Chapter I -Si Porky at Si Pochi

Music Alley

 

 

Arirang, Arirang, Arariyo

Arirang gogaero neomeoganda

Arirang, Arirang,

ArariyoArirang gogaero neomeoganda

 (Arirang Korea’s Traditional Song)

(Old man singing it)

 

Umaga palang simula bata pa lang ako yan na ang naririrnig kung kanta, paborito ni Lolo ang Kanata iyan. Dahil para sa kanya ang traditional na musika ang tanging kayaman na maiipapamana niya sa akin. At dahil dyan na alala ko nung 5 years old pa lang ako lagi pinapabuhat sa akin ni lolo ang maliit na Gayageum ito ay isa sa mga kilalang traditional na instrument sa Korean 12 strings ito minsan 21 strings depende. Simula ng 10 years old ako bago pumasok lagi nyang sinusubit sa aking likoran ang Gayageum. At dahil ditto madalas akong lokohin ng kaklase kung si Teddy at ang mga asukngot niyang gang.

 

Nakakainis nga e, hanggat sa isang araw itong Teddy pinag tripan na nga niya ako ng matindi.  At hindi lang pang tritrip ang ginawan nila dahil dinamay na rin nila ang Gayageum sa likod ko at pinuputol nya ang  mga strings nito. Hindi ko alam ang gagawin ko dahjil mahigpit na pinagbilin sa akin ni Lolo na ingatan ko ito. Wala akong nagawa kung hindi umatungal sa pag iyak dahil sa nangyari. At ang mga classmate ko walang magawa, habbang si Teddy at ang gang niya sige ang tawa.

 

Patapos na ang araw, natatakot akong umuwi kasi iniiisip ko papagalitan ako ni lolo at baka palayasin pa niya ako. Tulad nung babae na pumunta sa bahay naming nuon, pinaaalis siya ni Lolo. At duon ko na kita kung papaano magalit si Lolo kaya nga takot na takot ako e. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko ng mga panahong ito. Habang nag iiisip ako kung papaano ko sasabihin sa kay Lolo ang ngyari. Pumunta muna ako sa park at duon ako umiyak ulit dahil hindi ko talaga alam kung anung gagawin ko. Habang nag moment ako, merong batang lumapit sa akin at biglang sinabi sa akin.

 

“Hoy batang porky bakit ka umiiyak?”

 

Nagulat ako kasi ang kapal ng mukha nyang sabihing porky ako e siya nga mukhang ting ting sa payat.

 

“ Sinong porky excuse  me healtly lang ako hindi ako tulad mo parang ting ting sa payat” pagkasabi ko sa bata.

 

“oh bakit ka nga umiiyak dyan porky?”

 

“ wag mo akong tawaging porky, ah e kasi itong Gayageum na bitbitbitbit ko na sira yung string e”

 

“para yun lang umiiyak ka na dyan”

 

“kasi importante ito lagi kasing sinasabi ng Lolo ko na ingatan ko ito kaso dahil duon kay Teddy at yung mga gang niya nasira ito”

 

“ hmmmm gusto mo ng Pochi masarap to?”

 

“ikaw naman tinatanung mo ako tungkol sa problema ko tapos Pochi ang offering mo”

 

“ bata pa kasi tayo para mag isip ng solusyon ng problema mo mabuti pa ikain mo na lang yan ng Pochi, eto oh marami akong stock nya!”

 

“cge nga pahingi ako, wow ang sarap naman nito! ”

 

“kain lang ng kain porky, kasi alam mo ang problema mo pwdeng maging kasing tamis tulad ng pochi”

 

“ha?! Panu?!”

 

“kasi kahit gaanu kahirap at kapait ng problema natin ngayun, meron at meron dadating na mag papatamis nun parang pochi”

 

“hahaha, tama ka parang ikaw!”

 

“ sabi sayo porky tama ako e, yan kasi lagi sinasabi nila mama yun e.”

 

“ oo  nga pala bata anung pangalan mo?”

 

“Ako si Lee Seung hoon ako yung bagong lipat sa tapat ng bahay nyo”

 

“ha panung---“

 

“nakita kasi kita kaninang umaga eh sa tapat ng kusina nami kumakain ka ang takaw mo nga nung nakataligod yung Lolo mo e. hahaha”

 

“E kasi nakakatakot kumain sa harap ni Lolo e,”

 

“hahaha, gusto mo sabay na tayong umuwi, mag gagabi na e. baka lalo ka pagalitan ng Lolo mo nyan.”

 

“ ah oo nga pala,”

 

Sabay na kameng umuwi ng makulit na bata sa dahil sa tapat lang naman sila nakakita duon sa maliit na bahay sa katabi ng malaking building.

 

Sa labas ng bahay anduon si Lolo, takot na takot ako kung paano ko sasabihin na nasira ang Gayaeum sa kanya. Nag biglang sumabat yung bata na kasama ko.

 

“kayo po ba ang Lolo ni Porky?”

 

“Ha sinong Porky ang tinutukoy mo bata”

 

“Ah yung bata nay un po oh”

 

Sabay turo sa akin..

 

“ah hahaha oo ako nga bakit?”

 

“Ako po si Lee Seung Hoon bago nyong kapit bahay sa tapat yun pong maliit na bahay dyan. Magulang kop o ay sina Lee Baek jin isang housewife samantalang ang tatay ko naman ay si Lee Bok Jun isang security guard.”

 

“Kinagagalak kitang makilala Ginoong Lee seung Hoon”

 

“wow kayo po ang kaunaunahang tumawag sa akin ng ginoo sa tingin kop o mag kakasundo po tayo”

 

“hahaha ganun ba aba’y mabuti pang pumunta ka ditto ng madalas upang makapag kuwentuhan tayo ha!”

 

“aba opo naman Lolo?, anu nga pa lang pangalan nyo?”

 

“Ako si Park Gyun Jun”

 

“Kayo po si Park Gyun Jun, yung sikat na musician?!”

 

“abay oo, para sa isang bata mabuti at kilala mo ako”

 

“oo naman po madalas kayong pakinggan ni mama sa bahay matutuwa poi yon pag nag ka taon”

 

“Sige papuntahin mo ang mama ditto para maka pag tsaa naman kame minsan”

 

“Cge cge po, ay oo nga pala meron po akong gusting sabihin sa inyo”

 

“anu yun?”

 

“tungkol pos a apo nyo, kasi po nakita kop o siyang umiiyak sa park kanina, dahil po sinira daw po ng mga kaklase niya ang strings ng Gayaeum na bitbit nya”

 

“ha! Kilala mo ba kung sino ang mga kaklase niyang yun?”

 

“hindi po mabuti na lang po tanungin nyo siya, pakiusap lang po wag kayong magagalit sa kanya”

 

Sabay tinawag na ako ni Lolo, hindi ko alam kung anu ang pinagusapan nila bakit ako pinapatawag ni Lolo kasi dali dali akong pumasok ng bahay

 

“Dria!! Apo halika at mag usap tayo”

 

Pinangunahan ko na si Lolo ng isang malakas na sorry at din a po mauulit pa ulit ulit kung sina bi ito sa kanya habang ng bobow ako ng formal sa kanya.

 

Pero sinabi ni Lolo na tigilan ko daw ang pag sosorry at sabay tumawa.

 

“hahahaha apo wag kang mag aalala ayos lang ng yari wala iyon”

 

Nagulat kame ng batang kasama ko.

 

“ha! Anu po bakit ok lang”

 

“dahil napapalitan din naman ang strings nuon, at Masaya rin ako dahil hindi ka nag lihim sa akin. At higit sa lahat ay natutunan mo na ang importansya ng Gayaeum sa buhay mo. Kaya mo itong mahalin tulad ng pagmamahal ng dating mayri nito.”

 

“edi ibig sabihin ok nap o ang lahat Lolo Park”

 

“oo ginoong seung hoon”

 

“apo mabuti pang mag pasalamat ka sa kaibigan mong batang ito dahil siya ang nagsabi sa akin ng ngyari. At para naman sa mga batang sumira ng Gayaeum strings sino ba ang mga batang iyon, sabihin mo upang masabi ko sa teacher mo ang ngyari”

 

“ Si Teddy po at mga kaibigan nya, wag na po Lolo ok lang po, siguro naman po hindi na nila uulitin yun”

 

“Sige kung yan ang naiis nyo”

 

“Ah porky at Lolo Park aalis nap o ako ah gabi nap o kasi e.”

 

‘Ah teka nga pala batang porky anung pangalan mo?”

 

“Ako si Dria Shin Park”

 

“ Dria Shin Park simula ngayun mag kaibigan na tayo ah?!”

 

“Oo ba!”

 

“Ang problema pwdeng maging pochi, kasi kahit gaanu ka hirap o kapait ng problema meron at meron dadating na mag papatamis nito tulad ng kaibigan kung si Pochi”--- Porky”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet