Don't go...

Magkabilang Mundo


Kakagaling mo lang sa practice ng cheerdance nyo para sa festival ng school nyo. Pagod na pagod kana at ang gusto mo lang gawin ay matulog. Pero syempre bago ka matulog inaasahan mo ang isang text na manggagaling sa iisang taong mahal mo. Kala mo rin masusundo ka nya ngayon para ihatid sa dorm mo. Lagi nya naman sinasabi na susunduin ka nya pero ni isang beses hindi nangyari yun. Nagmumukhang tanga ka nalang lagi kakahintay sakanya.

Tinignan mo cellphone mo kung meron nagtext, pero puro gm lang pala ng mga classmates mo.
"asan kana ba?" lagi mong sinasabi yan kapag nawawala sya. Dahil hindi mo kayang tiisin ang hindi malaman kung nasan sya. Nagtext ka sakanya. Inasahan mo na rereplayan ka nya agad. Ang naalala mo kasi maaga tapos ng trabaho nya ngayon. Yes...May trabaho na sya at hindi na sya nag-aaral.
3 years ang agwat nyo sa isa't isa. 2 years na rin pala kaming magkasama. Nakilala mo sya sa isang bar na laging pinaghahang-outan ng mga classmate mo. 'nasa bar ka nanaman siguro' sabi mo sa sarili mo.

Pumunta ka dun kahit pagod na pagod kana. Alam mo kasing lasing nanaman yun. Naisip nyo siguro na baka may kasamang babae yun.
Yan ang hindi pa nangyayari. Pinagayan ko lang sya pumunta dun para mag inom at magsaya at hindi ang mangbabae.
Pagkapasok ko, ang unang naamoy ko agad ay ang usok ng sigarilyo at ang ingay ng mga taong nagsasayawan at nag uusap sa bawat parte ng bar.
'mahihirapan nanaman ako hanapin sya dito' napabuntong hininga ka nalang sa sobrang asar at pagod mo.

Nagpaikot ikot ka sa buong bar pero di mo nakita ang nag iisang taong inaasahan mong makita. Dahil din sa sobrang pagod mo, umorder ka ng isang orange juice sa counter. Habang nakaupo ka at naghihintay, may napansin kang parang may nahipo sa bewang mo. Balak mo sanang tumayo at sampalin yung tao pero may sinabi sya na nakapagpabago ng desisyon mo. "subukan mo lang sumigaw at lumaban. di kana makakalabas dito ng buhay" nanginginig kana sa takot. Hindi mo alam kung anu ang dapat mong gawin. Ang nagawa mo nalang ay ang manatili na nakaupo na parang walang nangyayaring panghahalay sayo. Dun mo rin naisip na mag-isa ka lang at walang taong kayang ipagtanggol ka. Ang iisang taong nasa utak mo ay hindi mo manlang alam kung nasaan. Napapaiyak kana sa nangyayari at gusto mo nang sumuko sa lahat.

Naramdaman mo na tumigil ang paghawak sayo ng lalaki at narinig mo na lamang ay ang pag sigaw ng mga tao sa paligid. Agad agad kang tumayo. Nakita mo na sinusuntok ni baekhyun yung sa palagay mong nanghahalay sayo. Agad agad kang pumunta ka kay baekhyun upang awatin ang away. Agad agad rin namang tumayo at lumayas ang maniac na yun. Hinarap mo si baekhyun. "Bakit mo ginawa yun!? panu kung nasaktan ka! Wala ang kuya mo dito para iligtas tayo!" inis mong sabi sakanya. Asar na asar kana talaga sa nangyayari sa araw na to. "Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko! at mas lalong kaya kitang ipagtanggol dun! di ko kailangan ang tulong ng boyfriend mo"."Wag kang ganyan magsalita sa kuya mo-" pinutol nya ang sasabihin ko at dinala ako sa likod ng bar. "Anu ba baekhyun! bitawan mo nga ako. Bat mo ba ko dinala dito!" nagpumiglas ako sa hawak nya. "Pinagtitinginan na tayo dun." sinagot nya habang nakayuko. "Uuwi na ko." "teka-!" humarap ako sakanya. "Anu yun!? maiiwan na ko ng bus. Gabi na oh!" "Di mo manlang ba tatanung ko nasan si kuya hae?" tanong nya. At dun rin pumasok sa utak ko ang purpose ng pagpunta ko dito. Lumapit ako sakanya.

"Alam mo kung nasan sya?" tanong ko sakanya pabalik. Tumango lang sya at nakita kong parang nag-aalinlangan sya. "talaga? Asan sya? Kanina ko pa sya hinahanap eh!" hindi ko pinansin ang pag-aalinlangan nya sa sobrang saya ko ng sinabing alam nya kung nasan si donghae.


"ahmm..kasi ano.." nakikita kong kinakabahan sya. "Anu baekhyun?" naiinis na ko. Nakita kong tinuro nya yung isang vip room sa taas ng building. "nandun sya?" tanong ko. Tumango lang sya. Nagsimula na kong pumunta sa vip room na sinabi nya. Nang narating ko yung pintuan ng room. Handa ko na sanang buksan ang pinto ng biglang may humawak sa wrist ko. Tinignan ko kung sino at nakita ko si baekhyun na nakatingin sakin ng malungkot at umiling. "wag ngayon please. umuwi ka nalang muna. nagpapahinga si kuya ngayon.." madaming pumasok sa utak mo nung sinabi mo yun. Dahil sa sobrang pagtataka mo kung anu ba talaga ang nangyayari. Binuksan mo yung pinto at may nakita kang sana hindi mo nalang nakita sa buong buhay mo.

Nagdali dali kang lumabas sa bar. Inis na inis at galit na galit ka sa sarili mo. Naramdaman mo na napaka tanga mo. Na wala kang silbi. Kulang nalang mamatay kana dahil sa kabobohan mo. Tumawid ka sa kalsada papunta sa playground na lagi mong pinupuntahan. Umupo ka sa isang swing at dun mo nilabas ang lahat. "NAIINIS AKO! BAKIT ANG BOBO KO! LAGI NALANG AKO GANITO. MATALINO NGA AKO PERO BOBO NAMAN SA PAGIBIG-" napatigil ka sa sinasabi mo nang nakita mong may isang anino ang nasa unahan mo. Handa kana sanang umalis nang hinablot nya yung kamay mo. "baby...paringgan mo muna ang sasabihin ko. "Anu nanamang palusot ang sasabihin mo ha?!" banat ko. "Paringgan mo muna kasi ako" Tumingin lang ako sakanya para hintayin ang sasabihin nya. "Sorry" Ayun lang ang narinig ko sakanya at wala nang iba. Yumuko sya ng ilang beses at dun ko naintindihan na mag-isa nga lang talaga ako. "Hindi na kita mahal..." isa rin yun sa sinabi nya. Parang binagbiyak ng ilang beses yung puso ko nang sinabi nya yun. Yumuko ako ng at umiyak ng tahimik sa harap nya.

Umiyak ako ng walang katapusan sa swing ng mag-isa. Iniwan nya ko pagkasabi nya ng mga katagang yun. Parang binibiyak parin ng paulit ulit yung puso ko sa sinabi nya. Ganun nalang pala kadali kalimutan yung pinagsamahan namin ng dalawang taon. Ganun nalang pala ako kadaling kalimutan ang mapaltan. Naramdaman kong may yumakap sakin. Tinignan ko kung sino. Hindi ko na binalak pang magpumiglas kay baekhyun. Sobrang pagod na ang puso ko. "nandito ako para sau. Di kita iiwan. Kahit anung mangyari nandito lang ako sa tabi" yan ang sabi nya sakin. Pinaulit ulit nya sakin yan hanggang napagod ako kakaiyak.

Lumipas ang isang taong. Magtatapos na rin ako. Eto na ang inaabangan ko sa buhay ko. Malapit ko na rin matupad ang pangarap ko. Parang dati lang isa akong babaeng mahina at walang determinasyon sa buhay. Isang babaeng humarap sa pagsubok ng buhay. Napagtanto ko rin na ang mga pagsubok ng buhay ang lalong nagpapatibigay sa isang tao. Nalaman ko rin na magkaibang mundo kami ng taong nang-iwan sakin. Magkaibang mundo na pinaltan ng kaparehas kong mundo.

May dalawang kamay na yumakap sakin sa likod. Di ko alam kung pano ko papasalamatan ang taong to. Kung hindi dahil sakanya. Nawalan na ko ng pag-asa. Siya ang dahilan ng kasiyahan ko ngayon. Isa rin sya sa inspirasyon ko sa buhay. At umaasa ako na habang buhay kasama ko tong bacon na to.
Bacon na nagbigay kulay sa buhay ko.

"I love you bacon" ngiti kong sabi sakanya.
"Bacon nanaman tawag mo sakin." ngisi nyang sagot sakin.
"Gusto mo naman yun diba?"
"oo naman. basta galing sau mahal ko." seryosong sagot nya.
"ayan ka nanaman eh" niyakap ko sya ng mahigpit.
"i love you too. tandaan mo yan. pag katapos ng 3 years. ipapakita ko naman sayo ang fourever."




♦END♦

tapos rin hahaha. pagod ako dun. sana nagustuhan nyo.
dont plagiarist pls. pinaghirapan ko yan u - u XD

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
APOBAN6PO13
#1
Chapter 1: NYEEEEAM
IKLee19 #2
Chapter 1: ANG GANDAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!! *u*