ONE

[UNTITLED]

 

"Chanyeol, nakikita mo ba ang nakikita ko?" tanong ni Baekhyun sa matalik niyang kaibigan na ngayo'y katabi niya. 

 

Si Byun Baekhyun ay isang vocalist sa isang grupo sa South Korea na nagngangalang EXO. EK-SO po ah? Hindi E.X.O :)

 

"Ano iyon?" tanong ni Chanyeol habang tinutunton ang tingin ni Baekhyun.

 

"Nakikita ko na ang mamahalin ko sa buong buhay ko---ARAY! ANO BA?!" Biglang binatukan ni Chanyeol ang kanyang kaibigan at sabay tumanggap ng panibagong album na pipirmahan niya dahil sila ay kasalukuyang nasa Fan Signing Event. Bumingis-ngis ang mga fans sa nasilayan na ChanBaek moment.

 

"Ano bang pinagsasabi mo? Umayos ka nga. Nananaginip ka na naman eh!" Bulong ni Chanyeol kay Baekhyun pero nanatiling pumipirma ng album. "Ayan na siyaa~ Omg, ayan na Chanyeol ah, siya na ang susunod na magpapapirma sayoo~" kinikilig na sabi ni Baekhyun with matching siko here and there.

 

"Annyeong Chanyeol oppa!" bati mo kay Chanyeol sabay eyesmile ^_^

 

"Annyeong! Anong pangalan mo?" tanong ni Chanyeol sabay kuha ng album. " po!"sagot mo habang pinagmamasdan ang mga magagandang nilalang sa harapan mo.

 

"Alam mo ba, tinatapakan na ni Baekhyun ang paa ko kasi ang tagal mo daw sa akin." bulong ni Chanyeol pero di mo narinig ka nag "Eh?" ka na lang. Ngumiti lang si Chanyeol sabay balik sayo ng album.

 

"Take care!" paalam sayo ni Chanyeol at umusog ka naman sa tapat ni Baekhyun. Kahit naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ni Chanyeol, ngumiti ka na lang at binati si Baekhyun ng "Hello pinakamamahal kong asawa!" pero hindi yun ang lumabas sa bibig mo. Sayang effort mo kakapractice kagabi. Tsk tsk.

 

"Hello !" ngumiti sayo si Baekhyun at halos mahimatay ka na sa feels mo pero di yun pwede. THIS IS THE MOMENT!

 

Pero di mo alam na ganun din ang nararamdaman ni Baekhyun The Poodle.

 

"Alam mo pangalan ko?" Alam mong narinig ni Baekhyun yung sagot mo kay Chanyeol kanina pero nagpatay malesia ka lang. Para you-know. Tumagal sa pwesto niya XD

 

"Yep! Sa ganda ng pangalan na iyon, imposibleng di ko marinig at makalimutan 'yon." hirit ni Baekhyun at syempre, ikaw, kilig to the max ka.

 

"Libre ka ba mamaya?" tanong sayo ni Baekhyun habang di mo namamalayan na may ipinuslit na pala siya sa album mo. 

 

"Ha? Di ako libre eh~ Mahal ako. Hahaha!" Pabiro mong sabi kasi para di ka halatang kinikilig kahit kulang na lang maglumpasay ka sa gitna sa sobrang feelz na natatanggap mo. Tumawa lang si Baekhyun at iniabot sayo ang album at sabay sabing "See you later!" with matching kindat here at kindat there.

 

Tumawa ka na lang ng mahina at sabay sabi mo sa isip mo *Ang weird talaga ng ChanBaek ngayon. Trip ba nila ako?* Pero hinayaan mo na lang yung tanong na iyon at sabay ngiti nang maalala mo ang kindat ni Baekhyun your love.

 

-----------------------------------

 

Kasalukuyang nagaabang ka sa likod ng backstage....wait whut?

 

Nakatanggap ka kasi ng sticky note  na may nakasulat na:


"Abangan mo ko sa likod ng backstage pagkatapos ng fan signing ah? Ako yung nakablack na hoodie. See ya later my girl!" -Baekhyun

 

At syempre dahil sa uto-uto ka, sumunod ka naman. Syempre, si bias yun eh!

 

"Nandito ka na pala" Bulong sayo ng lalaking nakablack na hoodie. 

 

*Nakablack na hoodie? Teka, si BAEKHYUN yun ah!* sabi mo sa isip mo.

 

Wala ka naman ibang magawa kundi ang mag nod dahil nasa hiya hiya stage ka pa.

 

"Alam mo ba kung saan pwede dalhin ang taong pinakamamahal mo?" tanong ni Baekhyun

 

"Hmm, sa Amusement Park?" tanong mo na may halong pagaalangan.

 

"Ehh, bakit?" tanong ulet sayo ng mukhang batang Baekhyun

 

"Ewan ko, yun ang unang pumasok sa isip ko eh~" sagot mo na may halong hiya dahil nakhihiya ka sa sagot mo.

 

"Kung ganoon, pwede mo ba akong dalhin doon?"

 

 

"EH?!"

 

-----------------------

 

"WOOOOOOH!! Ansayaa! Hahaha!" hiyaw ni Baekhyun pagkatapos niyo sakyan ang nakakalulang roller coaster. 

 

Habang ikaw, hingal na hingal at hinahabol ang hininga.

 

"Gusto mo kain tayo? Tara! Kain muna tayo!" yaya ni Baekhyun sayo. "Saan naman?" Tanong mo naman sa kanya. "Ayun oh!" sabay turo sa hot dog stand.

 

Sinundan mo ng tingin kung saan nakaturo ang hintuturo ni Baekhyun your loves mo. "Kumakain ka niyan?" tanong mo sa kanya na may pagdududa.

 

"Malamang! Tao rin naman ako kahit papaano 'no! Ansarap-sarap kaya ng mga ganyan. Ikaw? Ano gusto mo? Treat ko!" 

 

"Kahit ano na lang! Ikaw bahala." sagot mo sa kanya habang hinahabol mo pa rin ang hininga mo.

 

"Oh sige! Diyan ka lang ah? Babalik ako." Habilin sayo ni Baekhyun at mamaya maya'y bumalik siya kasama ang dalawang Corndog at dalawa ring Iced Tea.

 

"Ito ang pinili ko kasi sabi nung lalaki na nagtitinda, masarap." Kwento niya sabay kagat sa kanyang pagkain.

 

"Actually, ito ang favorite ko!" sabi mo sa kanya at sabay kagat na rin sa corndog

 

"Oh? Tama pala ang desisyon ko." tugon niya sabay inom sa biniling Iced Tea.

 

"Saan kaya pwedeng sakyan sunod?" tanong ni Baekhyun kaninoman.

 

Nakita niyo ang isang makulay na Ferris Wheel at bigla kayong nagkatinginan.

 

"FERRIS WHEEL!!"

 

----------------------------------

 

"OMG WAAAAAHH~~" 

 

Manghang-mangha  kayo sa tanawin na inyong natatanaw. Gabi na kaya maganda sa paningin ang mga iba't ibang kulay na dulot ng mga nagtataasang gusali. Nang kayo'y nasa tuktok na, biglang huminto ang inyong sinasakyan. Kaya ikaw naman na duwag ay biglang napasigaw.

 

"WAAAAH! ANONG NANGYARI?!" tanong mo to no who.

 

"Ay, parang alam ko na toh" bulong ni Baekhyun sa sarili niya at ngumiti ng parang ewan

 

"Hala!! Omg, di pa ak--"

 

"Waaah..." Yan lang ang lumabas sa bibig niyo ng biglang pumutok ang mga palamuti sa langit. Pero hindi mo namalayan na nakayakap na pala sayo ang loves mo. Ikaw naman ay biglang natuliro at napatitig sa maganda niyang mukha.

 

"Alam mo ba, para kang fireworks." sambit ni Baekhyun habang nakatingin sa fireworks.

 

"Ehh?"

 

"Kasi sa isang tingin pa lang, napapanganga na ako." sabi niya at pinaharap ang katawan mo sa kanya.

 

"Kanina sa fansigning, hindi ko inaasahan na matatagpuan ko ang aking mamahalin." 

 

Nakatitig ka lang sa kanyang mga mata. Hinahanap ang sagot kung niloloko lang ba siya nito.

 

"Nung nakita kita, nalaglag agad ang loob ko sayo."

 

"Baekhyun..."

 

"Masasalo mo ba ang pag-ibig ko sayo?"

 


 

"Wag ka masyado magpagod Ms. ah? Wag mawalan ng pag-asa! Ingaat!" paalam ng doktor sayo habang papalabas ka ng office niya.

 

"Wag mawalan ng pag-asa? Tch." bulong mo habang naglalakad ng mabilis papalayo sa lugar na ayaw mo nang pakita pa..

 


 

*PING PING!*

 

Tunog ng iyong cellphone at tinignan mo kung sino ang nagmessage sa iyo. Ngunit walang pangalan ang nagmensahe.

 

"Pumunta ka sa Marina Hotel ngayon din. May nangyaring masama kay Baekhyun. Kaibigan niya ito. Room 105 4th Floor." -Unknown

 

Dali-dali kang lumabas ng cafe at naghanap ng taxi papunta sa Marina Hotel. Humawak ka ng mahigpit sa cellphone mo habang tinitignan ito.

 

-----------------------------------

 

"BAEKHYUN OP-"

 

Napatigil ka ng nasilayan mo ang di kanais-nais na kaganapan sa harap mo. May kahalikang ibang babae ang mahal mo. May ibang hinahalikan si Baekhyun maliban sayo. Di mo namalayan na nabagsak mo ang iyong bag kaya napalingon sila sa direksyon mo. Kung saan nanggaling ang ingay. Nagkatitigan kayong dalawa ni Baekhyun habang ang babae naman ay pinagsalin-salin ang tingin niya sa inyong dalawa tila bang nag-aabang ng susunod na pangyayari.

 

"S-sorry.." naguutal mong sabi habang dinadampot mo ang nahulog mong bag sabay tumakbo ng mabilis.

 

"T-teka lang !! Hindi mo na iintindihan!" sigaw ni Baekhyun habang tumatakbo upang habulin ka.Tumakbo ka ng tumakbo hanggang sa nakarating ka n sa rooftop ng building. Sumakit ang paa mo kaya't natapilok ka at sa puntong iyon ay sa wakas, naabutan ka na rin ni Baekhyun.

 

"T-tigilan mo akoo!! Layuan mo ako!! Lumayo ka sa akiin!!" Sigaw mo sa kanya habang tinutulak siya papalayo.

 

"Please ! Makinig ka sa akin! Nagkakamali ka ng akala!" sabi sayo ni Baekhyun habang pinipigilan ka sa ginagawa mo.

 

"ANO?! SA TINGIN MO DI KO NAKITA YUN?! AKALA KO BA MAHAL MO KO?! AKALA KO BA SA AKIN MO LANG IBABALING YANG TINGIN MO?! AKALA KO BA NA AKO LANG ANG BABAENG MAMAHALIN MO?! AKALA KO--"

 

"PLEASE ! KUMALMA KA MUNA! Di mo naiintindihan! Nagkakamali ka ng akala!"

 

"ANONG DI KO NAIINTINDIHAN?! KITANG KITA NG DALAWANG MALINAW NA MATA KO NA NAGHAHALIKAN KAYONG DALAWA NG MALANDITERANG BABAE NA IYON!!" sigaw mo sa kanya habang walang habas na umaagos ang iyong luha sa iyong magandang mukha.

 

"PWEDE BANG MANAHIMIK KA MUNA?!! SABI KONG KUMALMA KA MUNA AYAW MONG MAKINIG! PARA KANG BATA NA ILANG BESES NA SABIHAN AYAW PARIN SUMUNOD! ALAM MO BA? RINDING RINDI NA KO SA KAINGAYAN MO!!" sigaw sayo ni Baekhyun. Napatigil ka sa ginagawa mo at napatingin lang sa kanya.Lalong kang umiyak at hinubad ang singsing na ibinigay ni Baekhyun sayo noong anniversary ninyo. Ibinato mo iyon sa kanya sabay tumakbo pababa at palabas ng building. 

 

Napaluhod naman si Baekhyun at sunod sunod tumulo ang luha niya. Dinampot niya ang singsing na binato mo at pinagmasdan niya ito.

 

 

"Sorry..."

 

------------------------------------------------------------

 

 

[After 2 weeks]

 

"Alam mo, Hyung, sa tingin ko kailangan mo na siyang puntahan. I mean, mago-one week na simula nung magaway kayo!" Paanyaya sayo ni Chen na kasalukuyang naglalaro ng League Of Legends sa computer habang si Baekhyun ay pinapanood lamang siya maglaro.

 

"Galit pa yun sa akin.." sambit niya ngunit mahina lang.

 

"Bakit mo kasi ginawa yun?" tanong ni Chen habang hinihinto ang nilalaro niya.

 

"Ayoko siyang masaktan ng mga fans natin. Ayokong madamay siya sa kagagawan ko."

 

"Di naman ikaw ang may kasalanan nun. Sadyang asal aso ang ang mga manager natin na kung makasagap ng balita eh, wagas."

 

"Pero.."

 

"Shh! Wala ng pero pero pa! Pumunta ka na dun sa bahay niya at magsorry! Kung mahal mo talaga siya, proprotektahan mo sya kahit ano mang mangyari." bilin sayo ni Chen at ang mga salita niya tila bang tumutusok sa iyong damdamin.

 

"Hmm.. Wait, nasayo pa ba ung cute na bear na ibinigay sayo ni Coordi noona?" tanong bigla ni Baekhyun sa kanyang dongsaeng.

 

"Oo nam-" "GOOD! Geh bye Chen ah! SALAMAT!" kumaripas ng takbo si Baekhyun at iniwang magisa si Chen.

 

"Hayy nakooo.."

 

--------------------------------------

 

"Uhm, miss? Dito pa po ba nakatira yung nakatira dito?" tanong Baekhyun sa matandang nagwawalis sa tapat ng bahay mo.

 

"Huh? Yung nakatira diyan? Di mo ba nabalitaan? Wala na siya." sagot ni manang.

 

"Saan na po siya nakatira?" tanong ulit ni Baekhyun

 

"Wala na siya. Di na siya babalik pa." malungkot na sabi nung matanda

 

"Ano pong ibig nyong sabihin?" 

 

"Namatay siya sa sakit na Williom disease. Di ba niya sinabi sa iyo? Kamag-anak ka ba niya?" 

 

"Ho?!"

 

"Oo nga, hay nakoo, maiwan na kita diyan. Kung gusto mo bisitahin ung puntod niya, pumunta ka na lang dito" 

 

Binigay sayo ng matanda ang isang maliit na papel na naglalaman ng lugar kung saan ka inilibing.

 


Tumulo ang mga luha niya ng tuloy tuloy at dahan dahan naglakad papunta sa kotse niya.

 


"Hindi ko alam na ang araw na pala na iyon ay ang huling pagkikita natin.."

 

----------------------------------


Baekhyun's POV

 

Naglalakad papunta sa iyong puntod dala-dala ang mga paborito mong bulaklak

 

 

Sana magustuhan mo. Kahit na.. Kahit na wala ka na sa piling ko.

 

 

Kung pwede lang na ibalik ang lahat ng oras. Ibabalik ko dun sa una nating pagkikita.

 


Kung saan tayo nagkainlaban. Kung kelan natin napagisa ang ating mga puso.

 


Natatandaan mo pa ba? Nung una ating pagkikita? 

Di ko namalayan na sa puntong iyon, ikaw ang mamahalin ko ng buong buo.

 


Ipinangako ko sa iyo na ikaw at ikaw lang ang aking mamahalin. Hanggang sa huling hininga ko.

 

 

Ngunit... Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nagkaganto?

 

 

Please, sabihin mo na isa lang tong malaking at mahabang panaginip.

 

 

"Baekhyun??"

 

 


"...."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Darkswit24
#1
AHAHAHAHA BABAITA SEQUEL XD
mySweetL
#2
Chapter 1: Nice one haha! Daebak Yoona Jung :D