Chapter 5

My Sweet Little Princess

CUBAO! CUBAO!CUBAO!

Naalimpungatan si kim mula sa pagkakaidlip, tumingin sa labas ng bintana.napansin niyang maraming bumaba dun kaya bumaba na rin siya.lord, ikaw na po ang bahala sa akin, naluluhang usal ni kim.saan kaya ako pupunta? Tanong pa nito.nakakita siya ng upuan at umupo dun.anung mangyayari sa akin dito ngayon, hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa dito.luminga linga ito ng mapansin niya ang isang may katandaan na babae.nilapitan niya ito.maam okay lang po kayo?tanong nito ng mapansin niyang parang hindi ito makahinga.

Please, please utal utal na sabi ng matanda, my medicine, ung gamot ko pakikuha please.

Gamot po? tarantang sagot ni kim, nag aalala na rin siya sa nakikitang itsura ng matanda.saan po?saan ko po kukunin yung gamot niyo maam?

Inside my bag, sagot nito.

Dali daling hinalungkat ni kim ang bag ng matanda, nung Makita ang gamot, dali dali niyang inabot sa matandang nakapikit na.maam sabay tapik sa braso nito, ito na po yung gamot niyo inumin niyo na po dali.buti  na lang my natira pa akong tubig sambit ni kim.

 Nung mahimasmasan na ang matanda. Naku iha thank you ha, buti na lang nandiyan ka na tumulong sa akin.baka namatay na ako kung hindi ka dumating, inatake kasi ako ng high blood dahil sa init at pagod na naranasan ko sa biyahe.sabay hawak sa kamay ni kim.

Naku okay lang po yun maam, kahit naman po sino gagawin ang ginawa ko pag nakita kayong nangangailangan ng tulong.

Basta iha maraming maraming salamat sayo.saka wag mo na akong tatawaging maam.lola grace can be.sabay bukas sa kanyang wallet.here iha, take it.

Ha?naku lola grace hindi niyo naman po ako kailangang bayaran, Masaya na po ako na nakatulong ako sa kapwa ko.sabi ni kim.

Ang bait mo naman iha.patnubayan ka sana ng panginoon.dahil ayaw mong tanggapin ang perang binibigay ko, pumayag kana lang iha na ihatid ka namin sa inyo, sabi nito nung Makita niyang dumating na ang driver nito.

Naku, naku ,lola grace, wag na po.okay na po ako.basta mag iingat na lang po kayo sa susunod sabi ni kim.

Iha, sige na, pagbigyan mo na ako.hindi talaga ako aalis dito hanggat hindi ka pumapayag, naku delikado pa naman dito, maraming naglipana na masasamang loob.

Natakot si kim sa sinabi ng matanda.yumuko ito, kasi po lola wala po akong mauuwian dito.tumakas lang po ako amin.

Ha?naku iha tumakas ka pala sa inyo.delikado dito sa maynila, lalo na kung palaboy laboy ka lang.tutal sabi mo wala kang mauuwian, sumama ka na lang sa akin.sabi ng matanda

Pero nakakahiya po lola

Wala ng pero pero, gardo, kunin mo na ang bag niya.tara iha, ay ang tagal na nating nag uusap pero d iko pa natatanong pangalan mo iha.

Lola, kim po ang pangalan ko, nahihiyang sabi nito.

Aba, kagandang pangalan iha, halika na, sabay hawak sa kanyang braso at pumasok na sila sa sasakyan ng matanda.

Gardo, diretso na muna tayo sa mall okay,bibili muna tayo ng mga gamit ni kim

Lola, hindi na po, may mga damit naman po ako, saka kailangan niyo na pong magpahinga.

Okay na ako iha, wag mo na akong alalahanin.

Kayo po ang bahala lola.

Sa loob ng mall, kahit anong tanggi ni kim sa lahat ng  gustong bilhin ni lola grace wala siyang ngawa, andaming binili nito para sa kanya, damit, sapatos, mga alahas cellphone at kung anu anu  pa.lola maraming salamat po ha.andami niyo pong binili.

Konti pa yan iha.next time magsha shopping ulit tayo.

Thank you po, napakabait niyo po sa akin.

Welcome iha, alam mo nung nakita kita akala ko nandito ang asawa ng anak ko, magkamukhang magkamukha kasi kayo iha.

Ganun po ba lola? pero baka nagkataon lang po lola kasi marami naman po ang magkakamukha.

Sabagay iha.oh nandito na pala tayo.

Tumingin si kim sa labas.wow lola ang laki at ang ganda ng bahay mo.napapahangang sabi ni kim

Halika na iha baba na tayo.

Magandang hapon po donya grace, bati ng mayordoma nito. Ay maam pretzel kailan po kayo dumating?magkasama pala kayo ng mommy mo?tanong ng mayordoma.

Tumawa si donya grace, ibyang hindi si maam pretzel mo yan, siya si kim, siya ang tumulong sa akin nung nahilo ako sa terminal ng bus.sagot ni donya grace.

Ay, naku sorry po, sorry kim akala ko dumating si maam pretzel magka mukhang magkamukha kasi kayo eh.

Magkamukha pala kami talaga ng manugang mo lola?nagtatakang sabi ni kim.

See?i told you iha.ibyang samahan mo muna si kim sa magiging kwarto niya, dun na lang siya mag i i stay sa room malapit sa kwarto ng anak at manugang ko okay.

Opo donya grace.tara kim yaya nito, ipapakita ko yung kwarto mo.

Sige po lola, sama na po ako kay aling ibyang.

Sige iha, magpahinga kana rin, mamaya dinner time na. Go na iha.

Pumasok na si kim at ang mayordoma.wow, napatulalang sabi ni kim, aling ibyang ang ganda ganda po ang room na ito, parang kwarto ng prinsesa.

Siyempre naman kim eh prinsesa ba naman ang titira dito kaya dapat lang noh.

Kaw talaga aling ibyang, binola mo pa ako eh.

Naku kim, hindi kita binibola, ang ganda ganda mo talaga, prinsesang prinsesa ang dating, hay ganyan na ganyan si maam pretzel, oh diba bongga kamukhang kamukha mo ang dating miss universe.

Wow, talaga po?naging miss universe ang manugang ni lola.

Yap, true kim.oh siya sige lalabas na ako, feel at home ha.ay napa English pa ako, natatawang sabi ng mayordoma

Sige po aling ibyang, salamat po ulit.

Nagdive siya sa kama pagkaalis ng mayordoma, grabe ang lambot ng kama, tumalon talon pa ito.ang ganda talaga itong room na ito parang nananaginip lang ako, im sure pag nalaman ng mafriend ko to matutuwa yun, ay wait, tumakbo ito sa mga papaer bags na pinamili nila kanina nung my maalala siya, dali dali niyang kinuha ang bagong cellphone na binili ni donya grace para sa kanya at dinayal ang number ni maja,

Hello, who is this?vsagot ni maja

Mafriend, sabi ni kim.si kim ito kumusta?

Kim?as in kim? mafriend sigaw ni maja, over kahapon ka lang umalis dito pero may nahiraman kana ng cellphone agad para makatawag sa akin.

Grabe naman ang sigaw mo mafriend, cellphone ko to, kaya lagi na kita makakausap, natutuwang sabi nito

Mafriend, umamin ka, anong trabaho ang pinasukan mo?naku mafriend wag kang magkakamaling magtrabaho sa alam mo na ang ibig kong sabihin.

Natatawa si kim, hindi mafriend ganito kasi ang nangyari, kinwento nito ang buong pangyayari kay maja.

Bongga ka mafriend sabi ni maja pagkatapos niyang marinig ang kwento ni kim, biruin mo mafriend ang bait ni lord sayo at binigyan ka agad ng taong makakatulong sayo.salamat naman, makakahinga na ako ng maluwag.

Oo nga mafriend, ako din, nagpapasalamat ako kay lord kasi nakilala ko si lola grace, napaka bait niya sa akin, kahit ubod siya ng yaman hindi diya matapobre.narinig ni kim na my kumakatok sa kanyang  pinto, ah mafriend tawagan kita ulit mamaya ha, mukhang kakain na ata kami eh.

Oh sige mafriend, wait ko tawag mo ha, bye

Oo mafriend,bye bye

Maam kim, dinner na po.

Naku, kim na lang po naiilang akong tinatawag na maam.ay anu po pangalan niyo?

Ako po si ising maam

Ate ising kim na lang po

Sige kim, kung yan ang gusto mo, labas kana, inaantay kana ni donya grace.

Lumabas sina kim, nagdinner sila ni donya grace, pagkatapos nilang kumain nagyaya ang matanda sa terasa para magkwentuhan.

Lola, nagpapasalamat po ulit ako sa lahat ng tulong mo sa akin, hinding hindi ko po ito makakalimutan.

Iha, diba sabi ko sayo, ako dapat ang magpasalamat sayo dahil kung hindi mo ako tinulungan baka namatay na ako nun.pero maiba ako iha, ang sabi mo sa akin nun tumakas ka sa inyo, pwede ko bang malaman kung bakit?tanong ni lola grace

Nagsimulang ikwento  ni kim ang lahat ng nangyari sa kanya noon kay lola grace pero hindi binanggit ni kim ang pagiging ampon niya kaya ang alam ng matanda minaltrato lamang ito ng kanyang sariling pamilya, niyakap ng matanda si kim dahil naawa ito.shhhhh sabi ni lola grace kay kim nung Makita niya itong umiiyak na.God is good, lagi mo yan tatandaan iha, don’t worry ako ang pupuno sa lahat ng pagkukulang ng mga magulang mo.alo ng matanda.

Salamat lola, napakabait niyo talaga, naaalala ko ang kaibigan ko sa inyo, tulad niyo napakabait din niya.siya po ang tumulong sa akin para makaluwas ako ng maynila.

Ganun ba iha, gusto ko rin makilala ang kaibigang sinasabi mo, pero bago yan gusto kitang kausapin ng masinsinan, kung hindi ako nagkakamali nasa 16 or 17 ka lamang diba?

17 na po ako lola, sagot ni kim

It means tapos kana ng high school iha?gusto mo bang mag aral ng college?

Napatunganga si kim, college po lola? Gusto niyo po ba akong pag aralin sa college?

Yeah iha, tutal wala naman akong pinapag aral dahil matagal ng tapos ang anak ko, gusto kitang tulungan, gustong gusto kita, pakiramdam ko ang tagal na kitang kilala, ang gaan gaan kasi ng loob ko sayo iha.

Naiyak na si kim, yumakap ito sa matanda, thank you lola grace, pangarap ko po talagang makatapos ng pag aaral,payag po ako na mag aral.

Talagang mag aaral ka iha, dahil pipilitin kita, dala mo ba ang mga credentials mo?

Opo lola, dinala ko po, buti na lang nasabi ng kaibigan ko na kakailanganin ko ang mga credentials ko.

Mukhang close na close kayo ng kaibigan mo iha?

Opo lola. Magkababata po kami, sobrang bait din po niya

Kung tutulungan ko rin siyang makapag aral sa college papayag kaya iha?tanong ng matanda

Talaga lola?tutulungan niyo rin ang kaibigan ko?

Oo iha, kausapin mo siya, kumbinsihin mo para pumayag upang saganon may makakasama sa pag pasok sa school.

Sige po lola, tatawagan ko po siya, maraming salamat po talaga tuwang tuwang sabi ni kim

Masaya akong nakikitang Masaya iha, sige na kausapin mo na ang kaibigan mo at ng makaluwas na siya agad dito baka ma late na kayo sa pag papaenrol sa ANDERSON UNIVERSITY.

Nanlaki ang mata ni kim, lola sa ANDERSON UNIVERSITY po?pero mahal po dun masyado, nakakahiya naman po ata sa inyo

Iha, ako ang masusunod, maganda ang school nayun, saka isa pa dun ka nababagay mag aral iha, ang ganda ganda mo kasi, nakangiting sagot ng matanda, sa gastos wag kang mag alala iha, akong bahala sa lahat

Salamat po lola, sige kakausapin ko na po si maja, at tumakbo na ito papasok sa kanyang kwarto

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
philhaus115 #1
hello.....please update po..its been awhile since your last post....
thank you!!!
enderez #2
hi hello!!!sana makapag updates kana miss ko na magbasa ng kimerald ff mo...thanks
jixxypit1 #3
nasaan ka na iluvkg...pls naman update mo naman story mo pag may time ka ha...thx
jixxypit1 #4
i hope u can still update and finish this story. Please Christmas gift mo na..nakakamiss story mo. Thx
enderez #5
nakakabitin pls update naman dyan thanks....
jixxypit1 #6
pls update again soon. thx
cflores28 #7
i hope you can update soon! :)
galomkg #8
Update more plssssssss
KG4life #9
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa nice one kuya ge...idol!!! hahaha...kidnap ate kimmy just to let her love u again :p
jixxypit1 #10
I can't wait for your next update... I hope u can update again, please... Thanks so much.