CHOY: Chapter Two.

Crystal Heart of Yours

Sana habang buhay nalang akong tulog, para habang buhay akong ligtas sa sakit na nararamdaman ko tuwing naiisip ko siya. Alam, ko kahit papano may nararamdaman ako kay France? Pero iba ang gusto sa pagmamahal ko kay Tyler. 

Sana isang araw magbago ang ihip ng hangin, mawala ang sakit sa puso ko. Kung pwede lang bayaran ang tadhan kahit ilang million pa yan babayaran ko. Para ibahin ang ihip ng buhay ko. 

Nagising ako ng may luha sa gilid ng mata ko, Nilibot ko ng tingin ang paligid ko. Nandito na kami sa resort, bumangon na ako. Nag hugas ako ng mukha at Bumaba ng kwarto ko, Nakita ko silang lahat sa hapag kainan. Nginitian ko sila. 

"Sakto ang gising mo, tara kain?" 

Lumapit ako sa tabi ni Shara.

"Ang tulog mantika mo ha! Isipin mo yun, anong oras na o. HAHAHA! Gabi na. Umaga tayo umalis."

"Lumait at tumawa kapa Lyka. Lulunurin kita," 

"Ay sorry na haha labyu." Pero humagalpak pa siya ng tawa. Bwisit talaga to. 

"Wala ka bang balak kumain ha?" 

"Oo nga nakikiupo ka lang jan?"

"Hindi pa ako gutom e." Sa totoo lang gusto kong gutumin ang sarili kom hanggang sa makuha ko yung habang buhay kong pagtulog at amagin sa ilalim ng lupa.

"Wala kapang kinakain Alaina."

"Kumain na ako." Nginitian ko nalang sila at tumayo na ako. Nakita ko si Ralph at france sa may tubigan. 

Pinanood ko lang sila, habang naglalaro sila parang bata. Umupo ako malapit sakanila at tumango ng tinawag nila ako. 

"TARA NA ALAINA!" 

"Sige lang." Buti pa sila walang iniindang problema, kelan ba ako titigil sa pagmamahal? sana natigil nalang ako. Itigil niyo na ang paghinga ko, ibigay niyo ito sa mga mas nangangailangan ng buhay. Hahahaha 

Lumapit sakin si Ralph at France, :"Okay ka lang Alaina?" Hindi Ralph. Hindi. 

"Oo naman." Ngumiti naman ako abot tenga. 

Nagtawag sila Shara na matutulog na daw at gabi na. I refused to go, kakagising ko lang naman. 

"Mag isa ka jan? Tara na!" 

"Hindi sige kaka gising ko lang rin." 

Tumayo na sila ako naman naiwang nakatingin sa may tubig. Tumayo narin ako at nilibang ang sarili ko. 

Nakita ko may mga bukas pa atang mall kasi may nakabukas pang ilaw. Inikot ikot ko ang tingin ko, naglakad lakad lang ako. 

Hanggang sa abutan ako ng umaga sa labas. Nakaramdam narin ako ng antok. Naglakad ako pauwi na resort. 

*Ringgggggggggggggggg* 

*Tyler Sund...calling. 

Nagulantang ako ng bonga. Wala namang makakaalam, wala namang masama diba?

"Hello?" Malamig na sagot ko. Pero walang sumagot pabalik.

"HELLO?!" wala namang sumagot sakin, napakuha ako ng malaking buntong hininga. Ibaba ko na sana ng marinig ko ang usapan nila. 

"Alam mo pare, yang si Alaina walang kwenta! Susuyuin na wala pang nangyayari. Hindiba nakakapang sawa?!"

Alam kong si Tyler yun at tropa niya ang kausap niya. nagtatawanan sila. 

"GIRLTOY!" 

Napatakip ako ng bunganga ko, ulit napaiyak ako. Bakit ganun siya? Bakit? Bakit ang sama sama niya! Alam ko lasing siya, pero sabi nila mas alam mo ang sinasabi mo kapag lasing ka. 

Inend ko na yung Call at bumalik na ako sa kwarto ko. Naghilamos na ako, at sinubukan kong matulog kahit sakit na sakit parin ako sa mga narinig ko.

 

"I hate him so much, though I'm inlove with him. Why is he like that? Ano bang ginawa ko sakaniya?" 

 

Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog ako. Sana nga hindi na ako magising e. 

 

---------------------------

TYLER'S P.O.V

"E gago ka pala e! Wag mong binabastos yang si Alaina! Dimo siya kilala." hinawakan ko siya sa kwelyo at pinagsusuntok. Inawat naman ako ng mga kaibigan ko. 

"Tandaan mo, walang pwedeng mangbastos sakaniya! Hindi siya GIRLTOY! MAHAL KO SIYA!" 

"Ano? walang mambastos? e binastos mo na siya! hahahha hikkkkkkk."

hinatak ko siya isang beses at sinuntok sa mukha, tuluyan na akong nilayo ng mga kaibigan ko sakaniya. 

"Pare tama na, lasing lang siya." 

"Putang ina. Pagsabihan niyo yan!" Naglakad na ako papalayo sakanila. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon paalis.

"Pucha naman kasi! Bakit kailangan pang maghiwalay kami?! Putang ina. Hindi ko naman sinasadya."

"Maghihintay ako, maghihintay ako at ipapamukha ko sakanila na kami talaga ang para sa isa't isa. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya."

Nasuntok ko nalang ang manibela, sa sobrang inis ko. Pinarada ko ito sa gilid. 

Bumaba na ako ng kotse ko, at pumasok na ng bahay. Dumeretso ako ng kwarto ko, nakita ko sila Mommy at Yana pero diko sila pinansin. Ganiyan ako araw araw, minsan kinakausap nila ako pero wala talagang pumapasok sa kokote ko. 

Sobrang laki ng nawala sakin, nung nawala si Alaina sa buhay ko. I just love her so much. :(

Humiga na ako, hindi na ako nag bihis wala akong pake. 

Natulog na ako. Siguro sa panaghinip ko, sana payapa ko siyang makasama. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet