Ako na lang sana

Description

"It shows the unconditional forgiveness you have for someone you love."

Marami nang beses,maraming pagkakataon,marami na akong kasalanan sa kanya,ang pagiging makitid ng utak ko kaya nangyari ang mga bagay na di naman dapat mangyari,sa storyang to ako si Delilah at siya si Samson,kailangan niya akong iwan,dahil sa isang bagay na ako naman ang gumawa.

Foreword

Tragic’s History

Di ko alam bakit pa ako pumunta dito ayoko siya makita,pero heto ako sa dating lugar kung saan palagi kaming masaya,kung saan nagsimula lahat kung saan niya ako sinaktan,yung puso ko na puno ng galit dahil sa ginawa niya. 

Umupo ako sa isang bench,just reminiscing some good things about her, about us pero mas nangingibabaw yung galit ko sa kanya.

"You are my sweetest downfall,i loved you first,i loved you first beneath the sheets of paper lies my truth, your hair was long when we first met..."

pamilyar sakin yung boses , di ko makita kung sino yung kumakanta kaya dahil sa malaking puno na nakaharang , tumayo ako para makit kung sino siya 'sana hindi siya' yan ang sinasabi ko sa isip ko sana hindi siya pero-- nakita ko siya,nakita ko yung babaeng kumakanta, nakita ko yung babaeng sinaktan ako,babaeng ipinagluksa ko ng tatlong taon. 

Di ko napigilan ang sarili ko tumayo ako sa harapan niya

"Uy,buhay ka pa pala? akalain mo yun hinayaan ka pa ng Diyos mabuhay ka,O kamusta naman? wala ka bang sasabihin tungkol sa 3 taong pinahirapan mo ako?"

mukhang nagulat siya sa pagsulpot ko.                                              

"K-Kevin?" 

"Oh,wag mong sabihing nakalimutan mo na ako? Kasi ako di kita makalimutan e araw-araw ko kayang pinagdadasal na sana nung nangyari yung aksidente namatay ka na lang,namatay ka na lang."

"Kevin,mage-explain ako.." tumayo siya ng dahan-dahan pero nadapa siya at nahagilap ang mga binti ko

"Wow,di ka lang magaling kumanta,umarte din. di mo ako madadaan sa ganyan mo,sige sayang oras ko sa mga drama mo!" saka sinipa yung kamay niya alam kong nasaktan siya sa ginawa ko pero mas masakit pa rin yung ginawa niya sakin.

Sa ngayon nasa isang bar ako just to chill up my mood

Di pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina samin ni Sophie.

"Bacardi please." may umupo sa tabing stool ko

"Kevin?" lumingon ako si Benedict ang lalaking pinalit sakin ni Sophie.

"Andito ka na pala sa Pilipinas,pinuntahan mo na si Sophie?"

"Ginagago mo ba ako? ikinasal na nga sya sayo itatanong mo pa sakin yan!" napatayo ako habang sinasabi yun

Nagulat yung mukha niya.

tumango siya na parang alam niya na,saka uminom ng alak na hawak niya

"So sinabi ng nanay mo na ikinasal siya sakin? Pare hindi,simula ng aksidenteng yun dinala ka ng magulang mo sa ibang bansa para ihiwalay ka kay Sophie,want the whole story?" he asked

di ako sumagot,kaya tinuloy nya yung sinabi niya

"na-coma ka kaya naitakas ka nila pauwing Amerika,habang si Sophie nawalan ng ala-ala temporary lang yun pero bumalik din,at ang masaklap bumalik yung ala-ala niya na bulag na siya,naaawa ako sa kanya,inisip ko na rin na paligayahin siya pero alam mo ano sabi niya? 'Benedict,sorry ah mahal ko kasi si Kevin hihintayin ko siyang bumalik' hinintay ka niya tinatawagan ka rin niya sa dati mong cellphone pero wala e,wala naghintay siya naghintay siya sayo ng tatlong taon"

Bulag siya? kaya ba di siya makatingin sakin ng diretso kanina? 

"E bakit kayo nagkita before sa hotel?" tanong ko

"she needs help that day,e saktong kakauwi ko lang from business trip,she needs money for her aunt's operation ayaw niya naman humingi sayo dahil baka malaman ng nanay mo at uminit pa lalo ang ulo sa kanya,you know your mom very well." sabi pa niya

"Ano yung wedding pictures na ipinakita nya sakin?" pagkasabi sakin ni mama na 

"Di ko pala alam na magaling ang editor ng mama mo,that's my wedding, kasal na ako kay Vanessa, puntahan mo siya mag-sorry ka at pakinggan mo lahat ng sasabihin niya tapangan mo ang sarili mo,ge uuwi na ako!" then he tapped my shoulders

Umuwi ako na puro tanong ang nasa isip ko,niloko ako ng sarili kong nanay,pupuntahan ko si Sophie bukas di ako pwedeng mambulabog ngayon dahil madaling araw na.

tinanghali na ako ng gising nagmadali akong maligo,magbihis at kumain nasa kotse na ako iniisip ko lahat nung nangyari samin bago kami magkahiwalay

FLASHBACK~

Gabi na nun nung makita ko sila sa Hotel ni Benedict,i was mad at her bakit ko makikita ang girlfriend ko na may kasamang lalaki sa isang hotel ng ganitong oras? sa sobrang galit ko binasag ko yung isang vase sa harapan ko dahilan upang tumingin sila sakin,naglakad ako ng mabilis sinusundan niya ako ,nasa may park na kami nasa gitna kami ng daan nun.

"Please Kevin makinig ka muna,that's nothing i swear." sabi niya 

humarap ako sa kanya

"Ano pa bang ie-explain mo--"

END OF FLASHBACK~

Di ko natapos yung sasabihin ko bigla niya kong tinulak nahagip ako ng kotse at nabangga ang ulo ko sa puno samantalang si Sophie,si Sophie yung nabunggo nung kotse,black out na nun.

Di ako nakinig sa eksplenasyon niya, nauna na naman ang galit ko.

nasa park na ako pero wala siya dun , pumunta na ako sa bahay nila wala din daw,where are you Sophie? 

Pumunta ako sa isang coffee bar,bibili muna ako ng kape habang hinahanap siya,magsi-sip na sana ako ng kape,kaso may tumugtog ng piano.

"come on skinny love,just last the year

pour a little salt, we are never here

my,my,my,my,my,my,my,my,my,my..."

Siya yun naglakad ako papunta sa may bar kung saan ang mini stage i see Sophie playing piano,it's her, it's her.

pinanuod ko lang siya hanggang sa matapos siya,sinundan ko lang siya kung saan siya pupunta,napadpad kami sa park, umupo sya sa mga bench na nandun tumabi ako sa kanya.

"Gabi na bat di ka pa umuuwi miss?" sabi ko sa ibang tono

"Kasi may hinihintay ako,baka dumating siya." sabi niya Ako ba yun? ha Sophie ako yun diba?

"E,ikaw bat ka nandito?" tanong niya

"magda-drama sana pwede ba kita dramahan? " tanong ko,tumango lang siya.

"may mahal ako nag-away kami dahil nakita ko siya na may kasamang lalaki sa hotel,di ko siya napag-explain galit na galit ako sa kanya,akala ko kung anong meron sila nung lalaki e,ang masama di ko na nga siya napakinggan,nawalan pa siya ng paningin dahil sakin.." tumutulo na yung luha ko 

nagtataka siya,siguradong alam niya na kung sino ako,dahil sa luhang pumapatak sa mata ko,bumabalik yung normal na boses ko.

"K-Kevin?" tanong niya hinahagilap niya ako 

hinawakan ko yung dalawa niyang kamay at nilagay sa mukha ko.

'Sophie,ako to si Kevin sorry,sorry sa lahat,sorry kung di ako nakinig sa explanation mo,sana nakinig ako sana nakinig muna ako sayo para hindi ka nahihirapan ngayon,sana hindi ka nawalan ng paningin sorry,sorry..." pinupunasan niya yung luha ko,umiiyak din siya

"Sorry din kasi dapat sinabi ko na lang para di yun nangyari,wag ka ng umiyak Kevin,wag ka ng umiyak." sabi niya

Hinawakan ko yung kamay niya na sinipa ko kanina.

"Masakit pa ba?" tanong ko, umiling lang siya

"miss na kita." sabi niya out of nowhere

na-miss ko din siya,i kiss her lips,no, not just kiss, we're kissing.

-----------------------------------------------

 Ikinasal kami naging masaya kami sa iisang bahay,naging mabuti siyang asawa sakin masaya kami,pero yung sayang yun nawala din agad.

Pagkaraan ng limang buwan may napapansin ako,palagi sumasakit ang ulo niya at madalas na rin siyang makalimot .tuwing sasabihin ko na ko-konsulta kami sa doktor ayaw niya.

hanggang sa nahimatay siya sa loob ng pinagtatrabahuhan niya,natakot ako mabilis akong tumakbo sa hospital na yun.

"may tumor sa utak ang asawa niyo,tinanggal ito isang taon nang nakalipas pero bumalik din,ayaw na niyang magpa-opera dahil babalik pa din naman iyon,hintayin na lang natin yung araw." sabi ng Doktor sakin

"Anong,hintayin ang araw?"  naguluhan ako

"Malapit nang mawala ang asawa niyo di na rin ume-epekto ang gamot na ibinigay ko sa kanya nitong nakaraang buwan,kaya sana maintindihan niyo,kailangan niyong ihanda ang sarili niyo sa mga mangyayari." sabi ng doktor

ibig sabihin tinatago niya to,bakit Sophie bakit? 

magi-isang taon na nung malaman ko ang sakit niya,pinipilit namin maging masaya kahit sumusulpot ang sakit ng ulo niya at madalas na pagkalimot.

nasa favorite park kami ngayon nakahiga sa damuhan, gusto niya daw umalis at pumunta sa kung saan saan

nagku-kwentuhan kami tungkol sa nakaraan,sa future na gusto namin mangyari,ginawa namin lahat ng gusto niya,kumain ng kwek-kwek,mahawakan yung likod ng pagong na matagal niya ng gustong gawin.

Umuwi na kami dahil sumakit na naman ang ulo niya inihiga ko siya sa kama namin,aalis sana ako para kunin yung gamot niya kaso hinawakan niya agad yung kamay ko.

"Kevin,dito ka na lang muna..." sa oras na yun nararamdaman ko na

"kwentuhan mo ako,bago ako matulog." sabi nito 

humiga ako sa tabi niya at niyakap siya.

nag-kwento ako tungkol sa past namin uli,yung magkaroon ng kambal na anak. 

"Sophie..." sabi ko

"hmm?"

"makinig ka,mahal na mahal kita ha? mahal na mahal hanggang pacific ocean to." tumawa siya ng unti,tawang parang pagod na

"mahal na mahal kita sana naramdaman mo yun,Sophie alam mo bang ikaw lang ang minahal ko? Syempre alam mo yan tapat ako sayo e, Sophie pakasalan mo pa ako uli oh baka makalimutan mo ako e, sana pwede ko ibigay yung buhay ko sayo,sana ako na lang yung nagkaroon ng sakit mong yan handa ako,handa akong mamatay para sayo,gagawin ko naman para sayo e. para sayo..." tumulo ang luha ko

Hinawakan niya ang mukha ko.

"Di ko naman hahayaang mangyari yan,maging malakas ka,i love you!"sinabi nya yun saka hinalikan ang pisngi ko,saka ngumiti.

"Pagod na ako..." 

"pahinga ka na,mahal ko."

~You are my sweetest downfall

i loved you first, i loved you first

beneath the sheets of paper lies my truth 

i have to go,i have to go....

Please play the music beside ---> 

------------------------------------------------------------------------------------

Yung ngiti niyang yun huli na pala yun,ang huling i love you,ang huling cupcake na ginawa niya para sakin,masakit sa dibdib ko na mawala ang isang babaeng katulad niya,masakit, gusto ko uli siyang makatabi sa pagtulog yakapin ng mahigpit maka-kwentuhan...sana talaga ako na lang,ako na lang...

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet