Hate You, Love You

Lost in Love

 

Si Jenny Cho ay isa sa mga heartrobs sa school. Maganda, matalino, mabait. Pero choosy. Dahil nga almost perfect siyang babae eh gusto niya rin ay katulad niya ang magiging boyfriend niya. Oh alam niyo na kung bakit siya NBSB? Kambal nga di magkaparehas, yun pa kayang di magkadugo.

Anyway, highway. Kahit ganun ay may persistent pa ring gago na willing maghintay para sa kanya.

 

 

 

 

Tenenenen..

 

 

 


Tenenenen...

 

 

Syempre, ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo.. KRIS WU! <3

Gwapo si Kris, talented.. Mabait, English spokening, pero hindi bilib si Jenny sa kanya. Mahangin daw kasi. Nahiya naman ang amihan at habagat sa kanya.

Kris: Jenny, bakit ba ayaw mo kong sagutin?
Jenny: Ayoko nga sabi Kris eh. Bat ba ang kulit kulit mo?
Kris: Gwapo naman ako, matalino.. Magaling magdrawing.. English, Korean at Chinese speaking.. 
Jenny: Wala akong pake, okay? Di kita type.
Kris: Sungit mo naman. Ni chance na manligaw ayaw mo.
Jenny: Mas mabuti na 'to kesa naman sa paasahin kita ako pa ang magmumukhang masama.
Kris: Pero kahit anong sabihin mo di pa rin ako susuko.
Jenny: Umalis ka na nga. Busy ako.

Supladita lang ang peg ni Jenny. Pero hindi sumuko si Kris. Mas lalo pa nga 'tong naiinlove kay Jenny kapag naiinis o nag-iinarte.

Kris: Ang sungit mo naman. Araw araw ka bang dinadalaw ng period mo?
Jenny: Sira ulo! Baliw!
Kris: MATAGAL NA KONG BALIW SAYO!
Jenny: Ewan ko sayo!

Biglang may banana peeling na lumabas.

 

 

 


Nadulas si Jenny.

 

 


At nasalo siya ni Kris.

Kris: Yieeee! Catch me I'm falling!
Jenny: *sinipa tutut niya* GET OUT OF MY SIGHT!
Kris: ARAY! PANO NA TAYO MAGKAKABABY NIYAN?!
Jenny: AS IF NAMAN!

Walk-out ang peg ni gaga at nagpunta sa locker at dinala ang napakaraming gamit. Nung nasa elevator na siya..

"STOP!"

 

 


Malamang sa malamang si Kris Wu yun.

Jenny: Ano ba yan! Hanggang dito ba naman?
Kris: Inaano ba kita? Gagamit lang naman ako ng elevator eh.
Jenny: ....
Kris: Siguro inaantay mo ko no?
Jenny: Putspa ka! Pindutin mo nga yung Ground Floor!

Nung pinindot na ni Kris yung elevator, biglang namatay ang ilaw.

 

 

 

.

 

 


Sira ang elevator!

Jenny: Anong ginawa mo?!
Kris: Wala! Nananahimik ako dito eh!
Jenny: Shet! Tumawag ka dali!
Kris: Walang signal!
Jenny: Eottokke?

Naiiyak na si Jenny nun. Takot pa man din siya sa dilim at may night blindness.

Kris: Wag kang matakot. Andito naman ako eh.
Jenny: W-wag mo kong bibitawan. Di ako makakita sa dilim.
Kris: Umupo ka muna dito.
Jenny: Ayoko.
Kris: Wag ka nang mag-inarte utang na loob.
Jenny: Ngayon lang.
Kris: Bakit ba ayaw mo sakin?
Jenny: ....
Kris: Mayabang ba ako? Sabihin mo na sakin nang di ako nagmumukhang tanga.
Jenny: ....
Kris: Ayokong sumuko sayo, pero parang lagi mo nalang akong sinusungitan. Minsan nga parang ayoko na eh. Kasi di ko alam kung may pag-asa pa.
Jenny: H-hindi naman sa ayaw ko ang buong pagkatao mo.
Kris: EH ANO? JENNY CHO, TELL ME THE TRUTH.
Jenny: Kasi.. Ang totoo..
Kris: Sabihin mo nalang sakin kung may pag-asa ba ko o wala nang di na ko nagmumukhang tanga.

Hindi makita ni Jenny ang mukha ni Kris, kasi madilim. Pero sa tono ng boses niya eh nalulungkot na siya.

Jenny: *holds his hand* Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita.
Kris: Lalaki lang talaga ako. Magaling magtago ng feelings.
Jenny: Ang hirap pala.
Kris: Ng alin?
Jenny: Magpigil ng nararamdaman sayo.

Parang na-alarma si Kris sa sinabi ng dalagang pakipot effect lang pala.

Kris: Pakiulit nga?
Jenny: May gusto rin ako sayo. Ayoko lang ipahalata, Kris.
Kris: Sabi na eh! Nadevelop ka rin sakin!
Jenny: Biglaan lang.
Kris: Kunwari ka pa! Kaya pala ayaw ng puso kong sumuko sayo!
Jenny: The feeling is mutual.
Kris: So pwede na ba kong manligaw? O kaya maging girlfriend na kita agad agad?
Jenny: Kahit ano sa dalawa, ikaw rin ang pipiliin ko.
Kris: *kisses her* I love you, Jenny Cho.
Jenny: I love you too, Kris.

Nagkiss ang dalawa sa dilim. Sakto, nabuksan ang elevator. At dun nagsimula ang love story ni Jenny na pakipot at ni Kris na ayaw sumuko. Opposites attract, and they got lost in love.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet