Chapter 1

The Mischievous Guy

 

 

 

 
Copyright © amec_cha
Chapter 1

***

 

 

 

"Dad I'm not marrying that man!"

"Basically Princess, you have no choice."

"But Dad, ayokong maikasal sa lalaking yun!"

"Why? Bigyan mo ako ng rason bakit ayaw mong maikasal sakanya?"

 I frozed with what my dad said. Bakit nga ba ayaw ko?!

THE HELL! AYOKO KASI ISA SIYANG WALANG KWENTANG NILALANG NA SAGABAL SA BUHAY KO! MULA SIYA SA PLANETANG NAMIC AT DAHIL PASAKIT SIYA AY TINAPON SIYA NILA PICOLO PAPUNTA DITO SA MUNDO NATIN!

"BASTA AYOKO IKASAL SAKANYA! I'M TOO GOOD TO BE HIS WIFE, DAD. HONESTLY SPEAKING." I said or should I say, I yelled at my dad.

"Look, Princess. The guy's nice. So you'll marry him, whether you like it or not."

I hate you, Lyndon Dela Cruz! I swear you'll regret accepting this crappy wedding arrangement!

PAUSE!

Naguguluhan? Well sige I'll make kwento pano nagsimula ang lahat. So it's here.

 

**FLASHBACK

 

I'm preparing myself for school since first day ng classes ngayon. I'm a second year Tourism Student. 2 more years and I'll leave the portals of my stressful university. So back to story, after preparing myself lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa Dining Hall namin. Taray no? Dining Hall talaga! Well I'm living on a palace. Yes palace, because my mom and dad feel's like they we're a King and a Queen and syempre, ako ang Princess nila. Only child ako, but unlike the others, hindi ako spoiled brat. I get what I want pero kailangan kong paghirapan muna yun bago ko makuha. At proud ako sa sarili ko kasi alam kong lumaki ako ng maayos. Napalaki ako ng maayos ng parents ko kasi alam ko na bawat bagay may halaga at ang pinaka huling sentimo ay di dapat sinasayang kasi lahat yun pinaghihirapan.

Nasa may pintuan na ako ng marinig ko ang parents ko na naguusap habang kumakain.

"I've made up my mind about Kumapdre's offer, honey." sabi ni Daddy matapos uminom mula sa cup ng coffee niya.

Pinunasan ni mom ang bibig niya gamit ang table napkin, "So, ano ang desisyon mo?"

"Wala namang masama sa offer niya. Ang iniisip ko lang ay ang magiging reaksyon ng anak natin." my dad said. Oh? Anong kinalaman ko sa decisions nila about sa business nila? Never akong nadawit sa pagdedesisyon tungkol sa company namin.

"Kausapin na lang siguro natin ang anak natin ng maayos, Hon. Matalino ang anak mo, alam kong maiintindihan niya iyon." sabi naman ni Mama.

"Good morning my lovely parents. Ano po yung pinaguusapan niyo?" napagdesisyunan kong pumasok na since lumalaki lang ang curiosity na nararamdaman ko.

"Oh, Baby. Just in time. May sasabihin kami sayo ng Dad mo."

"Hmm?" kumuha ako ng bread and hotdog. "Ano po yun?"

Nagkatinginan ang parents ko habang ako kumagat sa bread na kinuha ko.

"Malapit na ang debut mo, diba?" nag ning ning ang mata ko sa sinabi ng daddy ko. Hihi. Malapit na akong mag 18!

"Yes, why?" sinubukan kong wag ipahalata ang pagka excite ko. Pero sobra ang excitement ko at hindi ko iyon magawang itago.

"Nagpa-plano kasi kami ng Mom mo na tanggapin ang alok ng Tito Joseph mo na ipakasal ka sa anak niya."

ANDITO na ako sa school ngayon at hindi ko pa rin alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko.

Ako? Ipapakasal? Are they nuts?! Okay, wala naman problema talaga doon. Wala akong boyfriend o manliligaw man lang. Pero ano ba?! 21st century na at di na uso ang arrange marriage sa panahon ngayon!

"Really? Ipapakasal ka ng parents mo? Hindi sila masyadong makaluma no?" sabi ni Michelle classmate slash bestfriend slash twin sister ko. Kung paano niya ideliver ang line eh parang natutuwa pa ito. Naikwento ko kasi sakanya ang tungkol sa kasalanan na sinasabi nila Dad.

"At mukhang masaya ka pa, ha?" isinarado ko ang librong binabasa ko. Wala din naman akong naiintindihan eh. "Hello? Mich, ipapakasal nila ako sa taong di ko kakilala. DI KO KI-LA-LA!" I emphasized every word I say.

"So? Sure naman akong gwapo yun, no! Ayaw mo yun? Parehas na tayong may lovelife pag nagkataon." kinikilig na sabi niya. Malamang ay inaalala niya nanaman ang boyfriend niyang si Daryll. Nagsisimula nanaman mag hugis puso ang mga mata niya. Head over heels masyado sa boyfriend niya.

"Ano ba, Mich? Talagang ngayon ka pa kinilig no? Pwede ba? Hindi mo naman ako kagaya na masyadong nababaliw sa pagmamahal na iyan, no!"

Hinampas niya ako ng mahina sa braso, "Grabe ka sakin! Baka pag na-inlove ka mas malala ka pa sakin, no!"

"As if ma-inlove ako. At kung magkataon man, hindi ako gagaya sayo no! Baliw na baliw ka sa Daryll mo!"

"Naman! That's love, ateng! Lalamunin mo din iyang sinasabi mo pag nainlove ka."

I just rolled my eyes. Really? Ano ba kasing meron sa Love at lahat ng tao baliw na baliw dito?!

Pero I can't blame Michie for being this obsesed. Daryll is a great catch. Gentleman, gwapo, matalino, mayaman, at sporty pa! Wala ka ng hihilingin pa kung gaya niya ang magiging boyfriend mo. Isa pa ang tagal ng hinintay ni Mich para maging sila ni Daryll. Bata pa lang kami mahal niya na iyon.

"CR lang ako." paalam ko sakanya. Tagal ng prof namin eh.

"Sure, bilisan mo, ha?" tinanguan ko lang ang huli.

Papunta ako ng CR ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko.

Justine Calling...

Napangiti ako ng makita kung sino ang tumatawag. He's Justine Castillo. My boy bestfriend!

I answered the phone at magiliw siyang binati, "Justine!"

"Oh, Eris. Grabe ka makasigaw! Wala ka bang class ngayon?"

"Meron pero wala pa ang prof namin eh."

"Ahh, okay. So kamusta na?"

"Maganda pa rin. Haha! Ikaw kamusta ka na dyan? Balita ko heartrob ka daw diyan sa school niyo dyan." nasa States kasi siya ngayon at doon nag-aral ng college. 2 years na siya doon pero lagi pa rin kaming nagkakausap. Skype and Telephone. Medyo naging busy lang siya lately kaya nahinto.

"Syempre. Iba na ang pogi!" mayabang niyang sabi.

"Kapal! Ang pangit mo kaya!"

"Hoy, Eris. Ikaw lang ang nagsabi niyan! Siguro dapat mo ng ipaayos ang mga mata mo."

Tumawa lang ako sakanya. Di pa rin siya nagbago. He's still the same Justine I knew. The guy who's full of himself. Haha.

"So kelan ka magbabakasyon dito tukmol?"

"Hmm. Siguro sa end ng semester magbakasyon ako diyan. May aayusin din ako sa business namin dyan, eh. Alam mo si Dad. Gusto niya malaman ko na ang mga pasikot-sikot sa business namin."

"Nakikita ko na ang future mo, monggi!"

"Ano naman?"

"You'll be one of those business freaks. haha!"

"Sir, Justine. Your Dad wants to talk to you." rinig ko ang boses ng babae na iyon sa background. "Wait, Eris. Tatawagan na lang ulit kita."

"Sige. Bye."

*toot toot toot*

Nako, napaka busy ng boy bestfriend ko! Sana may panahon pa rin siya sa sarili niya. I know Tito Edward, napaka business freak non. Sana naman wag niyang igaya sakanya si Justine.

Pumasok na ako sa loob ng CR pero agad din naman akong naptalikod ng...

"WHAT THE HELL DO YOU THINK YOU ARE DOING AT MEN'S RESTROOM?!!" the guy shouted at the top of his lungs.

Di ako agad nakapagsalita dahil sa sobrang gulat. Alam mo yung pakiramdam ng para kang tinakasan ng dugo at sobrang nanlalamig ka? Ganon ang nararamdaman ko! Paanong hindi eh nakita ko! Oo, shems nakita ko! Nakita ko yung bagay na hindi ko dapat makita! Ang kawawa kong mata!

"You, son of a... Arrrgghh! Manyak ka!" humarap ako sakanya at pinatikim siya ng isang flying kick! Shems, nakita ko yung ano niya! Isa itong nakakadiring bagay para saakin! This guy! Bakit ba kasi ganto ang itsura ng mens restroom? May mga cubicle pero di sila doon umiihi, doon sila sa something na nakadikit sa wall na wala man lang harang! Oh boy? Ano ulit yun?!

Men's Restroom?!!

Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang lugar na napasukan ko!

Nakapasok ako sa men's room ng wala man lang akong kaideya-ideya!

Tinignan ako ng masama nung lalaking na flying kick ko!

"You crazy ! Tumakbo ka na at magtago na sa lungga mo kasi talagang titirisin kita ng buong-buo!!" he yelled.

Napatulala ako ng ilang saglit pero nagulat ako ng bigla siyang magbilang, "Isa..." unti-unti siyang lumalapit saakin, "Dalawa... Tat--" hindi ko na siya hinintay pang matapos sa tatlo dahil agad ko na siyang tinakbuhan!

Waahh! Nakakatakot ang mukha ng lalaking yun! Shet. I'm sure he'll gonna hunt me down! Lagot talaga ako, don! Nakakatakot! Luh!

HUMAHANGOS ako ng magbalik ako ng room. Grabe! Sana di ako mahabol ng lalaking yon! Nakakatakot talaga ang aura niya!

"Hoy, Eris. Anong nangyari sayo? Bakit para kang hinahabol ng multo diyan?" hinahabol talaga ako. At di lang basta multo kundi monster! Galit na monster!

"Wala. Wala."

Dumating yung prof namin at as usual, puro pakilala lang ang aatupagin. Tapos na akong magpakilala ng biglang gumalabog ang pinto.
 
3 dazzling guys went in. Makalaglag panga lang ang mga itsura nila, pero kailangan ibalibag ang pinto? At teka, bakit parang okay lang kay Sir? Instead na pagalitan aba ang sinabi lang ay, "Have a sit guys."

Ang isa doon ay ang boyfriend ni Mich na si Daryll. They were the hotties of this school. Kasi super hot at gwapo nila.

Naupo sila sa upuan nila as usual umupo si Daryll sa tabi ni Mich. Ang gaga kilig na kilig naman!

The door banged again and a hottie came with an angry look.

"Sino dito si ERIS JANE GONZALES?!" galit na sambit nung lalaki. Unti unti kong inilubog ang sarili ko at pilit na nagtatago. Pero too late, nakita niya na ako!

Nasa harapan ko na siya at naka smirk.

Umayos ako ng upo, "Hello?" nakangiti pero pilit kong sabi.

"Namnamin mo ang mga ngiti mong yan! Magbabayad ka sa ginawa mo sa mukha ko!" tinuro niya yung mukha niya na may pasa dahil nasipa ko kanina.

Bigla siyang may inilapag sa desk ko, "Kung may balak kang tumakas, wag kang mag iiwan ng bakas!" aniya at lumabas na ng room.

Natulala na lang ako at pilit iniintindi ang mga nangyare.

Lecheng I.D pinahamak ako! Bwisit!

After akong takot-takutin ng bwisit na lalaki na yun, di na ako nakapag concentrate pa buti na lang at First Day ngayon at puro Getting-To-Know-You pa lang ang ginawa at explanation ng grading system.

Now tell me, How can I focus on studying kung halos lahat ng subjects classmate ko siya at di lang yun, talagang katabi ko pa siya!

"Tay, sino pong tao sa bahay?" tanong ko sa driver ko. Nakalakhan ko na ang pagtawag sakanyang tatay. Magmula ng bata ako ay siya na ang driver ko.

"Parents mo lang iha pero may bisita sila."

Pupusta ako, sila Tito Joseph yun at Tita Sandra.

Pagpasok ko ng bahay ay tawanan ang agad kong narinig. Sabi na eh. Tita ang Tito's here.

"Eris! Dalagang dalaga ka na!" sinalubong agad ako ng yakap ni Tita Sandra. Nginitian ko lang siya.

"Hi, tito" nakipag beso ako sakanya.

"Napaka gandang mo na, hija. Manang mana ka sa mama mo." puri saakin ni tito. pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko. Nafflatter ako.

"So princess andito sila para ipakilala ang magiging asawa mo." Dad

"Kakauwi niya lang from states at ngayon nasa school siya. pero papunta na yun." nakangiting sabi ni tito.

ngumiti na lang din ako.

So seryoso talaga sila sa wedding na sinasabi nila? Tsk.

Nag uusap lang sila ng kung ano-ano when someone sat beside me.

"So Pa, asan na yung sinasabi mong pakakasalan ko?" bigla at walang galang nitong sabi. Really? Ang bastos naman niya. Siya ba ang anak nila tita? Mygod! Jerk.

Tinignan ko yung lalaki at saktong nakatingin din siya saakin.

"Ikaw nanaman?!!"

***

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet