Episode 2[C]: Minho's Love Story.

I'm In Love with Mr. Simple

Nakaalalay si Taemin kay ji won habang hinahatid nya si ji won sa center stage. That time naka blind fold na si ji won kaya wala na syang makita. 

"Taemin? Ikaw ba yan?" --tanong ni ji won kasi natatakot sya kasi madilim. wala syang makita.

"Oo ji won. Wag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo." --taemin

Umalis si taemin at iniwan na nya si ji won kay joonmyun na syang magtatanggal ng blind fold. Pumunta na si taemin kung san nakalagay yung piano. Sila myungsoo, leeteuk at donghae naman nandun sa mga chairs at nanunuod. Hindi nila maexplain yung nararamdaman nilang kaba ngayon para sa kaibigan na magtatapat ng damdamin sa isang babaeng sikat sa school campus at sa university ng pinapasukan nung dalawa. Si minho naman nakangiting nakatingin lang kay ji won. Hawak na nya yung gitara. Naka position na yung mga daliri nya sa Bm (B minor) ng gitara. Ready na sya at si taemin para tumugtog. Unti- unti ng tinanggal ni joonmyun ang blind fold ni ji won. Nagulat si ji won ng makita nya si minho na nasa may stage at may hawak na gitara. 

"M...minho? A--ano 'to? W..hat's t..his? Huh?" --sabi ni ji won. Hindi naman kasi nya talaga ini-expect tong ganitong bagay. Ang alam nya lang eh pinagbibihis sya ng maganda ni minho. Bumulong si joonmyun kay ji won kaya't tumahimik naman si ji won. 

 

 

Imaginin mong si minho yung kumakanta nito para kay ji won. Sya yung tumutugtog para kay ji won.

Nakikinig lang silang lahat kay minho lalo na si ji won. Nangingiyak na si ji won sa nakikita nya. Hindi nya lubos maisip na ang pinakahihintay nyang araw ay nangyari na. Nung bata pa lang kasi sya, ang sabi nya kay taemin, yung una nyang magiging boyfriend, ang gusto nyang panliligaw ay sobrang romantic. Yung wala masyadong tao habang kinakantahan sya. Yung nakatayo lang yung taong yun dun sa gitna ng stage at sya naman nandun sa gitna at nakikinig. Hindi nya namamalayang tumutulo na pala ang mga luha nya. Umiiyak sya sa sobrang saya. Isa pang dahilan kung bakit sya umiiyak is, crush nya kasi si minho noon pa man. She can't ever imaginin na mangyayari sa kanya 'to. Nangayari ang lahat sa right time, Right place with the right person. Wala na sigurong mas sasaya pa sa kanya ngayon. Feeling nya ngayon, dalawa lang sila ni minho ang nandun. Walang ibang tao.

"Minho..." --umiiyak na sabi ni ji won sa gitna.

Nakangiti naman syang tiningnan ni taemin na naroo'y tumutugtog ng piano.

Taemin's POV:

Ji won... anong pakiramdam mo ngayon? Alam mo bang sobrang saya ko kasi nakikita kitang masaya ngayon. Bespren, nangyari na. Nangyari na yung gusto mong mangyari. Ito na yun, binigay na ni minho sayo. Bespren... hindi ko alam pero bakit ganito nararamdaman ko? Alam kong hindi pwede eh. Pero bakit? Ang sakit. Ewan! hindi ko alam. Pero wag kang mag- alala hindi ako manggugulo. Kaya kong magsacrifice para sayo... sa kaligayahan ng bespren ko. gusto ko lang sabihin sayo na... kung sakaling kailanganin mo ako, nandito lang ako. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak sa sakit kaya ako nalang yung magpaparaya para sayo. Ganyan kita kamahal bespren. Oo, mahal kita ji won. Pero alam ko namang may mahal ka ng iba eh. Sorry. Naramdaman ko na lang 'to one day pagkagising ko. Ikaw na hinahanap ko. Hindi na kumpleto araw ko pag di kita nakikita kaya nga di ba kung natatatandaan mo nung nasa high school pa tayo lagi kitang pinupuntahan sa inyo? Kasi hindi ko kayang hindi ka makita sa loob ng isang araw. Umaabot na ako sa point na sabi ko kay mama punta lang ako sa bahay ng kaklase ko pero sa inyo ako pumupunta. Bes... :'(

End of Taemin's POV:

Tumayo si minho tas pinuntahan nya si ji won dun sa gitna.

"Wuii... ayaw mo ba? Panget ba nito? Ang corny ba?" --mga tanong ni minho kay ji won

Umiling lang si ji won.

"eh bakit ka pala umi--" --hindi na natapos ni minho ang pagsasalita nya dahil bigla syang niyakap ni ji won.

"Minho... Grabe ka kamo talaga. Bakit mo ko pinapaiyak ng ganito ha?!" --ji won

"Ji won..." --minho

"Alam mo bang ganitong set up ng panliligaw ang gusto kong mangyari sa una kong magiging boyfriend?" --ji won

"Ganito?" --minho

"Oo. ganitong- ganito nga. Ikaw ang....... unang tao na gumawa sakin nito." --ji won

"So it's means..." --minho

"Oo minho. Ia-accept ko 'to. Ikaw ang una kong boyfriend. Sinasagot na kita. Alam ko rin na ikaw yung naglagay nung letter sa locker ko." --ji won

"TALAGA!?? SINASAGOT MO NA AKO?! YESSSSSSSSSSS!!" --sabi ni minho sa sobrang tuwa.

Now they're officially on kaya itong si taemin mas lalo namang naging dramatic.

Taemin's POV:

Congrats bespren. Be happy. Keep your relationship strong ha. Whatever happens. I'm so happy for you bespren.

End of Taemin's POV:

Hinawakan ni minho yung kamay ni ji won.

"Itong kamay na 'to... ang kamay na hinding- hindi ko bibitawan kailan man. Pangako ko yan. Ji won mahal na mahal kita. Salamat. Salamat at tinangap mo 'tong panliligaw ko sayo." --minho

"Ako rin. Itong humahawak ng kamay ko ngayon ang hinding- hindi ko rin bibitawan. Mahal din kita." --Sabi ni ji won tas niyakap nya ulit si minho. Napapikit pa sya sa sobrang saya.

Patuloy lang na tumutugtog si taemin. Yung apat na itlog naman nandun at nakatingin lang pero siguro pagtapos ng 15 o 20 mins.? Nagistayuan sila tas kinongratulation si minho.

"BRO! HAHA! Sa wakas may girlfriend ka na rin!" --myungsoo

"Ano pang ginagawa nyo jan? Payukuin nyo na sya." --leeteuk

Tas yun pinayuko na nila si minho. Kaya pala nila gustong payukuin si minho eh kasi hahampas- hapasin nila yung likod ni minho. Ang sakit nun!

"Aray! ang sakit mga dude. Sinong humampas sakin ng kamao?" --tanong ni minho habang nakahawak sya sa likod nyang hinampas ng kamao. Hinarapan naman sya ni leeteuk na nakataas pa yung kamao nya. Sya pala ang humampas.

"Aissh! Hyung ang sakit nun ah!" --angal ng kawawang si minho

"Gusto mo isa pa? Kabila naman para pantay." --pabirong sabi ni leeteuk

"Congrats dre." --donghae

"Umm... Pwede ba kitang i-excuse sandali? Excuse lang mga dude ha, kausapin ko lang sandali si hae." --minho

"Okay." --joonmyun

Pumunta sila dun sa may bandang sulok ng cheun sang club habang nakaakbay si minho kay donghae.

"Bakit pre? Me problema ba? Ba't ganyan mukha mo?" --tanong ni donghae kasi nagtataka sya kung bakit nakabusangot 'tong si minho

"Wala lang pre. Gusto ko lang sana magpasalamat sayo ng sobra sobra. Maraming salamat talaga sayo. Ikaw na nga talaga, Ikaw na ang Expert sa ating lima. HAHA xD" --minho

"Wala yun ano ka ba?! Syempre kaibigan kita ehh kaya dapat lang na tulungan kita di ba. Ang magkaibigan dapat nagtutulungan :D." --donghae

"TAMA!!! XDD" --minho

"Congrats ulit. Sana tumagal kayo :D" --donghae

"Salamat." --sabi ni minho tas nag- apir sila at nagyakapan.

"AYY!! Bumibigay na!" --pagbibiro ni donghae

"Baliw ka talaga! Ang corny mo pre, tara na nga! Tsss..." --minho

Tas nun pumunta na sila ulit dun kung nasaan sila ji won. Si taemin naman tumayo na dun sa may harapan ng piano tas pumunta na rin. Everybody seems so happy maliban lang sa mukha ni taemin sa nagpapanggap na masaya pero malungkot. Ang hirap din kayang magpanggap noh, lalo na kung yung taong mahal may mahal ng iba. Ang saklap nun...! Ang masakit pa dyan, kamag-anak pa nya. Aww rak 3. kung ako yan... Nako wag na baka may masabi pa akong hindi maganda. I mean baka makasakit lang ako ng feelings ng iba. Syempre di ba? Kailangan friends. :D Na friend-zone tuloy si taemin ngayon. Kinuha ni taemin yung phone nya tas saktong- sakto may Wi-Fi dun sa club kaya nakapag-open sa ng Facebook account nya. 16 yung notif. nya pero hindi nya tinignan tas 3 friend request. Nagpost sya ng status nya.

"Guys ang hirap pala ng friendzone...:( #MedyoGustoKoNgUmiyakPeroDiPwedeMahahalata:((((" Ayan ang pinost nya sa status nya. After siguro ng mga 3 mins. naka 35 likes na agad yung post nya na yun.

"Ang dami rin palang friendzone ngayon...Hay..." --napabuntong hininga sya. yung pang 36 na nag like ay yung kaibigan ng stepbrother ni minho, si kai. Pero hindi si kai yung stepbrother nya ah kundi si Onew. Kapatid ni minho si Onew sa part ng papa nya kaya nga hindi sila ganoon ka-close ng papa nya kahit kasama nya pa ito sa japan ngayon. 

"Pati si Kai? Anyare?" --tanong nya sa sarili nya nung nakita nyang ni-like ito ni kai.

"HOY..!! Anong nangyari sayo?!" --tanong ni minho

"Wala pre... Yung bestfriend ni onew, si kai, nakita ko lang kasing nilike nya yung status ko." --taemin

"Huh? Eh ano ba kasing pinost mo sa status mo? Patingin nga." --minho. Mabilis namang nai-iwas ni taemin yung phone nya kaya hindi ito nahablot ng kamay ni minho. Whoo!

"HA!? Ah w...wala. O..kay lang. N..nagulat lang ako kasi n..ilike nya e." --taemin

"Eh ano nga kasi?... Hindi naman nya ila-like yan kung walang ibang ibig sabihin e. Ikaw bahala." --minho

Taemin's POV: 

Jusko naman! Friendzone na nga ako baka pati pinsan ko mabugbog pa ako pagnalaman nya 'to. Hay nako... Ba't ba ganito buhay ko?! ANG GULOOOO!!! Ughh.. Lord Thanks ah. :D

End of Taemin's POV:


Dalawang sasakyan yung naghihintay dun sa labas ng club. Yung isa yung ginamit ni taemin pang sundo kay ji won tas yung isa naman yung kotse nas ginamit nila myungsoo papuntang cheun sang club. Dun sa kotse na ginamit ni taemin si ji won at minho sumakay tas yung apat na itlog nandun sa isang kotse. May girlfriend na ngayon si minho kaya dapat lang na maging gentleman sya sa 1st ever girlfriend nya. Well, pinagbuksan nya lang naman si ji won ng pinto palabas ng cheun sang club at papasok ng van, inalalayan nya sa pagkabit ng seatbelt at! ki-niss nya sa cheeks.

"Minho!" --ji won

"Wae? Mabilis ba?" --tanong ni minho

"Nakakapanibago lang kasi. Syempre di ba?" --ji won

"As long as I'm here with you. I'll always do that to you :D" --minho

"Psssh!" --ji won

"HAHAHA xD." --minho

Nakita ni taemin yung kiss na yun sa may rear view mirror. Sya nga pala yung magda-drive para sa kanilang dalawa. 

"Whoa! Sweet Couple. Sarap tignan oh! Kailan kaya ako magkakaroon ng girlfriend? Minho ako naman ang tulungan mo next time huh." --request ni taemin na halatang nasasaktan. Awtsu!

"Oo ba! Basta sabihin mo lang kung kailan. Tutulungan kita anytime :D" --minho

Tas nun ni-start na ni taemin yung van tas umalis na sila. Sinusundan lang sila ng kotse nila myungsoo. syempre mula sa likod makikita nung apat na itlog kung anong ginagawa nung dalawa dun sa kabilang van.

"Ang sweet naman talaga naman nila oh! Pre pag ako nagkaroon ng girlfriend na ganyan... AY NAKO! Wala ng atrasan, pakakasalan ko agad yung maswerteng babaeng nakakuha ng puso ko." --buong kumpyansang sabi ni joonmyun.

"Maswerte? Sigurado ka?" --myungsoo

"Oo naman! Aba! Baka hindi mo alam.. never pa ako nagkaroon ng girlfriend." --joomyun

"Oo alam naman namin yun. pero maswerte nga ba?" --myungsoo

"Sobra. Ito yung tipo ko ha. Babaeng di masyadong kahabaan yung buhok, cute pag ngumiti, mabait, maganda at syempre mahal ako parang yung dalawang yan sa harapan oh." --sabi ni joonmyun sabay turo kila minho at ji won. 

"Aishh! Bunso nga kayong dalawa. Magkasundo kayo e." --singit ni leeteuk sa usapan. 

"Syempre ah! Kami pa! Di ba noh myungso??" --joonmyun

"Oo naman! HAHAHA XDD" --myungsoo

Ganyan talaga kakulit yung dalawang yun. Hay nako! sa lahat ng bagay magkasundong- magkasundo. 


Habang nagda-drive si taemin napatingin sya sa rear view mirror at nakita nyang nakatulog na yung dalawa sa isa't-isa. Nakapatong yung ulo ni ji won sa balikat ni minho habang si minho naman nakasandal sa ulohan ni ji won. Nakadama nanaman sya ulit ng kaunting lungkot. Napaisip sya sa mga oras na yun... 

Taemin's POV: 

Bakit? Bakit ang hirap tanggapin yung totoo? Bakit ako nagpapanggap? Bakit sa pinsan ko pa nagkagusto yung taong kasa-kasama ko na simula pa nung bata pa ako? Hindi ba pwedeng ako na lang? Total ako naman yung kasama nya palagi e. Ako naman yung nanjan pagmay kailangan sya. Ako yung nanjan pag nagpapalusot sya sa mama nya. Ako yung nanjan para tulungan sya pero bakit sa pinsan ko pa? Ang hirap naman kasing diktahin ng puchang puso 'to! Sana na paralyzed na lang yung puso ko para wala na akong maramdamang sakit. Kung ako ang tatanungin ng teacher ko kung anong gusto kong tanggalin sa 5 senses ko, ang isasagot ko is touch. Para hindi na ganito kasakit yung nararamdaman ko... para kahit paano mababawasan 'to. Ang bigat. Sobra! Parang limang sako ng semento ang nakadagan sakin sa likod. Para akong tinatapak-tapakan ng kung sino- sino dahil siguro wala ako sa sarili sa tuwing maiisip ko 'tong nangyari ngayong araw na 'to. Tama ba ;tong ginawa ko? Tama bang tinulungan ko si minho? Ewan ko! Hindi ko na alam gagawin ko! Ughh...! Lord, anong plano mo sakin? Sino po yung taong ibibigay mo sakin? Sino yung taong nakadestiny para sakin? Matagal pa po ba sya darating? Ilang years pa po? 2 years? 5 years? o 10 years? Lord alam ko pong may plano kayo sakin kaya kahit masakit... maghihintay ako hanggang sa dumating yung right girl para sakin. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Kahit ilang taon pa ang lumipas mameet ko lang sya. Sana nga lang hindi nya rin ako saktan. At alam kong mahal nya ako ng sobra- sobra. Ang saya siguro nun. Hanggang dito na lang siguro dapat 'tong nararamdaman ko para sayo... Hanggang BEST FRIEND na lang siguro. Pero wag ka mag-alala, sa oras na may mangyaring anuman sa'yo... asahan mong darating ako. Bespren mo ko e kaya dapat nandun ako. 

End of Taemin's POV:

Ayun! Medyo nagdrama si taemin nung mga time na yun. Well freedom naman nya yun kasi sa isip lang naman yun e. Walang nakakaalam. Umiiyak sya pero pinipigil nyang makalikha ito ng ingay. Kumbaga umiiyak sya pero walang ingay. Tahimik lang sya para walang makarinig. Hay taemin... Ang hirap ng situasyon mo ngayon. Makakamove- on karin sa pagiging friendzone jan kay ji won, okay? Someday, Somehow makikilala mo rin yung girl na hinihintay mo. Be patient and Stay humble ka muna for now. 

After ng ilang minuto siguro mga 35 minutes narating na nila yung dorm ni minho. Nagising sila minho at ji won. Nakita ni minho na nandun na pala sila sa tapat ng hagdan paakyat sa dorm nya. 

"Nandito na pala tayo." --sabi ni minho tas uminat sya.

"Ay ganun ba." --sabi ni ji won ng magising rin sya.

"Tayo kana at ihahatid na kita sa dorm mo. Magpahinga kana at gabi na oh. Ayaw kong napupuyat ka, okay po ba yun?" --sabi ni minho tas binuksan nya yung pintuan ng kotse. 

"Okay na okay po :)" --sambit ni ji won tas ngumiti.

"Taemin." --tawag ni minho kay taemin. "Maraming salamat pre ha. Ihahatid ko muna sya." --minho

"Ha?! Ah okay sige. Ingat mo yan ha! Bespren ko yan! Pag yan may nangyaring masama jan... uupakan talaga kita kahit pinsan pa kita. Kuha mo?!!" --sabi ni taemin ng pasigaw.

"Okay po sir!" --sabi ni minho tas sumalute. parang nang-aasar. 

Umalis na sila at inihatid na ni minho si ji won sa dorm nito. Yung apat na itlog naman dun na muna tumuloy sa dorm ni taemin na ilang doors lang ang layo sa dorm ni minho.

Pagkarating nilang dalawa sa dorm ni ji won.

"Oh paano mauuna na ako? Magiingat ka ha. Tatawagan na lang kita bukas. I love you :D ♥" --pa sweet na sabi ni minho

"Hindi ka ba muna papasok sa loob? May ipapakita muna sana ako pero mukhang pagod ka na e, kaya sige sa ibang araw na lang. I love you too ♥." --ji won

"Ah hindi sige. Ano ba yung ipapakita mo?" --tanong ni minho

"Tara akyat ayo sa taas." --yaya ni ji won sa taas.

Pagakyat nila sa taas, kinuha ni ji won yung susi nya sa bag nya tas binuksan nya yung pintuan. Pagpasok nila sa loob...

"Ano yung ipapakita mo?" --minho "Ang ganda pala ng kwarto mo. Pero ano yun? Bakit may nakatakip na kurtina dun?" --dagdag na tanong ni minho.

Tumayo si ji won at hinila si minho papunta dun sa kurtinang nakatakip. 

"Gusto mong malam kung bakit nakatakip ng kurtina to?" --tanong ni ji won.

"Mmm!" --sagot naman ni minho

Hinatak ni ji won yung kurtina at nakita ni minho yung mga nakadikit sa dingding. Mga posters ni minho habang tumatakbo sa mga contest. 

tumblr_lqknousFcC1qe330w.jpg  tumblr_lqkicmae6r1qbf70so1_500.jpg tumblr_l8qlx9pG9i1qcl8qx.jpg

"Collectors ka ng mga posters ng mga games ko?" --tanong ni minho

"Oo naman." --agad na sagot naman ni ji won

"Grabe... In love ka talaga sakin noh?" --minho

"HAHA XDD Oo. ganun na nga. >.<" --ji won

"Teka bakit parang ang init?" --minho

"Mainit ba? tara baba muna tayo. Pagod ka na ba?" --ji won

"Hindi naman. Sakto lang. Tara!" --minho

Bumaba sila tas nilock ni ji won yung pintuan. Naglakad- lakad sila para magpahangin hanggang sa makakita sila ng bench na pwede nilang mapag- upuan.

TTBY08-00636.jpg TTBY03-00676.jpg

"Bakit? Anong meron? Bakit ganyan ka makatingin? --ji won

"Wala lang. Di pa rin kasi ako makapaniwala na girlfriend na kita ngayon." --minho

"Ano ka ba? Totoo 'to promise!" --ji won

"Alam ko. Kung panaginip man, sana wag na ako magising." --minho

"Hindi ka ba... nilalanggam jan?" --ji won

"Ha? Bakit?" --minho

"Ehh kasi masyado kang sweet. HAHAHA XDD Pwede?" --ji won

"Pwede pwede! HAHA XD" --minho

"Ang sarap ng hangin noh?" --ji won

"Nalasahan mo?" --minho

"Minho naman! Ang ibig kong sabihin masarap sa pakiramdam kasi malamig. Ang corny mo ahh. HAHAHA!!!" --ji won

"Biro lang syempre. Halika nga rito." --sabi ni minho tas pinasandal nya si ji won sa balikat nya.


After 6 months...

Ngayon na ang araw ng birthday ni Taemin. Nasa bahay sya ngayon at nag-aayos, naglilinis kasama ang kapatid nyang si Baekhyun. 

"Kuya inimbitahan ko na silang lahat, pupunta raw sila." --sabi ni baekhyun habang hawak nya yung cellphone nya. Katatapos lang nyang tumawag sa mga kaibigan nya.

"Okay sige sige. Sila hyungsik naimbitahan mo na rin ba?" --tanong ni taemin na nag-aayos ng lamesa.

"Opo kuya, lahat sila." --sagot naman ni baekhyun

"Ay may load ka pa ba? Pakitawagan nga si ate mo jiwon sabihin mo mamayang 7pm na yung Party wag nilang kalimutan pumunta." --sabi ni taemin

"Okay po kuya." --baekhyun

"Hindi na kailangan. Nandito na kami." --panggugulat ni ji won pag pasok ng pinto kasama si minho.

"Happy birthday insan! Tumanda ka nanaman. HAHA XD" --pang-aasar pa ni minho

"Oo nga e. Salamat. Teka mamaya pa ang party ahh. Anong ginagawa nyo dito?" --tanong ni taemin

"Alam na ming kailangan mo ng tulong ng babae kaya pumunta ako. Para tignan kung maganda ba yung mga designs na idi-display mo. Di ba Minnie?" --ji won

"M...minnie? ITO?! si Minho? Minnie?! Grabe ka naman bes, ginawa mong bakla 'tong insan ko. Kaw naman hindi ka man lang kumontra! Upakan kita e. Gusto mo?!" --sabi ni taemin kasi parang ginawa ni ji wong babae 'to si minho sa pangalan. Ang corny ng call sign nila. HAHA XDD. Ito namang si minho ni hindi man lang kumontra. Talagang nainlove ng sobra kaya okay lang lahat. NAK NG TOKWA! 

"Ang cute kaya. Di ba Minnie?" --pa-cute pa ni ji won sa harapan ni minho

"Mmm!" --tumango lang si ji won

"Kuya Minho kumusta ka na? Natatandaan mo pa ako?" --tanong ni baekhyun na matagal na namalagi sa seoul. Ngayon lang sya nakabisita sa kuya nya. Hindi sumagot si minho, it means hindi nya maalala kung sino yun.

"Hindi mo na sya maalala? Sige bigyan kita ng clue. Sya yung tiga tulak ng duyan mo dun sa palaruan nung nandun pa tayo sa seoul." --taemin

"Wait! B...ba--ekhyun? Baekhyun? Ikaw na ba yan?!" --hindi makapaniwalang sinagot ni minho

"Opo :D" --sagot naman ni baekhyun

"HAHA XD Grabe di kita nakilala ahh. Nakakagulat ka. Ang laki mo na!" --minho

"Ehh mas magulat naman po kayo kung hindi ako lumaki noh?" --panta-trash talk ni baekhyun

"Loko ka ahh.!" --minho

"Baekhyun?..." --taemin

"Joke lang po. Hihihih >.< Girlfriend mo sya kuya minho?" --tanong ni baekhyun

"Yup. Sya ang pinakamaganda kong girlfriend." --sagot ni minho tas inakbayan nya si ji won

"Tama sya don! Ayy ano ba yan! Tara na nga at magsimula na tayo. Puro na lang tayo bolahan dito." --ji won

"ehh sino ba kasi ang nagsimula?" --tanong ni minho

"Oo na kaya nga ako na rin ang magtatapos, okay? Tara na. Taemin ano bang uunahin?" --tanong ni ji won

"Eto pakilagay na lang dun sa may lamesa." --sagot ni taemin

"At hindi lang maganda. Masipag pa!" --sumingit nanaman ulit 'tong si minho

"Tama ulit sya dun! HAHAHA XDD" --sabi ulit ni ji won habang naglilinis ng lamesa.

"Oh kitam! Pag ikaw talaga ang topic bes... ang ingay mo!" --taemin

"HAHAHAHA >.< Sorry pooo..." --ji won

"Ang kwela ng girlfriend mo kuya. HAHA XD" --baekhyun

"Ganyan talaga yan. Sobrang madaldal. Tinatanong ko nga sya kung pinakain ba sya ng pwet ng baboy nung bata sya ehh. Hindi naman ako sinasagot." --minho

"Ayy alam na! Kuya... confirmed! >.<" --baekhyun

"Confirm na ano?" --minho

"Pinakain sya ng pwet ng baboy! HAHAHAHA XDD" --baekhyun

"Sira! Tara na nga tulungan na natin sila. tsss..!" --minho

"Ay ayaw mo maniwala." --baekhyun


"guys nagtext si minho, punta daw tayo sa birthday party ni taemin. dun sa bahay nila." --donghae

"Byahe again? Nakakapagod na ahh. Ayoko na!!!" --myungsoo

"It's already 6 months na rin since nung huli tayong pumunta sa japan para bisitahin si minho tas sabihin napapagod ka na?" --donghae

"Ehh kahit na ba. Ayoko pa rin!" --pang-aangal ni myungsoo

"Edi maiwan ka dito. Matulog kang mag- isa dito. Kumain kang mag- isa dito, okay? " --donghae

"Nasan na ba yung maleta ko? Yung damit ko sa cabinet ilalabas ko lang ha." --mabilis na sagot agad ni myungsoo

"Natakot ka noh? HAHA XD" --joonmyun

"Di naman, konti lang." --myungsoo

"Tara na pala. It's Impake time again!" --leeteuk


"Ayan maayos na! Okay na ba yan? Maganda na?" --taemin

"Yup bes. Maganda na." --ji won

"So ano pang gagawin natin?" --tanong ni minho habang nagpapagpag ng kamay.

Si baekhyun naman nandun sa labas tinatawagan yung mga kaibigan nya.

"Wala na. Ready na lang tayo for mamaya. Anong oras pupunta sila myungsoo?" --tanong ni taemin

"Nasa form na siguro yun ngayon." --sagot nya. Maya- maya nagring yung phonr nya. Tinatawagan na sya ni myungsoo. "And speaking of. sandali lang huh sagutin ko lang 'to." --dagdag pa nya.

Pabukas nya ng pinto..."

"KAMUKHA MO SI PETRANG KABAYO!!" --nagulat si baekhyun kay minho nung pagkabukas nya ng pintuan.

"Ano?! Kamukha ko si Petrang kabayo? Aww... ang hard nun ahh." --sagot ni minho na hawak- hawak yung phone nya.

"Joke lang kuya minho. Nakakagulat ka kasi ehh. Bigla- bigla mo na lang bubuksan yung pinto." --sabi naman ni baekhyun.

"Ehh anong gusto mong gawin ko? Kumatok muna bago lumabas? Anlupet nun ah. Saang bansa meron ganung tradition? Paki-explain, labyuu." --pilosopong sagot nya

"HEHEHE :D. di ko rin alam kuya ehh. Tanong mo po si kuya taemin, genius yun ehh. Ge kuya pasok na ako." --pilosopong sagot din nya kay minho

"Abay talagang pinilosopo mo pa ako ah." --sabi ni minho na nakatingin ng diretso kay baekhyun.

"Kuya wag kang titingin sakin ng ganyan nakakainlove yang mata mo. JOKE! ikaw kasi ehh, di ka naman mabiro." --pambibiro pa nya rito.

"Pasaway 'to."


7pm na ang nagsimula na yung birthday party ni taemin sa bahay nila. Dumating na sila myungsoo, donghae, leeteuk at joonmyun at yung mga kaibigan ni baekhyun na sina Kai, Chanyeol, Sehun, Tao, Luhan, Chen, Xiumin, Kyungsoo na kapaitid ni kai at Lay. Nagsisimula na ang party. Ang ganda ng tugtog, nakakapanghikayat sumayaw. May mga girls din naman na nandun at hindi lang si ji won ang nag-iisa. Nandun din naman sila viktoria, krystal, Bom, CL, taeyeon, seohyun at IU. yung ibang girls katropa nung mga kaibigan ni baekhyun tas yung iba naman kaklase ni taemin. nasa may isang sofa nakaupo sila taemin, minho at ji won habang si baekhyun nakikipagrakrakan dun sa mga kaibigan nya. Sayaw dito... sayaw dun. Kembot dun... kembot dito. Taas kamay dito... taas kamay dun. Halos hindi matapos yung sayawan dahil sa mga makukulit na 'to. Nabobored na si Taemin at nakita yun ni minho. Tumayo sya at pinuntahan si baekhyun.

"Baek. Now is the time. Nabobored na kuya mo. He wants to see something good. Gawin mo na." --utos ni minho. Ano yung inutos nya? ehh?

"Okay sige po kuya. Mga repapips... ... ... ... NGAYON NA!" Pagkasigaw na pagkasigaw nya nagsi tabi na yung ibang nandun tas pinatugtog na nung DJ yung isang malupet na kanta. Actually nakaform na sila nung time bago pa sabihin ni minho yun. Ibig sabihin planado talaga. 

"Careless, Careless, Shoot anonymous, anonymous...

Napatayong bigla si taemin mula sa kanyang kinauupuan nya. Lumapit sya dun kasama si minho. Nakikita sa mata ni taemin na nawawala unti yung pagkabordom nya. 

"Ang lupet pa lang sumayaw ng kapatid mo pre ehh. Whoo! IDOL! Baekhyun pa-autograph.!~" --sabi ni minho sabay umakbay ito sa kanya.

"Ngayon ko nga lang din nalaman eh. Di ko naman kasi nakikitang sumasayawa dito sa bahay yan. Puro lang yan dota, dota."

"Atleast ngayon, alam mo ng may talent sya. Di ba?" 

"Tama ka jan pre." --sabi nya. 

Nang matapos yung sayaw, nagpasalamat agad si taemin sa kanila.

"Thanks, Bro. Ang galing mo pa lang sumayaw eh." --pagpupuri nya kay baekhyun

"May pinagmanahan lang ako kuya at ikaw yun." --sabi nya.

"ASUS... nambola ka pa. Salamat sa inyo ha." 

Napansin ni kyungsoo bakit parang wala si Kai sa kanila. San kaya nagpunta ito? 

"Baek, napansin mo ba si kuya? Wala kasi sya e." --tanong ni kyungsoo kay baekhyun.

"Hindi e. Baka nag- CR lang yun." --sabi na lang nya.

"Baka nga."

"Teka san nagpunta si ji won?" --tanong ni taemin kay minho. Napatingin si minho sa kanan nya at nakita nya si Ji won papalabas ng pinto.

Minho's POV:

San pupunta si ji won? Bakit lalabas sya?

End of Minho's POV:

Lumabas si ji won at nakita sya si kai na nandun sa may bandang gilid ng bahay. May kaugnayan ba sila sa isa't- isa? Bakit sinusundan ni ji won si kai? Nakatalikod si kai ng tawagin sya ni ji won. 

"Kai." --tawag nya pero hindi ito tumingin

"Kai." --tawagin nya ulit sa pangalawang pagkakataon

"Kim Jong In!" --tawag nya sa pangatlong pagkakataon at sa oras na 'to, tumingin na sya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Kumusta ka na? You're so pretty like nung nasa america pa tayo. Do you... miss me? Huh babe?" --pacute na sabi ni kai.

"Babe? Wala na tayo okay. Tapos na! May mahal na akong iba. Teka! sinusundan mo ba ako?" --mahinang tanong nya baka kasi may makarinig sa kanila e.

"Di. ako. naniniwala. na. hindi. mo. na. ako. MAHAL." dahan- dahan syang lumalapit sa kinatatayuan ni ji won. "Alam mo, ako yung tipo ng lalaking hindi manhid. Nararamdaman ko pa rin kung mahal pa ako ng isang babae o hindi na and sa pagkakatingin ko pa lang jan sa mga mata mo, kumikislap na agad pag nakikita ako. right?" --sunod- sunod na sabi nya.

"Anong sina--" hindi na sya natapos dahil bigla syang hinapit nito at hinalikan. Di na nya nagawang magpumiglas pagka't hindi sya makawala sa mga labi ni kai.


"Ba't ang tagal naman ni ji won?" --tanong ni minho kat taemin

"Oo nga e. Pati si kai wala pa. Nasan kaya yung dalawang yun?" --pagtataka ni baekhyun.

Tumayo si minho at baekhyun. Hinanap nila yung dalawa. hinanap nila sa CR pero wala naman dun. Lumabas ng pinto so minho pero hindi nya nakita si ji won.

"Ji wo--" Pagtalikod nya, nakita nya ng dalawang mata nya ang paghahalikan ni kai at ji won. Nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya. Nagpupuyo sya sa galit kay Kai at maging ganun na rin kay ji won. Wala syang maisip na mali nyang ginawa rito. Hindi sya nanloko, hindi sya pinagdamutan, lagi nya naman itong nilalambing, binibiro pero bakit sya nagawa nyang lokohin si minho? Sumugod si minho at susuntukin nya na Kai.

WARNING: FOUL WORDS.

"Putang ina mo!! Hayop ka!! Anong ginagawa mo sa GIRLFRIEND KO?!!" --sabay sabay nyang inabutan ng suntok ang mukha ni kai. Hindi nya mapigil yung galit nya.

"Kai?! Nasa--" nakita ni baekhyun na nagsusuntukan si kai at minho kaya't pinigil nya ang dalawa. Nakita naman ito nung ibang tao na umattend dun sa birthday party ni taemin.

"Kai! Kuya minho! Tumigil na nga kayong dalwa! Ano ba sa tingin nyo ang ginagawa nyo ha?! Birthday ng kuya ko 'to. Naiintindihan nyo ba? Nandito kayo para mag saya at hindi mag-away." --sigaw ni baekhyun.

"Anong nangyayare dito? Minho! Kai! Ano 'to?" --tanong ni taemin nung pagkalabas nya.

"Itong tatandaan mo ha! Wala kang karapatan gawin kay ji won 'yon. WALA!!" --sigaw ni minho kay Kai.

"At bakit naman wala? Sino ka ba sa tingin mo? Boyfriend nya? huh.!" --kai

"Oo, bakit? Boyfriend nya ako pero ikaw wala kang connection sa kanya kaya wala kang karapatan!!" --galit na galit si minho

"Meron! Naging naging girlfriend ko sya nung nasa america pa kami! nung time sa nakikipaglaban sya ng gymnastic. KUHA MO?! kaya't anong sinasabi mong wala akong connection sa kanya?" --kai

"Ano...? naging girlfriend mo sya?..." --parang nawalang ganang tanong ni minho. Tumingin sya kay ji won na nakayuko at umiiyak. "Ji won... ano 'to? ano yung sinasabi nya? ANO 'TO!?" 

"Minho i'm sorry. may balak naman talaga akong sabihin sayo pero-- " --ji won

"So totoo nga?" --minho. 

Nagulat ang lahat ng nandun sa rebelasyon between kai and ji won. Nanlaki ang mata ni taemin na para din ba syang nasaktan. Sya na misong bestpren hindi nya nagawang sabihin sa kanya yun. 

"B...bespren?" --taemin. tumingin si ji won sa kanya. "B... bakit pati sakin? Bakit pati sakin hindi mo sinabi? I'm your bespren pero..."

"Bes, sorry... please wag kang magalit sakin." --pagmamakaawa ni ji won

"How could you do this to us? Niloko mo kaming lahat!" --taemin

"A...ang sabi mo ako ang una? Ang sabi mo... ako ang kauna- unahang minahal mo? Ang hindi ko alam, all those years niloloko mo lang pala ako. How could you do this to me? I've given you all. ALL! I didn't do anything to you. Pero bakit ito lang... hindi mo nagawang sabihin sakin?" --umiiyak na sabi ni minho

"I'm so sorry minho. I didn't intended to do that but I have no choice. I don't want to loose you. Minho I love you so much. And I Really do." --ji won

"No you didn't. A true love needs a person to be true. Understood?" --minho. Hinawakan ni minho yung kamay ni ji won. "And lastly..." binitiwan ni minho yung kamay ni ji won and umalis na. dumire- diretso sya sa labas ng gate ng bahay ni taemin. Lalo pang napaiyak si ji won ng bitawan ni minho ito dahil ang ibig sabihin lang nun ay wala na sila. Tapos na. Ang sabi kasi nila noon sa isa't isa na hindi nila bibitiwan ang kamay ng isa't- isa unless na magbreak sila. 

"Minho, i'm sorry..." --ji won

"Don't cry baby." --sabi ni kai na bigla naman syang sinuntok ni taemin.

"Go out! I don't want to see your friends here, baekhyun. GO OUT!" --galit na sabi ni taemin. "And you too." --dagdag nya sabay naka tingin kay ji won.

Walang magawa si ji won kundi ang lumabas na lang. Hiyang- hiya na sya. Wala na syang mukhang maipakita. Ngayon wala na sa kanya ang mga importanteng tao sa kanya, si taemin at ang pinaka mamahal nyang si minho. Dahil lang sa pagbabalik ni kai kaya nangyari lahat ng 'to. 


After 2 months nagkita ulit sina minho na kasama si taemin at ji won kasama si kai. Nagkasalubong sila sa isang coffee shop. Nagbow si ji won at nginitian lang sya ni minho. It seems na okay na sila. Nagkabalikan si ji won at kai. masayang bumati si minho kina ji won.

"How are you two?" --minho

"Ito okay naman." --sabi ni ji won na nakahawak pa sa kamay ni kai.

"I think so. sige mauuna na kami at may pupuntahan pa kami" --sabi na lang nya sabay umalis na.

"Umm-- pwede ko ba sandaling makausap si taemin? Please..." --ji won

Nag-usap ni taemin at ji won. Yung dalawa naman naiwan dun. Nag-usap rin sila.

"Anong sasabihin mo?" --tanong ni taemin na nakatingin sa malayo.

"Hanggang ngayon... galit ka pa rin ba sakin?" --tanong ni ji won

"Para sa isang bespren lang na katulad ko, malamang dapat hindi na di ba? ikaw ba, ano bang sa tingin mo?" --tanong ni  taemin saka umalis na. 

"Stop there." --ji won. Napaharap si taemin at nilapitan sya ni ji won tas niyakap. "Don't call yourself as bespren of mine but you're an special bespren. I love you bespren." --ji won. Napatigil si taemin hanggang bitiwan sya ni ji won sa pagkakayakap.

Napatawad na ni taemin si ji won at yun, okay na sila. Si kai at minho okay na rin.

End of taemin's POV:


star-pink-icon.png Yay! Natapos na rin. YES sa wakas mag-iingay na ulit si sulli. Mwehehe. Ang haba nu? Sorry po... HEHEHE XD. how this ending? Ang chorba ng episode na itu~~ Hay... nakakapagod kasi eh. Katatapos lang ng city meet kaya ayan... PAGOD OVERLOAD. Guys comment kayo. Author- nim wants to know your opinion. :D Bye guys and thank you :* ENJOY! ♥ Saranghae ♥ Kamsahamnida :*

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
-BlueFish-
Episode 2[A] is upp~!!!! ♥

Comments

You must be logged in to comment
cute_butterfLy
#1
what the heck ,, sulli is not talkative ..
FriendsAlone #2
Chapter 4: Parang ganito yung binasa ko nung isang araw ah. O.o MAMAMIYAH!
kpopfanatic143 #3
Chapter 4: Oh my MAMA miya! Ang haba. going to read this <3
kpopfanatic143 #4
Chapter 1: Ay ang taray! FriendsAlone Ang ingay mo ah! Gusto mo atang masipa ni author- nim ehh. Hehe kaibigan ko po kasing personal tong si friendsAlone ehh. Btw, sya nga po pala ang nagrecommend sakin nitong story na 'to. Hehe pinilit nya pa akong gumawa ng account sa di ko mamalayang website na ito. I really don't have idea in this. Shungang babae 'to ang ingay! Well hindi naman po sya nagkamali. 1st episode palang ang ingay na sulli. Teka bakit nga po pala episode? Hindi ba pwedeng chapters? wala leng natanong ko lang po. Congrtas author nim. Leeteuk biased and i'm a new reader. Continue continue please...?


parang wattpad. Di ba noh FrindsAlone? hahahahahahaha xD
FriendsAlone #5
Nauna ko pang basahin yung Episode 2[B] kesa sa Episode 2[A]. Nak ng tinapa sa baketa ipinanganak naman oh! Tsk!
FriendsAlone #6
Chapter 2: Huli ka balbon! Tangi pa minho :D
FriendsAlone #7
Chapter 2: Ang torpe naman ni minho dito. TAE! na love at first sight. hahahaha <3


Akala ko naman kung sino yung si taemin kay ji won. bespren nya pala. kekekekekeke XDD

Ayan nabasa ko na >.< Mwihi!
FriendsAlone #8
Chapter 3: hahahahahaha XD. natotorpe nanamana si minho. Ang chorba nya lungss. Dami kong tawa nung suport pa sila e ampu*a! "Para kay minho. Para sa love life ni itlog!" hahahahaha. by the way, authornim, tanong ko lang. bakit yang utak mo ganyan? hehehe ^^,


Update soon author- nim. Thanks sa pag update. Nabuo na yung araw ko :D
taeminie12
#9
Chapter 3: hehehe...kakatuwa ang cute ng storya :)
update soon po...salamat po author-nim
memoirQue
#10
Chapter 2: LOL. I love you too dongsaeng! hahahha~~ <3 <3 <3

Nakakaloka ang mga scene! OMG..Minho humihingi ka ng payo kay Fancundo, magaling yun promise!! haha~ JK.

UPDATE!! ~~~~ Akala ko boyfiee keme ni Taemin si Jiwon ehh! WOOOO~ TT____________TT