III - Thethe ni Luhan; Baekbaek ni Chanyeol

SPELL BAKLA

Nagbabantay sila sa bus stop ng bus nang may dumaang couple sa harap nila.

“Uy, si Chanyeol yun ah!” masayang sabi ni Sehun nang makita ang kaibigan. Tinawag n’ya ito at ang kasama na sa tingin n’ya ay syota nito.

“Mga kaibigan, ito nga pala ang boyfriend kong si Luhan.” masayang ipinakilala ni Sehun ang kasama n’ya.

Nag-bow naman si Luhan at ang sabi ay, “Hi. Ako nga pala si Luhan, ang nagmamay-ari sa Thetheng ito.” Sabay turo kay Thehun.

“Wow ang sweet naman ng tawag! Aykenot.” kinikilig na komento ni Baekhyun.

“Ano ka ba? Di ka pa ba kuntento sa tawag ko sa’yo?” tanong ni Chanyeol na may napakalaking… boses. “Sehun at Luhan, masaya kong pinapakilala sa inyo ang maliit ngunit bumibirit kong Baekbaek.”

Napayakap naman si Sehun kay Luhan sapagkat kinilig s’ya sa dalawa.

“Mas sweet naman pala kayo eh.” sabi pa nito.

“S’yempre naman. Nung dumating s’ya sa buhay ko, sabi ko hinding-hindi na ako titingin sa ibang Baekbaek.” nakangiting ewan na sabi ni Chanyeol.

Nagkwentuhan muna sila habang naghihintay si Sehun at Luhan ng bus.

“Ang ganda naman ng kulay ng buhok ng Thethe mo, rainbow.” sabi ni Chanyeol nang mag-usap sila ni Luhan, manly-to-manly.

“Oo nga eh. Pero buti na lang hindi nanlalagas buhok ng Thethe ko sa kapapalit ng kulay.” sabi naman ni Luhan nang may pag-aalala.

“Okay lang yan, fre. Malago pa naman eh. Yung Baekbaek ko din malago ang buhok. Minsan nga kinukulot ko pa eh.” sabi ni Chanyeol at tumawa nang malakas.

Samantala, ang dalawang dalagang hilaw ay nag-uusap at mahihinhing nagtatawanan.

“Favorite past time talaga namin ni Chanyeol ang magsubuan ng ice cream.”

Ikinwento ni Baekhyun kay Thehun ang mga landian moments nila ni Chanyeol. Ito ang nangyari…

 

“Unahan tayo Baekbaek ah! Ang unang maka-ubos ng ice cream, may premyo.” sabi ni Chanyeol na malaking… ti…nig.

Nag-unahan sila sa pag-ubos ng ice cream at nauna naman ang baekla.

“Wow! Ang galing-galing talagang humigop ng Baekbaek ko.”

“S’yempre naman! Ako pa. Para saan pa at tinawag akong Super Baekbaeklicious.” sabi ng malandi at saka kumindat.

 

Yun nga ang isa sa mga napakaraming lambingan ni Chanyeol at ng Baekbaek nya.

“Pareho pala tayo noh? Kaya lang hindi ice cream ang sa amin ni Luhan eh.” masayang wika ni Sehun.

“Talaga? Ano naman ‘yun?”

“Itloooog! Malalaking itlog!” sabi ni Sehun sabay takip sa bibig na parang nahihiyang kinikilig ang gaga.

Nang makitang dumadating na ang bus, tumayo na si Sehun at Luhan at nagpaalam sa dalawang kaibigan.

 

Nakasakay na sila sa bus noon ngunit tumigil ito sa isang bus stop para magpasakay pa ng ibang pasahero.

“Thethe, tumayo ka. May matanda oh, walang upuan.” sabi ni Luhan nang makita ang isang matanda na nakabitin sa bitinan sa bus. XD

“Ano? Ikaw na lang ang tumayo, mas manly ka eh.” gulat na sabi ni Sehun hawak-hawak ang dibdib n’ya kasi hindi s’ya makapaniwala na pinatatayo s’ya ni Luhan.

“Hindi. Ikaw ang Thethe kaya ikaw dapat ang tatayo.” sambit ni Luhan at biglang napatawa nang ma-realize ang sinabi n’ya.

“Ano?” naguguluhang tanong ni Sehun.

“Wala wala. Sabi ko tumayo ka na at kawawa naman ‘yung matanda.”

Wala nang nagawa si Sehun kundi tumayo. Naiirita s’ya sa boyfriend n’yang hindi gentleman. Nang makalipas ang ilang minuto at pagod na s’ya sa pagtayo…

“Luhaaaan.” tawag ng naka-pout na Sehun. Hindi sumagot si Luhan at malayo ang tingin nito. “Luhaaaan.” tawag na muli ni Sehun.

At nang hindi talaga lumingon ang boypren n’ya, sumigaw s’ya nang napakalakas. “Luhan! Kandungin mo ako!”

Nagulat si Luhan at nanlaki ang mata sa narinig.

“Tumahimik ka nga Thethe. Ano ba? Nakakahiya sa mga nakakarinig!” nanlalaki ang matang sabi ni Luhan.

“Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko? Sabi ko lang naman eh pakandong.” nagtatakang tanong ni Sehun.

“Sshhh! Tama na Sehun! Nasa public place tayo, wag ka magulo!” kinakabahang sambit ni Luhan.

Naiinis na si Sehun kasi hindi n’ya maintindihan si Luhan babes nya. “Ano ba? Pagod na ako dito. Kandungin mo naman ako! Tapos pag pagod ka na, ako naman kakandong sa’yo. Sige na, kandungan na tayo!” malakas na sigaw nito.

“Ikaw Thethe ah, okay sana kung private place pero sige i-announce mo pa dito, ibe-break na kita!” pabulong na sabi ni Luhan.

Biglang tumawa nang malakas si Sehun nang ma-gets n’ya kung ano ang nangyayari.

“Ikaw talaga, Luhan hyung! Ibang kandong nasa isip mo ano? Ang aga-aga, yung sounds like kandong iniisip mo.” tawa pa nang malakas ang Thethe.

Napahiya naman si fafa Luhan at tuluyan nang kinandong si Thehun.

 


Grabe nakakastress. I'm so 3 Napahaba tuloy. XD 3 TT___TT

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SoSquishy #1
Chapter 3: I'm on the verge of crying. The eggs TT^TT waeees ? ? Anyway. Gusto ko itey <3
kailapotz
#2
Chapter 3: baekbaeklicious!!!!!!!!! meged!!! update xD
falteringbreath
#3
Chapter 3: LOLS. Napaghahalataan pong walang magawa, ano po? HAHAHAHAHA Shet XD Hindi pumasok sa isip ko na makagawa ng mga pangalan na ganto sa EXO XD
ynnarhin
#4
Chapter 1: nakakatuwa nice..........
PeppermintMist #5
Chapter 1: Omg I swear exo has one of a fandom. Lol this is so interesting and I could read tagalog which makes this more fascinating. Galing mo authornim!Nakakatawa ang kuwento mo lol.
yixingism
#6
Chapter 1: I can't read Tagalog to save my life. Omg the tittle tho xD
kailapotz
#7
Chapter 2: whahhahhah.. author na ggm ako XD pero maganda.. keep at the good work.. I love thethe!! LoL~
kailapotz
#8
nice nice!! xD