Saranghae means I Love you

Description

LoveStory ng iba't ibang tao, ugali at kakayahan...............

Foreword

Cute daw ako? Pero maldita. Eeh sa ganyan talaga ugali ko eh ^_~. Ayoko sa lahat ng tao sa paligid ko dahil hindi mo alam kung sino ang totoo. Maraming nang nangyari sakin kung bakit ayaw ko nang magkaroon ng kaibigan. Dahil lahat sila iiwan ka, pati nga sarili kong pamilya hindi ko na makausap dahil lahat sila busy. Gusto ko sanang magkaroon ng kaibigan pero sana naman ung totoo.

 

~~~~~~~~~~

 

Tinuturing ko syang kaibigan ko kahit P.A. nya lang ako dahil sa tingin ko kailangan nya lang ng kaibigan na totoo sa kanya. Pero parang hindi nya maramdaman yung presence ko. Ano ba dapat kong gawin para maging kaibigan ko sya? Lagi naman syang nagmamaldita sakin. Gusto ko syang maging kaibigan kahit lagi sya maldita, gusto ko na ako kasama nya sa oras na umiiyak sya.

 

~~~~~~~~~~

 

Hindi naman talaga sya ang mahal ko eh, dahil daw lagi kami magkasama. Panong di kami parati magkasama eh bestfriend ko sya. Kaya minsan naiinis ako pagnangiinis sila tungkol samin, kaya siguro di ako napapansin ng mahal ko dahil lagi kami ang napapansin nila. Ang gusto ko lang naman kahit minsan lang mapakita ko na mahal ko sya, pero torpe ako eh. >_<

 

~~~~~~~~~~

 

Bata daw isip ko, siguro nga. Laging akong may lollipop, lagi pacute at laging nakangiti, parang bata lang diba? Mas mabuti ng isipin nilang isip bata ako kaysa naman isang problemado. Sa harap nila Masaya ako pero kapag ako lang magisa daig ko pa ang may namatayan sa sobrang lungkot. Sana di nila malaman na nagpapangap lang ako sa kabila ng ngiti ko. ^_^

 

~~~~~~~~~~

 

Misty ang tawag nila sakin, shortcut for mysterious daw. Wala akong pake kung ano man ang isipin nila.  Kung yung iba gusto nila ng maraming kaibigan, ako, ayoko dahil lahat ng napapalapit sakin nawawala. Pero meron akong isang kaibigan na kahit anong taboy ko sa kanya, lapit parin sya ng lapit. Ayokong mapalapit nanaman sa sa taong mawawala sakin ulit.

 

~~~~~~~~~~

 

Isa ako sa cute sa grupo, lahat nasa akin na pero ang kulang na lang, ikaw, Joke lng XD. Pero ang kulang sakin lovelife ko. Meron akong pamilya at kaibigan na nagmamahal sakin, marami rin ako talents pero lovelife ko ang kulang. May nangiinis samin ng bestfriend ko na magbf-gf kami pero hindi ko pinapansin dahil alam kong hindi totoo, Hangang bestfriend lang kami dahil iba ang mamahalin ko at iba ang mahal nya.

 

~~~~~~~~~~

 

 Ako daw ay isang cassanova? Lahat ng babae nagkakagusto sakin, eeh sa gwapo talaga ako eh. Nangunguna din ako sa kalokohan. Pero sya lng ang hindi nakukuha sa charms ko, gwapo naman ako? Pumapatol rin sya sa mga kalokohan ko. Pero tuwing nakikita ko sya parang nanghihina ako. Pero syempre di ako papatalo sa kanya, matira ang matibay *evil laugh*

 

~~~~~~~~~~

 

 

Moody akong tao, minsan malungkot, minsan tahimik, minsan maingay, minsan masaya. Ganyan talaga ang mga tao iba-iba ang ugali. May mahal ako kaya lang parang iba ang mahal niya. Gusto ko syang lapitan pero natatakot ako. Torpe na kung torpe, ayako lang na sa huli ako ang masasaktan. Sana kahit minsan mapansin nya ako. Anong gagawin ko?

 

~~~~~~~~~~

 

Ako daw ang pinaka cute sa grupo, ako rin ang maknea. Lagi akong nakikisali sa mga kalokohan nila. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa kanya mabait naman sya, pero bigla na lng lumalayo yung katawan ko sa kanya. Pero sa totoo lang gusto ko pa syang makikilala.

 

~~~~~~~~~~

 

Leader ako ng grupo, ako ang umaalalay sa kanila. Ako rin ang sabihan ng problema nila. Marami akong alam sa kanila pero sila walang alam sa totoong pagkatao ko. Hindi ko alam kung napapansin ba nila o hindi. Pero sana hindi nila malaman ang totoong ako.

______________________________________________________________________________________________

 

Sana nagustuhan nyo..........

 

 

Comments

You must be logged in to comment
Ydvvfjkch #1
Son naeun ❤️❤️❤️