Final

Contigo

 

 

 

Sabi nila, lagi mo raw sundin ang puso mo. Pero pano kung isang araw, mabigo ka sa pag-ibig, mabasag ito at magkandapira-piraso. Anong piraso ang susundin mo?

 

“Yung pinakamaliit na piraso para hindi masyadong masakit.”

“Ha?” lumingon si Xiumin kay Jongdae, nagtataka kung anong ibig-sabihin ng sinabi ng kaibigan.

“Wala. Yung tanong kasi ni Yifan sa text niya” ngiti ni Jongdae at itinago na ang cellphone niya sa bulsa saka sila nagpatuloy na maglakad.

“Nagsasalita ka nanaman mag-isa dyan, baka nababaliw ka na ah” biro ni Xiumin at natawa na lang ang binata.

“Ito naman. Kapag nabaliw ako, ikaw may kasalanan nun. Mababaliw ako sayo” si Xiumin naman ang natawa, pero nawala ang ngiti niya nang makita ang seryosong mukha ni Jongdae.


“U-uy.”



“Gusto kita, Xiumin.”


Napatigil si Xiumin sa paglalakad at liningon siya.

 

“Jongdae…”
 

“Alam ko, kaibigan lang ang turing mo sa akin. Ayos lang, hindi masakit. Tanggap ko naman yun eh. Alam kong may iba kang gusto, parang kakakwento mo nga lang sakin kanina hindi ba? Sino ba ulit yun, si Lu Han?” marahang tawa ni Jongdae at napakamot ng ulo.

 

Sinungaling ka talaga Jongdae. Masakit kaya. Sobra.

 

Nanatili sa kinatatayuan si Xiumin, tila hindi makapagsalita dahil una palang, hindi niya naman talaga alam ang dapat niyang sabihin.

Gusto pala siya ni Jongdae. Hindi niya alam.
Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Pero isa lang ang gusto niyang sabihin dito.

 

“I’m sorry.”

 

Umiling si Jongdae.

 

“Wag kang humingi ng tawad sakin. Ako ang dapat humingi nun, kasalanan ko. Minahal kita kahit hindi dapat. Masyado kong hinayaan ang puso ko na umasa na baka mahalin mo rin ako. Na baka may pag-asa na maging tayo. Pero alam kong may gusto kang iba, kaya gusto kong maging masaya ka sa piling niya. At hahanap din ako ng kaligayahan ko sa piling ng iba.”

Tumalikod si Jongdae at tumawa, pero ang totoo, umiiyak na siya. Tinatago lang niya ang mga luha niya sa ilalim ng kanyang tawa.

 

“Sige, may klase pa pala ako. Bye.”

 

 

 

Sa totoo lang, maswerte pa rin si Jongdae, dahil magkaibigan pa rin naman sila ni Xiumin sa kabila ng nangyari nung araw na yun. Pero minsan, kapag dumadating sa isang punto na biglang magtatanong o magsasalita si Xiumin tungkol sa mga sinabi ni Jongdae, iniiba niya ang paksa ng usapan nila at iniiwasan na maalala pa iyon. Dahil tulad ng sinabi niya tungkol sa text ni Yifan, ang pinakamaliit na piraso ng nabasag niyang puso ang susundin niya para hindi masakit, ayaw niya nang masaktan muli. Ngayong masyadong malala na ang naramdaman niyang sakit mula sa kaibigan.


 


 

 

 

Lumabas si Jongdae ng classroom nila, buhat-buhat ang isang mabigat na stack ng photocopy papers dahil utos sa kanila ng prof nila na dalhin daw ito sa faculty. Dahil marami ito at mataas, hindi masyadong makita ni Jongdae ang binababaan niyang hagdaan, resulta para malaktawan niya ang isang baitang at mahulog siya sa hagdan. Nagkalat ang mga papel sa paligid habang namimilipit naman si Jongdae sa sakit.

“Ui! Okay ka lang?”

Napa-angat ang ulo ni Jongdae sa nagtanong at tinitigan niya ito ng masama.

“Sa tingin mo? Syempre hindi! Nahulog nga ako sa hagdan eh, napilayan pa ako. Okay pa ba yun?”

“Ay sorry, naninigurado lang kasi ako” napakamot lang ito ng batok at napapalatak na lang si Jongdae saka nagtangkang tumayo, pero sumakit ulit ang pilay niya.

“Halika dalhin na kita sa clinic para magamot yan ng nurse” hinawakan niya si Jongdae sa bewang at inalalayan niya itong tumayo para madala niya siya clinic.

“Salamat—”

“Junmyeon, Kim Junmyeon.”

 

“Salamat, Junmyeon.”

 

At ganun dumating sa buhay ni Jongdae si Junmyeon.

 

 

 

 

 

Nang dumating si Junmyeon sa buhay ni Jongdae, tuluyan niyang nakalimutan ang sakit na naramdaman niya nung minahal niya si Xiumin. Laging andyan si Junmyeon kapag kailangan niya ng kausap, kapag masya siya, kapag malungkot siya, pinapasaya siya, tinutulungan siya, laging andyan si Junmyeon. Hindi niya iniwanan si Jongdae.

 

Isang araw, nalaman na lang ni Jongdae mula kay Yixing na si Xiumin at Lu Han na pala. Nung una, pinuntahan niya pa si Xiumin upang icongratulate ito. Kasama niya si Lu Han, at masaya silang dalawa, magkahawak ang kamay at nagtatawanan.

 

Umatras si Jongdae at tumalikod para umalis na. Nakasalubong niya sa hallway si Junmyeon na papunta sana ng classroom, niyakap niya ito ng mahigpit saka umiyak.

 

Wag na lang Jongdae, masaya na siya.


 


 

 

 

“Jongdae”

“Hmm?”

“Pwede magtanong?”

 

Nasa apartment ni Jongdae si Junmyeon at nanunuod ng pelikula ang dalawa. Nakahiga si Junmyeon sa sofa at ang ulo niya ay nakapatong sa hita ni Jongdae. Si Jongdae naman ay pinaglalaruan ang buhok ng kaibigan at tahimik na nanunuod. Nilipat ni Jongdae ang tingin pababa sa kanya.

 

“Ano yon?”

 

 

“Kung maging tayo ba, makakalimutan mo ba siya?”

 

 

Tumigil ang kamay ni Jongdae sa paglalaro sa buhok niya at nagkatinginan silang dalawa. Hindi alam ni Jongdae kung ano ang sasabihin, masyadong biglaan at hindi niya inaasahan itong tanong na ito.

 

“H-ha? A-anong klase tanong y-yan?”

 

Umupo si Junmyeon at hinawakan ang mga kamay ng Jongdae, tinitigan niya sa mga mata ang huli at huminga ng malalim.
 

“Jongdae, gusto kita. Gusto kong kalimutan mo si Xiumin at ibaling ang tingin mo sa akin. Ayokong makita kitang umiiyak dahil sa kanya. Gusto kitang pasiyahin, gusto kitang nakikitang nakangiti dahil sa akin. Mahal kita Jongdae, sa loob ng ilang buwan na pagiging magkaibigan natin, natutunan kitang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan at sana may pag-asa naman ako sayo kahit pano.”


Binitawan ni Junmyeon ang mga kamay niya at ipinikit nito ang mga mata niya nang titigan lang siya ni Jongdae ng kakaiba. Inihanda niya na ang sarili sa sakit na mararamdaman niya, pisikal at emosyonal. Pero sa halip, ilang segundo makalipas ay naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Jongdae sa kanya at mga luha na binabasa ang kanang balikat niya.


“So, oo ang sagot?” binuksan niya ang mga mata niya at niyakap din si Jongdae na tumatango naman sa balikat niya. Napangiti siya.

“Okay lang kahit maging rebound o panakip butas mo ako, basta mapasaya kita Jongdae, sulit na yun.”

 

Umiling si Jongdae at hinarap si Junmyeon, pinunasan naman niya ang mga luha nito sa mata at patuloy na nginitian siya.

 

“Hindi kita magiging rebound o panakip butas, Junmyeon. Ikaw ang hinahanap kong kaligayahan, natagpuan ko ang kaligayahan kong yun sa’yo.”

 

 

“…Pero alam kong may gusto kang iba, kaya gusto kong maging masaya ka sa piling niya. At hahanap din ako ng kaligayahan ko sa piling ng iba.”

 

 

 

Si Junmyeon ang kaligayahan niya.

 

 

 

 



 

 

Tatlong buwan din ang lumipas at naging masaya si Jongdae sa piling ni Junmyeon, minahal siya nito ng buo at sinuklian niya naman ito ng higit pa. Kay Junmyeon siya naging masaya at kahit kailan man ay hindi siya nagsisi na binigyan niya ito ng pagkakataon. Dahil hindi siya kailan man sasaktan ni Junmyeon at may tiwala siya dito.

 

Malelate na si Jongdae sa Chemistry class niya at mabilis siyang naglalakad habang inaayos ang mga libro sa bag niya.

“Si Junmyeon naman kasi eh, alam naman niyang may practical test kami ngayon nangulit pa” bulong niya sa sarili at patuloy na naglakad. Sa sobrang pagmamadali at hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya, nagkabanggan sila ng taong kasalubong niya.

“Sorry— Xiumin?”

 

“Jongdae”

 

“Sorry, malelate na ako sa klase ko” nagmamadaling sabi ni Jongdae at tumalikod paalis ngunit hinawakan siya sa braso ni Xiumin upang pigilan ito.

“Sandali.”

“Ano yun? Bilis na malelate na ako”

 

“Mahal mo pa ba ako?”

 

Nanatili si Jongdae sa pwesto niya, ang pag-alala na malelate na siya ay nakalimutan na sa tanong ni Xiumin.

“Anong klaseng tanong yan?”

“Gusto ko lang malaman.”

“Para saan? Para malaman kung nasasaktan pa kaya ako kapag magkasama kayo ng Lu Han mo?”

Hindi ito nagsalita. Gusto niya tuloy suntukin si Xiumin.

 

“Gusto mo malaman kung mahal pa kita? Oo, yun ang sagot. Mahal pa kita, pero masaya na ako kay Junmyeon. Kaya wag kang mag-alala, kahit maglandian pa kayo ni Lu Han sa harap ko hindi na ako maapektuhan.”

 

Napangiwi si Xiumin sa pabalang na sagot ng kaibigan.

 

“Jongdae—“

 

"Mahal kita Xiumin, pero si Junmyeon ang pinili ko. Kasi kay Junmyeon ako magiging masaya at alam kong kahit kailan hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay ko sayo.

Naalala mo pa ba yung sinabi ko halos isang taon na ang nakakalipas? Gusto kitang maging masaya kaya pinakawalan kita, dahil alam kong magiging masaya ka sa piling ni Lu Han. Gusto ko din maging masaya, at nahanap ko na ang kasiyahan ko. Kuntento na ako na magkaibigan lang tayo.”

 

Tumalikod si Jongdae, hindi na hinayaan pang makapagsalita si Xiumin at umalis na.
Nanatili naman si Xiumin sa kinatatayuan niya at tulalang tinignan si Jongdae na papalayo sa kanya.

 

 

 

 

“Masaya ako kay Lu Han, Jongdae….pero ikaw ang mahal ko.”


 

 

 

 

/dodges from flying tomatoes.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Kyle_Braganza
#1
Chapter 1: old fic i know... I just read this today and it's so nice! Thank you po :")))
wildbubblerificster #2
Chapter 1: ehmehged. bakit.. bakit ganito?! ang puso ko, nagdurugo na. ;~;

/tapon kamatis
uikaxxlockheart
#3
Chapter 1: pala saeng? XD