4 Boys Over Flowers (My Filipino Version)

Description

4 Boys Over flowers ……………….

 

Si Alexandra Devera ay isang simpleng dalaga, tulad ng pangkaraniwan babae, siya ay may simpleng pangarap, ang makatapos ng pag-aaral, at makatulong sa magulang at kapatid. Masasabi na isa siyang suwerteng babae, dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapag aral sa America ng highschool ng libre, sa Yale International School sa New York. Kung saan pili lang sa buong mundo ang nakakapasok dito, ang mga bata na hindi lang basta matalino kung hindi genius, ito ang school na kung saan ang sponsor mo ay mga mayayaman at sikat na tao,madalas isali siya noon bilang representative ng school nung elementary pa lang siya sa mga quiz bee competition, hindi lang dito sa pilipinas kung hindi sa Singapore at China, dahil sa kanyang katalinuhan ay napansin siya ng isang mayaman na tao sa America na isa sa panauhin ng competion sa Singapore,   para mag aral sa nasabing school ang Yale Int’l School sa New York, hindi naging madali para sa kanya ang mahiwalay sa pamilya, pero pinorsegi siya ng kanyang mga magulang, nakitira siya sa bahay ng kapatid ng kanyang ama na si Tita Minerva Devera, na nakapag asawa ng Amerikano. Matapos siya na maka graduate ng highschool ay nagpasiya siya na dito na mag aral sa pilipinas, kahit na madaming University ang kumukuha at nag offer ng magandang scholarship sa kanya ay pinili pa din niyang makapiling ang kanyang pamilya. Hindi naging madali ang buhay niya sa New York, bukod sa hiwalay sa pamilya ay kailangan pa niyang makibagay sa mga kano doon, at iba ibang lahi na kanyang nakakasalamuha sa eskwelahan.

 

Nang makauwi siya ng pilipinas, naramdaman niya na sa wakas ay magkakaron na din siya ng simpleng buhay,  Ngunit ang hindi niya alam ay dito magsisimula ang kanyang bagong pakikipagsapalaran.

 

Foreword

Luke: Hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nagustuhan ko... ayoko sa iba ikaw lang...

Alexandra: Kalimutan mo yang nararamdaman mo....

Luke" Hindi Ayoko....

Alexandra: Hindi tayo para sa isa't isa...

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet