All My Life

All My Life

A/N -This is my first attempt to write in Tagalog,hopefully I won't fail. And yes I'll write this in English too.This is just to challenge myself... Funny how am I listening to an old Fahrenheit songs...missed listening  to Mandarin. songs .and yes I guess I am Hangul saturated...I should be able to speak Korean the way I am listening to it,almost 24/7,,,but gah can't even say a straight sentence..

-----------------------------------------------------------

Tinitigan ni KC ang kanyang mukha sa salamin. Sumimangot siya at ngumiti,sa harap nito. Sabi nila ,sya ay ganap na dalaga na. Tutuo nga siguro,nakikita na nya ang mga pagbabago sa kanyang sarili. At kung naglalakad sya sa kalsada ang mga lalaki ay tumitingin na sa kanya,kung minsan sya ay natatakot at kinakabahan.

Sabi nila kamukha daw nya ang Nanay nya. Ang ina niya na hindi na nya kinamulatan . Sabi ng Tatay nya namatay daw ito nuoung sya ay baby pa lamang.Sabi ng iba,and Nanay niya ay iniwanan sya at ang Tatay nya at nagpunta sa ibang bansa. Sa sobrang sama daw ng luob ng tatay nya.dinesisyunan nya ,umuwi na lang ng probinsya at duon na lang sya palakihin. Simula nuon, hindi na uli nag-asawa ang Tatay nya.  Nakitira sila sa mga Tiyahin nya, hangang sa nagkasakit ang Tatay nya at pumanaw na. Naiwan si KC sa kalinga ng kanyang mga matatandang dalagang tiyahin.

Inalagan sya ng husto ng kanyang dalawang tiyahin,ngunit mahigpit sila, at madisiplina. Kailangan lahat ng bagay sa bahay ay nasang tamang ayos,kung hindi sya ay mapapagalitan o makukurot,kapag mainit ang ulo. Kung minsan ang pakiramdam nya na sya ay nasa hawla. At ang pangangailangan na makawala ay nararamdaman nya.

Ang eskuwelahan lang ang kanyang kaligayahan sa ngayon. Nakakapaglaro sya sa mga ibang bata, nakakakwento sya sa ibang tao,nakakatawa at nagagawa nya ang gusto nya ,ng wala ang mga nakamansid na mata ng kanyang Tiyahin. Matalino sya,palakaibigan at matalino,kaya popular sya sa kanyang mga kaeskwela.

Ngayong taon ay may dumating silang bagong kaklase. Sabi nila siya ay galing sa Amerika. Hindi sya masyadong marunong magtagalog,at halos lahat ay ilag sa kanya. Kung kaian pa sila nasa huling taon ng mataas na paaralan,at saka sya dumating. Madalas syang tahimk, hindi nakangiti kundi nakasimangot at my kunot sa nuo. Ang palagay ni KC, ayaw nya sa eskwelahan nila at kinamumuhian nya ang pagpunta nys sa kanilang bayan.

Napapansin nya na madalas syang nakatingin o nakatitig sa kanya,ngunit hindi nya mapagwari kung bakit. Kadalasan ay bumibilis ang tibok ng puso nya,at napapansin nya na umiinit ang kanyang mukha..at napansin din nya ang kanyang lihim na pagngiti,kapag siya ay namummula. Kung minsan siya ay nahihiya,  at kinakabahan, kaya umiiwas na lang siya sa kanya.

Ngayon gabi ay may programa sa eskwelahan, may selebrasyon sapagkat anibersaryo ng kanila eskwelahan,at mayroon silang singing contest. Hinikayat sya ng kanyang mga kaklase na sumali sapagkat sabila,may timbre ang boses nya,ngunit siya ay nahihiya. Baka hindi nya kayang tumayo sa harap ng maraming tao, mas lalo na kumanta pa. Pero excited siya dahil malaking selebrasyon ito.

"KC yung kaklase mo,inihintay ka na " ang sabi ng Tiyahin na,at saka tumitig sa kanya. "Tama na ang paganda mo sa salamin. Alalalahanin mo walang boyfriend boyfriend,hangagng hindi nakakatapos sa pag-aaral."  ang paalala sa kanya.

"Opo,Tiyang wala po, kahit itanong nyo sa mga kaklase ko." and sagot nya. "Sige po aalis na po ako."

"Huwag masyadong magpapagabi,umuwi ka kaagad pagkatapos ng programa." habang sya ay pababa ng hagdanan

_________________

Halos lahat ng mga kaklase nya ay nanduon. Lahat ay masayang nakinig sa mga contestant. Laking gulat ni KC,ng nakita nya si Sam na papunta sa stage hawak hawak ang gitara. Lahat ay nagpalakpakan at naghiyawan, ng tumayo sya sa stage. Ngunit lahat ay tumahimik ng nagsimula na syang kumanta.. Titig na titig si KC, parang tumirok sa kanyang dibdib ang kanyang kanta, pagkat ito ay malungkot na kanta, tungkol sa tahanan at pagmamahal. Ramdam na ramdam ni KC ang kanyang kalungkutan sa pamamagitan ng kanyang kanta.

Nakatitig pasya,ng siya ay kinalabit ng kaibigan nya. "KC iba na yang titig na yan ah." ang biro sa kanya. Umiling lamang siya

"Wala lang,nagandahan lang ako sa kanta nya." sabi nya,ngunit sa ngayon parang biglang nagbago ang kanyang pagkakilala sa binata. Parang gusto nyang siya ay pasayahin at kaibiganin.

At tulad ng inaasahan si Sam ang nanalo sa contest. Hindi maiwasan ni KC na pumalakpak ng husto para kay Sam.

"Sinasabi na nga na mukhang tinaman na ang kaibigan ko." and sabi ni Jen.

"Hindi ah." ang sagot ni KC.pilit na itinatago ang tunay na damdamin sa kaibigan.

"Palagay ko may gusto rin sya sa iyo." dagdag ni Jen. "Kasi panay ang titig niya sa iyo  at palaging pinagmamasdan ang mga kilos."

"Paanong magkakagusto sa akin yon,hindi ba laki siya sa Amerika, gusto non mga babaeng sophisticated,moderno.at makamundo." and sabi ni KC. "Ang layo ko naman duon,eto nga bihira lang akong makaapak sa Manila."

"Ewan ko,baka gusto ka nya kasi iba ka. Para kang si Lola." sabay tawa sa kaibigan.

"Tignan mo pinagtatawanan mo na pala ako. Siguro pinagtatawanan din nya ako." dagdag ni KC.

"At bakit naman kita pagtatawanan." ang sabi ni Sam,na lingid sa kaalaman ni KC ay nasa malapit lang at narinig ang kanilang pinag-uusapan. "I find your qualities very endearing. You are natural and real."

Tumingin si KC sa kanya,at nagtama ang kanilang mga paningin. Naramdaman na naman ang mukha nyang namumula. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Tutuo ba ang sinasabi nya ?  "Talaga ?"

"Oo" and sagot ni Sam. "And find your beauty very refreshing. At first I thought that i am going to hate this place foreever,but not anymore....and it is all because of you.. Do you even like me even just a little bit?"

Hindi alam ni KC kung ano ang isasagot sa kanya. Nagtatapat ba siya ng pagtatangi sa kanya ??? Sasabihin ba nya ang apat na kataga sa kanya. "Anong ibig mong sabihin ? " and kapwa tanong nya.

"Ang ibig kong sabihin....is that I love you KC, It is something that I thought impossible but I love you just the same and more."  Sam said as he came near her.

"Oh Sam.akala ko rin na impossible na ma-in love ako sa iyo. Pero nangyari. I also love you." KC said. Sam hold her hands and brought it up to his lips.

"I love you KC,I know our upbringing is different and yes our values maybe a little different too. But I am willing to learn and yes willing to wait for you. Will you do the same for me too ?" Sam asked.

"Oo...my answer for you is yes..I'll do the same for you." Kc said,as they hold hands and loooked at each other with love and understanding .....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
It
#1
??????????