The Last Talk

She's my lady (Luhan's love story)

 

Nandito na kaming dalawa sa tapat ng bahay nila ganun parin buha buhat ko parin siya.Dati na rin akong tumira dito nung bata ako.Mababait yung parents ni Hyeji at tinuring narin nila akong isang tunay na anak.Umalis ako dito nung nag 13 na ako at tumira na lang sa dorm nakakahiya na kasi ehh.Ulila na kasi ako at inampon ako ng parents ni Hyeji nung bata pa ako.Kinupkop nila ako at inalagaan na parang tunay na talaga nilang anak.Kung hindi nila ako inampon nung 7 years old palang ako siguro hindi ko makikilala si Hyeji.
 
Buti na lang biglang bumukas yung pintuan para hindi na ako mahirapan.Si tita pala yung bumukas nung pintuan siya yung mama ni Hyeji
 
"Ayyyy jusmiyo anong nangyari sa inyo Luhan at pareho kayong basang sisiw ni Hyeji !?"sigaw niya at mukhang ninerbyos na si Tita.Agad namang lumabas si tito
 
"Buti naman Luhan nahanap mo na siya "Sabi naman ni Tito.Sa mukha ni Tita nagtataka talaga siya kung ano talagang nangyari
 
"Ganito kasi iyon paluwas na kasi si Luhan sa Seoul ehh ayaw naman ni Hyeji kaya tumakbo siya at naglayas"paliwanag ni tito
 
"ANO ?! AYYY JUSMIYO Ipasok mo muna siya at dalhin mo sa kwarto Luhan.Ipagtitimpla ko lang kayo ng gatas."Sabi naman ni Tita
 
Pumasok na kaming lahat sa loob ng bahay umakyat na ako sa hagdanan at nagtungo sa kwarto namin dati ni Hyeji pero ngayon dahil hindi na ako nakatira dito kwarto na niya ito.Inihaga ko siya sa kaman niya ng dahan ng dahan.Linibot ko ang mata ko sa kwarto ganun pa din katulad ng dati.Hindi parin pala nila inaalis yung isa kong kama.Tumayo ako at tiningnan ang mga picture namin dalawa na magkasama.Napangiti lang ako at bumalik na ako sa realidad
 
Kailangan ko na nga palang magimpake.May mga tira pa kasi akong damit rito.Binuksan ko yung aparador ,kinuha ko yung mga tira kong damit at linagay sa isang plastic.Nasa dorm kasi yung bagahe ko ehhhh.Maya maya nagising na si Hyeji.
 
"Nasaan ako ??? May tao ba diyan ?"Tanong niya.Umupo siya ng maayos sa kama sabay tayo.Tumahimik lang ako dahil pagalam niyang nandito ako at kinukuha yung mga tira kong damit baka magwala na naman siya.Kinapa kapa niya yung dingding hanggang sa nakaabot sa aparador sabay tumigil siya sa harapan ko
 
"Nasa kwarto na pala ako.....Umalis na siguro si Luhan...Iniwan na niya ako...Hindi na niya tinupad ang pangako niya sa akin"Sabi niya at nagbugtong hininga.Maya maya umiyak na naman siya at pinaghahampas ako sa dibdib
 
"BA'T HINDI KA NAGSASALITA LUHAN ALAM KONG NANDIYAN KA !!!!"Sigaw niya.Ayoko talagang magsalita at tinanggap ko na lamg yung bawat hampas niya sa akin.Napaupo siya sa sahig
 
"Di mo ba alam simula nung bata pa tayo may gusto na ako sa iyo kaya please wag ka nang umalis dito ka na lang magaral"sabi niya
 
Naalala ko na naman yung paghalik at confess niya sa akin kanina
 
"Sabihin mo nga pangit ba ako ? Ayaw mo ba sa akin ? Ganun ba ako kapanget?"Iyak niya.Hindi ko na kayang nakikita siyang ganito kaya tinulungan ko siyang makatayo kaso tinulak niya ako papalayo sa kanya.Nahulog tuloy ako sa lapag
 
"Luhan Mahal na mahal kita ~ Hindi man kita makita pero ito itong puso ko ang nakakaramdam sa iyo"Sabi niya sabay turo sa puso niya
 
Gumapang ako papunta sa kanya at hinawakan ko yung mukha niya.Then I let out a chuckle
 
"Ano ba hindi ako nagbibiro wag mo nga akong tawanan "sabi niya
 
Hinawakan ko yung pisngi niya at nakita kong namula siya.Then I smiled.Gusto kong lagi siyang nakikitang namumula dahil sa akin
 
"Hindi ka panget dahil maganda ka ,,Hindi kita gusto dahil mahal na mahal kita"Then I kissed her passionately.Then 3 minutes later we stopped.Pareho kaming namula 
 
"Mahal mo ako ??? Ibig sabihin ba niyan di kana aalis?"Sabi niya
 
At doon bumalik ako sa realidad .Tiningnan ko yung relo ko. malelate na ako baka makaalis na yung bus !
 
Agad akong tumayo at kinuha yung plastic na may laman ng damit ko.Bago ko buksan yung pintuan .She wrapped her arms around my waist then I froze.
 
"Please......."Yun lang ang nasabi niya at umiyak siya.Hindi Luhan para ito sa pangarap mo kailangan mong gawin ito
 
Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi
 
"I need to do this Hyeji I promise I will be back soon lalo na alam kong may gusto ka sa akin..Talagang mapapauwi ng maaga nito"Sabi ko.
 
"Pero....."
 
"Remember I will do this for our future together"
 
"Dont go"
 
"I can't"
 
I let go of her hands.Bumaba na ako ng hagdan...at umalis na ng bahay.Bago pa ako makalis nakita ko si Joohyun kapatid ni Hyeji naglalaro siya ng mga toys niya.Kamukha niya ang ate niya
 
"Oh Luhan nandito na yung gatas ohh"Sabi ni tita habang tinuro yung dalawang baso ng gatas nakapatong sa lamesa
 
"Hindi na po tita malelate na po kasi ako baka makaalis na yung bye po.Bye po tita bye Joohyun"Pagpapaalam ko
 
"Oh sige bye Luhan siguraduhin mong dumalaw ka dito sa Namsan huh? Baka doon ka ng lang sa Seoul lagi alam mo naman kung gaano ka namin mamimiss lalo na si Hyeji,"Sabi ni Tito na ngayon nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo
 
"Bey din Yohan uppa Dun pyorget patalubong ,"Sabi ni Joohyun ...bata pa kasi siya kaya medyo bulol.Nagnodd lang ako at lumabas na.Tiningnan ko yung bintana ng kwarto ni Hyeji...,
 
"Saranghae Hyeji I'll be back"
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
8 months later
 
Maayos naman ang naging buhay ko sa SEOUL kaso hindi na ako nakauwi ng Namsan sayang kasi yung pamasahe pati wala rin ang communication sa kanila.Wala kasi akong cellphone ehh binenta ko kasi...May balak  kasi ako umuwi ngayon lalo na malapit na yung birthday ni Hyeji.Pansamantala akong nasa mall ngayon kasama yung mga barkada kong sila Kris,Xiumin,Lay,Chen at Tao.Umuuwi kami sa iisang bahay pati mga kaklase ko sila sa pinagaaralan kong school.
 
Ngayon nasa accesories shop kami at sinama ko sila para magsuggest sa akon ng gifts para kay Hyeji
 
"Eto kaya pare maganda ?"Sabi ko sabay turo sa isang bracelet
 
"Alam mo kasi hyung dapat Ikaw mismo yung pumili wag kang magsuggest sa amin"Sabi naman ni Lay
 
"Dapat piliin mo ito ng buong puso ~"Kanta naman ni Chen
 
"Pati nagugutom na ako Bilisan niyo na diyan"Sabi ni Xiumin
 
"Pati bibili pa ako ng gucci ni Duizang"Sabi ni Tao sabay nagpuppy eyes kay Kris
 
"Hoy Tao ! Ang rami mo nang shinopping daig mo pa ang babae ahhh !"Saway naman ni Kris
 
Ayan ganyan kakulit yung mga barkada ko kahit 8 months nagkakasama piling ko kilala na namin ang isa't isa talaga....Para naming magkakapatid..Piling namin iisa kami at parepareho lang.Paano ba naman mga wala na rin silang magulang at correction kalahing chinito ko pa yung iba diyan
 
"Aish babalikan ko na nga lang !!!????!!!"Sigaw ko sa sobrang inis pinagtinginan ako ng mga tao sa accesories shop
 
"Hyung wag dito nakakahiya ehhh "Bulong naman ni Lay
 
"Hindi ko ho siya kasama "Sabi naman ni Chen sa mga tao at lumayo sa amin
 
"Hindi ko po kilala si Luhan-gege "Ayan tuloy nakarecieve ng batok si Tao mula kay Xiumin
 
"Di mo kilala pero sinasabi mo yung pangalan"Saway naman ni Xiumin sa maknae
 
"Tayo na nga guys nakakairita na dito"Sabi naman ni Kris
 
Palabas na kami ng may naaninag ako.Bumalik ulit ako ng accesories shop at agad ng pumunta ng conter nila
 
"I will buy this"Sabi ko
 
"Thank you sir come again...!!!""
 
Tapos lumabas narin ako 
 
"Nandiyan ka lang pala hyung ninenerbyos na kami dito "Sabi ni Chen
 
"Anong ginawa mo ba't ka bumalik?"Tanong ni Xiumin
 
"May binili lang ako"Sabi ko
 
"Ibig sabihin nakapili ka na Luhan-gege"Sabi naman ni Tao na mukhang tuwang tuwa.
 
Nagnodd kang ako at bigla akong inakbayan ni Lay
 
"Sa wakas so ano guys kain muna tayo ?? Ililibre raw tayo Duizhang oh "Sabi ni Lay at kinindatan si Kris
 
Si Kris walang nagawa at pumayag na
 
*Skip*
 
Sa restaurant.Umoorder na sila Tao,Lay,Chen at Xiumin.Sabi kasi ni Kris siya naman daw magbabayad kaya sila na ang oorder para sa aming dalawa,Nagtaka nga ako kung bakit hindi ako pinaorder ni Kris
 
"Luhan para sa iyo"Sabi niya at may binigay sa aking box
 
"Ano ito ?"Tanong ko
 
"Buksan mo na lang wag kang magalala babayaran mo parin iyan sa akin"Sabi niya
 
Binuksan ko yung box.Maiyak iyak na ako pero pinipilit ko lang hindi maluha baka kasi akalain nilang bakla ako.
 
"Cellphone seryoso Kris akin na lang ito ?"Tanong ko
 
"Sira sabi ko sa iyo babayaran mo iyan"Sabi niya
 
"Siraulo ka Kris thank you !!!"Sabi ko
 
"Oh oh Luhan wag kang iiyak lalo lang magmumukhang babae niyan"Asar ni Kris na kunyari parang nagaalala
 
Binatukan ko lang siya
 
"Makaluhan naman ito mas matanda pa nga ako sa iyo"Sabi ko
 
"Oh bilis tawagan mo na yung gusto mo nang tawagan para malaman natin kung may diperensiya iyan second hand kasi iyan ehh"Sabi ni Kris
 
Nagnodd lang ako tinype ko agad yung number ni Tita....
 
"Yoboseoyo"--Tita
 
"Tita ako ito si Luhan"--ako
 
"Ohh buhay ka pa pala hindi ka man nagparamdam ng ilang buwan"--Tita
 
"Sorry tita ano kasi ...nanakaw kasi yung phone ko"--Ako
 
Kilangan ko magsinungaling at magagalit ito kung sasabihin ko yung totoo na 'Tita binenta ko yung cellphone para makapambili ng regalo para lay Hyeji at makauwi diyan'
 
"Pero tita uuwi na ako bukas diyan pati kasama ko po yung mga kaibigan ko..Pati alam niyo naman na birthday ng pinakamahalagang babae sa buhay ko bukas diba?"--Ako
 
Matagal na kasing alam ni tita na higit sa kapatid ang nararamdaman ko kay hyeji but she still agress at kinonsinte pa ako niyo
 
"Ahhh tungkol pala kay Hyeji....."--Tita
 
Nakita ko ng pabalik na sila Tao sa table namin
 
"Ahhh tita bukas na lang kakain pa kasi kami oh sige po bye"--Ako
 
Inoff ko na yung phone
 
"Wow may bagong phone si Hyung umaasenso"Sabi ni Lay 
 
Eto pala yung position namin
 
  Chen-Tao-Lay
|        Table         |
 Xiumin-Kris-Ako
 
Kumain na kami  ng mga inorder namin.Maya maya bumalik narin kami ng dorm.
 
"Haaaayyy sa wakas Were home ~"Sigaw ni Tao at humiga sa sahig
 
"Guys Tapakan niyo nga si Tao"Biro ni Chen agad namang tumayo si Tao
 
"Ge ge ang sama Troll ka lang kasi ehh"Sabi ni Tao sabay he stick out he's toungue
 
"Ayyy nambelat !! Halika dito panda !!"At iyon naghabulan na yung dalawa
 
Sina Kris at Lay nakabulantang sa sofa buti nga nagkasya sila doon si Xiumin naman nagtungo sa kusina siyempre kumain
 
"GUYS MAGIMPAKE NA KAYO LULUWAS PA TAYO SA NAMSAN BUKAS !!"Sigaw ko.
 
Nagsibalikan na sila sa mga kanikaniwakang kwarto so as I.Nagtungo na rin ako sa kwarto namin ni Lay nagiimpake na rin siya...
Umupo ako sa kama ko at tiningnan yung binili ko kanina sa accesories shop
 
"Singsing ?"Tanong ni Lay na kanina pa pala akong tinitingnan
 
"Oo sabi mo kasi diba dapat yung puso ko yung pipili kaya nagdecide na lang ako bilhin singsing atleast magpakasal na kami"Sabi ko
 
"Sira teenager ka pa noh"Tawa naman ni Lay
 
"Pwede namang engage muna diba ?"Sabi ko.Tiningnan ko ulit yung singsing.Umupo sa tabi ko si Lay.At tiningnan ulit ako
 
"Pare kanina mo pa ako tinititigan ganun na ba ako kagwapo"Biro ko tinaasannlang niya ako ng kilay.Tumayo siya at kinuha yung picture prame ni Hyeji na matagl ko nang dinidisplay sa study table namin.Tumabi ulit siya sa akin
 
"Maganda nga si Hyeji noh ? "Sabi niya sabay ngiti.Ngumiti din ako dahil sa papuri niyang binigay sa mahal ko then it faded when I realized something
 
"Yah ! Wag mong sabihin na may gusto ka kay Hyeji !?"Sigaw ko.Biglang nanlaki yung mata niya at tinaas yung kilay sabay smirk
 
"What if kung ganun nga ?"Ngiti niya
 
I frozed on what he said
 
"Sira joke lang di ko pa nga nakikita ng personal iyan.Pati hindi ko siya type noh"Sabi niya
 
"Good"Sabi ko sabay thumbs up
 
Tumingin ulit kami sa picture ni Hyeji at bumilis na naman yung tibok ng puso
 
'Magkikita na tayo soon I promise'
 
"Ganun mo talaga siya kamahal noh ?"Sabi ni Lay.Nagnodd lang ako
 
"Siyempre"Sabi ko
 
"Kung bibigyan ka ng tatlong kahilingan ano iyon ?"Tanong niya
 
Hindi ko na pinagisipan yung tanong niya at agad ko itong sinagot
 
"First magkakita si Hyeji para naman makita niya ako na nagmamahal sa kanya ng tunay and 2nd Well be together forever and the 3rd and the last Maging kami"
 
Tiningnan namin ako ni Lay ng -what-look
 
"Kala ko kayo na ?"
 
"Ummm hindi ko alam hindi pa naman ako nanliligaw"
 
"Uhhh M.U"
 
"Parang ganun na nga"
 
"Siya matulog na tayo"
 
"Tama sige night"
 
 
 
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
peterpan109 #1
Guys wag silent readers okey libre lang ang pagcocoment at walang bayad
ilabya4 #2
interesting