Pest or Best

My Pest Friend

Baekhyun’s POV

 

Kaibigan, Friends…

Sila ang mga taong hindi ka iiwan kahit anong mangyari.

Mga taong handang humarang ng sibat para iligtas ka…

Sumangga ng kutsilyo ‘pag kinakailangan…

Handing magbuwis ng buhay sa oras ng kagipitan…

 

Syempre, exaggeration ko lang ‘yon.

Pero, eto, seryoso na ‘to mga pre – Parang ‘di bagay ‘pag ako nagsabi.

Well anyway, sila ang taong handa kang damayan sa hirap at ginhawa.

Kahit anong mangyari, hinding-hindi ka nila iiwan.

 

Ganyan ang friends…

 

Pero, maniniwala ba kayong ang kaisa-isahan kong kaibigan ay kinasusuklaman ko?

Oo, kinasusuklaman.

Dinaig pa ang pinagsamang pwersa ng evil step sisters at ng witch ang pagiging kontrabida niya.

 

I’m thankful to have him pero madalas kasing nakakasakal na ang pagiging kaibigan niya.

 

Possessive, I guess. Ganoon na nga siguro siya sa’kin.

 

Instead of being a BEST FRIEND, nagiging PEST FRIEND na siya sa’kin.

He’s turning to an evil monster with a really big big ears.

He’s name is Park Chanyeol.

I’ll tell you how we started our friendship and maybe, just maybe, how we will end it.

 

End of POV

 

 

***

“BAEKHYUUUUUUUUUUUUN!!!”

 

Napasapo na lamang ng mukha si Baekhyun nang marinig ang pamilyar na malalim na boses na iyon.

 

Sa hindi malamang dahilan, agad nagsipaghawi ang mga estudyanteng naglalakad malapit kay Baekhyun.

 

Lagi na lang ganito ‘pag pumapasok ako. Bulong ni Baekhyun sa sarili na halata sa mukha niyang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

 

Palapit nang palapit ang mga hakbang at naramdaman na lang niya ang mabigat na kamay na pumatong sa kanyang balikat.

 

“Good morning.” Bati ni Chanyeol with his remarkable big smile.

 

“Anong maganda sa morning?” maagang pagsusungit ni Baekhyun.

 

“Ikaw.” Pabirong sagot ni Chanyeol.

 

Hinampas siya ni Baekhyun sa balikat at iniwan ito, “D’yan ka na nga.”

“Uy! Baekhyun. Baekhyun naman eh.” Hinabol siya ni Chanyeol ngunit patuloy lang sa pag-iwas si Baekhyun.

 

Baekhyun and Chanyeol are known to be best friends forever.

As in sila lang.

Bakit?

Gustuhin man ni Baekhyun makisama sa iba ay hindi niya magawa.

Nagiging tampulan na nga sila ng tukso sa sobrang pagiging clingy ni Chanyeol.

Mukhang gagraduate na lang si Baekhyun na hindi man lamang nadaragdagan ang list of friends niya.

How sad~

 

Minsan nga ay binibiro na silang School Couple. Though hindi naman sila napipikon kaso ang kinaiinis ni Baekhyun ay nawawalan na siya ng kalayaan. Ang totoo ay nahihirapan na siyang gumalaw sa maliit na mundo niya dahil sa pagiging possessive ni Chanyeol.

Paano nga ba sila naging close ng ganito?

 

 

Flashback

 

“’Yan ang nararapat sa’yo!”

 

“Oo nga!”

 

“Laki tenga!”

 

“Batchoy!”

 

Patuloy na binubugbog ng mga bata ang isang batang lalaking nakasalamin na may katabaan. Wala man lamang nakapaligid na nakatatanda kaya walang umaawat sa mga nagkukumpulang mga bata.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim na oras na dapat ni Chanyeol pero dahil napagdiskitahan siya ng mga grupo ng mga bata sa playground, mukhang kagagalitan na naman siya ng kanyang ate pag-uwi niya.

 

“Yan!”

 

“Sipain niyo pa para pumayat si Batchoy!”

 

Patuloy lang sa pagsalag si Chanyeol sa mga sipa at suntok sa kanya.

Hindi siya palaaway at hindi siya marunong lumaban kaya kahit konting lakas ng loob ay wala siya para ipagtanggol ang sarili.

 

 

“Stop the meaning of this!”

 

Huminto ang pananakit kay Chanyeol nang marinig ang sigaw na iyon. Nagsipag-lingunan ang anim na batang lalaki sa kanilang likuran at isang may katabaan ring batang lalaki ang humarap sa kanila. Imbis na matakot ay nagsimulang magtawanan ang mga ito.

 

“At sino ka naman? Si Superman?” tanong ng mapayat na batang may uhog sa pagitan ng ilong at labi.

 

“Hindi, si Wonderwoman ‘yan.” Kantyaw ng isa na nakasuot ng bonet.

 

Napangisi lang ang batang lalaki at saka pumosing na parang action star sa mga Chinese movies.

 

“Anim laban sa isa, mga duwag lang ang gumagawa niyan.” Dagdag pa niya.

Mukhang napikon ang mga ito at ibinaling ang attention sa bagong dating na bata.

Inabante ng bata ang kanyang paa ng bahagya na tipong naghahanda ng isang malakas na sipa.

Nagpalagutok ng mga buto sa kamao ang anim pero hindi naman natinag ang batang lalaki.

Sinamantala ni Chanyeol ang pagkakataon at agad namang tumayo at nagtago sa likod ng slide at pinanuod sa di kalayuan ang magaganap na bakbakan.

 

“Bring it on.” Wika ng bata.

 

Nagsipagsuguran ang mga batang lalaki ngunit wala naman silang nagawa ng mabilis at malakas silang pinagsisipa ng bagong dating ng walang kahirap-hirap.

 

Nagulat naman si Chanyeol sa ipinamalas ng batang lalaki na sa kabila ng kalakihan ng katawan nito ay nagawa niyang patumbahin ng mga sipa niya ang anim na bully.

 

Wow~ ibang klase siya. Bulong ni Chanyeol sa sarili.

 

Nagsipagpulasan palayo ang mga ito at ang tanging naiwan na lang sa paly ground ay sina Chanyeol at ang batang lalaking nagligtas sa kanya.

 

“Oy! Lumabas ka na diyan.” Malakas na pagtwag nito sa kanya.

 

Dali-daling lumabas si Chanyeol sa pinagtataguan niya at agad na nilapitan ang bata.

 

Nang makaharap na ni Chanyeol ang batang lalaki, nagkatitigan lamang sila ng ilang segundo.

Napansin niya ang may kaliitan nitong mga mata at bahagyang bilungang katawan.

Halos magkasing bilog rin pala sila ng katawan.

 

“Byun Baekhyun. Just call me Baek. Ikaw, anong pangalan mo bata?”

 

Nabigla si Chanyeol sa ikinilos ng bata sa kanyang harapan pero dahil sa magaang pakiramdam niya sa kanya ay agad naman niyang binigyan ito ng matamis na ngiti at inabot ang kamay at sinabing, “Ako nga pala si Chanyeol. Park Chanyeol.”

 

Tumango-tango si Baekhyun at sinabing, “Nice meeting you.”

 

End of Flashback

 

 

Mula noon ay naging magkaibigan na sila. Hindi na halos sila mapaghiwalay at tipong magkapatid na ang turingan.

Habang sila ay lumalaki, marami na ring nagbago sa kanila.

 

Pangangatawan… sumeksi sila.

Mukha… pumogi sila.

Height… tumangkad si Chanyeol – si Chanyeol lang pero si Baekhyun, medyo nahinto.

Social life? Nagbago rin.

 

Unti-unti ring dumami noon ang mga kaibigan nila ngunit kasabay ng maraming pagbabago nito ay pagiging palakaibigan ni Chanyeol.

Hindi tumatagal ang mga bagong kakilala ni Baekhyun at sa hindi mawaring dahilan ay pagkatapos lang ng isang araw o ng ilang araw ay hindi na nila papansinin si Baekhyun o kaya ay iiwasan na nila.

Ang pagkakaalam ni Baekhyun mula sa mga tao sa paligid niya ay itinataboy raw sila ni Chanyeol na mariing itinatanggi ng binata.

 

Hindi niya kailanman nalaman hanggang ngayon ang dahilan ng pagiging possessive ni Chanyeol sa kanya at sa tuwing tatanungin n iya ito ay ngingitian lang siya nito at ililihis ang tanong.

Hindi tuloy maiwasan ni Baekhyun na magduda sa mga ngiti ni Chanyeol pero sa tuwing makakaramdam ng pagdududa si Baekhyun, sasabihin lang sa kanya ni Chanyeol ay, “Basta pagdating sa’yo, totoo ang mga ngiti ko.”

 

Bakit nga kaya?

 

 

 

Sa hallway, kusang nahahati ang pulutong ng mga estudyante na nakakumpol sa labas ng mga classroom habang dumaraan ang magkaibigan.

 

Para tuloy akong gangster nito. Iniiwasan na ako ng lahat.Inis na si Baekhyun pero hindi naman niya mapaalis sa likuran niya si Chanyeol.

 

“Uy Baekhyun, hintayin mo ako.” Parang batang nakasunod si Chanyeol kay Baekhyun na tila hindi alintana ang takot na bumabalot sa mga kaeskwela.

 

Hindi alintana ni Chanyeol ang mga bulung-bulungan habang sila ay papasok ng classroom. Ang tanging nasa isip lang kasi ni Chanyeol ay ang nalalapit na trekking ng year nila.

 

 

 

Pagpasok ng classroom ay agad-agad na naupo ang dalawa sa kanilang silya at tulad ng ibang estudyante ay hinintay ang pagdating ng kanilang ubod ng gandang adviser na si Ms. Hwang.

Magkatabi sina Baekhyun at Chanyeol kaya sa ayaw at sa gusto ni Baekhyun, hinding hindi niya maiiwasan ang kanyang “Pest” friend.

 

“Baek, galit ka na naman ba sa’kin?”

 

Imbis na sagutin ni Baekhyun ang tanong ng binata ay agad niyang kinuha ang English book niya at binasa ang susunod na lesson nila sa araw na iyon.

 

“Baek, pansinin mo naman ako o.”

 

Maingay pa ang klase dahil wala pa ang kanilang adviser pero sa pagdating niya ay paniguradong tatahimik na rin si Chanyeol kaya sinabi na lang ni Baekhyun sa sarili ay konting tiis na lang.

 

“Baek, bibilhan kita ng bagong eyeliner kahit ilan pa basta pansinin mo ako. Please~” dagdag pa ni Chanyeol pero talagang matigas si Baekhyun at hindi man lang nagawang lingunin ang kaibigan.

 

Halos mag-iisang buwan na rin atang ganito ang relasyon nila.

Si Baekhyun ang sinusuyo samantalang si Chanyeol ang nanunuyo.

Daig pa ang magnobyo at magnobya.

 

“Baekhyunie~ Please~”

 

Mukhang hindi rin naman niya kayang tiisin si Chanyeol.

Lumingon sya sa kanyang gilid at nakitang nagpapacute ang kapre para magmakaawa.

Napasapo na lamang siya ng mukha at napailing.

 

“Ano bang gagawin ko sa’yo? I want peace kaya Chanyeol, after class na lang tayo mag-usap.” Sagot ni Baekhyunsa kaibigan.

 

Para namang nagtatampong bata na bumalik sa upuan si Chanyeol at ang tanging nagawa ay muling sulyapan ang kaibigan.

Kasalanan mo naman kung bakit galit siya sa’yo eh. Bulong ni Chanyeol sa sarili.

 

 

 

“Good morning class.”

 

Sabaysabay na nagsipagtayuan ang lahat at bumati kay Ms. Hwang na kanilang adviser.

 

Mataposang maikling batian ay umupo ulit ang lahat at tahimik na naghihintay sa announcement tungkol sa trekking nila this coming Saturday.

 

“Okay class, everything was settled for our trekking at ang kulang na lang ay ang seating arrangement sa bus…”

 

Hindi pa natatapos ni Ma’am ay naghiyawan na sa excitement ang lahat. Maliban kay Baekhyun na malamang sa malamang ay kay Chanyeol lang siya babagsak.

 

“Shhh! Quiet class, let me finish first. Okay, listen, kung sino ang katabi niyo sa bus ay siya ring kapareha niyo sa trekking. Understood?”

 

“Yes Ma’am.”

 

“Okay good. Now, I’ll give 15 minutes to settle your selves. Pag-usapan niyo na then I will tell you the other announcement.”

 

Tila mga bubuyog na nagsipagliapana sa loob ng classroom ang mga estudyante. Napuno ng ingay ang kwarto at halso ang lahat ay nagsipagtayuan para puntahan ang mga gusto nilang makapareha.

Nagbakasakali si Baekhyun nab aka may maglakas loob na lumapit sa kanya at yayain siyang makatabi pero oo nga naman, siya ang lalaki at siya ang dapat na mag-aya.

Tatayo na sana siya nang maramdaman niya ang mabigat na titig ni Chanyeol sa kanyang gilid.

Bumalik siya sa pagkakaupo at hinarap ang binata, “Fine, I’ll sit with you.”

Walang anu-ano ay biglang nagbago ang mood ni Chanyeol at winagayway ang mga kamay sa ere.

“Yohoo! i’m with my Baekhyunie~ I’m with my Baekhyunie~” kanta ni Chanyeol.

 

I’m forever doomed. Ang tanging nasabi ni Baekhyun sa sarili.

 

 

 

 

Saturday, araw ng trekking – Doom’s Day ni Baekhyun.

 

“Baekhyun-aaah!~”

 

Rinig hanggang North Korea ang sigaw ni Chanyeol habang papalapit kay Baekhyun.

Paglingon ni Baekhyuun ay ikinagulat niya ang sangkaterbang bitbit ni Chanyeol.

Lumapit siya kay Baekyhun at sinabing, “Hehehe… hindi tayo magugutom. Marami akong baon.” Pagmamalaki nito with matching big smile.

“’Di naman kailangang magdala ng ganyang karami. Hindi mo naman madadala ‘yan lahat ‘pag naglakad na tayo.”

“At least ready.” Sabay ngiti sa kanya pero napailing na lamang siya.

Ibinaling ni Baekhyun ang paningin sa mga estudyanteng nagsisimula nang umakyat ng bus kaya inaya na rin niya si Chanyeol.

“Let’s get in. Baka mawalan pa tayo ng upuan.”

Pagkatalikod na pagkatalikod ni Baekhyun, nawala ang matamis na ngiti ni Chanyeol.

Ngayon ay unti-unti na niyang nararamdaman ang lamig ng pakikitungo ni Baekhyun.

 

Chanyeol, tiis lang. tiis-tiis lang.

 

 

Nang makarating sila sa paggaganapan ng trekking nila, binigyan sila ng thrity minutes para maghanda sa malayu-layong lakaran patungo sa hidden falls na pupuntahan nila. Mangilang-ulit silang pinaalalahanan na mag-ingat sa daan at huwag na huwag aalis sa linya para na rin sa kaligtasan nila.

 

The trekking begins.

 

Tahimik na naglalalakad ang lahat para mai-save ang energy. Mahirap na dahil sa malayo, baku-bako at matatarik na daan ang kanilang lalagpasan.

Pero para kay Chanyeol kahit ano pa ang harapin niya, basta andyan Baekhyun ay handa niyang harapin.

 

Mga mag-iisang oras na rin silang naglalakad at nakakailang batis na rin ang nadaanan nila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapansin ni Baekhyun si Chanyeol.

Kaya, nagpapansin si Chanyeol rito.

 

“Baek, gusto mo pasanin kita? Malalim raw ang ilog na dadaanan natin. Baka matangay ka.”

 

Huminto sa paglalakad si Baekhyun at hinarap siya, “Will you just walk quietly. I can manage myself. Thanks but no thanks.” At saka naglakad muli.

Pero hindi nagpapigil si Chanyeol at kinulit pa rin niya si Baekhyun.

“Dalhin mo na lang tong water jug ko. Nakita ko kasing ubos na ‘yung sa’yo.” Iniabot ni Chanyeol ang extra water jug niya pero tinabig lang ito ni Baekhyun.

“Ano ba Chanyeol? Ang kulit mo naman. Pwede ba patahimikin mo naman ang buhay ko kahit ngayon lang?”

Hindi nagdalawang-isip si Baekhyun na iwanan si Chanyeol. Kahit ang kanilang mga kaklase at ang mga estudyante ng ibang section ay nabigla sa ikinilos ni Baekhyun.

 

Ngayon lang siya nasaktan ng ganito. First time niya lang masigawan ni Baekhyun at sa harap pa ng maraming tao.

Siguro pagod lang siya. ‘Yun na lamang ang inisip ni Chanyeol.

 

Ilang kilometro na rin ang nilakad nila at hindi mapagsidlan ang kanilang kapaguran. Ang sabi ni Ms. Hwang ay malapit na.

 

“Konting kembot na lang class. konting tiyaga na lang.”

 

“Ma’am, pagod na kame~” angil ng karamihan sa kanila.

 

Palinga-linga sa paligid si Chanyeol pero kahit aninag ng anino ni Baekhyun ay hindi niya makita.

Siguro nasa unahan na siya para maiwasan ako. Konting emo pa ay bibigay na ang mga luha ni Chanyeol.

 

Nang biglang…

 

“Ma’am! Nawawala si Byun!” sigaw ng isa sa kanilang kaklase.

 

“Ano?” nagulat si Ms. Hwang at bago pa man siya makapagsalita ay umalis na si Chanyeol para hanapin ang kaibigan.

 

 

Dahil nasa unang linya sila sa buong graduating year na nagtetrekking ngayon, marahil ay napalayo na ng husto si Baekhyun. Ayaw niyang mag-isip ng kahit anong masamang bagay.

 

Ilang puno na rin ang nadaanan niya at ilang matatarik at masisikip na mababatong daanan ang nilagpasan niya pero kahit anong senyales ng presensya ni Baekhyun ay wala.

Mga ilang lakad pa ay may natagpuan siyang kulay asul na panyo na may initial na BB.

Malakas ang pakiramdam niyang kay Baekhyun ‘yon dahil tanda niyang ito ang iniregalo niya nung isang taon.

Nasa malapit lang si Baekhyun.

Dinampot niya ang panyo at ito ay malapit sa isang patay na sangang nakasabit sa madamong bangin.

Huwag naman sana.

 

“Baekhyuuuun!!!~ ‘Asan ka na?” sigaw niya.

 

Mangilang ulit na siyang napapalunok dahil sa kakapusan ng tubig. Hindi na kasi niya kinuha ang extra water jug na tinabig ni Baekhyun at sa halip ay pinakisuyo sa class president nila na ipuslit na ilagay sa bag ni Baekhyun dahil alam niyang mas kailangan ito ng kaibigan.

 

Hinanap niya sa paligid si Baekhyun pero wala pa rin at ang natitirang hindi pa niya nakikita ay ang bangin.

 

Maingat siyang lumuhod at bahagyang gumapang para silipin at sa laking gulat niya ay naroon si Baekhyun na walang malay. May galos ito sa kanang pisngi at may akap-akap na kuting.

 

Walang anumang alinlangan nagpadausdos si Chanyeol sa bangin. Hindi naman ito sobrang lalim at ang tarik nito ay sapat lamang pero marahil ay niligtas ni Baekhyun ang kuting kaya siya nalaglag.

Ngayon ay nasa harapan na siya ng kaibigan at wala pa rin itong malay kaya niyugyog niya ito ng niyugyog.

“Baekhyun! Baekhyun! Gumising ka.”

Mangilang ulit niyang itong ginawa bago tuluyang imulat ni Baekhyun ang kanyang mga mata.

 

“Ch-Chanyeol? P-paano? Paano mo ako nahanap?” mahinang tanong nito na iniinda ang masakit na likuran sa pagitan ng kanyang mga salita.

“Baek, ‘wag ka ng gumalaw. Ako na ang bahala sa’yo. Iaakyat kita.” Inihagis ni Chanyeol paakyat ang back pack ni Baekhyun para bawas sa dalahin niya kapag iniakyat na niya ang kaibigan.

Isusukbit n asana ni Chanyeol ang mga kamay ni Baek sa kanyang leeg ng hawiin niya ito.

“Aakyat ako mag-isa.” Nagmatigas siya at pinilit tumayo mag-isa habang sapu-sapo niya sa kanyang dibdib ang isang maliit na kuting.

Dahil sa mahina pa si Baek ay muntikan na siyang mabuwal pero dahil maagap si Chanyeol ay agad naman niyang nasalo ito.

“Baek, don’t force yourself.” Paalala nito.

“’Di ba sinabi ko naman sa’yo na kaya ko na sarili ko?” tinalikuran niya si Chanyeol at pumwesto sa malaking pader ng lupa para umakyat.

Nanahimik si Chanyeol at marahil hindi na talaga gusto ni Baekhyun ang pagiging protective niya.

“Galit ka na ba sa’kin?”

 

Hinarap siya ni Baekhyun at sinabing, “Oo, galit ako sa’yo. Dahil sa’yo, wala na akong kalayaan. Ayaw na ng mga tao sa’kin sa school; wala ng may gustong makipagkaibigan sa’kin. Nakakasakal ka na Chanyeol.”

 

“Pero Baek---“

 

“Kung alam ko lang na magiging ganito ka sa’kin, hindi n asana ako nakipagkaibigan sa’yo.”

 

Ouch!

Tila may tumarak na kutsilyo sa dibdib ni Chanyeol sa mga sinabi niya.

Kung alam lang sana ni Baekhyun kung bakit niya ginagawa ang lahat.

 

Tulala si Chanyeol sa lupang kanyang kinatatayuan.

Namanhid ang buo niyang katawan ang tanging nagawa niya ay maluha sa mga sinabi ni Baekhyun.

Ngayon lang siya naging ganito kaemosyonal.

Masakit pala.

Sobrang sakit.

 

Ramdam ni Baekhyun ang sakit ng bawat salitang nabitawan niya.

Pero nabitawan na niya ito at kahit bawiin pa niya, alam niyang nasaktan na niya si Chanyeol.

Ipinagpatuloy niya ang pagsubok na makaakyat habang ang kuting ay ipinatong niya sa kanyang ulo. Pasalamat na lamang siya dahil sa hindi ito malikot.

Chanyeol, I’m sorry but I have to.

 

“Tulad ng kuting na ‘yan. Niligtas mo na rin minsan ang isang mahinang tulad ko…”

 

Bahagyang natigilan si Baekhyun.

 

“Nung araw na niligtas mo ako at kinaibigan, alam mo bang iyon na ang pinakamasayang nangyari sa’kin? Ikaw lang ang kaibigan ko.” Dagdag pa ni Chanyeol.

 

Nahinto sa pag-akyat si Baekhyun at tuluyang bumaba.

 

“’Yun nga ang punto Chanyeol. Lahat na lang ng taong gustong makipagkaibigan sa’kin ay tinataboy mo. Mga isa o dalawang araw, iiwasan na nila ako. Bakit? Kasi tinatakot mo sila.”

 

“Ginagawa ko ‘yun dahil ayokong masaktan ka.”

 

“Ako? Masasaktan? Ano ba kita? Nanay, na lahat ng bagay ay pakikielaman mo?” inis na sagot ni Baekhyun.

 

“Pinoprotektahan lang kita Baekhyun. They’re not good for you.”

 

“Not good for me? Paano mo nalaman? Ikaw ba ako? Stop ruining my life Chanyeol. Live your own and I will live on my own.” Muli ay tinalikuran siya ni Baekhyun.

 

Muli ay nasaktan si Chanyeol pero marahil ay panahon na para malaman niya ang dahilan.

 

“Lahat sila mapagsamantala. Ginagamit ka nila sa mga pansarili nilang kagustuhan. Kapag nakatalikod ka, kung ano anong tsismis ang ikinakalat nila. Lahat sila mapagpanggap.”

 

“Ano?” naguluhan si Baekhyun.

 

“Nung unang araw na tinaboy ko sina Joonghyun at Kibum, narinig ko silang nag-uusap at ang gusto lang nila ay matulungan mo sila sa mga assignments nila.”

 

“Hindi totoo ‘yan.”

 

“Pangalawa, sina Eunhee, Minjee at Eujin. For popularity’s sake, nilalapitan ka nila. Nagbabakasakaling kapag napalapit sila sa isang tulad mo na top student, sociable at galing sa may kayang pamilya ay darami rina ng kaibigan nila.”

 

Nagngangalit ang mga ipin ni Baekhyun habang pinapakinggan ang paliwanag ni Chanyeol.

 

“I heard them all. I’m always at your back. Behind the limelight, I’m always there to protect you.”

 

“Hindi ko alam.” Tanging sagot ni Baekhyun. Biglang nagsipagbalikan ang mga bulung-bulungan noon na ibinaon na niya sa limot. Tungkol sa mga tsismis sa kanya.

 

“Sa kagustuhan mong dumami ang kaibigan, hindi mo napapansin kung sino ang mga totoo sa hindi. Pero ako, ang lahat nakikita ko.”

 

“Chanyeol…”

 

“Handa akong magmukhang masama sa paningin ng lahat at kahit sa’yo para lang maprotektahan kita.”

 

Napakagat ng labi si Baekhyun sa lahat ng narinig niya. Labis niyang nasaktan ang kaibigan sa mga binitawang salita. Never din kasi nilang napag-usapan ang mga bagay na ‘to.

 

“Bakit hindi mo sinabi sa’kin?”

 

“I tried pero lagi mo akong hindi pinapansin.” Malungkot na wika ni Chanyeol.

 

“I’m sorry. I don’t know.” Tanging nasabi ni Baekhyun nangingilid na ang luha.

 

“Kahit bigyan ako ng isang libong kaibigan, mas pipiliin ko pa rin ang nag-iisang ikaw.” Pinilit ni Chanyeol ngumiti sa binata.

 

“Chanyeol…” unti unting naglakad patungo si Baekhyun kay Chanyeol.

 

“Sapat na ang isang Byun Baekhyun sa nag-iisang buhay ko. Kahit tayong dalawa lang, okay na ako – basta ikaw.” Dagdag pa ni Chanyeol. Hindi na niya napigil ang luha at tuluyan itong bumagsak.

 

Napaakap naman si Baekhyun kay Chanyeol, “I’m very sorry Yeol. Sorry. I was blinded by all the rumors, ng emosyon ko, hindi man lang kita binigyan ng chance na makapagsalita. I’m really sorry.”

Tinapik-tapik naman ni Chanyeol ang likuran ng kaibigan, “Naiintindihan naman kita eh. Ikaw pa, basta ikaw, kasing lawak ng universe ang pasensya ko.”

Kinaltukan naman ni Baekhyun si Chanyeol, “Seryoso na nga ako eh tapos may joke pang halo mga sinabi mo.”

“Eh totoo naman eh.”

 

“Meow~”

 

Naudlot ang kanilang usapan dahil sa meow ng kuting.

 

“Uwi na daw tayo sabi ng baby natin.” Biro ni Chanyeol.

Tinaasan naman siya ng kilay ni Baekhyun, “Baby ka diyan? ‘Yan ka na naman sa kabadingan mo eh. ‘Di bagay sa’yo.”

“Oo nga, first baby natin, si Mingmging.”

Pinitik naman niya sa baba ang higante, “Mingming ka pa d’yan ha. Yuck Chanyeol. ‘Di bagay.”

 

“Meow~”

 

“Gutom na baby natin!” dagdag pa ni Chanyeol.

“Chanyeol!”

“Joke lang.”

“Problemahin muna natin kung paano tayo aalis dito.” Sabi ni Baekhyun.

“Oo nga no. Mingming, saan ang daan pauwi natin ni Mamee Baek.” Biro ni Chanyeol.

“PARK CHANYEOL!”

“Byun Baekhyun!”

Napa-face palm na lang si Baekhyun sa kakulitan ni Chanyeol.

“Bahala ka na nga.”

 

 

 

 

He is not a Pest all along...

He is still and always be my BEST FRIEND 

- Baekhyun

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
CallMeCandy
#1
Chapter 1: Ang weird ng feeling na nagtatagalog sila o_O
jollyheeyeon #2
Chapter 1: waaahhh.... ang cute :3