"Key of Heart"

Description

"Tumagal ang relasyon namin ni Mara ng 3yrs.. Hindi rin madali ang mga pinagdaanan naming magkasama.. Pero kinaya namin, kung titingnan mo mukha lang kaming magbestfriend.. Dun naman kasi kami nagsimula.. We're childhood friends.. Almost perfect na nga eh.. Sabi nga nila, kasal na lang ang kulang.. Kaso.. Ilang buwan pa ang dumaan nagbago ang lahat, yung parang natalisod na lang ako bigla sa katotohanang... Wala palang perfect relationship.." - River

Foreword

"Key of Heart" Copyright © 2014 by BipolarQueen *All Rights Received* ~ The following is a product of the author's imagination. Any resemblance to persons living/dead is purely coincidental. ~ ”diba ikaw nga yung reyna, at ako ang 'yong hari, ikaw yung prinsesang sagip ko palagi.. Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari.. Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin ng… ....ng dati..” CLAP! CLAP! CLAP! CLAP! Napalingon ako kung saan naggaling yung palakpak.. "Kuya ang ganda talaga ng boses mo.. Hayy, nakoo kung sino mang babae ang makarinig nyan pihado kahit di mo pa nililigawan mapapa”oo” na kaagad..'' Tss.. "Ikaw talaga kahit kelan.. Binobola mo na naman ako eh.. Tsk, tsk..'' sabi ko sa kapatid kong si Eli.. "Hindi noh.. Magaling ka talaga.. Kumbakit kasi nagquit ka pa sa banda nyo eh sayang tuloy yung----" Hindi na niya tinuloy yung sasabihin niya.. Alam niya kasing bad word padin para saakin ang ”pagbabanda”.. May banda kasi ako dati vocalist ako, pero isang napakabigat na dahilan ang nagtulak sakin kung bakit ko iyon binitawan.. "Anak! Baba na. Kakain na tayo!'' tawag ni mama saakin.. Paglingon ko naman sa kinauupuan ni Eli kanina, wala na pala siya.. Siguro nauna na bumaba.. ---- "Anak, si..." parang may sasabihin si mama na hindi maituloy tuloy.. "Po? Ano po yun ma?'' tanong ko kay mama.. "Si Mara kasi umuwi nang---" di na naituloy ni mama ang sasabihin dahil tumayo na ko.. "Sige po ma, tutulog na po ako..'' Umakyat na ko sa kwarto ko.. Naupo sa may bintana at gaya ng palagi kong ginagawa hawak ko ang gitara ko habang nakatitig sa kawalan.. Sinimulan kong tugtugin ang mga unang chords ng kantang laging laman ng puso't isip ko.. At eto na naman.. Bumabalik na naman ang sakit.. Ang mga nangyari dati........ * flashback * "River.. Napapagod na ko.. Ilang beses kong itinatanong sayo to, pero ano na? Bakit nahihirapan kang pumili??'' umiiyak na sabi ni Mara sa harap ko mismo.. Tumagal ang relasyon namin ni Mara ng 3yrs.. Hindi rin madali ang mga pinagdaanan naming magkasama.. Pero kinaya namin, kung titingnan mo mukha lang kaming magbestfriend.. Dun naman kasi kami nagsimula.. We're childhood friends.. Almost perfect na nga eh.. Sabi nga nila, kasal na lang ang kulang.. Kaso.. Ilang buwan pa ang dumaan nagbago ang lahat, yung parang natalisod na lang ako bigla sa katotohanang... Wala palang perfect relationship.. "Ano na? Ako ba o yang banda mo?? River, Bakit ba ang hirap para sayong piliin ako?? Hindi mo na ba ko mahal? Magsalita ka!'' sumisigaw na siya.. Pero nakatungo lang ako.. Tsk, napakaduwag ko talaga!! Aish.. Naglakad na siya palayo habang nagpapahid ng mga luha niya.. Hinabol ko siya at Hinawakan ko siya sa braso.. "T-Teka Mara..'' Saglit na nagningning ang mata niya.. Alam kong iniisip niyang pinili ko na siya.. Pero.. Hindi pa pwede eh.. "I-Im sorry Mara... I-I cant choose you..'' pagkasabi ko nun.. Isa isa ng nagsipatakan ang mga luha ko.. Hinablot niya ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.. Tumakbo siya palayo.. Bawat hakbang niya papalayo saakin.. Parang unti unti rin akong nadudurog.. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko, tuluyan na rin akong nawalan ng malay.. * flashback ends * Yun na ang huling pag'uusap namin ni Mara.. 4 na taon nadin ang lumipas akala ko nga wala na syang epekto saken pero nung marinig ko muli yung pangalan niya.. Bumalik lahat.. Lahat lahat ng sakit.. Yung sugat na akala ko naghilom na.. Balik sa dati.. Naging sariwa uli.. ”...ng dati..” Gabi gabi kong tinutugtog yung kantang ”dati” dahil kanta ko yun para sa kanya.. Nakagawian ko ng kantahin yun bago matulog.. Ibinaba ko na yung gitara ko sa gilid.. Magsasara na din ako ng bintana.. Napasilip ako sa bintana.. May kotseng nakaparada sa labas.. Lumapit ako sa may bintana at tinitigang maigi ang nasa labas.. Nakita ko kung sino ang sakay ng kotse.. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko.. Si Mara nga ang nasa kotse.. Hanggang sa makaalis ang kotse ni Mara hindi na ako nakaalis na kinatatayuan ko.. Nung nag'meet ang mga mata namin nakita kong... Malungkot siya.. Malungkot parin siya sa nangyari saamin.. --- Kinabukasan nang magising ako, busyng busy ang mga tao sa bahay.. Nakita ko si mama sa kusina na madaming niluluto, si Eli naman abala sa paglilinis at pagdedecorate ng living room.. "Teka Eli anong meron?'' tanong ko sa kapatid ko.. "Ayy, kuya River gising ka na pala.. Hmm, may konting salo salo mamaya.. Magbihis ka ha.. Yung gwapong gwapo..'' sagot naman ng kapatid ko.. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.. Ano bang meron?'' tanong ko ulit.. "Ah.. Ano.. Anniversary namin ng boyfriend ko kuya.. Isusurprise ko siya.. Gusto na kasi siyang mameet ni mama eh..'' "Bakit dito pa? Alam mo naman yung kalagayan ko diba? Paano na lang kung makita niya ko?'' nag'aalalang sabi ko.. "Kuya, ano naman kung makita ka niya? Ikaw yata ang pinakapoging kuya sa balat ng universe no..'' "Eli.. Wag na dito..'' pagbabawal ko.. "Kuya, alam na naman niya yung kalagayan mo, there's nothing to worry about.. At kung hindi ka man niya matanggap, pwes, hindi siya karapat dapat bilang boyfriend ko..'' linapitan ako ni Eli at niyakap.. --- Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.. At.. Nasa kwarto na ulit ako?? Bigla namang may kumatok.. "Kuya baba na.. Kaen ka na oh, tsaka gusto ka daw makilala ni Aiden..'' si Eli tinatawag na ko.. Nag'ayos lang ako ng sarili, nagbihis.. Tapos bumaba na ko.. Teka nga... Diba eto yung living room namin?? Bakit walang katao tao? Tsaka ba't madilim??? "Eli.." pero walang sumasagot.. "Ma..'' wala padin.. ”Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili Umaawit ng theme song na sabay kinabisa Kay sarap namang mabalikan ang alaala Ikaw ang kasama buhat noon Ikaw ang pangarap hanggang ngayon...” Bigla nalang may spotlight na tumapat saakin.. Tapos may... May babaeng kumakanta ng... Kantang kinakanta ko para kay... Mara.. ”Di bat ako nga yung reyna At ikaw ang aking hari Ako yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng...” Hindi ko alam pero bawat hakbang na ginagawa ko.. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.. ”...dararatda dati dararatda dati dararatda dati na gaya pa rin ng…” Hindi ko alam kung bakit.. Siguro dahil alam ko kung kaninong boses yun.. Dahil kahit kelan naman hindi ko yun nakalimutan.. ”...ng dati..” Nagbukas ang lahat ng ilaw.. Bumungad saakin sina mama, Eli, yung boyfriend niyang si Aiden.. At si.. Si Mara na nakatingin lang saakin na halatang nagulat sa hitsura ko ngayon.. Hindi na ko normal.. Ang buong katawan ko ay hindi na nakakaramdam.. Cyborg na ako.. Tanging ang utak at puso ko na lang ang natitirang normal sa katawan ko, ang lahat ay... Artificial.. Isang buwan makaraan ang break up namin ni Mara.. Nagbitiw ako sa banda.. Dahil sa matinding frustration nagmaneho ako ng motor mag'isa pauwi.. Dahil sa sobrang bilis ng patakbo ko, nawalan ako ng kontrol at nabangga ang sinasakyan kong motor.. Tumilapon ang katawan ko at nagkalasog lasog.. Ang artificial kong katawan ay isa sa mga imbensyon ng papa ko.. Nagtatrabaho siya sa NASA bilang taga ayos ng mga rockets nila dun.. Dahil sa galing ni papa sa Science and Technology, naligtas ako sa tiyak na kamatayan.. Yun nga lang ang katawan ko ay cyborg, o artificial na lang... Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Mara.. Hindi ko man maramdaman ang yakap niya.. Ang puso namin ang nagpapatunay na mahal pa namin ang isa't isa... "Mahal na mahal kita River.. Sorry kung naging mababaw ako dati, sorry kung hindi ko muna inalam ang mga dahilan mo.. Sorr--" tinapat ko ang hintuturo ko sa may labi niya para tumigil siya sa pagsasalita.. "Sssshh.. Ako ang dapat humingi ng tawad.. Wala kong inisip kundi ang sarili ko.. Pero ang mahalaga ngayon nandito ka na.. Mahal na mahal kita Mara.. Hinding hindi na kita pakakawalan.." Napansin ko namang suot niya padin ang kwintas na may pendant na puso na binigay ko sa kanya noon.. Hinawakan ko naman ang kwintas na suot ko na may pendant na susi at pinakita sa kanya.. Nagyakap kami.. Habang magkayakap kami.. Nagfflashback yung mga magagandang alaala namin dati.. Yung kung paano kami kumanta magkasama.. Nung tinuturuan ko siya magpiano.. Nung unang beses kong hinawakan ang kamay niya.. Hanggang sa nung maghiwalay kami.. Kung dati twing maaalala ko ang mga yun ay nalulungkot ako, ngayon ay hindi na.. Wala na kong dahilan upang maging malungkot pang muli.. Dahil nandito na ang babaeng muli ay humawak ng susi, upang buksan ang puso kong matagal na naghintay sa pagbabalik niya.. * The End *

Comments

You must be logged in to comment
ilabya19 #1
interesting~