Wave

Wave

Title: Wave

Category: Romance/Short Story

Copyright: All rights reserved 2013

Charater's Name:

 Im Yoona as Iya

Jang Geun Suk as Sai

Author:

Aya Matsumoto

 

=Iya's Point Of View=

Heto na naman. Mahaba habang biyahe ito. Malayo pa kasi 'yung pupuntahan namin. Naalala ko tuloy yung past two years ko. Same date. Same time. Same place pero hindi same sa araw. Di ko talaga makakalimutan ang araw na iyon.

[Before Two Years]

"Lahat po ba ng pasahero ay nandito na?" tanong ng helper ng bus na sinasakyan ko papuntang province. Isang roro bus ang sinasakyan ko. Sa Aklan kasi ako pupunta for two weeks vacation.

Yes, Yah, Oh Yes, Oh Yeah, Oo or Opo yan ang mga sagot ng ibang pasahero. Ako naman ito ang sagot ko "....." oh di bah! Ang bait kong pasahero. Tino ko sumagot. Ni hindi ko nga sinabi na wala pa yung katabi ko. Okay nga yun eh. Kasi wala akong katabi. Ayoko kasi ng mga nagiging katabi ko sa bus.

Minsan kasi ang nakakatabi ko sa upuan ay matandang may sakit. Minsan mataba na walang ginawa kundi kain ng kain. Parang PG or Patay Gutom kung kumain, ni hindi man lang nagyaya. Minsan naman kanta ng kanta wala naman sa tono yung boses. Tanggal yung tutuli ko sa tenga or basag ang eardrum ko. Ang pinaka-worse sa lahat ay ang makatabi ko ay mataray or OA. Ang arte arte tulo laway naman.

Di ba nakakadiri? Kaya ko pa silang makasalamuha sa barko but yung buong oras ng biyahe katabi ko sila. Waaah! Di ko na kerib

Lonely passenger ako. Ulet. Dapat may kasama ako eh. Kaylan nagkaroon ng emergency yung kasama ko ngayon kaya di ko na kasama. Kaya pag di dumating si magiging katabi, aba solo ko ang tatlong upuan. Kapag dumating si magiging katabi, agad agad ihaharang ko sa gitna namin yung gamit ko.

"Wait!" narinig kong sigaw ng isang boses lalaki.

Patay!may katabi ako. Iri-ready ko na yung gamit ko.

"Hay naku! Kuya muntik ka nang maiwan." parang inis na sabi ni Mr. Conductor.

"Sorry po." apologize ng lalaki.

Ewan ko ba sa brain at ulo ko kung bakit tumingin ako sa magiging katabi ko este katabi ko na pala.

Ohlolololo... OMGGG! As in Oh Mah Golly Golly Goll. Ang poge poge! Waaaah! Gusto ko na siya katabi. Katabi habang buhay.

Tumingin sa ibang direksyon si Koyah Poge. "Ahehehehe... Kasalan kasi pinsan kong babae kaya muntik na ako ma-late. Kesehodang mami-miss daw nila ako ng pamangkin ko. Akala naman nila isang taon akong mawawala eh isang buwan lang naman ako sa Aklan." tapos tumingin siya sa akin.

Waaah! Ang poge mo koyah! Gezto na keta. Heh Iya! Kung ano ano lang pinag-iisip mo. "Aaah. Taga saan ka ba sa Aklan?" hayayay. Buti may nasabi ako.

"Kalibo ako. Eh ikaw saan ka bababa?"

"Sa tangalan."

"Ibig sabihin mauuna ka palang bababa sa akin bukas." ngumiti na ito.

Waaah! Lalo siyang pumogi. Magpakilala kaya ako sa kanya? Wag na lang. Baka isipin ni Koyah Poge type ko siya. Pero type ko naman talaga siya. Poge kaya niya.

"Sai/Iya." sabay naming sabi sa pangalan namin.

"Ikaw na muna."

"No ikaw muna." thump thump thump thump. Bilis ng heartbeat ko.

"Sai."

"Iya." at nag-shakehands kaming dalawa. Na-feel kaya yun ni Koyah Poge---este Sai? Yung voltage ng kuryente or whatever thing yun. Nagkatitigan kaming dalawa.

Me ------------> <____< >____>  <---------------- Sai

Parang may connection sa aming dalawa. Di siguro matatapos ang titigan to the max peg namin kung di lang biglang umandar yung bus.>

"Uhm... Ano ang gagawin mo sa inyo kaya pupunta ka doon?" tanong ni Sai.

"Vacation and makiki-fiesta." sagot ko. "Eh ikaw?"

"Ganun din." ngumiti ulit ito. Yun ang umpisa ng kwentuhan namin sa buong biyahe namin papuntang Batangas Port. As in hanggang sa loob ng barko ay kwentuhan pa rin kami.

Si Sai kasi 'yung taong di ka magsasawang kausap. Sunny face kasi 'yung mukha niya. All time nakangiti. Plus mo pa, ang gentleman niya. Hindi yung sumasayaw ng gentleman ah. Siya 'nga nagdala ng baon ko. Siya ang nagdala ng baon ko. Siya ang nag-ready ng food ko. Ultimo kapag may kukunin akong lunchbox ay siya ang kukuha. Kulang na nga lang, subuan niya ako eh.

"Mas maganda pa rin ang kwemto ng Twilight kaysa Vampire Diaries. Kasi tapos na 'yung Twilight at mas may thrill 'yun." -Sai.

Bonus na nga ang pagiging bookworm nito katulad ko.

"Mas gusto ko pa rin ang Vampire Diaries kahit di pa tapos 'yun and thats final." tumingin ako sa dagat. Ang ganda ng pag-wave ng dagat. Naramdaman ko na may umakbay sa akin. Napatingin ako sa umakbay sa akin. Waaah. Ang lapet ng mukha ni Sai.

"Okay 'yun na rin ang gusto ko."

Thump. Thump. Thump. Thump. Thump. Thump. Thuuuuuump! "Talaga?"

Tumango ito. "Bakit ba natin pinagdidebatihan yang dalawang book na yan eh pareho lang naman silang vampire stories."

"Kunsabagay..." mamayang konti ay dumating na sa mindoro ang barko. Ina-antok na nga ako eh. Nakakapagod ding makipag-kwentuhan. Nang bumalik na kami sa bus ay may nalaglag na gamit ko sa ilalim ng upuan namin.

"Ako na ang kukuha." at lumuhod si Sai para kunin yung nalaglag kong gamit. Ako naman di ko na nakaya nakatulog na ako.

=Sai's Point Of View=

"O ito ---" boom. Nahalikan ako ni Iya. Nakow. Pinangarap ko na mahalikan ako ni Iya pero yung tulog siya, nakow naman oh. Inayos ko ng sandal si Iya. Matagal ko nang kilala si Iya pero siya di niya ako kilala.

Paano nangyari yun. Ganito kasi yun. Yung pinsan kong si JM at si Iya ay magkaibigan. Pinakita sa akin ni JM yung picture nila ni Iya tapos na love at first sight ako kay Iya.

Sinadya talaga ni JM na hindi sumama kay Iya ngayon para daw solo naming dalawa yung tatlong upuan. Ganda ng plano ni JM 'noh?

Umupo na ako sa tabi ni Iya. Nakapatong na yung ulo ni Iya sa shoulder ko.

Ang ganda talaga niya. Ang saya ko nga eh. Close kaagad kami. Ang sabi kasi sa akin ni JM pili lang daw yung mga kinakaibigan ni Iya. Swerte na lang daw ng taong iyon kung sakaling naging mabait at magkwento ito. At isa ako sa mga swerteng tao na yun.

Hihihi. Susulitin ko ito.

=Iya's Point Of View=

"Wake up sleepy head." gising sa akin ni Sai.

"Nasaan na tayo?" tanong ko.

"Bababa na tayo sa bus para sumakay ng barko papuntang Caticlan." sagot ni Sai.

Tumayo na ako at as usual si Sai pa rin ang nagdala ng gamit ko. And infairness holding hands ang peg namin ngayon. Keleg much nemen.

"Dito tayo." at nilagay ni Sai sa isang kama malapit sa bintana ang mga gamit namin. Paano naman kasi puno lahat ng bed sa barko occupied na. Ito na lang ang wala pang tao. Share share share na lang kami sa bed. "Ina-antok ka pa rin ba?"

Tumango ako.

"Sige mahiga ka na."

"Paano ikaw?"

"Uupo na lang ako. Full charge na kasi ako." ngumiti ito.

Gumanti rin ako ng ngiti at nahiga na ako.

 

NAGISING ako na feeling ko ay nakalutang ako. Teka may kumakarga sa akin. Si... Si... Si... Sai *w*wow nemen. Sweet.

"Uhm Sai ibaba mo na ako."

"Ah sure." at binaba na niya ako. Exact na nasa harap na kami ng bus. "Ingat sa pag-akyat."

Ngumiti ako. Heto na. Malapit na akong umuwi. Malapit na akong malungkot imbes na masaya dahil maghihiwalay na kami ni Sai.

"Tangalan." sigaw ng helper.

"Ako." tumayo na ako at bumaba na ako sa bus.

Binaba na ng helper at conductor lahat ng gamit ko. Pati din si Sai tumulong.

"So this... So its goodbye na." mali pa yata ako ng grammar.

"No. Ito ang umpisa."

Ano daw? Di ko na-gets. Nosebleed. "Sai---" what the---He kiss me on my lips.

"Good morning Iya." bumalik na ito sa bus at bago ito tuluyang pumasok ng bus ay nag-wave ito. Sign na aalis na ito.

[Back in Present]

"Naalala mo na naman yun?" tanong ng asawa ko na si Sai.

Ngumiti ako sa kanya. Yes si Sai nga ang asawa ko. Ang ibig niya ng 'Ito na ang umpisa' at ang pag-wave niya sa akin ay iyon ang umpisa ng panliligaw niya sa akin at ang makuha niya ng lubusan ang puso ko. Masasabi kong masaya ako ngayon dahil ko na si Sai panghabangbuhay at tunay na kaming nagmamahalan.

"May new memory tayo ngayon." at hinawakan nito ang kamay ni Saiya. Siya ang first baby namin. "Coochie, coochie, coo."

p>

Tumawa naman ang baby namin.

~The End~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet