2 years and 5 months

2 years and 5 months

Gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon. Alam kong hindi pa huli ang lahat para itama ang mga pagkakamali at kahangalan ko, pero malinaw sa akin na malapit na ang katapusan. Kung hindi pa ko kikilos ngayon, walang mangyayari. It's now or never.

 

"Sure ka na ba diyan sa gusto mo Imee?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mia.

 

Si Mia ang natitira kong kaibigan mula nang talikuran ako ng mundo. Siya lang ang tanging nakakaintindi sa akin kung bakit ko iyon nagawa.

 

Pinilit kong ngumiti para sa kaibigan ko at para na rin sa sarili ko. "Yes Mia. I'm one hundred percent sure na sa gusto ko. I want to spend this day sa napakagandang paraan and wala naman na akong maisip na mas maganda pang paraan kaysa sa gagawin ko, hindi ba?"

 

Hinawakan niya ang kamay ko na para bang hindi maganda ang naiisip ko pero suportado at ginagalang naman niya ang desisyon ko. Kasabay ng pag ngiti niya ay ang pagbalong din ng mga masasagana niyang luha.

 

Niyakap ko siya at pilit na pinapatahan. "I don't know na mapapaiyak ko ang isang Mia De Real," natatawa kong puna sa kanya habang hinahaplos ang likod niya. "Isipin mo, parang dati lang ako ang pinapaiyak mo. Tapos ngayon ikaw na ang umiiyak."

 

Si Mia De Real ang tipo ng babaeng walang kinakatakutan. Hindi kami magkaibigan dati. Sa totoo lang ay siya ang mortal kong kaaway. Lagi niya akong inaaway at minamalditahan dahil sa iisa lang lagi ang nagugustuhan namin. Gusto ko ng ganitong bag, gusto rin niya iyon. Gusto ko ng dress na ito, gusto rin niya ito. Gusto ko ang isang lalaki, gusto rin niya. Si Jedd ang lalaking tinutukoy ko. Parehas naming mahal si Jedd pero malas niya, ako ang mahal nito.  Isa kami sa mga tao na parang iisa lang ang utak kung mag-isip. Sadly, hindi kami yung tipong magkasundo. Pero nagbago ang lahat nang may mangyaring walang nag-aakalang pwede pa pala iyong mangyari. Naging matalik kong kaibigan ang mortal kong kaaway na si Mia.

 

"I hate you Imee!" Napangiti ako sa narinig ko kay Mia.

 

"Mia, thank you for being my best friend. Maraming salamat sa lahat-lahat. I'm so lucky dahil naging kaibigan ko ang isang Mia De Real."

 

Humiwalay siya sa'kin pero hawak naman niya ako sa magkabila kong balikat. "No Imee, ako ang maswerte. I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko.. I owe you a lot."

 

Matapos kong magpaalam kay Mia ay dumiretso na ako sa lugar na pakay ko. Wala akong dapat na sayanging oras. Dahil napakahalaga ng oras para sa akin ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa sasakyang binili ko nang makasama ko na si Mia. Tinanggal ko ang shades ko para mapagmasdan ang mansyong kinalakihan ko. Wala pa ring pagbabago. Napakaproud parin ng aura ng bahay na ito. Ito ang bahay ng mga magulang ko. Ang bahay na hindi ko nakita sa loob ng mahigit dalawang taon.

 

Inipon ko muna ang lahat ng lakas ng loob ko bago pumunta sa harap ng gate para magdoorbell. Pero natigilan ako nang makita ko ang lalaking papalabas sa bahay.

 

Si Zedd.

 

Lahat ng inipon kong lakas ng loob ay parang mga bulang naglaho. Bumigat ang dibdib ko. Nagbabadyang bumalong ang mga luha ko. Akala ko kaya ko na siyang harapin. Pero hindi pa pala. Akala ko lang iyon.

 

Napansin kong nakita niya na ako nang tumakbo siya patungo sa gate. Para akong napako sa kinakatayuan ko nang palapit na siya sa akin. I need to move. Hindi ko pa siya kayang makausap.

 

Tumalikod ako at naglakad palayo sa direksyon niya. Pero para akong naistatwa nang marinig ko ang usal niya.

 

"Imee.. Imee Jane, please don't walk away from me again. Please stay." Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko.

 

"I miss you Imee. Alam kong babalik ka. At tama ako, bumalik ka nga. Gusto mo na bang ipagpatuloy ang naudlot nating kasal?"

 

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko masabing namiss ko rin siya pero hindi kami pwedeng ikasal. Ayokong matali siya sa tulad kong iiwan din naman siya.

 

Hinarap niya ako sa kanya at tulad ng dati ay pinunasan niya ang mga luha ko. "Iyakin ka pa rin." Nakingiti niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

 

Then I saw my parents na papalapit sa amin. "Anak?"

 

Pinakawalan naman ako ni Zedd para mayakap ako ng mga magulang ko, "Anak, ano ba ang nangyari sa iyo? Okay ka lang ba?"

 

"I'm sorry Mom.. I'm sorry Dad.." Mahinang sabi ko sa kanila sa pagitan ng pag-iyak. Napakahina ko ngayon dahil wala akong nagawa kundi ang umiyak. Patuloy pa rin ang pag-uunahan ng mga luha ko kahit nakapasok na ako sa bahay namin. I miss this house of ours.

 

"Anak, ano ba ang nangyari at hindi ka sumipot sa kasal niyo Zedd?" Hinawakan pa ni Mom ang kamay ko na hawak ni Zedd.

 

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong ng Mom ko, "Ayokong pakasalan niya ako, Mom."

 

Napatingin silang tatlo sa akin dahil sa sinabi ko. Ramdam ko ang mga nagtatanong nilang titig kaya nagsalita na agad ako. "Ayokong pakasalan niya ko hindi dahil ayoko sa kanya kundi ayokong matali siya sa katulad ko.."

 

Kwinento ko sa kanila ang nangyari one week bago ang kasal. Lahat-lahat ng pinagdaanan ko.

 

"Hindi ako makakapayag Imee." Yakap-yakap ako ni Zedd habang umiiyak siya. While my Mom 's hugging herself while crying. Nagwalk out kasi si Dad matapos niyang sabihan ako ng ganito, 'Kung hindi pa mangyayari sa iyo ito hindi ka pa magpapakita sa amin!' I understand him. Alam kong kasalanan ko rin naman. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap ni Zedd para sundan si Dad sa study room. Alam ko kasing sa study room siya matatagpuan pag gusto niyang mapag-isa.

 

"Dad.. Sorry na.. Patawarin mo na ko." Sumamo ko habang kumakatok. Nagbabakasakaling pagbuksan niya ko ng pinto.

 

"Tigilan mo muna ako Imee Jane Li. Kailangan kong mag-isip."

 

Nakadama ako ng pagkahilo. Parang umiikot ang paligid. "Dad. Do you really want me to leave you?"

 

Wala akong narinig na sagot sa halip ay naramdaman kong bumigay na ang mga paa ko't nawalan na ako ng malay.

 

Sana'y mapatawad ako ni Dad.. At sana'y maging maayos din sila sa madaling panahon.

 

- 2 years and 5 months

anjelle

 

Author's Note:

Isa po itong One Shot. Magulo ang mga nangyari sa kwento di ba? Siguro mga tatlong tanong ang pinakakaunting naiwan sa inyo nang matapos niyo itong basahin. Siguro akala niyo ay nagkamali lang ako sa pangalan or what. HINDI PO AKO nagkamali. Talagang magkaiba sila. Kaya ganito yung story kasi gusto kong kayo ang sumagot sa mga tanong na hindi nasagot ng kwento.

Favor, icomment niyo kung ano sa tingin niyo ang sagot sa mga tanong na naiwan sa kwento. Kung hindi niyo binasa kada word na nandito ay talagang wala kayong maiintindihan. Yun lang. Salamat sa pagbabasa! :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet