*.*

Hinayaan Niya Ako

Dahil masyado kang mabait at maganda *ehem*, biniyayaan ka ni Lord ng mga kaibigan na pogi.

 

Actually medyo marami sila at dahil nga pogi sila, hindi mo maatim na makita ang pagmumukha nila araw-araw. Dejoke. Dikit ka nga ng dikit sa kanila eh. Ay mali, sila pala ang dikit ng dikit sa'yo.

 

Ikaw naman, being maganda and all, 'di mo sila matiis at pinapakisamahan mo na lang sila. (sus, choosy pa.)

 

At ngayon, andito kayo sa so-called club (entertainment room) ng barkada niyo na originally, pagmamayari ng mayamang pamilya nila Suho Gramps na lolo ni Sehun na girlfriend ni Luhan. Dejoke. Ikaw talaga 'yung gusto ni Luhan. Kaso wala eh. Heartless ka. LOLjk.

 

Hinayaan kayo ni Lolo Suho na tumambay dito dahil nga mayaman sya at nag-aya na namang kumain si Xiumin, Tao at Kai.

 

"Oy, narinig niyo 'yung kwento na naman kila Manong Chanyeol?" sabi ni Tao habang kumakagat sa 10 fishball na binili nya kay Manong Jongdae sa kanto.

 

"Alin dun? 'Yung narinig nila si Aling Baekla na 'more Chanyeol, more, more push'?" sagot ni Sehun habang inaabutan ka ng isang baso ng juice.

 

"Yuck. Kadiri naman 'yang pinaguusapan niyo." nandiri talaga si Luhan sa sinabi ni Sehun kahit ang totoo, gusto niya rin 'yung topic. Nagpapa-good shot lang talaga siya sa'yo.

 

"Hindi 'yun. 'Yung sa katabing bahay nila 'yung tinutukoy ko." paliwanag ni Tao.

 

"Ahh. Mukhang alam ko na 'yan. 'Yung puting mansyon na walang nakatira?" sabi mo kasi parang nagegets mo na 'yung pinaguusapan nila.

 

"Ha? May kwento na naman ba d'un? Anong bago?" bored na sabi ni Kai. Gusto nyang maglaro ng xbox kaso pinagbawalan siya ni Lolo Suho. Nagtaas daw kasi ng kuryente ang Meralco.

 

"Matagal nang may kwento d'un diba? Gawagawa lang naman nila 'yun eh." sabi ni Lay dahil napapansin nyang malapit nang magseizure si Kyungsoo sa takot.

 

"Tange. Totoo talaga 'yung mga nangyayari d'un." paniwalang paniwalang sabi Xiumin or should I say, gusto niya lang talagang takutin si Kyungsoo.

 

"S-syempre hindi totoo 'yun. Mga bakla ba kayo ha? Naniniwala kayo d'un?" malapit nang manginig si Kyungsoo kaya lumipat si Kai sa katabing upuan niya.

 

"'Yun nga, kagabi daw may nangyari na namang kababalaghan." pagpapatuloy ni Tao.

 

"Lagi namang may nangyayari doon eh." parang hindi na rin interesado si Sehun na makinig.

 

"Ibang iba kasi 'yung nangyari kagabi. Si Kuya Kris 'yung nagkwento sa'kin." dagdag mo dahil alam mo rin 'yung istorya.

 

Si Luhan naman, naglean papalapit sa'yo kunwaring interesado at makikinig.

 

"Wait nga Redd. 'Di ba kayo 'yung may-ari n'ung mansyon na 'yun?" nagtatakang tanong ni Xiumin.

 

"Hindi talaga sa'min 'yun. Kumbaga, natatawag lang na amin kasi ninuno namin 'yung mga nakatira d'un dati. Nagha-hire na lang kami ng magbabantay. 'Yun nga, si Kuya Kris." sinuklay mo 'yung buhok mo pagtapos mong magpaliwanag. At ayun si Luhan, nganga.

 

"Pero totoo talagang may nangyari doon? Hindi ba 'yan kwento kwento lang?" si Kyungsoo na ngayon ay nakasandal na kay Kai. Natatakot na DAW siya.

 

"So, anong nangyari?" nag-indian sit si Lay.

 

"Si Kris gege, hindi makatulog kagabi kasi may kumakalabog sa taas." pagsisimula ni Tao. Ubos nya na 'yung kinakain nyang fishball kanina.

 

"Tae. Natatakot na 'ko." ikaw na ang nahihiya para kay Kai. Sinigaw niya 'yun para lang makayakap kay Kyungsoo.

 

"Si Kuya Kris naman, na-curious. Tinignan niya sa taas kung may nakapasok na tao or kung ano. Tapos n'ung huminto siya sa isang kwarto doon, biglang bumukas mag-isa 'yung cabinet." pagkekwento mo sa kanila.

 

"Baka malakas 'yung hangin?" naeewang tanong ni Sehun. Nahawa na rin ata sa pagkaduwag ni Kyungsoo.

 

"Panong malakas 'yung hangin eh lagi namang nakasara 'yung mga bintana d'un?" konti na lang iirap na si Luhan kay Sehun. Pinagtatanggol ka niya kasi halata niyang binabasag ka ni Sehun.

 

Si Tao naman ang nagpatuloy ng kwento, "tapos pagkabukas ng cabinet, may lumabas daw. Hugis tao. Pero 'di madistinguish ni Kris gege kung ano. Edi lumapit siya. Pagkakita niya, lumalabas 'yung mga damit. Naglalakad papunta sa kanya."

 

"Note, makalumang dress 'yung mga nandun. Kaya nakakatakot talaga." tahimik na tahimik silang nakikinig sa pagk-kwento niyong dalawa ni Tao nang biglang bumukas 'yung pinto sa tabi ni Xiumin.

 

"Ahhhhhh!" sabay sabay kayong tumili. Dejoke.

 

"Suho naman! 'Wag ka ngang manggugulat!" aba't tignan mo nga naman itong si Sehun. Napakagalang sa Lolo niya.

 

"Gramps, mini heart attack 'yun ah. Mauuna pa yata ako sa inyo." hawak hawak ni Xiumin yung dibdib nya sa gulat.

 

"Pasensya naman. Chinecheck ko lang kung okay kayo dito. Ipapagamit ko na sana kay Kai 'yung xbox." ngingiti ngiting sabi ni Lolo Suho.

 

Nagliwanag naman ang mukha ni Kai at akmang tatayo na kaso hawak hawak ni Kyungsoo 'yung dulo ng tshirt nya.

 

"Ayaw nya daw pong maglaro. May pinaguusapan pa po kasi kami nila Redd eh." si Kyungsoo na ang kumausap kay Lolo Suho.

 

"Ahhh, okay. Redd, ikamusta mo na lang ako sa mga magulang mo ah." sabi ni Lolo Suho bago kayo iwan sa kwartong iyon.

 

"Sige po. Palakas po kayo."

 

"Anyway guys, sobrang nakakatakot talaga 'yung naexperience ni Kris gege doon sa mansyon. Hinabol kasi talaga siya n'ung mga damit." nagsalita ulit si Tao.

 

"Tapos nakulong pa si Kuya Kris d'un sa may bandang kitchen malapit sa banyo. Doon kasi sya pumasok para matakasan nya 'yung mga humahabol sa kanya. Kaso hindi rin pala sya ligtas doon. Gumalaw kasi 'yung upuan. Akala nya nga papunta sa kanya eh. Pero huminto din 'yung upuan."

 

"Wait nga lang Redd. 'Di ko na alam 'yung storya na 'yan. Hanggang doon lang ako sa nakulong sya." tinigil ka ni Tao sa pagsasalita.

 

"Edi makinig ka na lang din." si Lay talaga 'yung sobrang nagaanticipate sa kine-kwento mo.

 

"So 'yun na nga. May lumabas na babae d'un sa likod ng makapal na kurtina sa gilid ni Kuya Kris. Tatakbo na dapat ulit si Kuya Kris kasi akala niya hahabulin na naman siya. Pero hindi, linagpasan lang siya nung babae. Tapos tumuntong 'yung babae d'un sa upuan na gumagalaw kanina. Saka lang napansin ni Kuya Kris 'yung hawak n'ung babae."

 

"Ano?" sabay na tanong ni Xiumin at Kai.

 

"Lubid." sagot mo habang tinitignan silang lahat sa mata.

 

"Langya. Kinikilabutan na 'ko." fineel ni Luhan 'yung braso niya, "Ba't hindi ka kinikilabutan, Redd?" kunwari pa si Luhan. Gusto nya lang din talagang hawakan 'yung braso mo.

 

"Itigil mo na nga 'yang kwento mo Redd. Natatakot na 'ko. For real." nanlalaking matang sinabi ni Kyungsoo.

 

"So sinasabi mong fake lang 'yung pagkaduwag mo kanina? Hahaha." nagbiro na lang din si Tao para mabawasan 'yung nakakatakot na atmosphere na bumabalot sa kwartong iyon.

 

"Wait nga, naguguluhan ako. So 'yun na 'yung mystery?" umayos ng upo si Kai at tinanong kayong lahat.

 

"May nagpakamatay?" sabi ni Sehun habang umuusod ng kaunti papalapit sa inyo.

 

"Mismo." sabi mo.

 

"Minsan nga pumunta rin tayo dun." nagawa pang sabihin 'yun ni Xiumin sa kabila ng pagiging tensyonado ng lahat.

 

"Mag-isa mo." basag ni Lay at Kyungsoo sa kanya.

 

"Eh ano naman nang nangyari kay Kris hyung, Redd?" curious pa rin si Kai at ang daming tinatanong.

 

"Ayun, iniwan ako."

 

"Ha? Anong iniwan ka?!" naguguluhang tanong ni Sehun sa'yo.

 

"Hinayaan niya 'ko." 

 

"Ang gulo mo Redd ah. Anong hinayaan ka?! May connect pa ba 'yan sa story?" si Kyungsoo eh nalilito na rin.

 

"Hinayaan ka ni Kris gege? Magkasama ba kayo dun?" pati si Tao ay nakiusyoso na rin.

 

"Hindi."

 

"Eh ano? Ang gulo ah. Anong hinayaan ka?!" sunod sunod na ang tanong nila sa'yo.

 

"Hinayaan niya 'kong magpakamatay."

 

-------------------------------------------

Hayaan niyo na 'ko. LMAO.

'Yun na 'yun. Hahahaha. Oo alam ko. Wala na 'kong nagawang matino dito sa AFF xDD

Pero binasa niyo pa rin. LOL. Salamat ^^

 

Para sa'king deerest na si Redd *U* 

Ikaw nang bahala dito. OTL.

Lame kung lame. Kbye.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
itsmissy
#1
Chapter 1: Omo! Si redd O[]O
Nako naman! Mini heart attack kay Lolo Suho xD
iamsicasso
#2
Chapter 1: OMG. authornim~~ Patay na si redd?? Creepy.. cx