwanag sa dilim

LIWANAG SA DILIM

 

Alas-siyete ng gabi, pauwi na si Kyungsoo sa kanila mula sa kanyang school. Habang naghihintay sa kanto ng kanyang sundo, isang grupo ng mga tambay at tricycle driver ang nang-trip sa kanya.

"Psst. Sakay ka?"

Napalingon si Kyungsoo sa direksyon ng  maitim na lalaking nagsalita. Nakaupo siya sa likod ng kanyang tricycle. Nakataas ang isang paa niya at nakapatong naman ang kanyang braso sa kanyang tuhod. Naka-smirk ito kay Kyungsoo na tila ba feeling gwapong-gwapo sa sarili.

Umiling si Kyungsoo na medyo nahihiya-slash-naaalibadbaran sa hangin ng lalaking tumawag ng kanyang pansin.

"Ako nga pala si Kai. Saan ba ang destinasyon natin? Ihahatid na kita?"

"H-hindi nga ako sasakay."

Mula sa kasunod na tricycle, lumitaw naman ang isang matangkad na lalaki na malaki ang ngiti.

"Alam ko kung taga-saan 'yan," aniya. "Tagaduluhan 'yan, 'di ba, Baekhyun?"

Kasama nito sa kaparehong tricycle ang isa pang lalaki na singkit at maliit na malamang ay si Baekhyun.

"Oo, Chanyeol. Kaso may sundo 'yan eh. 'Di ba, Kyungsoo?" sabi nito at nagulat si Kyungsoo.

Paanong alam nito ang pangalan niya?

Aah. Oo. Kaklase ko nga pala siya noong elementary. Siya 'yung uhuging bata noon na laging pawisan kakalaro ng moro-moro tapos laging tumatabi sa akin kahit na lagi ko siyang pinapaalis—

"Kyungsoo?" muling nagsalita ang unang tricycle driver na si Kai. "Hindi na darating 'yung sundo mo. Tara, sumama ka na sa akin! Ihahatid na kita sa inyo."

Nanlaki ang mata ni Kyungsoo at namula ang kanyang mga pisngi dahil tumayo si Kai at papalapit na sa kanya.

"Ang sungit mo naman."

Napaatras si Kyungsoo at bumangga ang likod niya sa isa pang lalaki.

"Nako naman, bakla," sabi nito, masama ang tingin kay Kyungsoo. Tinulak nito si Kyungsoo papunta kay Kai.

"Ano ba, Sehun. Huwag ka namang ganyan," pa-swabeng sabi ni Kai. "Baka magalit naman si Kyungsoo niyan."

Sa likod ni Kai, bumaba sa kanilang tricycle sina Chanyeol at Baekhyun at papalapit sa kanila. Ipinatong ni Chanyeol ang kanyang mahabang braso sa balikat ni Kai at pailalim ang tingin kay Kyungsoo.

"Napipikon ka na ba?" tanong nito. "Huwag kang mapikon. Gusto lang naming makipagkaibigan sa'yo."

Nag-i-internal panic na si Kyungsoo. Mare pa yata siya nang wala sa oras. Natatakot na siya dahil napapalibutan siya ng isang manyak, dalawang bugok at isang homophobic.

"Nasaan na ba kasi 'yung sundo mo?" tanong ni Baekhyun sa tabi ni Chanyeol. Iyon din ang tanong na naglalaro sa isipan ni Kyungsoo. Nasaan na si Daddy?

Tiningnan ni Kyungsoo isa-isa ang mga nakapaligid sa kanya, parang mga leon na kumokorner ng isang maliit na kuneho, at naghahanap na siya ng awang sa pagitan nila kung saan pwede siyang makalusot.

"Baek, may dala ka bang sounds diyan? Patugtog ka naman para hindi tayo naiinip dito," sabi ni Kai. Agad namang sumunod si Baekhyun at hinila ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa upang magpatugtog.

Chogiwa dan beone neukyeo neol hanibe chijeu cheoreom jibeo neoul teda....

Nagsimulang magpasikat si Kai at sumayaw-sayaw sa harap ni Kyungsoo. Napaatras muli si Kyungsoo sa bawat paghakbang ni Kai papunta sa kanya. Dahil dito, naatrasan na naman niya si Sehun kaya itinulak siya nito papunta kay Kai. "Lumayo ka nga sa akin, bakla!"

Sa gilid naman, tawa nang tawa sila Chanyeol at Baekhyun, chini-cheer pa si Kai.

Naiiyak na si Kyungsoo.

"Ano ba. Tigilan niyo nga ako..." mahinang sabi ni Kyungsoo.

Nang biglang...

"Uy! Kanina ka pa?"

Parang bumukas ang langit at lumitaw ang isang anghel upang iligtas si Kyungsoo mula sa sitwasyong kanyang kinalalagyan.

Agad na bumalot sa balikat ni Kyungsoo ang braso ng bagong dating at dahan-dahan siyang hinila palayo sa mga nakapalibot na lalaki sa kanya.

"Sorry ha, medyo na-traffic kasi ako. Uwi na tayo?"

"H-huh? Ah, oo... b-buti dumating ka na?"

Naiwang kakamot-kamot sa ulo ang mga tricycle driver.

"Hindi naman 'yun 'yung sundo niya eh!" sigaw ni Baekhyun.

"Ano ba naman 'to?" nagagalit na sabi ni Kai. "Hoy!"

"Bakla! Bakla!" panunuya naman ni Sehun na sinabayan ng malalakas na tawa ni Chanyeol.

Hindi na pinansin ni Kyungsoo at ng kanyang tagapagligtas ang mga reklamo ng naiwan.

"Ano, ayos ka lang?"

"S-sino ka ba?" tanong ni Kyungsoo sa kasama na noon lang niya nakita. Pero patuloy lang sila sa paglakad para kunwari, magkakilala talaga sila.

"Ah..." natawa ang estranghero at sa pag-angat ng mga labi nito, shemay lang, ang gwapo niya, putek! "Ako si Junmyeon. Pasensya na ha. Kanina pa kasi ako nasa kabilang side ng kalsada, nagpapa-load ako. Napansin kong parang binu-bully ka nila kaya lumapit na ko," paliwanag niya, ni Junmyeon. "Medyo nahuli na yata ako ng dating. Sinaktan ka ba nila?"

"Ah, hindi. Tamang-tama nga lang ang dating mo. Salamat ha," sabi ni Kyungsoo, namumula ang mga pisngi sa dilim ng kalsada. "Ako nga pala si Kyungsoo."

"Wala ka bang sundo?"

"Meron, pero kanina ko pa tinawagan, hindi pa rin dumarating."

"Tawagan mo na muna kaya ulit?" suhestiyon ni Junmyeon. "Huwag kang mag-alala, sasamahan kita."

"T-talaga?"

"Oo naman," sabi ni Junmyeon kasabay ang isang malaking ngiti na sapat na upang magbigay-liwanag sa madilim na daanan.

Nagkatitigan silang dalawa, matagal, at halos malunod si Kyungsoo sa mga mata ni Junmyeon. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha at unti-unti nang pumipikit ang kanilang mga mata (ang bilis lang ng da moves) nang biglang mag-ring ang cellphone ni Kyungsoo.

"Uh..."

Noon lang nila na-realize na nakaakbay pa si Junmyeon kay Kyungsoo. Dali-daling bumitaw si Junmyeon at napakamot sa batok, tumalikod kay Kyungsoo na tila nahihiya.

"Hello?" sinagot ni Kyungsoo ang tawag, dahil biglang ang awkward na nila pareho. "Andito po sa tapat ng tindahan nila Ate Ninay. Bakit po hindi pa kayo dumarating, daddy? Ah... Okay po, hihintayin ko na lang po kayo dito. Bye."

"Uh..." muling simula ni Junmyeon. "Sundo mo?"

"Oo, daddy ko," sagot ni Kyungsoo.

"Sige, samahan na kitang maghintay," sabi ni Junmyeon.

"Kung gusto mo, sama ka na rin pauwi, maghapunan ka na sa amin?" paanyaya ni Kyungsoo (mabilis din ang da moves).

"H-hindi na, next time na lang. Magkikita pa naman tayo ulit, 'di ba, Kyungsoo?"

Sa pagbanggit ni Junmyeon sa kanyang pangalan, sparks teh. Sparks. "Oo naman, J-Junmyeon."

 


Author's nonsense:

Wala lang. Kailangan ko lang magsulat ng SuDO. Because KyungMyeon is very love. :3

Wow, na-miss kong magsulat ng fic~ /sobs/

Pero tulad ng dati, fail ang Tagalog crack ko. Sorry naman, ang trying hard lang. HAHAHA!

Kung may reklamo po kayo, subscribe na lang kayo. Tapos kung gusto niyo na po akong ihagis sa outer space dahil ang korni ko, kwento niyo na lang sa comments. XD Pwede rin po sa ask.fm ko (although alam ko namang walang interesado) :3

Ayun. Salamat sa tiyaga. Byeeee.

TheDarkLordInHiding now signing off~

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
WeAre1InAMillion #1
Chapter 1: Omayghaad...tawa akk ng tawa dito. Diko maikspres and asking pagkabighani sa isang maikling babasahin katulad nito.

Mabilis ang mga galawan nilang dalawa
maryedrin
#2
Chapter 1: Tungunu this! xD Laughtrip ampots! Ngayon pa lang ako nakabasa ng SuDo tapos ang ganda pa! <3
HighUp_HUE #3
Chapter 1: da moves talaga ni lolo kay dudong oh XD #kiligmoments
crpdm15
#4
Chapter 1: SuDO is love. <3 Ang manyak lang ni bebe Kai ko here. Hahaha
EpikBubbleTea
#5
Chapter 1: hahahaahaha . the best. xD
jnctrca #6
Chapter 1: kinikilig ako.. :')